Download App
11.53% Crush kita noon, Mahal na kita ngayon / Chapter 6: Chapter 6

Chapter 6: Chapter 6

"So, sino si "Lex" sa buhay ng isang Jake de Castro?" Tanong ni Anthony na may maluwang na ngiti sa gwapo niyang mukha. Natawa naman si Jake sa kaibigan at sinimulan na ang pagkwekwento dito.

Dinala ni Rhian si Lexi sa Emergency Room para ipakilala. "Hello guys!" Masayang bati ni Rhian. "Hi Ma'am Rhian!" Sabay-sabay namang sabi ng dalawang ER nurse at dalawang ER aid. "Guys, I want you to meet our new Executive Secretary, Miss Lexi del Rosario." Sabi ni Rhian. "Hello po." Sabi ng mga ER staff. "Hi!" Nakangiting sabi ni Lexi. "Nasaan si Dr. Shane?" Tanong ni Rhian. "Ma'am, umakyat po sa ward. Nagpapatulong si Chief Bella sa pag-insert ng catheter." Sagot ng isang nurse. "Ah, ok." Sagot ni Rhian.

Ang Skylab Hospital ay may limang palapag. Nasa first floor ang mga clinics ng mga doctors, laboratory, Emergency Room, pharmacy, accounting at billing department X-ray room, 2-D echo room, doctor's quarters, canteen, Director's office, HR department at ang Operating Room. Nasa second floor naman and Ward 1 at nasa third floor ang Ward 2 na may kanya-kanyang nurse station at nurses' quarter. Makikita din ang Auditorium sa second floor at ang Conference Room ay sa third floor. Ang fourth floor naman ay ang penthouse ni Jake.. At ang fifth floor ay isang malaking space na pwede din gawing event's place para sa mga activities ng hospital tulad ng blood letting, medical mission, birthday party pati Christmas party.

Pinagawa ang fourth floor na penthouse dahil mas madalas mag-stay si Jake sa hospital. Minsan, kapag tambak ang trabaho ay dito na din natutulog si Rhian. Kapag naisipan naman ng mga magulang ni Jake na sina Daniel at Mila na dalawin ang mga anak ay dito na din sila nagpapalipas ng mga araw.

Ang sunod na department na pinuntahan nila Rhian at Lexi ay ang Accounting Department at ang pharmacy na magkatabi lamang. Sumunod ang X-ray pagkatapos ay ang laboratory kung saan nag-enjoy si Lexi sa pagcheck ng mga machines at reagents.

Habang tinitingnan ni Lexi ang buong laboratory ay may pumasok na mag-ina. Inabot ng nanay ang request sa medtech na duty. "Upo muna po kayo." Sabi ng medtech habang ini-encode ang pangalan ng pasyente at ito ay ang batang nasa limang taon gulang. Pagkatapos ay inayos na ng medtech ang gamit para sa pagkuha ng dugo at binigay sa nanay ang bote na lalagyan ng ihi.

Dahil two days ng may lagnat ang bata, kailangan masuri ang dugo at ihi niya para malaman ng doctor kung ani ang dahilan ng lagnat nito.

"Tara na?" Sabi ni Rhian kay Lexi. "Mamaya na." Sabi ni Lexi at tinuro ang bata.

Nakita pa lang ng bata ang karayom ay umiyak na ito. Kinalong ito ng ina para mahawakan ang kamay pero patuloy pa din sa pag-iyak ang bata. Tinawag na ng medtech ang kasama niya dahil nagwawala na ang bata at ayaw magpakuha ng dugo. "Ayoko, ayoko." Sabi nito na umiiyak. Hindi maitusok ng medtech ang karayom sa braso ng bata dahil nagwawala nga ito at maaring hindi niya tamaan ang ugat dahil sa malikot ito.

Lumapit si Lexi at tinapik ang medtech. "Pwedeng try ko?" Tanong ni Lexi. Tumingin ang medtech kay Rhian at ng tumango ito ay binigay na ang syringe kay Lexi. Sinenyasan ni Lexi ang ina at ang isang medtech na bitiwan muna ang bata at iupo sa upuan.

