Download App
69.04% BABY YOU'RE MINE / Chapter 29: CHAPTER 28

Chapter 29: CHAPTER 28

Pero ang malala ay ang Barbie terno nilang pangtulog. Pinasuot ni Billie kay Dhom ang sa kanya, aayaw sana siya nang pinaninkitan siya ni Billie. "Fine," sabi nito at kinuha ang ternong pangtulog nito na may malaking mukha si Barbie. Paglabas niya sa changing room ay napapalakpak si Billie sa saya at nakuha pa niyang kunin ang selpon ni Dhom at sinabi sa sales lady na picturan sila habang suot ang terno nilang pantulog.

"Wife I hate pink..." Bulong ni Dhom dahil maraming mga tao ang nakatingin sa kanila at pinapanood ang bawat kilos nilang mag asawa.

"Ano ka ba....ok lang yan bagay mo nga para kang dambuhalang panot." Sagot naman ni Billie sabay ngiti sa kamera. Say cheese.

"What!" Ni Dhom.

Nag roll eyes naman si Billie at humarap kay Dhom at binigyan noya ito ng mabilis na halik sa labi. "Okay na ngiti naman sa camera Dhom," sabi ni Billie napatango naman si Dhom. " Ok na pero mas okay pag pinatagal mo pa," sabi niya kay Billie na nakangiti sabay kindat bago tumingin sa camera at syempre hindi pa doon natatapos ang lahat hinila siya papalapit ni Dhom at mabilis na ipinulupot ang kamay niya sa bewang ni Billie. Nabigla naman si Billie sa ginawa ni Dhom dahilan para napatulala siya sa asawa niyang malawak ang ngiti na nakatingin sa kanya.

"Smile to the camera baby," sabi ni Dhom sa kanya. Siguro malakas lang talaga ang charisma ni Dhom kaya napapangiti rin si Billie, maging ang mga taong nakatingin sa kanila ay hindi maiwasang mapasampal sa katabi nila dahil sa kilig na nararamdaman nila.

Pareho silang nakangiti nang tumingin sila sa camera naka ilang kuha na sila pero ayaw paawat si Billie sa pag papicture enjoy na enjoy ang buntis habang daming naiinggit. (At isa ka doon, oo ikaw na nagbabasa nito.)

Pagkatapos magsawa si Billie ay napaupo siya sa isang upuan habang si Dhom ay iniwan niya muna ito saglit para bayaran ang mga pinamili nila, pagbalik niya sa kinaroroonan ni Billie ay naabutan niya itong nakasandal sa isang upuan habang nakapikit ang mga mata at may hilik pa siyang naririnig mula sa asawa. Napatawa naman ng mahina si Dhom bago lapitan ito at hinalikan sa noo bago buhatin. Habang naglalakad siya palabas ng mall ay maraming mga taong napapahinto at yung iba sila pa ang nagbibigay daan para kay Dhom.

Paglabas nila ng mall ay napamura si Dhom sa isip, yeah right nakalimutan niyang hindi niya dala ang kotse niya dahil nag trysikel sila papunta dito. Mabuti nalang at may nakahandang taxi para sa kanila hinanda at naroroon narin ang lahat ng pinamili nila. Nagpasalamat si Dhom sa lalaking naghanda ng masaskayan nila at binigyan ni Dhom ito ng tip matapos niyang maipasok sa loob ng taxi si Billie.

Pag-uwi nila ay sinalubong siya ni Beatrix at Wyatt. Magtatanong pa sana sila kung saan sila nang galing ni Billie nang umiling si Dhom.

"Not now," mahinang saad nito bago tumungo sa kwarto nila. Hindi na nagsalita o nagtanong pa muli ang dalawa.

Nang maihiga ni Dhom si Billie sa kama ay hinubad nito ang flat sandal na suot ni Billie at inayos ang kumot nito. Samantalang siya ay naligo muna.

"Sayang....mag eexercise pa sana tayo eh..pero napagod ka ata sa pagmamall mo kanina...siguro bukas," bulong ni Dhom bago humiga sa tabi ni Billie. Niyakap niya ito bago pumikit.

"Good night wife, sweet dreams of me."

Maagang nagising si Billie dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha niya, tumingin siya sa katabi niya na nakadapang nakahiga habang walang damit pang itaas. Nasanay na si Billie sa katawan ni Dhom lagi naman kasi itong walang damit pagnatutulog.

Umalis si Billie sa pagkakahiga at dumiretcho sa banyo para sa tawag ng kalikasan. Pagkatapos ay agad siyang nagsepilyo, napangiti si Billie nang makita na magkapareho sila ng toothbrush ni Dhom na SpongeBob yung nga lang iba ang disenyo.

Isang linggo narin ang lumipas nung lumabas sila ni Dhom para mag jollibee pero yung jollibee napunta sa korean restaurant, Japanese restaurant, Watson at iba pa. Nagulat nalang siya ng pag gising niya nasa kwarto na siya. Parang yung mga bata noon na pagnapagod at nakatulog sa upuan. Tapos pag gising nila nasa bed na sila. Wow! I can teleport.

Bumaba si Billie sa kusina para magkape nang naabutan niya si Hellion na nakaupo sa sofa ng living room habang may kausap sa selpon.

