Download App
A Race To Love A Race To Love original

A Race To Love

Author: arrette

© WebNovel

Chapter 1

ARANGKADA

by : Arrette

Nagkakilala tayo sa isang karera

Tinuruan mo ako kung paano magpaarangkada

Sa una ay puno ng kaba

Pero habang tumatagal ay nakuha ko ng tumawa.

Akala ko nung una ay masungit ka

Pero habang nakikilala ka ay hindi pala

Puno ka din ng kalokohan katulad ng iba

Napapatawa mo ako kahit ako lang mag-isa.

Pero lahat ng ito ay panandalian lang pala

Dahil ikaw ang biglang nawala

Pinilt kong habulan ka

Pero ang bilis ng iyong arangkada.

Salamat sa panandaliang saya

Salamat sa kilig na pinaalala

Sorry kahit alam kong huli na

Sorry dahil mahal na pala kita.

Clark Field, Pampanga...

27th Off Road Race...

Road to conquer...Race to the top!!!

"Go, Mommy!" Sigaw ni Lucas sa kanyang ina. "Goodluck, sissy!" Sabay na sigaw nila Angela at Lyza sa kanilang pinsan. "Break a leg!" Sigaw naman nila Oliver at Elijah na mga pinsan din niya. Bago tuluyang sumakay sa kanyang Wrangler Unlimited Polar ay nagthumbs-up pa siya sa mga ito. "Ready?" Tanong ni Logan na co-pilot niya at ang nagsisilbing guardian nilang lahat. Dahil nagmigrate na ang kani-kanilang mga magulang sa Canada ay sila na lang magpipinsan ang nandito sa Pilipinas. Kahit matanda lang si Logan sa kanila ng dalawang taon ay dito ibinilin ng matatandang Pascual ang bawat isa sa kanila.

"Let's do this!" Sagot ni Billie pagkatapos ay nakipag-fist bomb kay Logan. Nang makita niya na ibinaba na ang green flag ay pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan.

…..

"Dre!" Excited na bati ng bagong dating na si James. "Woah! Kailan ka pa dumating, Dre?" Tanong ni Bo na gulat na gulat sa kaibigan. Alam niyang uuwi ito pero hindi nito sinabi kung kailan. "Galing akong airport, dumiretso na ko dito." Sagot ni James. "Hindi ka naman masyadong nagmadali?" Nakangising sabi ni Bo. "Sino'ng nasa track?" Tanong ng binata. "Pascual cousins. Does it ring a bell?" Nakangising tanong ni Bo. "Shut up!" Sabi ni James dahilan para humagalpak ng tawa si Bo. "Wait, novice ang nasa screen, don't tell me bumalik si Logan sa pagiging novice?" Takang tanong ni James. "Nope, co-pilot siya ng pinsan niya and you knew her very well." Kumunot ang noo ni James sa sinabi ng kaibigan. "Just wait and see." Sagot ni Bo sa nakakunot na noo ng binata.

Hindi inalis ni James ang kanyang mga mata sa sasakyan na walang kahirap-hirap na nilagpasan ang matataas at malalalim na obstacles na nasa track. "You can see Logan's techniques on her." Sabi ni Bo pero hindi siya kumibo. Sa kabila ng race track ay nakita niya sila Oliver, Elijah, Angela, at Lyza na sumisigaw para i-cheer ang nasa track. "Kung si Logan ang co-pilot, si..." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita si Bo. "Yeah, the one and only." Sagot ni Bo na nakatingin sa kanya na may nakakainis na ngiti sa mukha. Bumalik ang tingin ni James sa grupo ng mga Pascual at nadako ang mga mata niya sa batang karga ni Oliver. "Who's that child?" Tanong ni niya. "I don't know. It's the first time na sinama nila ang bata sa track. Madalas ay sila lang magpipinsan ang magkakasama." Sagot ni Bo. Dahil medyo malayo ay hindi masyadong makita ni James ang mukha ng bata pero may kung ano siyang nararamdaman sa tuwing tititigan niya ito.

"She's good." Sabi ni Bo na itinuro ang screen kung saan nasa number 1 spot si Billie sa mga baguhang racer. "After ng Novice ay kayo na." Dugtong ni Bo. "Where's Arlo and Aidan?" Hanap ni James sa dalawa pa nilang kaibigan. "Nasa truck, binabantayan ang baby mo." Nakangising sabi ni Bo. "Let's go and check her out." Sabi ng binata at sabay silang naglakad pero bago tuluyang umalis ay lumingon muna si James at nakita niya na buhat na ni Billie ang bata na tinitingnan niya kanina. "May anak na siya?" Bulong sa sarili ni James.

