Download App
4.54% Blood Rush 2
Blood Rush 2 Blood Rush 2 original

Blood Rush 2

Author: Jorrie

© WebNovel

Chapter 1

Tinanggal niya ang leather gloves sa kamay niya at isiniksik iyon sa back pocket ng jeans niya. Titig na titig siya sa babaeng walang malay na nakaupo sa steel chair na nasa gitna ng malawak na sala, naka posas ang kamay nito sa likod, pati ang paa nito. Umaagos ang dugo mula sa sugat sa gilid ng noo nito. Prente siyang naupo at nag de-kwatro ng paa. Ipinatong ang dalawa niyang braso sa armchair habang ang isa niyang kamay ay mahigpit na hawak ang baril na nakatutok dito. Tumutugtog ang instrumental ng Moon river sa long playing, ipinikit niya ang mga mata at malalim na huminga.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng sasakyan na parating. Inihanda niya ang sarili sa mga maaaring mangyari.

"What the fuck..."

Idinilat niya ang mga mata nang marinig niya ang boses ni Tia. Pumasok ito ng Mansion at agad na nilapitan si Sabrina na wala pa ding malay na nakaupo sa upuan na nasa bandang harapan niya.

"Sab... Sabrina, wake up..." Hinawakan nito ang mukha ni Sabrina at malakas na nagmura nang makitang duguan ang noo nito.

"Tianna..." Tawag niya dito.

Lumingon sa kanya si Tia at agad itong tumayo nang makita siya, binunot nito ang baril sa likod at itinutok sa kanya. Hindi nito napansin na naroroon siya dahil madilim ang paligid. Pinihit niya ang lampshade na nasa lamesa sa gilid niya.

"Althea, what's the meaning of this?" Puno ng kaseryosohang tanong nito sa kanya. Nakatutok pa din sa kanya ang baril nito.

"I am here to save you." Aniya sa mahinang tinig.

"Save me? What do you mean?"

Doon na unti unting nagkamalay si Sabrina. Nagkakawag kawag ito pero dahil sa nakaposas ang kamay nito sa likod pati na ang paa nito'y hindi ito makawala at makakilos.

"Tianna, kill her, papatayin niya tayong dalawa!" Sigaw nito kay Tianna.

"You can't shoot me Tia." Aniya. Hindi pa din siya tumatayo mula sa pagkakaupo. Itinutok niya ang hawak na baril kay Tia. "But I can pull this fucking trigger and kill you and your bestfriend."

Hindi nakakibo si Tia sa sinabi niya pero hindi din nito ibinababa ang baril mula sa pagkakatutok sa kanya.

"God damn it Tianna, shoot her!" Muling sigaw ni Sabrina.

Mahina siyang tumawa. Ipinutok niya ang baril at humaging ito sa gilid ng mukha ni Tia. Parang nakita pa niya ang ilang hibla ng buhok nito na naputol. Hindi naman ito natinag, hindi ito nagulat, nanatili itong nakatayo doon, nakatutok ang baril sa kanya.

"Let me tell you a story Tia." Tumayo siya sa pagkakaupo at isinuksok ang baril sa gilid ng jeans niya. "May dalawang magkaibigan, lumaki sila ng sabay, minahal nila ang isa't-isa na parang tunay na magkapatid, pero one day, kinain ng inggit ang isa dahil mas better, mas magaling sa kanya ang bestfriend niya sa lahat ng bagay, kaya gumawa siya ng plano, isang plano para patayin ang sarili niyang kaibigan."

Nakita niya ang pag-iiba ng expression ng mukha ni Tia. Nakita niya ang pagkalito at pagtatanong sa mga mata nito.

"General Primo was a double agent Tia. Hindi nanggaling sa S.I.S ang order na pag assassinate sa 'yo."

"Don't believe her Tia. She left you, iniwan ka niya at pinagpalit sa iba. Sinaktan ka niya!" Sigaw ni Sabrina.

"Nag ta-trabaho si General Primo sa Belleforth Agency. Doon nanggaling ang order na patayin ka."

Lumapit siya kay Tia. Nakatutok pa din sa kanya ang baril nito.

