Download App
75% A killer's Step || Tagalog Horror / Chapter 18: Chapter 19 : Andrea Garcia

Chapter 18: Chapter 19 : Andrea Garcia

A Killer's Steps

Chapter 19 : Andrea Garcia

AUTHOR'S POV

Sunod na pumasok sa ikalawang pinto sina Rhey, Cjay, at saka si Yuju

Sabay sabay nilang binuksan yung mga dala nilang flashlight

Saglit silang namangha sa nakikita nila.

Isang silid na punong puno ng mga paintings ang nakikita nila ngayon

Iba't ibang klase ng paintings na alam nila na nanggaling pa noong sinaunang panahon

Halos umikot na ang mga ulo nila kakalibot sa silid. Bawat painting ay may parang kwento sa loob loob dahil di nila maipaliwanag ang hiwagang nararamdaman nila tuwing tititig sila sa bawat isa sa mga painting na tinititigan nila. Punong puno iyon ng hiwaga

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad sa pasilyo habang tinititigan ang bawat isang painting na nakikita nila. Nangunguna sa paglalakad si Cjay dahil siya ang pinaka matanda sa tatlo

Maya maya pa ay napatigil si Cjay kaya sabay na napakunot noo ang dalawa sa likuran niya

"Kuya Cjay. May problema ba?" tanng ni Rhey

"Oo, may dalawang pinto. Saan naman dito ang daan?" tanong ni Cjay na di naman nagawang sagutin ng dalawa

Nagkatinginan silang tatlo hanggang sa bumuntong hininga si Cjay sa kanila

"Sige na, Rhey at Yuju. Sa unang pinto kayo magpunta. Ako na dito sa ikalawang pinto" nakangiting sabi ni Cjay na ikinabahala naman ng dalawa

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo Kuya?" tanong ni Yuju na may halong pag aalala. Tumango naman si Cjay bilang sagot saka siya ngumiti sa dalawa

Napatango din ang dalawa. Saka sila sabay na pumasok aa unang pinto

Dinig na dinig ni Cjay ang pagsarado ng dalawa sa pintong pinasukan nila

Huminga muna ng malalim si Cjay saka niya pinihit ang pintong nasa harapan niya at pumasok

Agad na pumasok si Cjay sa kwarto. Bawat sulok ay dinaanan niya ay inilawan gamit ang flashlight pero nabigo siya dahil wala naman siyang nakitang pinto o pasilyo. Isang Simpleng kwarto lamang yun na punong puno ng kagamitan.

Akmang aalis na sana si Cjay nang biglang mapako ang tingin niya sa Pinakamalaking Painting

Kakaiba ang painting na ito dahil bukod sa lahat ng Painting na nakita niya sa buong bahay, ito ang pinakamalaki

Nilapitan niya yung Painting. Saka dali dali niyang binuksan yung dala niyang lampara dahil kulang ang ilaw na naibibigay ng flashlight sa kanya

Nang masindihan niya ang lampara ay agad niya iyong iniharap sa malaking painting na nasa harapan niya

Ganoon na lamang ang pagkagulat nita nang makita niya ang taong nasa painting

"Lil sis?" nagtatakang tanong niya. Tama dahil ang painting na nasa harapan niya ay kamukhang kamukha ng kapatid niya. Ang pagkakaiba nga lang ay ang pananamit ng dalaga na halatang sinauna na

Nabaling ang tingin niya sa Nakaukit sa may ibaba ng painting

Agad niyang nilapitan yun at binasa

Name : Andrea Garcia

Born : August 4, 1876

Died : November 30, 1896

Age : 20

3rd Generation White Witch

Napakunot ang noo ni Cjay sa nabasa niya.

"Kung ganoon Ito si Andrea? Ito yung babaeng sinasabi ni Lil sis?" sabi ni Cjay sa sarili habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harapan niya na kamukhang kamukha ng kapatid niya na nagngangalang Andrea

Lalong napakunot ang noo niya nung napag alaman niyang isang white witch pala ang babaeng nasa harapan niya

Nabaling ang tingin niya sa dalawang katabi pa nitong painting

Name : Gregorio Garcia

Born : September 5, 1853

Died : July 26, 1881

Age : 28

Andrea's Father

Name : Fiona Garcia

Born : January 19, 1855

Died : July 26, 1881

Age : 26

Andrea's Mother

2nd Generation White Witch

Napakunot ang noo ni Cjay sa nakita niya

Isang napakagandang dilang ng nanay ni Andrea at Makisig ang tatay niya. Parehong bata pa nang mamatay ang mga ito

Tinignan pa niya ang isang katabi nitong painting

Name : Felecita Garcia

Born : March 13, 1862

Died : December 20, 1890

Age : 28

Andrea'a Sister

'Kung ganun may kapatid pala si Andrea?'

