Download App
97.7% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 128: C-127: THE BORROWED EMBRACE

Chapter 128: C-127: THE BORROWED EMBRACE

FRANCE, EUROPE

PAUL BRADLEY DOMINGUEZ

Ilang buwan na rin mula ng lumipat siya dito sa France.

Umalis siya sa Spain sa kanyang Tita Elvira na kapatid ng Mommy niya at nagpalipat-lipat siya kung saan saang lugar.

Mula kasi ng mamatay ang kanyang Ina nagbago na rin ang pakitungo sa kanya ng tiyahin at nang pamilya nito.

Tinatawag pa siya ng mga pinsan niya na ampon at madalas na siyang binubully ng mga ito. Ngunit hinahayaan lang ito ng kanyang tiyahin.

Hindi rin niya maintindihan kung bakit naging ganu'n. Parang nagbago na ang lahat sa buhay niya mula ng mamatay ang Mommy niya.

Bigla nawalan siya ng kakampi at parang nawala na rin ang lahat sa kanya.

Pero hindi siya sumuko at nagpatalo, sinikap niyang mamuhay ng mag-isa. Pero nalaman niya na hindi pala ganu'n kadali ang maging independent.

Ang pangarap na makapag-aral ng Medisina ay tila unti-unti nawawalan na rin ng pag-asa.

Nakakadalawang taon pa lang siya sa kolehiyo nahirapan na siya at nahinto. Lalo na nang magpalipat-lipat siya ng lugar.

Kinailangan kasi niyang magtrabaho para masuportahan ang sarili. Dahil European citizen siya kaya madali naman siyang nakakakuha ng visa kahit saan siya magpunta.

Kung paano ito nangyari tanging mga magulang lang niya ang nakakaalam? Kahit pa sabi ng Mommy niya sa Pilipinas talaga siya ipinanganak.

Labing siyam na taong gulang pa lamang siya, ngunit parang ang tanda tanda na ng pakiramdam niya sa kanyang sarili.

Dahil marahil sa dami na rin ng napagdaanan na niya sa buhay.

Pagkatapos niya ng high school muli lang siyang ibinalik ng kanyang Ama dito sa Europe.

Ngunit hindi na rin siya nito pinakialaman pa at kahit ang pangako nito na dito siya pag-aaralin ng Medisina tila ba kinalimutan na rin nito.

Hindi na rin yata siya nito naaalala pa at magawang pakibalitaan man lang kung buhay pa ba siya?

Pakiramdam tuloy niya isa lang siyang basura na itinapon ng kanyang Ama. Kaya kahit gaano pa kaganda ang lugar na ito. Basura pa rin ang tingin niya sa kanyang sarili.

Siguro kung sasabihin ng lahat na hindi siya tunay na Anak ng kanyang Ama baka maniwala pa siya. Dahil madalas ito naman ang nararamdaman niya parang hindi siya nito tunay na Anak.

Ngunit hindi ang kanyang Ina dahil talagang minahal siya nito at kahit kailanman hindi nito ipinaramdam sa kanya na hindi siya nito Anak. Kaya hindi siya naniniwala kahit ano pa ang sabihin nila.

Ilang beses na rin niya itong itinanong sa kanyang Ama.

Ngunit galit lang ang isinasagot nito sa kanya. Malaki ang takot niya sa kanyang Ama kaya mas pinili na lang niyang huwag nang magtanong at kalimutan na lang ang lahat.

Kaya mas ginusto na lang niya ang lumayo at magsarili.

Hanggang sa isang matandang Doctor ang nangailangan ng kanyang tulong, tinulungan niya ito habang nakaduty pa siya sa Ospital na pinapasukan niya bilang isang utility personel.

Bigla kasi itong nagcolapse habang palabas ng Ospital. Bago pa man ito makarating sa service nitong sasakyan.

Dahil kahit paano may alam na siya sa Medisina at alam na rin niyang magsagawa ng first aid. Kaya nagawa niyang matulungan ang Doctor bago pa man mahuli ang lahat.

Naging napakabuti naman sa kanya ng Doctor lalo na nang makilala na niya ito ng lubusan. Nalaman rin niya kung gaano ito kagaling hindi lang bilang tao.