"Hello baby, anong name mo?" Sabi ni Lexi na nakangiti. Tumingin ang bata sa kanya at ng makita nito ang maganda niyang mukha ay tumigil ito sa pag-iyak. Nagkatinginan ang medtech at si Rhian.

"Aira po." Sagot ng bata. "Ilang taon ka na?" Tanong ni Lexi. "Five po." Sagot nito. "Wow, big girl ka na pala. Ano bang masakit sa iyo?" Tanong ni Lexi. Tinuro ng bata ang ulo at ang tiyan nito. "Alam mo ba kung bakit kailangan kang kunan ng dugo?" Tanong ni Lexi. Umiling ang bata. "Para gumaling ka na. Para mawala na ang sakit ng ulo at tiyan mo. Kasi pag hindi ka pumayag na kunan ng dugo, hindi ka gagaling tapos iiyak si mommy. Gusto mo ba yu?" Sabi ni Lexi. Tumingin ang bata sa ina at umiling ito. Nangingiti naman si Rhian sa kaibigan.

"Matapang ka ba Aira?" Tanong ni Lexi at tumango ang bata. "Gusto mo bang gumaling?" Isa pang tango mula sa bata. "Ok! Dahil matapang si Aira at para gumaling na si Aira at para hindi umiyak si mommy, magpapakuha ka na ng dugo?" Nakangiting tanong ni Lexi at nakahinga ng maluwag ang lahat ng tumangong muli ang bata. "Bilang ka lang ng 1-5 ha? After ng 5 tapos na, ok?" Tanong muli ni Lexi at tinali na ang torniquet sa braso ng bata. Nilinis ng alcohol ang paligid ng tutusukan niya.

"Ok, bilang ka na ng 1-5!" Sabi ni Lexi. At nagbilang na nga ang bata at hindi pa man nakaka 3 ang bata ay nakuha na ni Lexi ang blood sample na kailangan nila. "Ok na!" Sabi ni Lexi. Tinanggal na ng bata ang kamay na itinakip niya kanina sa mga mata bago siya tusukan ng karayom ni Lexi. "Hindi naman pala masakit!" Pagmamayabang ni Aira at nagkatawanan sila.

"Dahil matapang si Aira, gusto mo ba ng lollipop?" Tanong ni Lexi at nagmamadaling tumango ang bata at tumayo ito sa kinauupuan. "Tara!" Sabi ni Lexi at hinawakan ang kamay ng bata. Nakasunod sa kanila ang ina ng bata at si Rhian na parehong nakangiti.

Nang matapos ang blood test ay dinala na ng medtech ang results sa ER. "Ang lakas nung sigaw nung bata ah. Dinig hanggang dito. Paanong ginawa ninyo?" Tanong ng ER nurse sa medtech. "Yung kasama ni Ma'am Rhian, siya kumuha. Grabe, ang tiyaga niya dun sa bata." Sabi ng medtech. "Medtech din siya?" Tanong ng nurse. "Mukha kasi ang galing niya saka ang bilis ng kilos. Hindi naramdaman nung bata yung tusok." Sabi ng medtech. "Wow, ang ganda na tapos magaling na medtech pa. Bakit Kaya secretary ang inaplayan niya?" Tanong ng nurse. Nagkibit balikat naman ang medtech at umalis na.

Nandoon na si Dr. Shane at nadinig niya ang pinag-usapan ng dalawang staff. "May bagong secretary si OIC?" Tanong ng doctor. "Opo doc. Ang ganda kaya, sayang wala ka kanina." Sabi ng aid. Tumango-tango lang si Shane.

Pagkatapos ibili ni Lexi ng lollipop ang bata ay hinatid na niya ito sa ER. Naging close na agad sila ng bata na aakalain mong sila ang mag-ina dahil nakahawak pa sa kamay niya si Aira. Samantalang nakasunod lang sa kanila ang tunay na ina at si Rhian.

