Download App
22.91% Angel's Feathers / Chapter 10: Chapter Ten

Chapter 10: Chapter Ten

Aya! Apo ko?" Wika nang lola ni Eugene nang pumasok ito sa silid ni Aya sa hospital tinawagan niya ito para sabihing nahanap na nila ang kapatid niya sinabi din niyang hindi pa rin nagigising ang dalaga. Umiiyak ang lola nila habang hawak anng kamay nang walang malay niyang kapatid.

Si Julianne ang unang nakakita kay Aya. Hindi niya Alam kung paano niya nahanap si Aya At hindi na rin siya nagtanong pa. Ang mahalaga ay ligtas ito. Sinabi din ni Julianne sa kanya na hindi nito nakita ang kapitan nila. Walang nakakaalam sa kanila kung anong nangyari sa binatang kapitan

"Bakit ang daming bantay sa silid ni Aya?" tanong ni Johnny nang dumating sila sa hospital at makita ang mga lalaking nakasuit na nasa labas nang silid ni Aya. Nakita din nila si Butler Lee na naroon sa labas.

"Alam mo naman ang lola ni Lt. Ayaw lang siguro niyang may masamang mangyaring masama sa apo niya." sagot naman ni Meggan. "Ilang buwan palang mula nang magkasama sila tapos ngayon heto na ang kinahantungan nang kanyang pinakamamahal na apo. Ilang beses ding nakidnap si Aya. Kahit sinong magulang talagang na pa-praning kung danasin nang anak mo ang mga nangyari kay Aya." Dagdag pa ni Meggan.

"Kumusta na si Aya?" Tanong ni Johnny. "Balita ko, hindi alam nang mga doctor kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay."

"Hindi pa rin siya nagigising." Simpleng wika ni Julius. "Eh si Kapitan? Nakita niyo na ba?" Balik tanong nito.

"Hindi Eh. Ni Anino niya hindi namin alam kung saan hahanapin." Wika ni Johnny. "Hindi nga naming alam kung anong nangyari sa kanya, naglaho na lang siya na parang bola without any trace."

"Si Aya?" tanong ni Alice nang dumating sa hospital. Hindi niya alam ang nangyari sa kaibigan hanggang sa tawagan siya ni Julianne noong isang araw lang ay nagkausap pa sila sa telepono.

Hindi na sila madalas magkita dahil sa trabaho niya. Masaya pa silang naguusa sa telepono. Sunod na nabalitaan niya naroon na ito sa hospital at walang malay.

"AYA!" hikbing wika ni Alice at lumapit sa dalaga saka humagulgol habang hawak ang kamay nang kaibigan niya.

Maging si Jenny na nasa loob nang silid ay napapaiyak din dahil sa dalaga. Siya ang kinuhang private doctor nang lola ni Aya dahil wala itong tiwala sa ibang doctor hindi naman tumutol si Jenny gusto rin naman niyang bantayan si Aya. Gusto rin niyang malapit siya kay Eugene para natutulungan niya ito kahit sa maliit na paraan. Inalalayan ni Jenny ang matanda na lumabas nang silid nais nitong bigyan nang oras si Alice na makasama ang kaibigan.

Nang makalabas sila nang silid nakasalubong naman nila si Bernadette at Ang Ina nito. Ito ang unang beses na dumalaw ang mag-ina sa hospital simula nang ma confine si Aya.

"Hanggang ditto ba naman pumapapel ka sa pamilya naming. Talaga pa lang napakakapal nang mukha mo." asik ni Bernadette kay Jenny.

"Miss Bernadette siya ang Doctor ni Lady Aya." Ani Butler Lee.

"Wala ka bang bibig para ibang tao ang sumagot para sa iyo?" Asik nito kay Jenny.

"Bernadette bakit ba ganyan mong tratuhin ang Doctor ni Aya." Wika nang matanda sa dalaga. "Kaibigan siya nang mga apo ko you should treat her with respect."

"Bakit hindi Halmone? For we know pera lang natin ang habol niya. Baka hindi mo alam. Alam ko kung anong klaseng tao ka?" wika ni Bernadette kay Jenny. "Bakit niyo hinahayaan na makalapit sa pamilya natin ang mga opurtunistang gaya niya?" wika ni Bernadette.

"Pwede ba Bernadette" saway nang matandan sa dalaga.

"Bakit niyo ba ako pinipigilan lola. Totoo namang--" putol na wika nito.