"For two years na nawala ako, wala akong ibang ginawa kundi ang hanapin at tuklasin who is the person behind Belleforth, and you wanna know kung sino?"

"Sino?" Matigas na tanong nito sa kanya.

"Si Sabrina Crisostomo."

"Lies! You fucking liar! Tia, we'd been together all our life, don't let this bitch ruin us!"

"She wants to kill you para siya ang hahawak ng buong Drug Cartel sa Trinidad. Hindi niya hahayaan na buwagin mo ang sindikato Tianna, iyon ang dahilan niya kung bakit gusto ka niyang ipapatay."

Nakita niya ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Tia. Pumikit ito at ibinaba ang baril mula sa pagkakatutok sa kanya. Binitawan iyon at nahulog ito sa sahig.

"Tianna, listen to me... she's making up stories para sirain tayo, she's still an S.I.S agent, pumasok siya sa buhay natin para sirain tayong dalawa, para buwagin tayo, huwag kang maniwala sa kanya!"

"Why?" Mahinang tanong ni Tia dito.

"Tianna..."

Humarap si Tia kay Sabrina at puno ng hinanakit na tinitigan ito sa mukha.

"Why?!" Malakas na sigaw ni Tia dito.

Katahimikan.

"Minahal kita ng higit pa sa kapatid. We protected each other from our enemies... bakit Sab? Anong nangyari?"

Katahimikan.

"Tell me!!" Muling sigaw dito ni Tianna.

"Because you're weak!" Pasigaw din na sagot dito ni Sabrina. Natigalgal si Tia sa sinabi nito. "You're so fucking weak Tia. Willing ako na maging second best sa 'yo, willing ako na maging loyal second hand mo, I don't care as long as we're together, pero fuck Tia, gusto mong buwagin ang isang bagay na kay tagal nating pinaghirapang buuin, dugo at pawis ang pinuhunan natin sa Sindikatong ito pero ikaw, gusto mong sirain ang lahat. Gusto mong talikuran ang lahat! Gusto kong ipakita kay Ismaela na you don't deserve to be her successor dahil mahina ka pero ikaw at ikaw pa din ang pinipili niya. Hahayaan niya na buwagin mo ang sindikato once na nag retire siya, pare-pareho kayong mahihina!"

Katahimikan.

Hindi nakakibo si Tianna sa mga revelations ni Sabrina. Kitang kita niya sa mukha nito ang labis na sakit at pagdaramdam.

Nilapitan niya si Tia, hinugot niya ang baril na nasa tagiliran niya at iniabot dito.

"Kill her." Utos niya dito. Nang hindi kinuha ni Tia ang baril ay sapilitan niya itong pinahawak sa dalaga at itinutok at okay Sabrina. "Go Tia, just fucking shoot her." Muli niyang utos dito. Nakita niya ang paghigpit nang pagkakahawak ni Tia sa baril.

Pero hindi nito magawang kalabitin ang gatilyo. Hindi nito magawang patayin si Sabrina.

"She betrayed you Tianna. Kill her."

Nang hindi pa din kumilos si Tia ay galit na inagaw niya ang baril dito at itinutok kay Sabrina. Walang sabi sabing pinagbabaril niya ito.

"No!" Sigaw ni Tianna. Nilapitan nito ang naghihingalong dalaga. Hinawakan ito sa mukha at umiiyak na niyakap ito.

Naririnig pa niya ang malalalim na paghinga ni Sabrina, halatang hirap na hirap na ito at malapit nang mamatay, lumapit siya dito, nagpunta sa likuran nito, iniyakap ang kanang braso niya sa leeg nito at tsaka niya ito binalian ng leeg. Tianna was in horror, wala itong nagawa. Hindi man lang siya nito nagawang pigilan.

"Mahina ka." Ang tanging nasabi niya kay Tia.

Tinalikuran na niya ang dalaga, naririnig pa din niya ang mahina nitong pag-iyak. Iniiyakan nito ang pagkamatay ng traydor nitong kaibigan.

