Download App
1.02% Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) / Chapter 10: Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (10)

Chapter 10: Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (10)

Editor: LiberReverieGroup

"Mr. Lu, kailangan na po nating umalis, lilipad na po ang eroplano sa loob ng 2 oras..."

"Makakaalis ka na." Putol sa kanya ni Lu Jinnian.

Nagulat ang assistant niya na may sasabihin pa sana, nang magsalita ulit si Lu Jinnian, "Gawin mong bukas ng umaga ang flight ko pabalik ng Rome. Hindi ako tutuloy ngayon."

Nang makaalis ang kanyang assistant, lumipat si Lu Jinnian sa driver seat. Habang hawak ang manibela, sinimulan niya itong tapik-tapikin. . Sa wakas, na tila sumuko na ay pinaandar nito ang sasakyan papunta sa lunsod.

---

Matapos ang salu-salo para sa 'To the End of Time', si Zhao Meng ang nagmaneho kay Qiao Anhao pabalik sa Mian Xiu Garden.

Ang Mian Xiu Garden ay isa sa mga mamahaling distrito sa Beijing na napapalibutan ng bundok. Dito ang marital house na tinitirahan nila Lu Jinnian at Qiao Anhao.

Itinigil ni Zhao Meng ang kotse sa harap ng villa. Tumigil na ang ulan matapos linisin ang dumi sa daan. Nagliwanag ang daan dahil sa pag-reflect ng ilaw sa mga poste sa tubig ulan sa sahig.

Matapos niyang magpaalam, hinintay ni Qiao Anhao si Zhao Meng na makalayo bago kinuha ang susi sa kanyang bag at binuksan ang main door.

Dahil sa ulan, ang mga bulaklak sa harap ng kanilang bahay ay naglaglagan na. Amoy sa hangin ang halimuyak na dala ng mga bulaklak kasama ng amoy ng tubig ulan.

Kahit na hindi kalayuan ang villa sa main door, mabagal itong nilakad ni Qiao Anhao. Nag-iisip si Qiao Anhao habang nilalakad ang daan papunta sa main door.

Bumalik na si Lu Jinnian galing Rome, babalik kaya siya ngayong gabi? O nasa villa na siya, kaya siguro masyadong tahimik.

Matapos ang nangyari sa kanilang dalawa, hindi magawang harapin ni Qiao Anhao si Lu Jinnian. Iniisip niya palang na makikita niya ito, labis na takot at kaba ang kanyang nadarama.

Nakatayo siya sa harap ng pinto nang nakapikit. Ilang beses niyang sinubukang huminga ng malalim bago tuluyang buksan ang pintuan.,

Maliban sa dalawang naglilinis ng bahay, wala ng ibang tao dito. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto at sinuri ang buong salas. Nang nakumpirma niya na walang ibang tao, sinuot niya ang kanyang tsinelas at umakyat sa taas. Nang masigurado niya na walang tao, huminga ito ng malalim at saka huminahon

Wala siya sa villa… pero uuwi kaya siya ngayong gabi?

Kung isasantabi mo ang nakaraang tatlong buwan, matapos nila na makasal, minsan lang dumaan si Lu Jinnian sa Mian Xiu Garden ng walang partikular na oras pero hindi ito lalagpas ng 1 am.

12 na ng madaling araw, kung wala pa siya sa loob ng isang oras, malamang ay hindi na ito babalik ngayon gabi.

Mabagal na lumipas ang oras para sa hindi mapakaling puso ni Qiao Anhao. Nang tumama ang orasan ng 1 am, saka lang siya nakapag-relax. Buong araw siyang pagod at ngayong puwede na siyang makapagpahinga, binagsak niya ang sarili niya sa sofa.

1 am na, hindi na siya babalik ngayong gabi.


next chapter
Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C10
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login