Higit sa lahat kung gaano ito kadalubhasa sa larangan ng Medisina. Kahit sa sandaling panahon pa lang na nakasama niya ito sa Ospital. Marami na siyang natutunan, naging mentor niya ito at sa huli halos iniidolo na rin niya ang butihing Doctor.

Siya si Dr. Amadeus Ramirez isa siya Neurologist and internist Doctor. Tinagurian rin siya bilang isang master surgeon at kinikilala siya sa iba't-ibang bahagi ng Europa.

Si Dr. Amadeus Ramirez rin ang nagdala sa kanya dito sa France. Binigyan siya nito ng trabaho at tinulungan siyang makabalik sa pag-aral.

Maayos na sana ang lahat kahit daig pa niya ang ulila. Hindi kasi niya ipinaalam na buhay pa ang kanyang Ama.

Tutal naman wala na itong pakialam pa sa kanya kaya't inilihim na lang niya sa Doctor ang pagkakilanlan nito.

Ngunit laking gulat na lang niya ng sa kanyang pag-uwi galing sa eskwela ay madatnan na niya ito sa tinutuluyan niyang apartment...

"Papa...?!

'A-anong pong ginagawa n'yo dito?"

"Bakit hindi na ba ako gustong makita ng mahal kong Anak?!"

Nakangising tanong nito sa kanya. Talagang ikinagulat niya ang presensya nito.

Ngunit naroon pa rin naman ang kasabikang makita itong muli.

Kahit pa hindi niya inaasahan na pupuntahan at makikita niya ang Ama sa lugar na iyon...

"H-hindi naman po sa ganu'n Papa, n-nagulat lang po talaga ako kasi akala ko po kasi hindi n'yo na ako hahanapin?" Saad niya sa kanyang Ama. Habang pigil ang emosyon.

"Kaya ba pinagtataguan mo na ako ngayon, akala mo siguro na hindi kita makikita no?" Makikita sa mukha nito ang pagkayamot.

"Hindi ko po kayo pinagtataguan, kailangan ko lang talaga ng mas magandang oportunidad." Saad niya.

"Ah' kaya pala narito ka at nag-aaral pa ha'?" Sarkastikong saad nito.

"Alam n'yo naman po na gusto ko talagang makapag-aral at saka makatapos Papa. Narito po ako para i-grab ang oportunidad na iyon." Matapang na saad niya sa Ama.

"So nagmamalaki ka dahil may nagsponsor sa iyong iba, dahil ba may naawa rin sa'yo?" Pauyam na saad pa nito.

"Isa rin po siyang Doctor kaya naiintindihan niya ang pangarap ko Papa." Saad niya sa Ama sa mahinahon pa ring salita.

"Ang ibig mong sabihin ako kasi hindi ganu'n, ganu'n ba? Sino ba 'yang Doctor na ipinagmamalaki mo ha'?"

"Matandang Doctor na po siya Papa, pero napaka galing po niya at ang bait rin po niya sa'kin!" Excited pang paliwanag niya sa Ama.

"Tang*** hindi ko tinatanong ang ugali niya, ang tanong ko kung sino siya punyeta!" Asar nang saad nito at nag-alsa na rin ng boses.

Kaya naman hindi na naman niya naiwasang makaramdam ng kaba. Dahil sa ugaling iyon ng kanyang Ama. Hanggang kailan nga ba siya makakaramdam ng ganito?

"Siya po si Dr. Amadeus Ramirez Papa, siya ang tumulong sa akin na makarating dito at makapasok ng trabaho sa Ospital." Paliwanag pa niya.

"Ramirez, isa siyang Ramirez? Ah' marahil isa siyang French o Briton tama?" Tila nais nitong tiyakin.

"Ah' hindi po Papa kalahi rin po natin siya Pinoy rin!" Nakangiti pa niyang sagot sa kanyang Ama.

Kahit pa batid niya na mainit na ang ulo nito. Habang ito naman ay napakunot ang noo at tila may iniisip.

"S-saan mo siya nakilala at saka bakit ka niya tinutulungan?" Pabiglang tanong nito sa kanya.

"Siguro po gusto lang niyang makabawe kasi tinulungan ko rin po siya minsan. Bakit po ba Papa kilala n'yo ba si Doc?"

"Hindi! Bakit ko naman siya makikilala hindi ba ikinukwento mo lang siya?" Ngunit bigla ring bawi nito.

