Download App
83.33% BABY YOU'RE MINE / Chapter 35: CHAPTER 34

Chapter 35: CHAPTER 34

Hanggang sa Huli surpresa ni Dhom kay Billie ay hindi maawat-awat si Billie sa pag-iyal dahil sinurpresa siya ni Dhom dahil sa mismong harapn niya doon nakatayo ang kapatid nito kasama ang ina nila na hawak ang litrato ng ama nila, nakaups sa wheelchair ang ina nito dahil ngayon ngayon lang siya pinag bigyan ng Ospital na lumabas dahil sa sakit nito sa utak kung saan unti-unti itong nakakalimot pero hanggang ngayon ay tanda niya parin ang anak niya. Naiiyak na lumapit si Billie sa ina nito at niyakap.

"Mama!....mama!...mama!, Humahagulgol ito habang yakap ang ina. "Kumusta na kayo mga prinsesa ko?" Mahinang tanong ng ina nila Beatrix at Billie sa kanila. "Mabuti naman po mama," sabay nilang sagot kung saan masayang napangiti ang ina nila dahil nakikita niya iyon sa mga mata ng anak niya.

"Malalaki na pala ang mga prinsesa ko, pagpasensyahan niyo na si mama dahil sa panahong kailangn niyo ako ay nanghihina ako." Napatingin ang nanay nila Billie at Beatrix sa kila Dhom at Hellion. "Alagaan niyo ang dalawang prinsesa ko." Napatango naman and dalawa.

Pagkatapos ng gabing iyon ay masaya silang nag-umagahan, pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam muna ang mga kababaihan dahil magtatampisaw na sila dahil nagsisimula na silang makaramdam ng init. Pinayagan naman ito ng mga kalalakihan, pagkalipas ng ilang oras ay nagpaalam na sila Elliot at Wyatt dahil naisipan nilang mag scuba diving pampalipas oras.

Ilang minuto lang ang lumupas nang magsalita na ang nanay nila Billie at Beatrix.

"Sa totoo lang mga hijo may nais sana akong sabihin sa inyo kung maari ko kayong makausap," pagsisimula nito. Agad namang umayos ng upo si Hellion at Dhom, bago muling ibalik ang tingin sa babaeng kaharap nila na may katandaan na.

"Ano po iyon?" Naunang nagsalita si Dhom, nakapatong ang kamay niya sa lamesa kung saan inabot ito ng nanay ni Billie at mahigpit na hinawakan ramdam ni Dhom ang nanginginig ng kamay ng matanda, ilang segundong napatangin si Dhom sa kamay ng matanda bago salubongin ang mata ng ina ng asawa niya.

"Alagaan mo ang anak ko ha....itindihin mo...mahalin mo at huwag na huwag mong iiwan. Ayaw ng anak ko sa mga gulay gusto niyan mga karne kaya pag pagsensyahan mo yang prinsesa ko dahil talagang mag kaartehan yan sa pagkain.... allergy siya sa mga spinach at kamatis na hindi luto kaya pag nakakain siya niyan lumolobo ang pisngi niya," naluluhang saad nito. "At tsaka pag hindi ako nakaabot sa kasal niyo gusto kong ibigay mo itong sulat ko...nandiyan ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya at sana mapatawad niya ako dahil..." Naiiyak na ito kung saan agad siyang inabutan ng tissue ni Hellion. Maging sila ay naiiyak narin sa mga habilin ng nanay ng babaeng Mahal na mahal nila.

"Hijo kung tama ang pagkakaalala ko ikaw si Dhominic Demetrius MacCoughlan....gusto kong sabihin na pinapaubaya ko na sa iyo ang anak ko....binibigay ko sa iyo ang basbas ko." Napabitaw na ang ina ni Billie at napahagulgol. "Kung sana ay wala akong sakit na Dementia ay sana maihahatid ko pa ang mga prinsesa ko sa altar ngunit hindi ko magawa dahil sa bawat araw na dumadaan palala ng palala ang sakit kong ito," mahina ang pagkakasabi nito pero puno ng pagsisi at batid sa tinig nito na nahihirapan siya sa bawat araw na dumadating.

"Nung naka graduate ang anak ko sa kolehyo ay hindi ko siya magawang ihatid sa intablado, at nung panahong iyon at sa mismong araw na iyon ay naaksidente ang ama nito dahil sa pagmamadaling makapunta sa graduation ceremony....ang masakit doon ay mag isang umakyat ng stage ang anak ko.... habang wala itong kaalam alam na pumanaw na ang ama nito."

Hindi na napigilan ni Dhom ang sarili niyang mapaiyak, mabilis niyang pinunasan ang mga luha niya pero habang pinupunasan niya ito ay may kasunod namang luhang dumadaloy sa pisngi niya.

Napakasakit para sa kanya na ang isa sa pinaka importante araw sa buhay ng pinakmamahal niya ay ang pagkasaw ng isa sa importante tao sa buhay ni Billie.

Siguro kahit anong iyak ni Dhom sa harapan ng ina ni Billie ay hindi nito maibabalik ang nakaraan at ang buhay ng yumaong nitong ama. Hindi niya alam na sa likod ng mga ngiti at biro ni Billie sa kanya araw araw ay may kalungkutan siyang tinatago at sakit ng nakaraan.

Hindi na nakayanan ni Dhom ang sakit nang muling ipagpatuloy ng ina nito ang pag kwekwento sa mga pinagdaan ni Billie.