Sabi sabi ni Cjay sa isip niya habang pinagmamasdan niya ang painting ng magandang dilag na nasa harapan niya na medyo hawig kay Andrea

Inilipat naman ni Cjay ang Lampara at halos mapanganga naman siya sa sunod na litrato ang nakita niya

Name : Mateo San Juan

Born : December 30, 1875

Died : November 30, 1896

Age : 20

Andrea's Boyfriend

"Theo....." Mahinang bulong ni Cjay sa kanyang sarili nang makita niya ang litratong nasa harapan niya

Di nga siya nagkakamali! Kamukhang kamukha ni Theo ang Litratong nasa harapan niya

Lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang sunod litrato

Magkasama Si Andrea at Mateo sa litratong yun. At kung titignan niya ng maigi ay parang si Yerin at Theo lang na magkasama

Punong puno ng pagmamahal ang mga mata ng dalawa sa litrato at napakalaki ng ngiti nila sa bawat isa

Nanginginig ang kamay ni Cjay sa nakikita niya ngayon. Di niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya

Bahagya siyang napaatras dahil sa takot pero nakabungo siya ng isang bagay na nakalagay pala sa likuran niya. Agad niyang tinignan kung ano yun

At nakita niya ang isang Libro. Di gaanont kakapalan na nababalot ng Salamin

Dali dali siyang naghanap ng matigas na bagay at laking ngiti niya nang makakita siya ng isang tubo sa tabi. Agad niya yung kinuha saka binasag ang salamin kung saan nababalot ang libro

Agad niyang kinuha ang libro. Binuklat niya ito ng malibisan at nalaglag mula doon ang isa pang mas maliit na libro.

Agad niya yung pinulot

Inilibot niya ang mata niya sa kabuoan ng kwarto at laking ngiti niya nang makita niya ang isang lamesa at upuan sa di kalayuan

Agad siyang lumapit doon saka siya umupo

Sinimulan muna niyang titigan ang medyo malaking libro. Di naman siya kakapalan pero halata sa libro na yun ang pagkaluma

Tinitigan niya ang libro na puno pa ng alikabok. Nagtaka naman siya kung paano nalagyan yun ng alikabok e halatang ilang taon na ang librong yun sa loob ng salamin

Agad niyang inalis ang dumi sa harapan ng libro

At tumambad sa kanya ang pamagat ng libro

'Ang Buhay ni Andrea'

Wala pa sa isang segundo ay binuksan na niya ang libro at sinimulang basahin

(Sa gitna ng kagubatan ay nakatira ang mag asawang Fiona at Gregorio Garcia. May isa silang anak na babae na si Felecita Garcia.

Tago at liblib ang tinitirhan ng mag asawa dahil sa katauhan ng Asawa ni Gregorio. Isang Puting mangkukulam ang katauhan ni Fiona, samantalang hamak na magsasaka lamang ai Gregorio

At di inaasahang nagkagustuhan sila at nagmahalan sa gitna ng pag kakaiba nila

Binalaan si Gregorio na baka daw mapahamak siya pag pinakisamahaan pa niya si Fiona ngunit mapilit noon si Gregorio kaya nagpakalayo layo sila kasama ng minamahal

At dun sila namuhay ng tahimik at malayo sa tao.

Ang akala ng mag asawa ay isang anak lamang ang mabibiyayaan sa kanila sa katauhan ni Felecita. Ngunit nagbago yun nang pagkatungtong ng unang anak nila sa trese anyos ay ang pangalawang pagbubutis ni Fiona

Tuwang tuwa ang mag asawa ganoon din si Felecita dahil sa sabik na sabik itong magkaroon ng nakababatang kapatid

Lagi itong tumatabi sa Ina at hinihimas ang Tiyan nito at sinasabihan ang sanggol sa loob ng tiyan na lumabas na dahil aalagaan siya ng mabuti ng ate niya

Masayang masaya ang mag asawa lalo na si Felecita noon ay katorse anyos nang lumabas na ang ikalawang anak nila Na pinangalanan ni Felecita ng Andrea. dahil bakita niya daw na ito ang pinaka sikat na Pangalan sa Kasalukuyan. tama may kapangyarihan si Felecita. ang makita ang hinaharap