"Ah' akala ko po kasi, ah' sorry po Papa!" Hindi na lang niya itinuloy ang nais pa sanang sabihin sa takot na, baka magalit na ito ng tuluyan.

"O sige na, tigilan na nga natin ito. Dito na muna ako tutuloy may importante lang akong gagawin. Kung hindi naman kalabisan sa'yo na narito ako. Huwag kang mag-alala once na nakita ko na ang hinahanap ko aalis rin ako dito." Wala man lang pakiusap na saad nito.

"May hinahanap po kayo Papa, s-sino po ang hinahanap n'yo?!" Curious niyang tanong.

"Huwag ka nang magtanong hindi ko rin naman sasabihin sa'yo. Mabuti pa ibili mo na lang ako ng pagkain at nagugutom na ako!" Utos pa nito.

Agad naman siyang tumalima matapos ibaba ang kanyang bag. Baka kasi lalo lang uminit ang ulo nito. Kaya mas mabuti na sundin na lang muna niya ito. Lalo na kung ganitong gutom.

Kailangan na rin kasi niyang magmadali may pasok pa kasi siya sa Ospital.

___

Ilang minuto lang naman ang lumipas pabalik na ulit siya ng apartment. Matapos siyang bumili ng sapat na pagkain para sa kanilang mag-ama.

Gamit ang service niyang bike ito rin ang ginagamit niya pagpasok sa eskwela at Ospital.

Ipinarada lang niya ulit ito sa gilid ng bahay bago muling pumasok sa loob ng apartment.

Pipihitin na sana niya ang seradura ng biglang may sumagi sa kanyang isip...

"Huh' hindi kaya?"

Kaya nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang galit na mukha ng Ama niyang si Anselmo.

"Ano bang ginagawa mo diyan gago ka, nariyan ka na pala?!" Malakas na bulyaw pa nito sa kanya.

"Papa, s-sorry po k-kararating ko lang po!" Halos manginig naman ang kanyang boses sa pagsagot.

"Nasaan na ang binili mo tatanga tanga ka pa diyan nagugutom na ako?!" Kinuha lang nito ang hawak niyang pagkain.

Pagkatapos agad na siya nitong tinalikuran, naupo na ulit ito sa sofa at nagsimula nang kumain. Hindi man lang siya nito inayang kumain o tinanong kung kumain na ba siya.

Nahigit na lang niya ang kanyang paghinga at saka pumasok. Nang muli niyang maalala ang nasa isip kanina. Hanggang hindi na rin siya nakatiis na itanong.

"Papa s-sino po ba talaga ang hinahanap n'yo dito?" Lakas loob na niyang tanong.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo nang alamin ha', makulit ka talaga no?!" Sabay bato nito sa buto ng manok na bahagyang tumama sa kanyang noo.

"Papa!" Bahagyang napalakas ang kanyang boses.

"O ano, lalaban ka na?!" Mas malakas na bulyaw nito.

"Hindi naman po Papa, n-naisip ko lang po kasi 'yung babaing nakita ko sa Hacienda. Nakita ko rin siya dito baka lang po kasi siya ang hinahanap mo?" Saad niya.

"Babae, sinong babae ang tinutukoy mo?!" Marahas pa itong tumayo sabay hablot sa kanyang braso.

"Papa?" Ramdam pa niya ang pagbaon ng daliri nito sa mahigpit na paghawak nito sa kanyang braso.

"Sagutin mo ang tanong ko sinong babae ha', nilapitan mo ba siya kinausap, ano? Magsalita ka punyeta ka!" Halos yugyugin na siya nito sa sunod-sunod na tanong.

Natataranta man sinikap pa rin niyang kalmahin ang sarili. Kahit ramdam niyang nagsisimula na naman siyang matakot.

"Yun pong babae na kausap n'yo noon sa Hacienda noong huling umuwi ako doon. Nakita ko po siya sa Ospital kung saan ako nagtatrabaho at sa palagay ko po narito rin siya sa France." Tuloy-tuloy na salita niya.

"Si Amanda, sigurado ka bang nakita mo siya na siya talaga ang nakita mo?!" Lalo pa nitong diniin ang pagkakahawak sa kanyang braso.

"S-sigurado po ako Papa..." Pilit pa niyang hinahatak ang kanyang braso. "Pero iba na po siya!" Dugtong na salita pa niya.

