"Cheers!!" masayang sigaw ng lahat.
Nakaupo lang ako sa tabi. Parang mababaliw ako kakaisip kung ano na ang nangyari kay Tyler. Gustuhin ko man na sundan siya, ayaw naman akong pakawalan ng mga kaibigan ko.
"That was awesome dude!" natatawang wika ni Zen.
Umiling-iling si Tristan. Nalapatan na ng lunas ang mga pasa niya sa mukha. "Hindi dapat pinatatawanan ang pagkasira ng kagwapuhan ko."
"But Ken was so cool earlier. Damn. What did she say? Hindi pa siya handang magseryoso? That's very Ken. Cheers to Ken!"
"The most important part is, may bagong kotse na ako ngayon. May bagong gagamitin na ako for racing. Thanks to your madness."
Nagtawanan sila sabay inom. Minu-minuto akong nakatingin sa phone ko para tingnan kung may text o tawag ako mula kay Tyler. I will explain everything to him. Sasabihin ko sa kanya na pakana toh lahat ng mga kaibigan ko. Alam kong magagalit siya. Hindi rin naman masasakatuparan iyun kung hindi ako pumayag... Saka I let Tristan kiss me.... I know he's mad.
I was just looking at my friends having fun when I caught someone familiar in the corner of my eyes. Napakunot ang noo ko. Imposible. Ano naman ang gagawin niya rito?
I was so curious. Tumayo ako mula sa kinauupuan at sumilip sa lugar kung saan ko siya nakita. Napailing ako. It was obviously just someone who looks like my dad. What would dad do in this place? Busy yun sa trabaho. Halos hindi na nga umalis yun para lang matapos lahat ng kailangan niyang tapusin.
"Powder room lang ako." paalam ko sa mga kaibigan ko. I need some fresh air dahil kung anu-ano na lang ang nakikita ko.
"Teka. Sama ako. Naiihi na rin ako." wika ni April.
Nauna na akong naglakad. I heard April calling my name. Tsk. Ang hind maglakad. Bahala siya.
Palikot na ako papunta sa cr ng biglang may mabangga ako. "I'm sorry." agad kong wika at tutulungan na sana itong pulutin ang mga nahulog niyang gamit mula sa bag ng makita ang lalaking kasama nito. "Dad?"
"C-Casandra? What are you doing here?" gulat nitong tanong.
I looked at him, tapos ay ang babaeng kasama niya. Nakahawak ang babae sa mga braso niya. She looks young. Parang kaedad niya lang si Stephanie. What the hell is he doing here?? At may babaeng nakakapit pa talaga sa mga braso niya.
"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan, dad? Why are you here?"
"Casandra--"
"Are you cheating on mom?" walang preno kong tanong rito. "So tuwing wala ka sa bahay nambababae ka? Is that it?"
Sinubukan ako nitong hawakan pero agad kong inalis ang kamay niya sa akin. Hindi ako makapaniwala. Kahit gaano siya kastrikto, hindi ko inisip na magagawa niya iyun.
"Casandra, let me explain, honey--"
"No, dad! Just answer me, niloloko mo ba si mommy?"
"Your mom already know. Matagal na namin gusting sabihin toh sa inyong magkapatid pero hindi kami makahanap ng tyempo. Matagal na naming binabalak na maghiwalay. It's not working anymore."
Mapakla akong natawa. I looked at the girl with him. Mukhang nahihiya ito sa ginagawa. Dapat lang! Pamilyadong tao yung sinusulot niya!!
"Cheating is cheating. Wala akong pakialam kung hindi niyo na mahal ang isa't isa. You fuck girls in the back of mom!--"
"Casandra! Watch your words." banta nito.
"Why? Mali ba ako? Ano bang ginagawa mo kasama ang mga babaeng halos kasing edad lang namin ni Stephanie? Naglalaro ng tong its? Of course you're fucking them, right? Bakit ba kailangan kong takpan ang mga bibig ko habang kayo malayang nakikipagrelasyon sa ibang babae? You're unbelievable. Sana man lang naghanap ka ng mas higit pa kay mommy. Magkaron naman kayo ng kahihiyan."
With tears in my eyes, tumakbo na ako paalis sa harap nito. He tried to call me pero hindi na ako lumingon pa. Ang gago naman niya kung iniisip niyang haharapin ko pa siya matapos kong malaman ang kalokohan niya. At anong sabi niya? Mom knows?? So kung alam ni mommy, okey lang?
Nang nasa labas na ng bar, napaupo ako sa likod ng malaking puno. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko doon. Ang sakit. Bakit kailangang sa isang araw mangyari lahat ng toh? Is dad my karma? Kinakarma na ba ako sa ginawa ko kay Tyler? I risked his heart dahil natakot ako na baka matalo sa dare. Natakot ako na baka ma-disappoint ko ang mga magulang ko pero ano toh??
