Download App
26.47% Alchemic Chaos: Fate / Chapter 9: Kabanata Otso: Pagsasanay (1)

Chapter 9: Kabanata Otso: Pagsasanay (1)

HINDI lubos malaman ni Kira kung bakit sa kaniyang pagkagising ay wala siyang sakit na madama at walang bahid ng sugat sa kaniyang katawan kung gayong nararapat ay mayroon siyang makita dahil sa naganap noong bago siya mawalan ng malay.

Luminga-linga siya sa paligid at natagpuan ang sarili sa parehong kwarto kung saan niya unang nakilala si Xerxes, sa may maliit na mesa sa tabi ng kama ay naroon ang kaniyang libro ngunit sa oras na ito ay nakapagtatakang umiilaw ang isa sa mga diyamante na palamuti sa pabalat ng libro—ang lilang diyamante ay umiilaw at may kakaibang simbolo ang lumitaw: Isang simbolo na hugis F na may diretsong linya sa baba.

Naalala niya tuloy ang unang beses niyang nahanap ang libro na nakabaon sa ilalim ng lupa, aksidente niya itong nakita noong sinabayan niya ang mga minero ng kaharian upang maghanap ng kayamanan sa bundok Iafgh.

Ang kaharian ng Krūò at ang lahat ng pagmamay-ari nito, kasama na ang bundok ng Iafgh ay tagumpay na nasakop ng Titania.

Napakaganda ng kaharian ng Krūó, puno ito ng mga likas na yaman na ibang-iba kaysa sa iba. Mula sa mala esmeralda nitong tubig sa mga batis at talampas na pati ang lasa ay mahahalintulad sa pulot ng bubuyog sa sobrang tamis, ang kakaibang Tahluia: isang bulaklak na mistulang bahaghari ang mga talulot at pinaniniwalaang kayang gumamot sa maraming sakit, ang Lharia: isang punong ang mga bunga ay kulay rosas na sapiro at ang Ewhudite: isang kabute na kayang pantayan ang langis at maari ring gamitin bilang konduktor ng kuryente na mas mabilis pa sa copper.

Ang mga hayop din dito ay bukod tangi at tunay na masarap ang karne at—puno ng yamang mineral ang kaharian at pinaniniwalaang may mineral na mas matigas pa sa diyamante kaya't nagningning ang mata ng hari ng Titania upang angkinin ang kaharian.

Kaya noong tuluyang nasakop ito ay tuwang-tuwa ang emperador sa pagkapanalo at ginawaran si Kira ng isang promosyon at titulo—Heneral ng mga heneral at ang virtuosong binibini ng kahariang mananakop. Dahil din sa saya ay pinayagan si Kira na sumama sa mga minero at maging mata ng emperador.

Hindi magkanda-ugaga ang mga minero sa paghuhukay sa araw na iyon, mainit ang paligid at halos sumingaw ang kalapit na batis. Pawis na pawis ang mga minero at ang mga nagdurugong likod nila na galing sa panlalatigo ng emperador ay hindi nakatulong sa kanilang kalagayan—mga naparusahan ng emperador ang mga minero dahil sila ay hinatulang magnanakaw ng emperador dahil sa mga nawawalang trigo na alam na alam ni Kira ay sinira lang ng hari ang mga ito noong nagaapoy ito sa galit at naghanap lang ng taong masisisi.

Magda-dalawang araw ng hindi pinapainom nang tubig ang mga minero dahil na rin sa utos ng hari at hindi nito kayang balewalain ni Kira kaya noong pinagawan siya ng plano ng emperador para sakupin ang kaharian ng Krūó kapalit ang buhay ng mga minero ay pumayag na siya, ngunit kahit na naipanalo niya ang pananakop at hindi nga pinatay ang mga minero ay pinahihirapan pa rin ito ng emperador.

Dahil siya ang mata ng hari sa pagmimina ay hindi nito malalaman kung tutulungan niya ang mga minero ngayon. Lumapit si Kira sa mga hirap na hirap na minero at isa-isang binigyan ang mga nasalok niyang tubig sa batis at tig-da-dalawang tinapay na may keso na kaniyang ginawa at itinago.