"Bakit mo pinagsasalitaan nang ganyan si Jenny?" agaw ni Eugene sa sasabihin ni Bernadette dumating ito kasama si Julianne. Napaikot ang mata nang dalaga nang makita ang pinsan kasama ang kaibigan nito.

"Hindi ko maintindihan kung bakit pinipili niyong samahan ang mga gaya nila. low birth opportunist." Anito.

"Huh." Napasinghap si Julianne dahil sa itinuran ni Bernadette. "Kung ito ang klase nang pamilyang meron ka Eugene.

Naniniwala na akong tama ang desisyong mong ilayo si Aya. Hindi magandang mahawaan siya nang virus na dala nila." ani Julianne.

"Ulitin mong sinabi mo binata?!" asik ni Elena. "Kung makapagsalita ka para bang ang taas mo Eh ano kalang naman."

"Stop! Will you." Awat ni Donya Carmela sa pamangkin na bigla ang lahat nang bigla itong mapahawak sa dibdib niya. kung hindi naging maagap si Jenny ay baka na buwal an ito. Nawalan nang malay ang matandan dahil sa paninikip nang dibdib. Agad naman itong dinala sa isang silid para makapagpahinga. Binilin ni Eugene kay Butler Lee na huwag hahayaan ang mag inang Elena at Bernadette na makapasok sa silid nang lola niya o nang kwarto ni Aya.

"Bakit hindi ko pwedeng dalawin ang lola ko!" asik nito kay Lee.

"Iyon ang utos ni Master Eugene. Hayaan daw nating makapagpahinga ang lola niyo." sagot naman nito.

"I cant believe this. Pwede na siyang mag desisyon? I can't believe this!" Wika ni Bernadette. Ngunit kahit anong pagmamaktol ang ginawa niya hindi niya nagawang konbensihin si Butler Lee na papasukin siya sa silid nang matanda.

Matapos ang tagpong iyon sa labas nang silid ni Aya sa hospital, pinili ni Jenny na mag isa sa opisina nang mga doctor sa hospital napapabuntong hininga siya habang iniisip na maliit ang turing na kanya nang pamilya ni Eugene. Ngunit hindi naman niya masisisi ang mga ito sino ba naman ang makakatanggap sa isang anak nang gangster na gaya niya. sarili nga niyang pamilya hindi siya matanggap paano pa ang ibang tao.

Ngunit hindi siya pwedeng sumuko at lumayo dahil lang masama ang tingin nang ibang tao sa kanya ang mahalaga nakakatulong siya kay Eugene masaya na siya kahit sa ganoong paraan may naitutulong siya

Dahil sa lalim nang iniisip hindi napansin ni Jenny ang dalagang kanina pa kumakatok sa pinto nang opisina. Nang hindi siya natinag lumapit na ito sa kanya at sa mesa niya mismo kumatok.

"So this is how it looks like sa loob nang isang doctor's office." Wika nang dalagang biglang pumasok sa loob nang silid ni Jenny.

"Frances!" Gulat na wika ni Jenny nang makita si Frances na nasa Opisina niya. Walang pinagbago ang itsura nito. O mas tamang sabihin niyang lalo itong gumanda mula nang huli niya itong makita. Bigla niyang napansin kung ano ang sout niya ngayon.

Nakasout siya ng puting coat sa ilalim noon ay simpleng puting blosa at kulay azul na Skirt. Siguro dahil isa itong fashion designer kaya kahit anong isuot nito mukhang signature dress.

"May oras ka ba? Gusto sana kitang makausap." Wika ni Frances.

Hindi tumanggi si Jenny sa alok ni Frances. Gusto rin naman niyang lumayo muna doon sa hospital.

Nagpunta ang dalawa sa isang restaurant malapit sa school para agad ding siyang makabalik. Nang mga sandaling iyon, labis na natatakot si Jenny. Hindi niya alam kung anong sasabihin kay Frances. Alam niyang nasaktan niya ito dahil sa ginawa nila ni Eugene noon. Alam niyang umalis ito dahil sa mga nangyari sa kanila. Hindi niya alam kung paano hihingi ng paumanhin at kung paano niya ipapaliwanag sa dalaga ang dahilan ng pagpapanggap nila ni Eugene.

"Iniisip mo bang aawayin kita dahil sa nangyari noon." Biglang wika ni Frances na ikinagulat ni Jenny muntik na niyang mailabas ang ininom na kape dahil sa labis na gulat. Mapapansin din na namula ang pisngi ng dalaga. Nakita niyang tumawa ng malakas si Frances marahil dahil sa reaksyon ng mukha niya.