"Nung araw na iyon pagkatapos ng graduation niya ay agad niya akong binisita sa Ospital, alam kong masama ang loob niya dahil walang naghatid sa kanya...pero nung nalaman niyang naaksidente ang ama niya at namatay ito ay sinisi niya ang sarili niya...sabi niya pa noon kung hindi siya nakapagtapos ay baka buhay pa daw ang ama niya...sinisi niya ang sarili niya...iyak ng iyak si Billie nung araw na iyon...at ako wala akong nagawa para sa anak ko dahil maging ako mismo ay hindi ko alam ano ang gagawin ko at sasabihin ko nung araw na iyon sa kanya." Napatigil sa pagkwekwento ang ina ni Billie dahil nagpunas ito ng luha niya at huminga ng malalim bago muling ipagpatuloy ang pagkwekwento.

"Nang nalaman ni Billie ang nangyari ay napaluhod siya sa harapan ko at nakita ko kung paano nabasag ang mga pangarap ni Billie para sa amin.....nung araw na yun habang nakaupo si Billie sa tabi ko may pumasok na isang pulis may hawak itong mga rosas na nakabalot sa dahon ng saging at isang maliit na kahon ng cake na nawala sa ayos at ang laman nito ay nagkahalo halo na....ang masakit doon ay ang pag bukas ni Billie ng kahon ng cake lalo akong nasaktan nang may kinuha roon si Billie isang maliit na sulat nang binasa niya iyon ay maging ako ay hindi ko narin nakayanan dahil nalunod ako sa sarili kong mga luha. Ang sabi sa sulat, HAPPY GRADUATION DAY ANAK PROUD AKO SAYO SALAMAT DAHIL MAY NAPAGTAPOS AKO KAHIT ISA LANG. PAGPASENSYAHAN MO SI PAPA DAHIL HANGGANG NGAYON HINDI KO PARIN NAHAHANAP ANG KAPATID MO PERO BABAWI AKO HAHANAPIN KO SIYA. Iyon ang laman ng sulat....at alam mo ang sinabi ni Billie nang mabasa niya iyon...PAANO KA MAKAKABAWI PAPA KUNG NGAYON AY WALA KA NA."

Napakagat labi si Dhom para pigilin ang sarili nitong huwag mapahagulgol pero sadyang pinagtaksilan siya ng sarili niyang katawan kung kayat hindi na siya nakapagpigil at napahagulgol ng tuluyan. Kung siya ay nasasaktan sa kwento palang ano pa kaya ang sakit na nararamdaman ni Billie sa mismong araw na iyon. "Pero kahit ganun ang nangyari hindi nagpatalo si Billie lumaban siya kahit na wala nang nagsisilbing poste para tulungan siya....nakapasa siya sa board exam at naging isang ganap na guro sa elementariya at linipat niya ako sa masmahal na Ospital dahil umaasa siya na baka mapagaling nila ako pero nagkamali siya. Habang sunod sunod ang mga pera na pinapadala ni Billie sa Ospital ay siya namang paghihirap niya....minsan pa nga nung sinabi ko sa nurse na bibisitahin ko ang anak ko dahil kaarawan niya at nang nakapasok na ako sa loob ng inuupahan niya ay naabutan ko siyang nagdidildil ng asin habang mag isang umiiyak sa harapan ng litrato ng ama niya."

Napalingon si Dhom sa kawalan at napahawak sa noo niya bago ibalik ang kamay sa lamesa. Muli itong hinawakan ng ina ni Billie at habang hawak niya ang kamay ni Dhom ay nakikita ni Dhom sa mga mata nito ang lungkot at sakit.

"Bilang ina isa lang ang habilin ko sayo at umaasa akong magagawa mo iyon dahil kita ko sa mata ni Billie ang saya habang nakatingin sayo punong puno ng pagmamahal at buhay.... Pasayahin ko ang anak ko sa bawat araw na magkasama kayo... pasayahin mo siya gawin mong masaya ang bawat araw ng inyong pagsasama."

Tango nalang ang naging sagot ni Dhom sa bawat salitang pinapakawalan ng ina ni Billie. Hindi nito magawa magsalita dahil napapahagulgol siya at hinahabol ang hininga habang napapaiyak sa masasakit na nakaraan ni Billie.

"O-opo..."nahihirapang sagot ni Dhom. Nang marinig ng ina ni Billie ang sagot ni Dhom ay nagkaroon ng kulay ang mata niya may kislap ito. Dahil iiwan niya ang anak niya sa kamay ng taong kaharap niya. Napangiti ang matanda at sinenyasan si Dhom na lumapit sa kanya, agad namang ginagaw ni Dhom iyon lumapit siya sa matanda at lumuhod para pantayan ito dahil nakaupo ang nanay ni Billie sa wheelchair.

Pagkaluhod ni Dhom ay isang halik na puno ng pagmamahal ng isang ina ang natanggap niya sa noo, kung kaya't napayakap siya sa matanda.

"Aalagaan ko po si Billie sa bawat araw na kasama ko siya at sisikapin kong pasayahin siya araw araw at iintindihin." Sabi naman ni Dhom sa gitna ng yakap niya, naramdaman ni Dhom na napatango ito hindi lang isang beses kundi ilang beses bago siya nito gantihan ng yakap.

Habang magkayakap sila ay napatingin ang nanay nila Billie at Beatrix kay Hellion na tahimik na lumuluha. Nang humiwalay ng yakap si Dhom ay sakto namang pagbalik nila Billie, Beatrix at Luka. Agad napatayo si Dhom at sinalubong ng mahigpit na yakap si Billie habang walang tigil ang luha niya sa pag patak. Naguguluhan man ito ay ginantihan niya rin ng yakap si Dhom.

"Wife...."


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C35
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login