"Anong iba... Anong ibig mong sabihin?" Nalilitong saad nito. "Akala ko ba sigurado kang siya nga ang nakita mo?" Hindi na maipinta ang mukha nito sa inis.

"Hindi ko po siya nilapitan at nakausap pero sigurado naman po ako na siya 'yun! May kasama rin siya ng makita ko siya.

'Kaya ko po nasabi na iba, kasi sa tingin ko nag-asawa na po siya at buntis na. Siguro nagpa-check-up sila ng asawa niya ng araw na makita ko sila." Saka lang siya nakahinga ng matapos niyang sabihin sa Ama ang lahat.

"Punyetang babae 'yun, hindi man lang sinabi sa'kin na nag-asawa na pala!" Mahinang bulong nito ngunit malinaw pa rin niyang narinig.

"Siya po ba talaga ang hinahanap n'yo Papa kaya kayo narito?" Ngayon sigurado na siya na ito nga ang hinahanap ng kanyang Ama.

"Eh' ano naman sa'yo kung siya nga ang hinahanap ko?" Galit na tugon nito.

"Bakit n'yo pa siya kailangang hanapin? May asawa na po siya at siguradong masaya na sila."

"Eh' Gago ka pala eh, natural na hanapin ko siya dahil Anak ko siya!"

Tila ba may punyal na namang tumarak sa kanyang dibdib ng dahil sa sinabi nito. Ngunit mas tumimo sa kanyang isip ang kaalamang Anak rin ito ng kanyang Ama.

Ang ibig sabihin ba noon ay...

"K-kapatid ko po siya Papa?!" Pagkumpirma niya.

"Oo pero hindi siya kasing tanga mo at hindi rin siya katulad mo na walang kwenta!" Painsultong saad pa nito.

"Bakit ngayon n'yo lang po sinabi sa'kin Papa?" May hinanakit na saad niya sa Ama.

Bigla itong napabaling ng lingon sa kanya. Sinubukan rin niyang tingnan ito ng deretso sa mata.

Napaismid ito at mapaklang tumawa, wala ring babalang dinaklot nito ang harapan ng kanyang damit.

Hinila pa siya nito palapit at sa mismong harap niya sinabihan siya ng mga kataga...

"Dahil wala naman talaga akong balak na ipakilala ka pa sa kanya. Kaya bakit kailangan ko pang sabihin sa'yo 'yun ha'?"

Mas hinila pa siya nito palapit at itinutok ang mukha sa kanyang mukha.

"Kaya binabalaan kita! Huwag na huwag mo siyang lalapitan, kung sakali mang makita mo siya ulit.

'Ito lang ang tandaan mo sa oras na magpakita ka sa kanya at magpakilala...

'Tatanggalan kita ng hininga, naiintindihan mo?!" Banta nito at pasalya siya nitong binitiwan na kung hindi siya nakakuha agad ng balanse. Marahil sumadsad na siya sa sahig.

Ngunit ang pakiramdam niya parang libong beses rin siyang binigwasan ng kanyang Ama.

Dahil sa mga sinabi nito parang ipinamukha na rin nito sa kanya na wala siyang kwenta at halaga. Kung ikukumpara sa babaing iyon na nagkataon na kapatid pala niya.

Pero bakit, ano bang kasalanan niya, ano ba ang mali sa kanya?

"Papa! Bakit ba ang lupit n'yo sa'kin?" Hindi na niya napigilang itanong.

Namumula na rin ang kanyang mga mata. Dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"Hmp! P'wede ba huwag kang mag-inarte sa harap ko, sisihin mo iyang mukha mo.

'Dahil sa tuwing makikita kita naaalibadbaran ako. Huwag ka nang magdrama, dahil hindi  uubra sa'kin 'yan!

'Umalis ka na lang sa harap ko at iligpit mo na rin 'yang mga kalat at umalis ka na!"

"Bakit ba kayo gan'yan Papà?!" Hindi na niya napigilan ang sumigaw.

"Bakit gusto mo na ba akong labanan ha'? Sige labanan mo ako lumaban ka!" Lumapit pa ito sa kanya at itinulak ang kaliwa niyang balikat.

"Papa, hanggang kailan mo ba ako sasaktan?!" May hinanakit niyang saad.

"Hah! Gusto mong malaman? Habang nabubuhay ka sasaktan kita kapag gusto ko.