Masyado kayang halata na guilty siya? Hindi na niya alam kung ano bang itsura ng mukha niya sa harap ni Frances.

"Nakakatawa ka naman. Hindi naman ako masamang tao. Marunong naman akong umintindi." Dagdag pa ni Frances.

"Alam kung may dahilan kong bakit kayo nagpanggap ni Eugene. Ilang buwan ko din itong pinag-isipan. At ngayon handa na akong makinig sa paliwanag mo." Wika nito at biglang sumeryoso ang mukha.

"Sa palagay ko naman, Tapos na ang drama niyo hindi ba? SInabi na sa akin ni Butler Lee ang lahat."

"Ginawa iyon ni Eugene upang iliigtas ka I was being childish. I hope you can forgive me." Pakiramdam ni Jenny biglang natuyo ang lalamunan niya mula sa mga narinig.

"Ako dapat---"

"There is no need. I just want na matuloy ang kasaal namin ni Eugene. Hindi lang dahil gusto ko siya kundi dahil para sa pamilya naming. Naiintindihan mo naman ang ibig kong sabihin hindi ba?" Agaw Frances. Hindi naman agad na nakapagsalita si Jenny. Manghang-mangha siya sa lakas nang loob nang dalaga. Talagang ipinaglalaban nito ang gusto niya.

"Since hindi naman kayo ni Eugene. Can you convince him to marry me?" wika nito.

"Huh?!" biglang wika ni Jenny. Na off guard ang dalaga sa sinani ni Frances. Paano niya naman sasabihin kay Eugene na magpakasal ditto gayong may problema itong kinakaharap ngayon.

"Kaibigan ka niya. Siguro naman makikinig siya sa iyo. And as what I know. Matigas ang ulo ni Eugene. Hindi siya sumusunod sa utos nang lola niya. Can you convince him to marry me. May be makikinig siya sa iyo."

"Hindi ko alam kung makikinig sa akin si Eugene. Pero susubukan ko siyang kausapin. Sa ngayon. May mga bagay pa siyang iniisip. Lalo pa at nasa Hospital si Aya at ang lola niya. Mas maiigi siguro kung hintayin nating magising si Aya. Gaya nang sabi mo matigas ang ulo ni Eugene knowing him, hindi ngayon ang tamang panahon para guluhin natin siya tungkol sa kasal." wika ni Jenny.

Ano bang ginagawa ko? Aniya sa isip. Tama bang tulungan niya si Frances?

"Maraming salamat. Aasahan ko yan. Don't worry. I wont disturb him for now. I know iniisip niya ang kaligtasan nang kapatid niya." Ngumiting wika ni Frances.

"I know we can be friends." Ngumiting wika ni Frances at hinawakan ang kamay niya. Hindi naman nakaimik si Jenny. Ano ba itong pinasok niya? Is she trying to play the martyr type of girl. Gusto rin naman niya si Eugene.

Para ano at sinasamahan niya ito ngayon. Kung bukal sa loob niya ang pagtulong kay Frances bakit siya nasasaktan ngayon?

Sabay na lumabas sa restaurant ang dalawang dalaga.

"Sino kayo!" Gulat na wika ni Jenny nang biglang may huminto na itim na van sa harap nila ni Frances.

"Let go of me you Perv!" Wika ni Frances sa lalaking humawak sa kamay niya. Pero walang nagawa ang dalawa nang sapilitan silang isakay ng mga ito sa kotse.

Dinala sila ng mga lalaki sa isang abandonadong factory. Nahintakutan si Jenny nang makita kung sino ang naghihintay sa kanila sa Lugar na iyon.

"Ramon!" Gulat na wika ni Jenny. Kahit na may malaking pikalat ang mukha nito nakilala pa ring niya ang lalaki. Nagkaroon ito nang piklat sa mukha dahil sa pagtalon nito sa yate noong huling pagkikita nila.

"Muli tayong nagkita Jenny. Kumusta kana?" Nakangising tanong nito sa dalaga.

"Kilala mo ang pangit na to?" Bulalas ni Frances nang makita ang ni Ramon na may malaking piklat.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan? Ano pa bang gusto mo?"

"SO much with the Greetings! Ano bang kailangan mo sa min?" Asik ni Frances.

"Sino ba tong kotong dinala niyo." Asik ni Ramon kay Frances.

"Ano? Koto?" hindi makapaniwalang Wika ni Frances.