Pareho silang natigilan ni Tianna nang malalakas na palakpak ang narinig nila. Dumating si Ismaela kasama ang mga tauhan nito sa Mansion. Ngiting ngiti ito sa kanila.

"What a great show Althea." Bati nito sa kanya. "You killed Sabrina and now you're going to kill Tianna for me."

Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Nakatutok sa kanila ang baril ng mga tauhan ni Ismaela. Wala siyang nagawa kundi ibaba ang baril niya at ihagis iyon sa direksyon ni Ismaela.

"Ang gusto ko sana si Tianna ang papatay kay Sabrina, kaso Tia will always be Tia. Weak, soft hearted, emotional."

Tumayo si Tianna at humarap kina Ismaela. Hindi ito nagsasalita.

"I counted on you Tianna, I nurtured you, shaped you, I made you, but you became stronger than me, mas sinusunod ka na nila kaysa sa akin, mas kinakatakutan, mas pinapaniwalaan, mas iginagalang. I was ready to retire Tia, but you, you little piece of shit, plano mong buwagin ang sindikato pag nag retire ako, lahat ng binuo ko, lahat ng pinagpaguran ko, lahat ng isinakripisyo ko para sa Drug Cartel itatapon mo ng ganoon ganoon lang." Umiling iling pa ito at nakangising tumingin kay Tianna. "You made a mistake this time Poison Ivy, you are not that good afterall." At muli itong tumawa ng malakas. "Maura, that poor little girl was my woman. Isa sa mga inutos ko sa kanya na kapag nagkagipitan, si Sabrina ang babanggitin niyang pangalan and you bought it."

Naupo ito sa upuan na kanina ay inuupuan niya. "I can kill you easily Tianna, pero napakaraming loyal sa 'yo sa Sindikato, I have to put the blame on someone else, naisip ko ang S.I.S, pero they don't want to kill you, good thing General Primo was a greedy man, he worked for Belleforth, he worked for me, so He hired Poison Ivy to kill you, but you Althea, mas makati ka pa sa higad, mas inuna mong lumandi, mas inuna mo ang puso mo kaysa sa mission mo." Huminga ito ng malalim, nagsindi ng sigarilyo at pinagpalit palit ang tingin sa kanilang dalawa ni Tia. "You will be my scapegoat Althea. Ikaw ang pumatay kay Sabrina at kay Tia, we came here too late. Nice story, isn't it?"

Hindi pa din sila nakakibo ni Tianna.

''This is the moment I've been waiting for, it's like hitting three birds in one stone." At humalakhak ito ng malakas.

"It's time." Aniya. Napatitig sa kanya si Ismaela.

"What did you just said?" Tanong nito sa kanya.

"It's time." Pag-uulit niya.

"It's time Ismaela for you to die."

Gulat na gulat na napatitig ito kay Sabrina na tumayo mula sa kinauupuan nito, may hawak ito na maliit na remote control, nang pindutin ito ng dalaga'y nagputukan ang mga machine guns na nakakakabit sa ceiling ng mansion at nakatutok sa bandang pintuan kung saan ay naroroon ang mga tauhan ni Ismaela.

Mabilis niyang pinulot sa sahig ang baril ni Tia na binitawan nito kanina at binaril si Ismaela diretso sa gitna ng noo nito.

Walang kakilos kilos na nakatitig lang si Tia sa wala ng buhay na si Ismaela. Parang hindi pa din ito makapaniwala sa lahat ng nangyari. Tanging sila lamang ni Sabrina ang nakakaalam ng plano nilang iyon, hindi nila ito pinaalam kay Tia dahil alam nila na sa kabila ng napaka strong na personality ni Tia sa likod niyon ay ang pagiging soft hearted nito. Alam nila na hindi nito magagawang patayin si Ismaela.

"Nagplano kayong dalawa at hindi ninyo ako isinama sa mga plano n'yo." They can feel the hurt ni Tia's voice.

"I'm sorry Tia, but we have no choice..." Paliwanag naman dito ni Sabrina.

"Why? Dahil mahina ako? Dahil ang tingin ninyo sa akin, mahina, emotional, loser."