I need to talk to mom. Kailangan ko siya kausapin dito. Hindi siya dapat pumapayag na sinasaktan lang siya ni daddy! Kunf talagang may balak silang maghiwalay, then they should... Pero tong ganitong nagsasama pa sila sa isang bahay ay naggaganyan na si daddy, parang sobra naman ata.
"K-Ken? Are you alright?"
Napataas ako ng tingin. Pinahid ko ang mga luha ko. "Do I look like I'm alright?"
She sighed. "I saw what happened. Tito asked me kung anong ginagawa mo rito. I told him na dumalo ka lang sa birthday ng isa sa kaibigan natin at di mo matanggihan."
"Hindi ka na sana nagpaliwanag. Ano naman sa kanya kung andito ako? Ano naman kung andito ako para magwalwal? Siya nga nagloloko, ako ba hindi pwede?"
Umupo si April sa tabi ko saka niyakap ako. "I don't know what to tell you para maging okey ka. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon kaya yayakapin na lang kita."
Napahagulhol ako. "I... I tried to make my family happy. Itinago ko yung tunay na ako para lang maging proud sila tapos malalaman ko na lang na matagal na palang sira ang pamilya namin... Ang sakit. Para akong tanga."
"It's okey, Ken. It's okey. Just cry. May karapatan kang umiyak at magalit. Naging malakas ka sa loob ng ilang taon. It's okey to feel sad. Your feelings are validated. You've been strong. It's okey to not be okey."
Medyo gumaan ang pakiramdan ko sa sinabi niya. Though sobrang sakit pa rin at nasa listahan ko pa rin sa pagsolve ng problema ang magtiwakal, I feel a little bit okey.
"Can you drive me home? I want to talk to mom. I need to ask her personally."
She nodded. "Of course. Magpaalam muna tayo sa iba at baka magtaka na nawala tayo bigla."
Walang nagsasalita sa amin ni April habang hinahatid niya ako sa bahay mismo namin though lagi niya akong nililingon once in a while. I can feel her sincerity towards me and it really comforts me to have such a friend.
"Salamat, April." wika ko ng makarating na kami sa harap ng bahay.
She smiled. "Anytime, Ken."
Bumaba na ako ng sasakyan niya. Nagpasalamat ako ulit bago ako lugmok na lugmok na pumasok ng bahay. Nagbalik muli yung naramdaman ko kanina ng makita ko si daddy. Hindi ko alam kung kaya ko bang matanggap ang sasabihin ni mommy.
"Ken? Napauwi ka?" gulat na tanong ni Stephanie ng daanan ko siya sa sala.
Hindi ko siya pinansin. May sinabi ito pero hindi ko na iyun narinig. Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko si mommy na kakababa lang.
"What are you doing here? May kukunin ka ba?"
Huminga ako ng malalim. I don't know how to start it but I know I need to ask it to her right now. Ayokong ipagpabukas pa ito.
"Are you and dad planning to break up?"
Kita ko ang gulat sa mukha ni mommy sa tanong ko. "W-what kind of question is that, Casandra? Nagpunta ka dito para itanong ang walang kwentang bagay na yan? Saan mo naman narinig iyan?"
"I saw dad... May kasama siyang ibang babae. He told me that you're breaking up. Tell me, is it true? Pumapayag ka ba talagang lokohin lang ni daddy? Ganyan ka ba katanga, my?"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula rito. "You don't know anything. Bumalik ka na sa dorm. May pasok ka pa bukas."
Umiling ako. "So totoo nga? Nagpapaloko ka lang habang si daddy tuwang tuwang nakikipagtalik sa kahit sinong babaeng gustuhin niya??"
Isang malakas na sampal na naman. Mapakla akong tumawa.
"You don't know any--"
"Yan lang ba ang sasabihin niyo sa akin? Na wala akong alam matapos kong mahuli si daddy na may kasamang ibang babae? Kung nasasaktan kayo, nasasaktan rin ako. Kitang kita ng dalawang mata ko, ma. Rinig na rinig ng mga tenga ko ang mga salitang binitawan niya. I'm only 18, yes... Pero hindi ako tanga."
Tumayo mula sa pagkakaupo niya si Stephanie. She looked at mom. Akala ko ay tatanungin niya rin ito, but what she said shocked me more.
"Yes. Mom and dad are breaking up. Matagal na, Ken.... Right mom? Hindi ko na makita ang dahilan para itago niyo kay Ken ng lahat. I already told you that she'll find out sooner or later... Hindi niyo na dapat hinintay na makita niya mismo ang kawalanghiyaan ni daddy."
"Shut up you two! Wag na kayong makialam. This is our problem. We will solve it."
"Wag makialam? Damay kami dito, ma. Anak niyo kami. Paanong hindi kami makikialam?" wika ko. "Dad hurted me more than anyone else but you disappointed me more than anyone else. I thought you're the smartest woman I know."
I walked out in front of her. Hindi ko na kayang marinig pa ang mga nakakatawang rason niya. Tama na yung mga nakita't narinig ko. It already broke me into pieces.