Nagtimpla muna ng gatas si Billie at kumuha ng isang toasted bread na inihanda ni Manang Ellen para sa kanya. Habang kumakain ito ay nakikinig siya sa usapan ni Hellion at yung kausap nito sa kabilang linya.

Nanlaki nalang ang mata ni Billie sa pagkabigla ng marinig ang sinabi ni Hellion.

"I'll see you then 12 AM." Sabi ni Hellion sa kausap niya bago pinatay ang tawag. Kinakabahan bigla si Billie nang marinig niya ang papalapit na mga yapak ni Hellion at tumayo ang mga balahibo niya sa katawan nang huminto ito sa mismong tapat ng upuan niya kung saan siya nakaupo.

"Billie hindi pa rin pa nagigising si Dhom?" Tanong ni Hellion bago umupo sa katabing upuan ni Billie.

Agad na linunok ni Billie ang tinamay na nasa bibig niya at linagok ang gatas nito bago sumagot kay Hellion.

"Oo, late kasi siyang nakauwi kagabi sabi niya nag overnight siya kasi andami niyang trabaho na nakatambak sa kanya." Sagot ni Billie kay Hellion.

"I see, paggising niya sabihin mo maghanda siya dahil may pupuntahan kaming party." Sabi ni Hellion bago tumayo at lisanin ang kusina kung nasaan si Billie. Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Hellion ng mag-ring ang selpon nito na agad niyang sinagot.

"Yes.... I'm coming... I'm on the way....wait for me...come on it's not my fault that your too early for our first date." Sabi ni Hellion sa kausap nito sa selpon. Nung narinig ni Billie ang huling sinabi ni Hellion ay parang gumalaw ang tenga niya yung parang sa tenga ng isa sa mga dwarf from snow white.

Pagkatapos patayin ni Hellion ang tawag ay nagpatuloy ito sa pag alis hanggang sa tuluyan na niyang nilisan ang mansyon. Nang masiguro ni Billie na wala na siya ay agad siyang naglakad ng mabilis at tinungo ang silid kung saan natutulog si Beatrix pag nandito siya. Malalakas ang bawat katok ni Billie sa pinto at dahil nawawalan na ng pasensya ang buntis ay binuksan niya ang pinto ng walang paalam mabuti nalang at ugali na talaga ni Beatrix na hindi mag-lock kundi hindi siya makakapasok sa loob ng kwarto ng kapatid niya.

Walang sabi sabing hinila ni Billie ang kumot ni Beatrix hanggang sa tuluyan na nga niyang naagaw iyon sa natutulog na si Beatrix.

Pero wala paring epekto iyon dahil nanatiling nakapikit parin ang kapatid nito. Kaya agad na kinuha ni Billie ang remote ng air-con at pinindot iyon hanggang sa manginig na si Beatrix sa lamig, at kahit inaantok pa ay napadilat nalang ito.

"Ano bang kailangan mong buntis ka...." Inaantok na reklamo ni Beatrix habang kinukulangan ang mata nito.

"Ikaw ang kailangan ko, narinig ko kanina sa baba may kausap si Hellion at may kadate siya... narinig ko...sabi pa nga niya, Yes.... I'm coming... I'm on the way....wait for me...come on it's not my fault that your too early for our first date.... Yun yung sabe niya." Sabi ni Billie dahilan para ang antok ni Beatrix ay mawala.

"Ano! Date....agad...." Hindi makapaniwalang sigaw ni Beatrix kaya agad itong nagtungo sa banyo at mabilis na naligo at nagsuot ng damit.

"Susundan ba natin siya?" Nakangiting tanong ni Billie na para bang nag eenjoy siya sa mangyayari.

"Yes my dear sister pero paalam ka muna sa asawa mo...." Sabi ni Beatrix habang pinapatuyo ang buhok nito gamit ang hairdryer.

"Hindi na natutulog pa yun, Chaka pagmagpapaalam di rinlang niya ako papayagan sasabihin ko nalang kay namang Ellen para siya ang magsabi kay Dhom. Pag ako kasi baka ikadena niya ako agad." Sagot ni Billie sabay kuha ng kumot ni Beatrix na nasa sahig.

"Bahala ka," sabi ni Beatrix. Pagkatapos niyang patuyuin ang buhok niya ay agad siyang umupo sa gilid ng kama niya habang hawak hawak ang laptop niya, kasi hinahanap niya roon kung nasaan si Hellion at nahanap niya nga ito gamit ang mga Cctv na nagkalat sa bawat parte ng syudad hinack niya kasi ang mga Cctv sa buong Maynila para mahanap kung nasaan si Hellion at ano ang ginagawa nito at sino ang kasama niya.

"Found him!..... let's go!" Sabi ni Beatrix, nakangiti namang tumango si Billie sabay sunod kay Beatrix palabas ng kwarto nito. Nasa hagdan palang sila pababa ng makita ni Billie si Dhom sa sala na mayhawak ng kape habang may papeles na binabasa.

Pero dahil napansin ni Billie na busy si Dhom ay hindi niya ito pinansin pero ang hindi niya alam napansin siya ni Dhom.

"Where are you going wife.... looking like that?" Seryosong tanong ni Dhom dahil sa suot ni Billie.

"Bakit wala namang masama sa suot ko ah...." Sagot naman ni Billie. "Bagay ko nga eh...ang sexy kong buntis ayaw mo nun."


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C29
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login