"Ako lang ang kailangan mo hindi ba. Kaya pakawalan mo siya. Wala siyang kinalaman dito." Wika ni Jenny.

"Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo Jenny. Hindi ikaw nag kailangan ko. Si Lt. Heartfellia ang gusto kung durugin at gagamitin kita para magawa ko iyon." Wika pa nito.

"Siya ang dahilan kong bakit nasira lahat ng plano ko. Siya rin ang dahilan kung bakit ganito ngayon ang itsura ko. Ipapatikim ko sa kanya kung paano mawalan ng lahat ng bagay na iniingatan." Wika pa nito kay Jenny.

"Balita ko, labis na iniingatan ng Pulis na iyon ang nag-iisa niyang kapatid. Bakit hindi ko kaya simulan ang plano ko sa batang iyon." Nakangising wika nito.

"Don't you dare. Wala silang kinalaman sa nangyayari ako lang naman ang kailangan mo hindi ba." Wika ni Jenny.

"Noon, pero ngayon iba na ang gusto ko. I want to see him crawl for his life and the life of the people he cherish." Madiing wika nito.

"Isa kang malaking baliw. Hindi kasing duwag mo si Eugene." Bulalas ni Frances. "Sa dami nang mga kasalanan mo kahit sa impyerno hindi ka tatanggapin." Panay ang pagpupumiglas na wika ni Jenny habang hawak siya nang mga tauhan ni Ramon. Akala niya tapos na ang bangungot niya kay Ramon. Pero heto ngayon dinukot na naman siya nang lalaki at ngayon ay nais nitong maghigante sa binatang tinyente.

"Itali na ang mga yan at busalan ang bibig. Ayokong may marining ni isang salita mula sa mga yan. May isda pa akong huhulihin." Wika nito at ibinato ang dart patungo sa picture ni Aya. Labis na nag-aalala si Jenny alam niya ang kayang gawin ni Ramon. Ayaw niyang pati si Aya ay mapahamak dahil lang sa kanya. Ganoon din si Frances. Marami na siyang taong nadamay dahil sa gulo ng buhay niya.

Nakita mo ba si Jenny?" tanong ni Julianne kay Johnny nang dumating ito sa hospital. Kanina pa niya hinahanap si Jenny. Hindi na niya nakita ang dalaga simula nang mangyari ang gulo sa labas nang silid ni Aya.

"Hindi pa siya nagpupunta ditto sa silid ni Aya." Simpleng wika ni Johnny. "Bakit LT? may nangyari ba kay Miss Jenny? Narinig kong nilait lait siya nang pinsan ni Lt. Eugene." Wika nito.

"Huwag na nating pagusapan. Baka kung saan na naman yun nagtatago. Hindi noon gustong nakikita nang ibang tao na nasasaktan siya lalo na ni Eugene." Wika ni Julianne.

"Meron ba silang relasyon ni Lt?" tanong ni Johnny.

"Ewan ko sa dalawang iyon. sila lang ang nakakaalam kung ano ang relasyon nila." wika ni Julianne.

Inutusan ni Ramon ang isa sa mga tauhan niya na ipadala kay Eugene ang isang regalo.

Sina Julianne at Johnny ang tumanggap nang regalo na inihatid nang isang nurse. Isang box ang package na dumating. Kapwa naman nagulat sina Johnny at Julianne sa natanggap nila.

"Oh, bakit kayo narito sa labas?" tanong ni Eugene na dumating kasama si Butler lee.

"Ano naman yang dala mo?" takang wika ni Eugene nang makita ang hawak na box nang kaibigan.

"Para sa iyo to." Wika ni Julianne at iniabot sa kaibigan ang box. "Sinong babae na naman ang inuto mo?" pabirong wika ni Julianne.

"Loko!" ani Eugene at kinuha ang kahon mula sa kamay nang kaibigan. Binuksan ang box. Ganoon na lamang ang gulat nila nang makita ang duguang puting hospital gown may name tag pa iyon na may pangalan ni Jenny. Ilang sandali pa narinig nilang tumunog ang cellphone ni Eugene. Agad naman itong kinuha ng binata at sinagot.

"Natanggap mo ba ang regalo ko Lt.?" Wika nang lalaki sa kabilang linya. Inilagay ni Eugene sa loudspeaker ang cellphone niya para marinig nang mga kasamahan kung sino ang tumatawag.

"Ang baliw na Suitor ni Miss Jenny." Mahinang wika ni Johnny nang makilala ang boses ni Ramon.

