Aira POV
Andito parin kami hanggang ngayon,
hindi malaman ang gagawin.
Hinihintay namin sina Mia, kung nakahanap sila ng labasan.
"Okay ka na ba?" Napatingin ako sa kanya habang naupo sa tabi ko.
"Hmm." Tugon ko.
Para bang nakuryente ako ng magtama ang mga balat namin.
*dug* *dug* *dug*
Why Am I feeling like this?
"I'am so worried about you."
*dug* *dug*
"Ha?" Bigla akong napalingon sa kanya.
"Ah--I mean, nag-aalala kami sa'yo."
Sabi nito at umiwas ng tingin.
"Guys! Umalis na tayo ngayon na!"
Humihingal na wika ni Mia habang palapit saamin.
Bigla kaming napatayo.
Nagmadali kaming tumakbo.
"Kumukalat na ang usok sa buong lugar!"
"Ano?!" Gulat na sigaw ko. Hindi ito maaari. Hindi ko alam kung anong meron sa usok na iyon pero kailangan na naming makaalis dito.
Nagulat ako ng may biglang humawak sa kamay ko.
"What are you doing?" Tanong ko kay Kyler.
"Hinahawakan kamay mo." Sabi nito at binilisan ang takbo. Wala akong nagawa kundi ang magpatangay sa kanya.
Why are you doing this to me Kyler?
And why my heart is beating too fast?!
Bigla nalang akong nakaramdam ng malakas na pwersa at ang malakas na pagsabog dahilan upang tumilapon kami.
"Ahh." Daing ko. Hahawakan ko sana ulo ko ngunit nakahawak parin kamay ni Kyler saakin.
"F*ck! Are you okay Aira?!" Sabi nito at nilapitan ako.
Napatingin ako sa kanyang mukhang nag-aalala.
"Y-yeah I'm okay." Saad ko at tumayo.
"Guys! Okay lang ba kayo?!"
"Ano 'yun?!" Ansakit ng likod ko dun ah!"
"Let's go na guys!"
Nagpatuloy na kami sa pagtakbo.
Kailangan na naming humingi ng tulong.
"Malapit na tayo sa labasan guys!"
Nakikita na namin ang labasan.
Hindi ito ang elevator kung saan ang entrance isa itong emergency exit.
Nakahinga naman kami ng maluwag ng tuluyan na kaming makalabas.
"Where's Abe?!!"
Napatingin kami bigla kay Christine.
"Ha?!"
"Wala si Abegail Dito!"
What the!
"Babalikan ko siya sa loob!" Saad ko.
Akma sana akong babalik ng may pumigil sa kamay ko.
"Sasama ako." Napatingin ako kay Kyler at tumango.
"Ako rin." Presinta ni Mia.
"Ha?! Sasama din kami!" -Lee
"No! Stay here." Madiin na sabi ni Kyler.
"Lee, gamitin mo ang tablet para kontakin sina daddy okay? Humingi kayo ng tulong, ngayon na." Saad ko.
"Oo sige!"
Agaran uli kaming pumasok sa loob.
God Abe! Saan ka nagsusuot!
Nakakita ako ng mga nagkalat ng walkie-talkie.
"Guys, gamitin natin 'to." Sabi ko
"Kailangan nating maghiwalay, para masmapadali ang paghahanap natin may Abegail." Suhestiyon ko.
"Sige, mag-iingat kayo." Sabi ni Mia at agad na umalis.
"Aira--." Napatingin ako kay Kyler at naghintay sa susunod niyang sasabihin.
"Be careful--mamahalin pa kita." Tipid na ngumiti nalang ako kahit hindi ko narinig ang huli niyang sinabi.
Tuluyan na kaming naghiwalay ng landas.
Lakad takbo ang ginawa ko ngayon, hindi ako mapakali.
Pinuntahan ko ang lugar na dinaanan namin kanina, kahit marami na ang mga debris na nagkalat dahil sa mga pagsabog at pagkawasak ng pader.
"Guys, hindi ko mahanap si Abe pero may mga survivors akong nakita, palabas na kami." Saad ni Mia sa radyo.
"I'm still searching for her." -Kyler
Hindi na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Naging alerto ako ng nakarinig ako ng ingay at biglang pagsara ng mga pinto. Yung pang elevator na pinto ngunit malaki.
Shit! Na corner ako. Apat na gate sa magkabilang gilid. Nilapitan ko ang isa sa mga metal na gate at pilit kong binuksan ngunit ayaw.
Inilibot ko ang aking paningin at nakaagaw ng pansin ko ang mga cctv na naka install sa apat na sulok.
Someone's watching me behind those cameras.
Napapihit ako sa likuran ko ng bigla itong bumukas. Hindi na ako nagdalawang isip na lumabas mula sa lagusang iyon. Pagkalabas ko, agad uli itong sumarado.
They're playing with me eh?
Biglang umingay ang speaker at mayroong nagsalita.
Nakarinig ako ng palakpak.
"Matibay ka ah. Tingnan naging ang tapang at tibay mo, mayroon ka nalang limang minuto para mahanap ang kaibigan mo kung hindi sasabog ang buong gusaling ito at sama sama kayong magiging abo hahahaha."
Halos manlamig ako sa aking narinig.