"Hindi 'yun ganoon Tia." Nilapitan ni Sabrina si Tia at hinawakan ito sa braso. "You are like a little sister to me, kilala kita mula ulo hanggang paa, alam ko kung gaano mo kamahal si Ismaela, alam ko na hindi mo siya magagawang patayin, alam ko na hindi ka maniniwala sa amin ni Althea kung sa una pa lang, sinabi na namin sa iyo na siya ang pinaghihinalaan namin na may pakana nang pagpatay sa 'yo..."

"At tingin n'yo, sisirain ko lang ang plano ninyo?" Tumingin si Tia kay Sabrina. Helpless naman na napasulyap sa kanya si Sabrina, parang humihingi ito ng tulong sa kanya na magpaliwanag sa dalaga.

"Come on Tia, you can't even kill Sabrina kahit na inamin na niya sa iyo na trinaydor ka niya. Anong gusto mong isipin namin? Sigurado na hindi mo din magagawang patayin si Ismaela dahil siya ang nagpalaki sa 'yo."

"Hindi ko kayang patayin si Sabrina kanina because I love her, she's my bestfriend and she's like a sister to me..."

"That's the problem with you Tia, mas inuuna mo ang puso mo kaysa sa utak mo!"

"Iyon ang pagkakaiba natin Althea, I have a heart, you don't."

Matagal silang nagtitigang dalawa.

"Magkakakampi tayo dito hindi tayo magkakaaway." Away naman sa kanila ni Sabrina.

"Ginawa namin ito para iligtas ka Tia, naiintindihan mo ba 'yun?" Aniya. Saglit na nag-usap ang mga mata nila at tsaka siya umiwas ng tingin dito.

"Tapos na ang misyon mo sa buhay ko Althea, I want you out of my life from now on." Mahinang sabi nito at tsaka ito naglakad palabas ng Mansion. Hinakbangan ang mga bangkay ng tauhan ni Ismaela. Sumakay sa sasakyan nito at nag drive paalis.

"Hindi mo ba siya hahabulin?" Tanong sa kanya ni Sabrina. Huminga muna siya ng malalim bago umiling.

"It's over between us Sab, we're done."

Tinawagan niya si Capt. Leon at sinabi dito na tapos na ang mission niya. Lumabas na siya ng Mansion, nakasunod naman sa kanya si Sabrina. Sumakay sila sa magkahiwalay nilang sasakyan at pinatakbo ang kotse nila sa magkaibang direksyon.

.

.

.

.

.

Mag-isa siyang nakaupo sa counter ng Bar at tahimik na umiinom ng whiskey. For the first time in her life, bigla niyang kinuwestiyon ang sarili niya, ang kakayahan niya. Mahina ba talaga siya? Weak? Emotional? Sa kabila nga ba ng lahat, she is still the same little Tianna na takot na takot sa step father niya?

Biglang bumagsak ang self-respect niya, ang self-esteem niya, bigla siyang nagutay gutay, bigla siyang nawasaka, biglang sumambulat sa harapan niya ang katotohanan na there is someone out there who is more stronger, better than her. Na sa kahit saang aspeto niya tignan, kulang pa din siya.

"You're not weak Tia. Love can make you or break you, but your strength lies after what love has done to you. Yes, love broke you but your ability to love again and again, your ability to still believe and hope after all the tragedy na naranasan mo since childhood, 'yun ang strength mo. You survived, you loved and for me, hindi weakness ang pagiging emotional and soft-hearted. You have a strong heart Tia, this is just one of the oh so many storms in your life, makakaalpas ka. Dahil malakas ka."

Iyon ang mga sinabi sa kanya ni Helena noong umagang nasa Cafe sila sa San Ilucia at iyon ang panghahawakan niya. Pero hindi naman siguro kasalanan na makaramdam siya ng emptiness deep inside. Hindi naman siguro kasalanan na aminin na sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya.