"Nagustohan mo ba Lt.? Sampol pa lang yan. Ang sunod kong ipapadala sa iyo ay ang ulo na niya." Wika ng lalaki sa kabilang linya.

"Huwag mong susubukang hawakan kahit dulo ng buhok ni Jenny. I swear, Ako mismo ang papatay sa iyo." Galit na wika ni Eugene. Narinig nilang tumawa ng malakas si Ramon.

"I am getting scared Lt. Huwag kang mag-aalala para saiyo hindi ko muna sasaktan si Jenny. Pero kapag nainip ako bago mangati din ang kamay ko at magawan ko siya nang masama. Alam mo naman siguro ang kayang kung gawin." Wika nito sa binata bago pinatay ang cellphone.

"Kainis!" Wika ni Eugene at napasuntok sa pader.

"Hayaan mong ako na ang bahalang magpahanap kay Miss Jenny." Wika ni Butler Lee.

"Hindi na. Ako ang kailangan ni Ramon. Siya ang lalapit sa akin. Alam kung hindi niya sasaktan si Jenny." Wika ni Eugene.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Johnny.

"Tawagan mo ang ibang miyembro. May huhulihin tayong criminal." Wika ni Julianne kay Johnny.

"Ngunit, simula nang mawala si Capt. Hawak na ni Gen. Mendoza ang lahat nang pagpapasya sa department natin kapag nalaman niyang kumilos tayo nang hindi niya alam tiyak na sisibakin niya tayo." Wika ni Johnny.

"Hindi natin pwedeng idamay ang Phoenix sa gulong ito. Personal ang galit ni Ramon sa akin." Wika ni Eugene.

"Anong balak mong gawin? Sumugod nang magisa doon?" asik ni Julianne sa kaibigan niya. "Anong sasabihn ko kay Aya kapag nagising siya at wala ka? Paano kapag hinanap ka niya."

"Sino bang nagsabing hindi ako babalik." Ngumiting wika ni Eugene. Bago bumaling kay Butler Lee.

"Lee, Kakailanganin ko nang tulong mo." wika ni Eugene. Ngumiti ang lalaki at tumango. Hindi pa man nakakaais nang hospital si Eugene nang tumawag si Ramon nais nitong makipagkita sa kanya sa lumang factory kung saan nila noon ginagawa ang mga illegal na transaction.

Naka handa na sa labas nang Hospital ang Van at ang 5 tauhan ni Butler Lee na tutulong kay Eugene. Ngunit nabigla si Eugene nang makita sina Rick, Johnny, Ben, Julius Meggan at Julianne sa labas.

"Anong ginagawa niyo ditto?" tanong ni Eugene.

"Hindi ka naming pwedeng hayaang suluhin mo ang pagiging bayani." Wika ni Julianne. "Didn't I say I will stick with you." Nakangiti wika nang binata kay Eugene. Hindi naman mapagsalita si Eugene dahil sa labis pagkamangha. Hindi talaga siya pwedeng makapagtago nang sekreto kay Julianne he knows what he thinks. Siguro dahil na rin sa matagal nilang pagsasama.

"Isa pa wala naman kaming gagawin ngayon. Gusto rin naming pagpawisan." Wika ni Julius. "Wala rin naman tayong mapagkaabalahan." Dagdag pa nito saka ngumiti.

"Kapag nalaman ito ni General tiyak na pare-pareho tayong mawawalan nang trabaho." Wika ni Arielle.

"Pero exciting diba? Unang beses nating lumabag sa batas. Tayo itong nagpapatupad nang batas. Kung narito si Capt. Tiyak ito rin ang gagawin niya." wika ni Meggan. Ngumiti lang sila biglang pagsang-ayon sa sinabi nito. kahit hindi nila aminin. Na mimiss din nila ang arogante nilang kapitan.

"Simula nang sumali ako sa grupong ito palagay naging baliw na ako." Nakangiting wika ni Julius. Natawa naman ang iba pa. Pare-pareho sila nang nararamdaman. Para sa kanila ang phoenix ay hindi lang isang crime busting group kundi isang pamilya.

"Lee, Mukhang hindi ko na isasama ang mga tauhan mo. Pa batayan mo nalang sa kanila ang silid ni Granny at Aya." Wika ni Eugene at bumaling kay Lee.

"Yes, Master Eugene." Wika ni Butler lee. "Mag-iingat kayo." Wika nang butler. Tumango lang si Eugene ngunit hindi naman siya sigurado sa mga magaganap.