"Walang hiya kang halimaw ka! Napakasama mo!" Sigaw ko.
"Hahaha, ang iyong limang minuto ay nagsimula na, sumaiyo sana ang swerte,hahahaha."
F*ck this!
Hindi na ako nagsayang ng oras pa at hinanap si Abe.
"Kyler, nakita mo na ba si abe?"
Nanginginig na tanong ko.
"Not yet, okay ka lang ba?"
"Y-yeah "
Pinuntahan ko ang lugar kung saan ginawa nila ang ekspiremento, malakas ang kutob ko na nandoon si Abegail.
Nakabukas ang metal door ngunit kalahati lang ito, katulad din ito ng pinto kanina.
Pumasok na ako sa loob. Magulo ito katulad kanina.
Naging alerto ako ng may marinig akong kalabog.
Nagmadali akong puntahan ang lugar kung saan nanggaling ang kalabog at tama nga ang hinala ko.
Agad kong nilapitan si Abe. Napasinghap nalang ako ng makita ang kanyang sitwasyon.
"Abegail!" Sigaw ko habang palapit sa kanya. Nakatali siya at may busal sa bibig. Bakas rin ang paghihirap sa kanyang mukha.
"Hmmmm!!!"
Ungol niya.
"God! Anong ginawa nila sayo!"
Saad ko at kinuha ang busal sa bibig niya agad ko rin siyang kinalasan.
Hingal na hingal siyang tumingin saakin.
"Ai-aira! May bomba!" Sigaw niya.
F*ck this
Nahagip ng mata ko ang time bomb sa gilid niya. Napalunok nalang ako ng makitang dalawang minuto nalang ang natitira.
"Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko sa kanya.
"O-oo"
"Shit! Abegail kailangan na nating bilisan, wala na tayong oras." Saad ko.
Inalalayan ko siyang tumayo.
"Nasakin na si Abegail."
"Nasan kayo?!" -Kyler
"Pabalik na kami."
"God! Ayos lang ba siya?!"-Mia
"But Guys, we have a problem. May bombang naka install sa buong lugar meron nalang kaming isang minuto para makalabas."
"Ano?!/What?!"
"Pupuntahan ko kayo!"-Biglang saad ni Kyler
"No! Malapit na kami, makakaabot pa kami!"
Binilisan pa namin ang aming paglalakad, lakad takbo ang gi nawa namin. Ngunit hindi namin inaasahan na may mga usok kming makakasalubong at sa mismong daraanan palabas ng building na ito.
"Aira, paano na tayo ngayon?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.
"Shhh, makakalabas tayo dito okay?"
Pagpapakalma ko sa kanya.
Malapit na saamin ang usok, wala kaming magagawa kundi ang daanan ang usok na iyon.
Sakto namang may nakita akong gas mask. Agad ko iyong kinuha.
"Aira!! Malapit na saat----" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin ng suotan ko siya ng gas mask.
Nanlaki ang mata niya ng hilahin ko siya.
"Aira!! Wala kang gas mask!" Sigaw niya, pilit niyang hinuhubang ang mask na suot niya ngunit hindi ko hinayaan.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Asan na kayo?!"
Hindi ko pinansin ang sunod sunod na tanong nila.
Huminga ako ng malalim at tumakbo papunta sa labasa. Meron na lamang kaming tatlumpong segundo para makalabas kami.
Napaubo nalang ako ng makalanghap ako ng usok. Pinilit ko ang sarili kong huwag matumba.
"Aira yung gate! Magsasara!"
Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Binitawan ko si Abegail at pinigilan ang pinto upang huwag tuluyang sumara.
"Aira! Anong--"
"Lumabas ka na!!!" Hirap na hirap na saad ko.
"Hindi kita iiwan dito!!!" Sigaw niya habang umiiyak!
"Mauna ka nang l-lumabas abe please!! Susunod ako P-pangako."
"Su-sunod ka Aira ha!!!" Sabi nito at tuluyan ng lumabas.
"Ano na Aira! Lumabas ka na riyan!!!!" Sigaw nito.
Hindi ko na yata kayang lumabas.
"Aira naman eh!!!!!!!!"
Ngumiti ako ng mapait.
"Aira!" Sinubukan niya akong lapitan ngunit agad kong binitawan ang pinto.
"Sabihin mo sa kanila, patawad." Tanging nasambit ko bago tuluyang sumara ang pinto.
Unti unti akong napaupo dahil sa panghihina ko.
"Aira! Nandiyan ka pa?! Bat wala pa kayo?!"
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Mia, s-sorry *cough*"
Napahawak ako sa bibig ko ng may tumalsik.
Dugo
Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi ako makahinga.
"A-ndito n-na si Abegail Aira, *sob* please lumabas ka na diyan oh!"
Napahagul gol nalang ako ng marinig ang boses ni Mia.
"Aira! Hinihintay ka namin!"
Mas lalo akong napaiyak ng marinig ko ang boses nila.
Napatingin ako sa hawak kong radyo. Saka ito pinindot
"Hey Aira!! Lumabas ka na dito!" Galit na saad ni Kyler.
"p-patawarin niyo ako."
Ngumiti ako.
"Makikita ko na siguro sina Mommy at Lolo."