Matagal niyang tinitigan ang whiskey sa loob ng baso na hawak hawak niya. Noon akala niya, she's unbeatable, akala niya noon makukuha niya ang lahat ng gusto niya because she's Tianna Recova, nasanay kasi siya na matigas, hindi marunong makaramdam, walang damdamin, nasanay kasi siya na ipakita sa mundo na ganoon siya, cold and ruthless, pero nang unti-unti niyang hinubad ang mascara niya at ipinakita ang totoong siya sa mundo, naging mahina siya sa tingin nilang lahat and she lost the love of her life.

Si Althea. Nagawa nitong kalimutan siya at magmahal ng iba. Mas pinili nito si Tala Encarnacion kaysa sa kanya. Bakit? Ano nga bang mayroon si Tala na wala siya? Dahil ba mukha itong knight in shining armor na naka tuxedo at nakasakay sa puting kabayo at siya ay mukhang Villain na naka leather jacket at motor? Dahil ba sa may disenteng family background ito at siya ay may hostess na Ina? Dahil ba sa magaling itong tumugtog ng piano at siya, guns and knives lang ang kaya niyang hawakan?

Hindi niya alam. Ayaw niyang ikumpara ang sarili dito dahil magkaiba sila, magkaiba sila ng tingin at pananaw sa buhay, magkaiba sila ng pinanggalingan, magkaiba sila ng mga dinanas sa buhay. Magkaibang magkaiba sila.

Ininom niya ang whiskey sa baso at muling umorder sa bartender ng isa pang shot.

"Double whiskey please."

Sinulyapan niya ang may-ari ng tinig. Si Sabrina. Umupo ito sa tabi niya. "Nasa kamay mo na ang buong Drug Cartel, you can do whatever you want and I will support you no matter what." Anito sa kanya.

"Ayoko na ng drugs. Mag shift tayo into firearms, bombs, grenades, watusi, I don't care basta ayoko na ng drugs."

Marahang tumango si Sabrina. "Tia, are you mad at me?" Tanong nito sa kanya.

"No. Hindi ako galit, nasaktan ako pero hindi ako galit. Hindi naman lahat ng nasasaktan nagagalit."

Katahimikan.

"Wala na ba kayong pag-asa ni Althea?"

"She's in love with someone new. It's not me anymore Sab." At pagak siyang tumawa sabay lagok ng alak.

"Bring her home, bring her back home."

Marahan siyang umiling iling. "I'm not her home Sabrina, I will never be her home."

"But you love her, hindi mo man lang ba siya ipaglalaban?"

"I tried, but she chose someone else."

"Then try harder."

Tumingin sa kanya si Sabrina at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "She is your happiness, don't let her slip away this time."

.

.

.

.

.

Her status in S.I.S is in hiatus. Tinapos lang niya ang huling misyon niya bago siya nag decide na magpahinga. For the first time, she bought herself a house. Dito niya gustong mag settle, dito niya gustong magsimulang muli.

It was a modern luxury tropical house na nasa country side ng Trinidad. She remembered how Tala offered her a Mediterranean house in Pia Pueblo, pero hindi niya ito tinanggap. Hindi din niya kayang mabuhay sa iisang City kung saan ay naroroon din si Tala. Gusto na lamang niyang makalimot, makalimot at mag move on, siguro sa una mahirap, pero kakayanin niya at makakaya niya, wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang kalimutan ito, ayaw naman niyang makasanayan na sa tuwina na lang na maaalala niya ito'y iiyak siya at masasaktan, ayaw niyang masanay sa sakit, gusto na lamang niyang bumalik sa dating Althea na hindi nakakaramdam ng pagmamahal sa kahit na sino.

Tanging si Sabrina lamang ang nakakaalam kung saan siya nakatira, ito din ang nagturo sa kanya sa lugar na iyon, anito sa kanya'y iyon ang perfect place at perfect house na bagay sa kanya kung gusto niya ng katahimikan. Gusto niyang magpahinga muna, malayo sa gulo ng mundo. Gusto na lamang niyang mapag-isa.