"Sana makauwi tayo nang buhay gusto ko pang makita si Aya." wika ni Julius.

"Para ka namang sira kung magsalita makakauwi tayo." Wika ni Meggan at siniko si Julius. Napatingin si Eugene sa mga kaibigan. Walang kasiguraduhan ang gagawin nila.

"Tayo Na!" wika ni Eugene at nagpatiuang sumakay nang Van. Aya. Gabayan mo kami. Ibabalik ko si Jenny nang buhay pangako. Wika nang isip ni Eugene. Nasa isip niya ang mailigtas si Jenny at mailayo kay Ramon kahit na anong mangyari. At kahit na anong mangyari tutuparin niya ang binitiwang pangako kay Don Gustavo.

Narating ng grupo nina Eugene ang Abandonadong Factory kung saan dinala ni Ramon ang dinukot niyang si Jenny. Nagtataka sila dahil napakatahimik ng boung paligid di mo aakalaing may mga kidnapper sa loob. Maingat silang pumasok sa loob ng factory.

"Eugene!" Sigaw ni Frances nang makita si Eugene at ang iba pa na pumasok sa loob ng factory.

"Frances!" Gulat na wika ni Eugene nang makita ang dalaga na nag-iisa sa loob ng bodiga. Nakatali ito sa isang upuan at bukod doon may sout itong vest na may isang time triggered bomb.

Hindi inaasahan ni Eugene na makikita si Frances sa lugar na iyon. Hinanap ng mga mata niya si Jenny pero wala siyang nakita ni Anino nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Eugene kay Julius na siyang inutusan niyang libutin ang buong paligid.

"Wala kaming nakitang kakaiba sa lugar na ito. Mukhang nakaalis na sila." Wika ni Johnny.

"Eugene! Tulungan mo ako!" Wika ni Frances na nagpapanic na dahil sa labis na takot. Agad namang nilapitan nina Julianne at Eugene ang dalaga.

Nang makalapit sina Eugene biglang nagsimula ang timer ng bomba. Bigla ding tumunog ang isang cellphone na nasa tabi ni Frances. Agad iyong dinampot ni Eugene at sinagot.

"Pasensya kana Eugene. Hindi na kita nahintay. Pero iniwan ko ang regalo ko para sa iyo. Sabi niya siya ang Fiancee mo." Wika ni Ramon sa kabilang linya.

"Nasaan si Jenny?" Asik ni Eugene sa lalaki.

"Tsk tsk. Eugene. Bakit mo hinahanap ang magiging asawa ko? Limang minuto na lang ang itatagal ng buhay ng babaeng yan sa harap mo. Si Jenny parin ang inaalala mo. Kung ako sa iyo iisipin ko muna kung paano mo patitigilin ang bombang yan." Anito at pintay ang telepono.

"Damn you!" napamurang wika ni Eugene at napahawak ng mahigpit sa cellphone na hawak. Narinig naman niyanng humalakhak si Ramon sa kabilang linya saka pinatay ang Celphone. Hindi niya akalain na hindi lang pala si Jenny ang Kinuha ni Ramon.

"Eugene ayoko ko pang mamatay. Tulungan mo ako." Wika ni Frances habang umiiyak.

"Hey! Calm down. Ililigtas kita. Pangako." Malambing na wika ni Eugene at hinawakan ang mukha ni Frances.

"Mahirap patigilin ang bombang ito." Wika ni Ben habang tinitingnan ang structure ng bomba na sout ni Frances.

"Akala mo ba ililigtas ka ng Eugene iyon? Nagkakamali ka. Uunhain niyang iligtas ang sarili niya." Wika ni Ramon kay Jenny habang kinakaladkad niya ang dalaga pasakay sa isang chooper na nag-aabang sa kanila sa roof deck ng isa sa mga building ng factory. Tumutulo ang luha sa mata niya habang pasakay nang Chopper. Maraming bagay siyang pinagsisisihan. Isa na roon ay hindi niya nasasabi kay Eugene kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Naging duwag siya ngayon wala nang pagkakataon na masabi niya ang bagay na iyon.

"Eugene!" sigaw ni Jenny nang bigla na lamang may sumabog mula sa building. Kasabay nang pagsabog ang malakas na halakhak ni Ramon. Ramdam na ramdam na nito ang tagumpay. Sa lakas nang pagsabog tiyak wala nang nakaligtas.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login