…..

"Ang galing mo, Mommy!" Salubong ni Lucas bago tuluyang niyakap ng mahigpit ang ina. "Kasi nandito ka kaya ginalingan ko." Sabi naman Billie. "Grabe, para akong aatakihin kanina!" Sabi ni Angela na hawak ang dibdib. "Halos mapaos ako kakatili." Sabi naman ni Lyza na medyo malat na nga. "Practice makes perfect talaga." Sabi ni Oliver na nakipagfist bomb kay Billie. "Ang smooth ng takbo n'yo kanina, para ka ng professional 4x4 off road racer." Sabi naman ni Elijah na nakipaghigh five naman sa kanya. "Dapat na ba akong kabahan?" Nakangising sabi ni Logan. "Yeah, next year tatalunin na kita." Sabi naman ni Billie. Naputol ang kanilang usapan ng may tumawag kay Logan.

"Logan, the champion!" Sigaw ni Bo. Lumingon si Logan sa pinagmulan ng boses na tumawag sa kanya at kumunot agad ang noo niya ng makita kung sino ito. "Akala ko hindi ka kasali." Takang tanong ni Logan ng makita ang nakalaban niya sa huling off road race. "Yeah, nandito lang ako para suportahan ang kaibigan ko. "Nag-off road na din sila Arlo at Aidan?" Tanong ni Logan. "Nope. Oh, siya na 'yan." Sabi ni Bo na tinuro ang palapit na Wrangler Unlimited Altitude. Lahat sila ay tumingin sa pumaradang sasakyan. Nang bumaba ang driver nito ay nahigit ni Billie ang hininga at napahigpit ang yakap niya sa kanyang anak. Naikuyom naman nila Logan, Oliver, at Elijah ang kanilang mga kamao. Naramdaman nila Angela at Lyza ang tension ng tatlo kaya hinawakan ni Angela ang braso ni Oliver at ganoon din ang ginawa ni Lzya sa pinsang si Elijah. "Mommy, I can't breath." Nang madinig ni Billie ang reklamo ng anak ay saka lang niya niluwagan ang kamay niya. Nang makita niya ang seryosong mukha ni Logan ay nilapitan niya ito. "Please, don't make a scene here." Pakiusap ni Billie. "Tito, karga." Lumambot ang mukha ni Logan at kinuha ang pamangkin sa ina nito. Laking pasalamat ni Billie sa anak dahil kahit papaano ay na-divert ang attention ni Logan.

Lumapit si James sa pwesto ni Bo na hindi inaalis ang mata kay Billie. Si Billie naman ay halos magtago na sa likod ni Logan dahil hindi pa siya handang makita ang lalaki kahit limang taon na ang nakalipas.

"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Logan. "Is he your son?" Biglang tanong ni James na hindi pinansin ang tanong ni Logan, ang mga mata niya any nakatingin pa din kay Billie. "He' mine." Sagot ni Logan. "Really?" Tanong ni James na seryosong tumitig kay Logan. "Hey, big boy, is he your daddy?" Nakangiting tanong ni James kay Lucas. Sasagot sana si Logan pero naunahan na siya ng pamangkin. "No, he's my Tito Logan. Who are you?" Curious na tanong ng bata. "Come, Lucas, let's eat ice cream." Singit ni Angela para lang mailayo ang bata. Tuwang-tuwa naman si Lucas na sumama sa Tita Angela niya.

"Let's have a bet on this one." Sabi ni James na nagpataas ng kilay ni Logan. "Kapag nanalo ka, you'll have a parnertship with me until your company recovers from your lost." Alam ni James na hindi makakatangi si Logan sa offer niya dahil alam niyang financially unstable ang company nila na gawaan ng mga sasakyan dahil mas malaki ang gastos kaysa sa kita lalo na ngayon matataas ang mga pyesa ng sasakyan. "What do you think?" Tanong ni James. Hindi na nagulat si Logan kung bakit nalaman ni James ang nangyayari sa Pascual Motors at talagang nakakatukso ang offer nito dahil sa totoo lang ay hirap silang makahanap ng business partner sa panahon ngayon. "At kapag nanalo ka?" Seryosong tanong ni Logan pero may idea na siya kung ano ang hihinging kapalit nito. "A talk with her." Tumingin si Logan kay Billie. "Don't worry about me. I know you can do it." Nakangiting sabi ng dalaga sa pinsan. "You sure? What if matalo ako?" Nakangising tanong ni Logan. "Humanda ka kila Daddy at Mommy kapag natalo ka." Nakangiting sabi ni Billie. "So, deal?" Tanong ni James. "Deal!" Sagot ni Logan.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login