'Dahil magiging kaligayahan ko ang saktan ka. Naiintindihan mo ha'?!" Dinuro-duro pa ng daliri nito ang kanyang noo.

"Kaya huwag mo nang subukang lumaban sa'kin. Dahil kayang kaya ko ring pitpitin 'yang daliri mo kung gugustuhin ko. Tingnan ko lang kung maging Doctor ka pa!" Dugtong pa nito na labis ring sumugat sa damdamin niya ng mga oras na iyon.

"Papa!" Bagama't naroon ang magkahalong pait at hinanakit.

Kailangan pa rin niyang sumuko dahil ano ba ang laban niya sa sarili niyang Ama?

Ito pa rin ang kanyang Ama at Anak lang siya nito.

"Wala ka naman pa lang binatbat masyado ka lang epal. Hindi mo ako p'wedeng labanan dahil utang mo sa'kin ang buhay mo.

'Magpasalamat ka na lang na buhay ka pa hanggang ngayon. Dahil kung gugustuhin ko ano mang oras p'wede kong lagutin ang hininga mo!

'Pero hindi ko pa 'yun gagawin dahil gusto ko pang makita na nahihirapan ka. Para naman sumaya ang Papa mo hindi ba Anak?!" Pauyam itong tumawa ng malakas.

Halos mabingi na siya sa lakas ng pagtawa nito. Kahit sa kabila ng nakikita nito ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata.

Tang***! Kung p'wede lang dukutin niya ang kanyang mga mata. Para wala ng pagdaluyan ang kanyang mga luha. Kasama na rin niyang dudukutin ang puso niya para hindi na rin siya makaramdam pa ng sakit.

"Sige lang umiyak ka pa Anak, na parang bakla! Gan'yan nga para  mas sumaya si Papa." Saka ito muling tumawa ng malakas.

Awtomatikong napatakip ang mga kamay niya sa magkabila niyang tenga.

"Tama na po Papa, tama na!"

"Tama na, anong karapatan mong sabihin sa'kin 'yan ha'? Hangga't buhay ka sa'kin lang ang buhay mo. Ngayon kung sawa ka na, e'di magpakamatay ka na!

'Ano suko ka na ba? Ngayon mo patunayan sa'kin na talagang magaling ka! Huwag mong sabihing hanggang dito lang ang kayabangan mo, wala ka ring pa lang pinagkaiba.

'Doctor-doctor ka pa, hindi ka naman magiging Doctor. Dahil isa ka lang hangal na iyakin, wala kang binatbat.

'Magtrabaho ka na lang kung saan ka madaling kikita! Para naman mapakinabangan na kita agad, hindi iyang mag-aaksaya ka pa ng pera."

"Hindi po Papa, patutunayan ko sa inyo na magiging Doctor ako. Kahit hindi n'yo ako suportahan at kahit ano pa ang sabihin n'yo. Sisiguraduhin ko sa inyo na magtatapos ako sa pagiging Doctor sa ayaw n'yo at sa gusto!"

"Hah' Oh' di ikaw na nga ang magaling! Siguraduhin mo lang na mangyayari 'yan. Dahil kung hindi, hindi lang naman kita pagtatawanan duduraan pa kita. Naiintindihan mo? Umalis ka na nga sa harap ko, alis!"

Ipinagtabuyan na siya nito na parang walang halaga.

Hindi man lang nito naisip kung gaano siya nasasaktan. Ngayon lang ulit sila nagkita nito, mahigit tatlong taon na rin mula ng umalis siya ng Pilipinas.

Hindi man lang siya nito naisip na dalawin o tawagan palagi na siya ang tumatawag dito. Ngunit hindi man lang niya ito kakitaan ng pananabik sa kanya.

Habang siya kahit sa kabila ng pinakikita nito nasasabik pa rin siya na makita ito.

Kanina pa nga niya ito gustong yakapin ngunit alam niyang hindi nito magugustuhan iyon kaya't pinigilan niya ang sarili.

Ngunit kahit isang yakap lang nito baka makalimutan na niya ang lahat ng pasakit nito sa kanya. Isang yakap lang naman nito makakalimutan na niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon.

Kahit isang yakap lang... Alam rin niya na hindi nito iyon kayang ibigay. Ngunit bakit?

