Download App
31.25% Curse Of Arcana / Chapter 5: Curse Three : Payment of Debt

Chapter 5: Curse Three : Payment of Debt

CURSE THREE:

PAYMENT OF DEBT

At simula nga noon ay mag-isa nalang ako. Sinanay ko na sarili kong sumakay ng bus papuntang school ng mag-isa, natural, alang namang tumakbo ako mag-isa mula bus station? Magiging tampulan lang ako ng tukso noon.

Matapos ng klase ko'y nakasakay nadin ako ng bus ngunit nagkataon namang halos puno na ito dahil sa fix hour time. Alas singko, halos oras kasi ito ng pag-uwi ng mga tao galing sa kani-kanilang trabaho, eskwela at kung ano pa mang business o monkey business.

Magsisimula ko na sanang pagsisihian ang pagsakay ng bus—noong akala kong tatayo nako sa buong byahe—ng may biglang tumayong lalaki mula sa kanan ko para i-offer ang inuupuan nito ngunit tamang-tama naman na pagtayo no'ng lalaki'y pababa nadin 'yong aleng katabi nito kaya in the end ay pareho parin kaming nakaupo. Subalit, pinili no'ng lalaking paunahin akong paupuin sa may tabing bintana.

"Thank you." pasalamat ko naman pagkaupo

Nginitian na lamang ako no'ng lalaki. Kaso napakacoincidence naman na pareho kami ng binabaan noong lalaki.

Hindi nako nakapagpigil at tinanong ko 'yong lalake bago pa man din ito tuluyang makalayo, "Uhh...dito rin po kayo nakatira?"

Napalingon ang lalaki sabay sabing, "Mnn. See you around, Anise." Matapos noon ay dumiretso na siya papalayo.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Papanong alam no'ng lalaki ang pangalan ko gayong hindi ko pa naman ito sinasabi sa kanya?

Biglang akong kinilabutan kaya naman nagtatakbo nako patungo sa bahay habang takot na takot sa nangyari.

Pag-uwi ko'y kinilabutan nanaman ako sa nasaksihan ko. Gulo-gulo ang mga kagamitan na tila ba isang bagyo ang nanloob at grabeng destruction ang iniwan nito.

Agad kong hinanap si papa. "PAPA?!!!! NASAAN PO KAYO?!! PAPA?!!!" ang patuloy na pagtawag ko ngunit wala akong naririnig na sagot.

"PAPA?!!" muli kong tawag pagpasok ko ng silid ni Papa ngunit wala rin ito sa sarili niyang silid.

Lumabas ako para dumiretso sa may kusina at tumambad sa'king harapan si Papa na walang malay na nakahandusay sa may sahig, "PAPA!!!!!!!!!!!" sigaw kong muli sa Papa ko habang inaangat ko siya mula sa sahig.

"Papa, sino po may gawa nito? Papa, sumagot po kayo. Papa?!" pakiusap ko kay Papa na unti-unti ng nagkakamalay.

Agad naman akong inakap ni Papa pagkamulat niya ng kanyang mga mata, "Anise, anak!mabuti't ligtas ka!" ang sambit naman kaagad niya.

"Bakit po Papa? Ano po bang nangyari dito?"

"Huh?! Ah..." and then napahawak si Papa sa kanyang ulong sumasakit habang nirerecall ang mga nangyari. "Anise I'm sorry. I'm sorry. Gawa ng bisyo ko, nagawa ko ng ibenta ang mga ari-arian natin makabayad lang sa mga utang natin. Hindi ko na alam gagawin. Bakit ang dali kong nagpadala sa larong 'yon. Hindi ko na napigilan sarili ko." at nagsimula siyang humagolgol habang ako naman ay pilit na inuunawa ang sitwasyon.

Bigla-bigla ay bumukas ang pintuan at may isang lalaking pumasok. "Hello my good friend, I came to collect the payment of your debt." Ang agarang pagbati nito sa amin na para bang kilalang-kilala niya kami gayong ngayon lang namin siya nakita.

Ngunit nang makita ko pa siya ng mas malapitan ay nanlaki ang mga mata ko sa isang binatilyong lalaki na bigla nalang pumasok sa bahay namin at nagsasabing mangongolekta siya ng utang kay Papa sapagkat siya 'yong binatilyong nakasakayan ko sa bus kani-kanina.

Bigla namang humarang si Papa sa harapan ko at nagsalita, "Please, nakikiusap ako wala na talaga akong ibabayad sayo. Kinuha mo na lahat ng ari-arian ko. Wala na talaga. Maawa ka naman!" Pakiusap ni Papa ngunit in a snap of that man's finger ay may ilang pang lalake na pumasok sa bahay upang hawakan at paghiwalayin kami ni Papa.

Lumapit 'yong binata sa'kin upang titigan akong mabuti, "Kamusta Anise? We meet again." Ang mapangahas na pagbulong nito intimately sa tenga ko na nagpagalit kay Papang pilit na kumakawala mula sa bodyguards nong lalaki.