Lumabas siya ng kanyang bahay at tumayo sa harapan ng lagoon na sa gitna ay may island na may nakatayong dalawang puno ng niyog. May mga koi fish na lumalangoy sa lagoon, naupo siya sa wooden bench na nasa harapan ng lagoon at nilanghap ang sariwang hangin. Sa right side niya ay isang malaking glass house na pag-aari ng dalawang matandang mag-asawa, may flower farm at flower shop doon kaya paminsan minsan ay may mga taong nagtutungo doon para umorder ng bulaklak. Sa Left side naman niya ay isang old cape cod style house na pag-aari ng isang Artista na paminsan minsan lamang kung umuwi doon. Sa tapat naman niya, sa kabilang part ng kalsada ay ang isang napakagandang Tudor-style house. Maayos ang garden sa harapan nito pero sa halos one week na niyang pananatili doon ay hindi pa niya nakikita ang may-ari nito. Mukhang lagi ding walang tao doon dahil laging nakapatay ang ilaw. Sa paligid nito ay nakatayo ang Japanese bamboo na siyang parang nagsisilbing bakod nito sa magkabilaang gilid, nasa tabi din ito ng lake kaya mas lalo itong dumagdag sa ganda ng bahay.

Malayo ang agwat ng distansiya ng bawat bahay sa isa't-isa. Walang bakod o gate, sa bawat harapan ng bahay ay garden at parking lot. This is the kind of environment na matagal na niyang hinahangad, peaceful, quiet at malayo sa ingay ng siyudad.

Tumayo siya sa pagkakaupo at naglakad papunta sa kalsada, tumawid siya dito at nagtungo sa wharf ng lake, naupo doon at pinagmasdan ang napakalinaw na tubig. Natigilan siya nang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya ito sa bulsa ng jeans niya at binasa ang message. Galing ito kay Capt. Leon, pumasok na daw sa account niya ang bayad sa kanya ni Senator Apollo Encarnacion para sa serbisyo niya sa anak nito. Napakalaking halaga ang ibinayad nito sa kanya, naisip niya na sa damage na ginawa sa kanya ni Tala emotionally ay kulang pa ang ibinayad sa kanya ng Senator. Malungkot siyang ngumiti at tsaka muling isinuksok ang cellphone sa bulsa niya. Nahiga siya sa wharf, ginawang unang ang magkasalikop niyang kamay sa likod ng kanyang ulo at tumitig sa mga ulap na mabagal na umaandar sa asul na kalangitan. Ngayon lamang siya tumigil sa pag ta-trabaho. Ngayon niya naisip na hindi niya naranasan ang mga basic experiences na dapat maranasan ng isang babae. Pakiramdam nga niya'y hindi siya dumaan sa childhood at teenage years niya, wala siyang maalalang masayang memories niya bukod sa mga memories nila ni Tia at ang mga bittersweet moments nila ni Tala.

Nakakatawa na ngayon pa siya nag ce-crave na maranasan ang maraming bagay sa buhay niya, ngayon pa, at her age? She's already twenty five years old pero never pa niyang naranasan na mag beach, mag bar hopping, mag party na hindi connected sa trabaho niya, na hindi siya nag pa-plano kung paano papatayin ang target niya, hindi pa niya nararanasan na maging masaya at totally ma enjoy ang buhay niya at nangako siya sa sarili na ngayon niya gagawin ang lahat ng iyon.

Pahapon na at nasa balcony siya ng bahay niya at nagbabasa ng libro habang nagkakape nang dumating ang isang bagong bagong lexus car sa katapat na bahay. Napasulyap siya doon. Kinuha niya ang monocular na nasa lamesa at sinilip doon ang bagong dating. Umaandar na naman ang dugong spy niya at hindi niya iyon maiwasan. Lumabas sa sasakyan ang isang matangkad na babaeng naka black tight jeans, naka leather jacket at red na snapback. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya lalo na nang humarap ito sa bahay niya, nagtanggal ng shades at inayos ang isang malaking paso ng rose sa driveway nito.

She can't believe it na dinaya siya ni Sabrina, kaya pala siya doon dinala ng dalaga at pinilit na doon bumili ng bahay ay dahil ang may-ari ng magandang Tudor-syle house sa tapat ng bahay niya ay walang iba kundi si Tianna Recova.

.

.

.

.

.

-tobecontinued-


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login