"Bakit nakatanga ka pa diyan, hindi mo ba ako narinig? Sabi ko umalis ka na sa harap ko! Putsa tanga ka ba talaga?!" Sigaw pa nito na puno rin ng pang-iinsulto.

Kaya't mabilis na siyang tumalikod at tuloy tuloy na umalis. Kahit pa walang tiyak na direksyon at hindi niya alam kung saan nga ba siya pupunta ng mga oras na iyon?

Sakay ulit ng kanyang bike nagpedal lang siya ng nagpedal.

Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili sa harap ng Ospital kung saan siya nagtatrabaho. Basta na lang niya ipinark ang kanyang bike at tuloy tuloy na siyang pumasok sa loob.

Dito siya dinala ng kanyang mga paa, sumunod lang siya sa gusto ng isip at puso niya.

Dere-deretso lang siya hanggang sa kusang huminto ang kanyang mga paa sa harap ng nag-iisang tao na tanging umukopa ng kanyang isip.

Saglit pa siyang napahinto ngunit segundo lang ang lumipas ng muling humakbang ang kanyang mga paa. Upang tawirin ang pagitan nila ng taong saglit ring nagulat pagkakita sa kanya.

Lalo na nang sugurin niya ito ng yakap...

"Doc! Pahiram naman ako nang yakap n'yo?

'Kahit sandali lang...

'Yakapin n'yo naman po ako!" Pigil ang emosyon na pakiusap niya sa Doctor.

Kayà wala na itong nagawa kun'di tugunin ang yakap niya.

"Sige lang Anak, narito lang si Papa gagamutin natin ang sugat mo. Kayà huwag ka ng mag-alala ha'?" Niyakap siya nito habang marahan ring tinatapik ang kanyang likod.

Ang bawat paggalaw ng mga kamay nito tila naman antidote na nagpapagaan sa kanyang pakiramdam. Tila pinapawi rin nito ang sakit at hinanakit sa kanyang kalooban.

Hindi tuloy niya naiwasang hilingin sa isip, na sana araw araw na niyang mahiram ang yakap nito.

Para kahit araw araw pa siyang saktan ni Anselmo mula ngayon. Araw araw rin na may papawi sa sakit nito.

______

"Hello, Joaquin hijo mabuti naman at tumawag ka na Anak! Kumusta na kayo ni VJ hijo?" Tanong ni Liandro mula sa linya ng telepono.

"Okay lang naman po kami dito Papa, kayo po kumusta?" Tugon naman ni Joaquin sa kabilang linya.

"Maayos rin naman Anak, last week ko pa kayo tinatawagan. Bakit walang sumasagot, wala ba kayo bahay hijo? Tumatawag rin ako sa cellphone mo pero lagi namang busy. Sobrang busy n'yo ba Anak at bakit hindi ko kayo ma-contact?" Nagrereklamo nang saad nito.

"Pasensya na Papa medyo naging busy lang talaga this fast few weeks. Pero maayos rin naman po kami dito at wala namang problema. Pasensya na rin kung ngayon lang po ako nakatawag."

"It's okay hijo ang mahalaga tumawag ka na. Ang apo ko nga pala nami-miss ko na ang batang iyon. Kasama mo ba siya ngayon Anak magvideo call naman kayo Anak para makita ko ang apo ko."

"Sige po Papa at saka meron din po kayong dapat makilala."

"Dapat makilala at sino naman iyon hijo?" Curious na tanong nito.

"Ang totoo excited na rin talaga akong ipakilala sila sa inyo Papa. Sigurado ako na magugustuhan mo rin sila tulad ni VJ. Pero bago 'yun may gusto muna akong sabihin sa'yo Papa."

"Hmmm sila, sandali hijo sinabi mo bang magugustuhan ko sila gaya ng apo ko you mean, mga bata ang gusto mong ipakilala sa akin hijo?" Hinuha nito.

"Yes, Daddy! Gusto kong makilala mo rin sila, ang iba mo pang mga apo at gusto ko rin sanang sabihin na..." Saglit muna siyang huminga ng malalim at saka muling nagpatuloy.

"Papa, magpapakasal na po ako!"

"Ha' paanong? What do you mean hijo, magpapakasal ka na sa babaing may Anak na rin?!"

"Yes, Dad... Because I love her so much and I will marry her even it, over and over again!"

"Joaquin!"

*****

By: LadyGem25

      (09-20-21)


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C128
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login