"Bitawan mo anak ko! hayop ka!" Sigaw ni Papa ngunit itinatawa lang ng lalaki ito.

"SINO KA BA?! BAKIT MO GINAGAWA SAMIN ITO! ANONG KASALANAN BA NAMIN SAYO?!" Ang sigaw ko naman na pilit ding kumakawala.

Biglang hinawakan no'ng lalaki ang pisngi ko sabay sabing, "Nakakadisappoint. Hindi mo na ako matandaan Anise? Or should I say Arcana?" biglang sabi nito na kung saan kumabog sa dibdib ko.

"Sino ka ba? Sinong Arcanang sinasabi mo. Hindi ako 'yon baliw!" sagot ko.

At bigla nalang napahalakhak sa sinabing kong 'yon. "Soon Anise, malalaman mo din soon but first I want to talk with your father." At bigla-bigla nalang itong humarap kay Papa para kausapin siya ngunit bago pa man din makapagsalita 'yong lalaki ay may maliit na bubog mula sa basag na bintana ang nakita ko malapit sa'king paanan.

Sinipa ko ito nang pagkalakas-lakas na siya namang saktong tumama sa may likuran ng binti noong lalaki at napasigaw ito sa sobrang hapdi ngunit agad din naman itong naagapan ng isang bodyguard niya na tinalian ng tela ang sugat pagkalinis nito.

Iika-ikang lumapit 'yong lalaki sa'kin at sinabing, "Wala kayong pinagkaiba ni Arcana. You both look the same if not for your hair." Haplos nito sa buhok ko.

"Sino ka ba talaga? Ano pa ba talaga gusto mo? Wala na nga kaming pera o ari-arian para ibigay sayo!" halos nagmamakaawa ng sabi ni Papa

Napatingin sa kanya ang lalaki, "Today, I've come to collect your payment Crisanto at ang tinutukoy kong kabayaran ay ang anak mo!" sabay turo sa'kin.

Ako? Ako ang kabayaran? Impossible, maski ba naman ako ipinusta sa sugal ng sarili kong ama?

Lumapit siya sa'kin at isinuot ang isang choker na may black heart pendant, "Bagay na bagay sayo. Ang tagal ko ding gustong makita itong masuot mo Arcana." And then bigla akong binitawan ng dalawang lalaking bodyguard noong lalake.

Habang nagpupumilit akong alisin 'yong choker ay laking pagtataka ko na hindi ko ito matangal-tangal.

Walang hook o kahit anong end ang choker na pwede kong alisin, maski nang subukan ko itong pigtasin para bang matibay pa sa rubber ang tigas nito at hindi mapigtas-pigtas.

"Uh-Uh-Uh! Anise, Anise, Anise... kahit anong hila mo sa kwintas na 'yan, hinding-hindi yan mapipigtas. Dahil ang choker nayan ay nababalot ng sumpa na maski ikaw ay walang magagawa. Kaya naman i-enjoy mo nalang na maging isang bihag na manika ko, Arcana." Ang biglang sabi noong lalaki.

Bigla namang nagsisigaw si Papa mula sa isang tabi, "Ano bang pinagsasabi mo baliw! Gago ka! Alisin mo yan sa anak ko! damn you!" Ang patuloy na pagmumura ni Papa na nagpainit sa ulo noong lalaki.

Sa isang kumpas ng kamay noong lalake ay para bang natahi ang mga bibig ni Papa sa pagkakakupit nito.

Aatake naman na sana ako gamit ang napulot ko na bubog ngunit ikinumpas muli noong lalaki ang kamay niya na kung saan ay pinanigas nito ang katawan ko na para bang naging isa akong rebulto, hindi ko magalaw ang sarili kong katawan.

"Akin ka lang Arcana at wala ng pwedeng umangkin sayo bukod sa'kin. Kaya kukunin kita sa ayaw at sa gusto mo." Bulong nito sa'kin nang muli siyang makalapit.

Bigla nalang pumatak ang mga luha sa mata ko habang nakapikit na sinasambit ang, "Tulong. Please. Lumayo ka and I even thought mabait ka sa pagtulong mo sa'kin kanina." I don't know what these words do bakit hindi ko na nararamdam ang hininga niya sa may leeg ko.

Pagmulat ko ng mata ko ay wala na siya maski ang mga bodyguards niya. samantalang si Papa, walang malay nanamang nakahandusay sa sahig.

What was that just now? Who is that guy really? Pa'no ba siya nakilala ni Papa?

*****End Of Flashback*****

Nang matapos ang pagflaflashback ko'y isa pading palaisipan sa akin ang mga sunod-sunod na kamalasan sa buhay ko pero isa talagang misteryo sa akin ang binatilyong iyon. para bang higit sa ari-arian namin ay may higit pa siyang interest sa pamilya namin pero hindi ko magawang maisip kung ano dahil halos wala naman nang makukuha sa amin.

Sinubukan ko ng i-idlip, napagod din ako sa field trip namin pero mas napagod di lalo ang utak ko sa pag-iisip at pag-aalala sa mga kamalasang naganap sa akin.

*****

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login