Download App
33.33% Alpha MMORPG: Rise of Kingdoms / Chapter 1: 0 Welcome in Alpha World
Alpha MMORPG: Rise of Kingdoms Alpha MMORPG: Rise of Kingdoms original

Alpha MMORPG: Rise of Kingdoms

Author: Alpha_00002

© WebNovel

Chapter 1: 0 Welcome in Alpha World

" Welcome po sa lahat ng mga nanunuod sa ating programa, ang Game News, at maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsubaybay sa amin sa lahat ng mga ibinabalita namin sa inyo na may kinalaman sa mga sikat na laro" sabi ng isang napakagandang host ng Game News.

" Tama ka nga jan bestfriend..." sagot naman ng isang babae na kasing ganda ng nauna.

"Ngayon naman ay pag uusapan natin ang pinakabagong laro na nagpapainit sa Game World, at talaga namang kakaiba ang larong ito na hindi pa na irerelease sa public." dagdag pa nito.

" Oo nga, balita ko ay ginawa pa ito ng isang sikat na kumpaniya sa paggawa ng mga laro na nagpasabog sa Game World, at ito nga ang New Game company." dugtong naman ng naunang babae.

" Ano nga ba ang pinagkaiba ng larong ito kaysa mga naunang laro na naimbento ng New Game company?" tanong naman ng pangalawang babae.

" Naku, talagang hindi ka maniniwala dito sa sasabihin ko, ang larong ito na tinatawag na Alpha World ay ang kaunaunahang Virtual MMORPG na naimbento sa panahon natin ngayon sa tulong ng mga top experts sa Game World na nagsama-sama sa New Game Company." sagot naman ng unang babae.

Habang sila ay nagsasalita, ang ating bida na si Alexander de Madera, ay nanunuod sa kanila sa tv. Talagang inaabangan din niya ang larong Alpha World. At halos lahat ng impormasyon tungkol sa larong ito ay alam ni Alexander. Nakaupo lang siya sa isang sofa habang nanunuod ng tv at may dalawang bodyguard na nakatayo sa kaniyang likuran. Matapos ang programang Game News, ay tumayo si Alexander at pumasok sa kaniyang kwarto. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Nagising na lamang siya ng may kumakatok sa pintuan ng kaniyang kwarto. " Young Master, gumising na po kayo. Narito na po ang iyong ama at hinihintay niya po kayo sa baba..." sabi ng kumakatok na isa sa kaniyang dalawang bodyguard.

Pagkarinig nito ay dali daling bumangon si Alexander, binuksan ang pinto at dali daling bumaba para makita ang ama. Excited si Alexander, at nakita ng kaniyang ama ang reaction sa mukha ni Alexander, masaya itong makita Siya. Pero hindi, mali ang akala niya, hindi siya ang kinasasabikan ni Alexander kundi ang dala niya, ganun pa man ay tumayo parin siya para salubungin ang yakap ng anak. Nanlaki ang mata niya ng hindi man lang siya pinansin ng anak, kundi dumiritso ito sa isang capsule na dala ng niya.

" Hahaha, Akala ko pa naman ako ang una mong yayakapin, hindi pala..." pabirong sabi ni Arthur na ama ni Alexander habang tinitingnan niya ang kasiyahan ng anak.

Hindi parin siya pinansin ni Alexander, at mukhang Wala itong naririnig. Kaya bumagsak ang confidence ni Arthur. " Anak, pansinin mo naman ang tatay, alam mo bang nahirapan akong makuha ang capsule na iyan ng larong Alpha World. Limited lang pala ang supply nila sa taong ito, at isa lamang iyan sa isang daang kopya sa boung mundo." pagmamalaki ni Arthur sa pag aakalang pupurihin siya ng anak.

Peru nabigla siya at napaluha sa ginawa ng anak.....hinalikan siya nito at nagpasalamat sa kaniya. " Salamat pa, mahal na mahal ko pa kayo."

" Walang anuman iyon anak, supportado ka ng tatay sa lahat ng iyong gagawin. Basta masaya ka, masaya na rin ako. Nakakalungkot nga lang at wala na ang nanay mo." sagot ni Arthur. " Oo nga pala anak, mamayang hating gabi magbubukas ang unang server ng Alpha World, at ito ang Account card mo." dugtong pa ni Arthur at iniabot niya kay Alexander ang isang card.

Ito ang nakalagay sa card:

[ Game Card : Alpha World

Game Card Type: Supreme ( Lifetime )

Game Account : Alexander de Madera

Game Account No.: Alpha_00002 ]

Inutusan ni Alexander ang dalawa niyang bodyguard na buhatin at dalhin sa kaniyang kwarto ang Alpha World game capsule.

" Dahan dahan lang baka masira, ayusin niyo pagkahawak at e set up niyo sa kaagad sa kwarto ko " utos ni Alexander sa kanila.

Agad namang sumunod sa kaniyang utos ang dalawang bodyguard at dahan dahan nilang binuhat patungo sa kwarto ni Alexander ang capsule. Si Alexander naman ay nakasunod sa kanila habang ang kaniyang ama na si Arthur ay umalis na. Ang bahay na tinitirhan ni Alexander ay pagmamay-ari niya sapagkat iniregalo na ito sa kaniya ng nanay niya sa kaniya paglabinwalong kaarawan. Ngayon ay dalawampung taon na si Alexander.

Pagkatapos maset up ang capsule ay pinalabas niya ang kaniyang dalawang bodyguard. Binuksan ni Alexander ang capsule at nakita niya ang manual. Nabasa niya sa manual na ang capsule ay matibay, hindi kayang sirain ng kahit na sino o kahit na ano. Nabasa rin niya na kahit na magbrownout ay hindi mamamatay ang capsule sapagkat mayroon itong back up power supply. Nabasa niya rin na kapag nagumpisa ng mag laro, ang tunay na katawan ay mapupunta sa loob ng game at ang capsule sa tunay na mundo ang daanan patungo sa Alpha World. Nabasa rin niya na para makalabas sa Alpha World at makabalik sa tunay na mundo, ay kailangan niyang pumasok sa capsule na makikita sa Alpha World.

Dumating na ang pinakahihintay na sandali, tiningnan ni Alexander ang oras, 11:50pm., kaya pumasok na siya sa loob ng capsule. Kusang nagpower on ang capsule at biglang naglaho ang kaniyang katawan na para bang hinigop ito ng isang vacuum. Napunta siya sa isang room, walang ibang naroon kundi siya lang. Nakita niya ang nakalagay sa may dingding, countdown : 07:45, at patuloy pa itong bumababa. Di nagtagal ay may mga ibang player na din ang dumating, sunod sunod hanggang sa halos mapuno na ang kwarto. Binilang niya, mga isang daan nga lahat.

Naging zero na ang timer, bigla nalang may nagsalita, " Welcome sa Alpha World " .....


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login