Lumaki ang mga mata ng mga minero. "Kung inutusan lang kayo ng demonyong emperador para uyamin kami, ilayo niyo sa amin ang mga iyan," wika ng isa sa mga minero kay Kira.

Kumirot ang puso ni Kira sa narinig. "Hindi po, para sa inyo po talaga ito at hindi ito alam ng hari, ligtas po kayo sa kaniyang ngitngit dahil hindi niya malalaman na kayo ay uminom at kumain. " Hindi na tumanggi ang mga minero at dali-daling kinuha ang binigay ni Kira at pinagsaluhan.

"Maraming salamat, binibining Mystearica," sabay-sabay na wika ng mga minero at matamis na nginitian ang dalaga.

Abot langit naman ang saya ng dalaga. Dumapo ang tingin niya sa mga kayamanan na nahukay ng mga minero at napansin ng kaniyang mata ang isang lumang libro na may mga makukulay na bato na palamuti sa pabalat.

"Nahukay niyo rin po ba ang librong iyan?" Tanong ni Kira sa mga minero.

"Opo, binibini at mukhang matatapon lang iyan ng emperador kaya kung iyong nanaisin ay kunin niyo na lamang ito at hindi naman magagalit ang emperador sa inyo," wika ng isa sa mga minero at sa narinig ay hindi nag-aksaya ng oras si Kira at pumunta upang kunin ang libro.

Tinitigan niya ito at sa hindi malamang dahilan ay tila na-hihipnotismo siya sa libro.

Napangiti si Kira sa naalala. Simula noo'y nagamit niya ang libro sa pagtuto ng mahika dahil isa pala itong libro ng mahika at masaya siyang siya ang nakakuha nito at hindi ang emperador at dahil din sa librong ito ay buhay pa siya at si Violet ngayon ngunit kaluluwa'y inangkin ni Xerxes.

"Ano pa kaya ang hiwagang taglay mo?" Tiningnan niyang maigi ang libro at sinuri-suri.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at ang maskuladong pagbuntong-hininga ng kung sino. "Wala ka bang balak bumangon? Unang araw mo ito sa pagsasanay pero andiyan ka nakatunganga, kinakausap ang mahiwagang libro na parang siniraan ng bait." Sa narinig ay naalala ni Kira ang inis at poot niya sa may-ari ng boses.

"Hindi ako sasama sa isang mamatay-tao!" sigaw niya.

"Hindi ko naman sila papatayin kung hindi nila ako gagambalain!" sigaw pabalik ng lalaki na nagpatigil kay Kira.

Hindi na siya naka-sagot pa ng pumulupot sa kaniyang katawan ang mga halaman ng lalaki at ngayon ay hindi na ito masakit at mahigpit gaya nung nauna. Tila kinakarga siya ng halaman at sa paglabas ng binata sa pinto ay sumusunod siya.

"Bitawan mo ako! At pakainin mo muna ako!" Pagpupumiglas ni Kira ngunit hindi siya pinakinggan ng binata.

"Huwag ka ng magpumiglas! Kailangan mo ito! Liban na rin sa aking personal na rason ay ang paninirahan sa gubat na ito ay lubhang mapanganib kahit na protektado ko ang lugar na ito ay may iilan pa ring nakakapasok at hindi ko nais na may makasamang mahina kumg mayroon mang sumugod dito, at ang pagkain ay makaka-hintay, hangal!" wika ng binata at ang salitang mahina na sinabi ng binata ay nagpatahimik kay Kira at nagpatigil sa pagpupumiglas.

May punto ang binata dahil kapag mahina pa rin siya ngayon ay hindi na siya makakaabot ng buhay sa Titania upang maghiganti.

Hinayaan niya na lang na dalhin siya sa kung saan ni Xerxes at mas sinaisip ang makukuha niya na kaniyang magagamit sa paghihiganti.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login