"Oh, Dr. Shane, nandito ka na pala!" Bati ni Rhian. "Yep, nasa ward ako kanina. Nangtoxic na naman si Bella." Nakangiting sabi nito na napalingon kay Lexi at sa batang iniupo nito sa ER bed. "Nga pala, Dr. Shane, si Lexi, newly hired secretary ni kuya." Sabi ni Rhian. "Hi!" Sabi ni Lexi na nakangiti. Para namang nagayuma si Shane sa pagkakatingin kay Lexi. Nakita ito ni Rhian. "Ooopps, already taken." Sabi ni Rhian. "Oh." Sabi ni Shane na napahiya ng konti.

Pinalo naman sa braso ni Lexi ang kaibigan. "Totoo naman di ba? Hindi pa nga lang official pero sooner or later doon din ang punta noon." Nakangiting sabi ni Rhian. "Huwag kang paasa." Sabi ni Lexi at nilapitan na ang bata para magpaalam.

"Ang ganda Doc, noh?" Tanong ng nurse. "Oo nga, kaso taken na." Sabi ni Shane. "Di mo ba nadinig Doc? Hindi pa official kaya may pag-asa ka pa!" Sabi ng nurse. Natawa naman si Shane. "Magtrabaho na nga tayo." Sabi nito sabay tayo at lumapit na sa bata.

Pagkatapos sa laboratory ay umakyat na sila Lexi at Rhian sa second at third floor. Pagkatapos ay dumiretso na sila sa penthouse ni Jake.

"Sandali, bakit parang hindi na ito part ng hospital." Sabi ni Lexi na inikot ang paningin sa corridor. "Ah, oo, part pa din naman kaso exclusive na ito para sa amin at ngayon eh pati na din sa iyo." Sabi ni Rhian sabay kindat kay Lexi. Kumunot naman ang noo ng dalaga.

Pagdating nila sa pinto ay deretsong pumasok si Rhian sa loob. "Nanay?" Tawag ni Rhian at pagkatapos ay may lumabas ng matandang babae mula sa kusina. "Magandang, anong oras na ba ngayon?" Tanong ni Rhian na tumingin sa relo. "Ay, ang bilis ng oras! Manang dito po kami maghahapunan ha?" Sabi ni Rhian sa matanda. "Walang problema iha, malapit na din naman akong makaluto. Sabi kasi ni kuya mo ay dito din kakain si Anthony." Sabi ng matanda na si Aling Marie. "Aba, at dito din pala kakain ang mokong na yun. Nga pala Nay, si Lexi po." Sabi ni Rhian. "Magandang hapon po." Magalang na bati ni Lexi. "Magandang hapon din iha. Sandali, parang pamilyar ka." Sabi ng matanda ang inalala kung saan nakita ang dalaga. Ngumiti si Rhian.

"Ah, ikaw yung nasa pic..." Hindi natapos ni Aling Marie ang sasabihin ng makita si Jake na nagbigay ng signal na huwag maingay. "Ano po?" Takang tanong ni Lexi. "Ah, wala, wala iha. Matanda na ako kaya nakalalimot na din paminsan-minsan." Sabi ng matanda.

Nagulat ang dalawa ng magsalita si Jake. "Nandito na pala kayong dalawa. Masyado kayong nag-enjoy sa pag-ikot sa buong hospital ah." Sabi ng binata. "Nako kuya, itong Secretary mo ang nag-enjoy sa lab. Biruin mo hustler na hustler sa pagkuha ng dugo. Nakakuha na tuloy agad siya ng fan." Sabi ni Rhian. Kumunot ang noo ni Jake. Si Lexi naman ay gustong batukan ang kaibigan.

"First day pa lang may fan na agad?" Sabi ni Anthony. "Yep, kaya kung ako sa iba diyan, babakuran ko na agad kasi baka maagaw pa ng iba." Sabi ni Rhian. "Nako, sino ba yang sinasabi mo?" Sabi ni Anthony. "Nasa tabi tabi lang naman." Sagot ni Rhian. "Mukang magkasundo kayo ngayon ah." Sabi ni Jake sa dalawa. Nagkatinginan naman sila Anthony at Rhian at pagkatapos ay nanahimik na.

Tumingin naman si Jake kay Lexi at ng magtama ang mga mata nila ay namula ang dalaga. Umiwas ng tingin si Lexi at pinuntahan na lang si Aling Mercy at tinulungan mag-ayos ng mesa.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login