Tuwang tuwa ang Dalagita nang masilayan niya ang kapatid at dahil doon ay halos siya na ang nagdadala sa sanggol at nag aalaga nito. Ayaw niyang masugatan o malapitan man lang ng mga lamok ang kapatid kaya todo protektado ang ibinigay niya sa minamahal niyang kapatid

Hanggang sa Tumongtung sa ikalimang taong gulang na si Andrea at labing siyam na noon si Felecita. Lalong minahal ni Felecita ang kapatid habang lumalaki ito. Malaking ngiti naman ang nakaukit sa mag asawa dahil sa nakikita nila

Hanggang sa Isang araw ay nagkagulo na

Inatake sila ng taong bayan at binagbibintangan ng mga taong bayan lalo na ng pamilya ni Gregorio na Kinulam lamang ni Fiona ang kanilang anak kaya ito sumama sa kanya

Agad binilinan ng mag asawa si Felecita na itakas ang katapid niya

Agad naman siyang sumang ayon)

Ginusot ni Cjay ang mga mata niya sa saka agad niyang pinagpatuloy ang pag babasa niya

(Nakatakas ang magkapatid habang ang kanilang magulang ay namatay dahil sinunog ng taong bayan ang tahanan ng magulang

Nangako si Felecita na babantayan ang kapatid niya at papalakihin niya nito ng mag isa

Makalipas ang ilang taon. Habang lumalaki si Andrea ay saka naman ang pagkawala ng kapatid nito

Hanggang sa tumungtong na ng tamang edad si Andrea ay saka nawala nang tuluyan ang kapatid niya

Kaya kahit masakit ay inakala nilang patay na siya

LuMaking Napakaganda, Mabait, at matulungin si Andrea

Maraming natutuwang nakakatanda sa kanya dahil sa kabaitang taglay na idinudulot ng dalaga. Kasabay pa ng napakaganda at maamong mukha nito

Na siya namang kinainggitan ng mga nakatirang kapwa dilag sa nayon

Isang araw, talaga nga namang walang lihim na nabubunyag

Nagpag alaman ng buong bayan na isang siyang puting mangkukulam. Sa isang iglap, ang dating kinatutuwaan ay kinasusuklaman na ng buong nayon

Palagi siyang tinatawag na salot at pinahibirapan sa harap ng maraming tao

Marami mang naaawa ngunit walang naglalakas loob na Tumulong sa kawawang dilag

Hanggang sa isang Mayamang lalaki ang naglakas loob na tulungan ang dalaga. Maraming nagulat sa ginawa niya pero isinawalang bahala niya yun

Nagulat din ang dalaga sa ginawa ng binata at inakalang takot ito sa kanya gaya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit laging gulat niya nang sabihin sa kanya na pantay pantay lamang ang mga tao sa paningin niya

Dahil doon ay lagi nang magkasama ang dalawa. Walang naglalakas loob na pahirapan muli si Andtea dahil nakapaligid sa kanya si Mateo

Hanggang sa magkahulugan na ang dalawa.

Minahal nila ang isa't isa

Pero sa gitna ng masasayang ala-ala ay isang malagim pangyayari

Isang tao ang nagkalat sa buong angkan na sinasabi na kinulam ng dalaga si Mateo para mahulog ang loob nito sa dalaga

Tinugis sila ng taong bayan. Pero di siya pinabayaan ni Mateo.

Hanggang sa pareho silang namatay sa kamay ng mga taong tumutugis sa kanila

THE END)

Isinara ni Cjay ang libro saka siya bumuntong hininga. Napaka lungkot ng kwento ng buhay ni Andrea. Napadako naman ang tingin niya sa maliit na libro

Akmang bubuklatin na sana niya ang libro nang

"Ahhhhhhhhh~!" Agad niyang isinilid ang maliit na libro sa bag na dala niya saka siya nagmamadaling lumabas sa kwartong yun

"Yuju!" malakas na hiyaw niya at nakita niya na hirap na hirap na lumabas si Yuju

Punong puno ito ng sugat na halatang galing sa kutsilyo at halos lumabas na sa bibig ang dugo niya.

"Yuju! Ayos ka lang?!" nag aalalang tanong ni Cjay

"P-papatayin niya ako!" umiiyak na sagot nito. Agad agad na kumuha ng 1st aid kit si Cjay sa bag niya at Agad na ginamot si Yuju

"Papatayin niya ako kuya Cjay! Di ko makita ang mukha niya pero papatayin niya ako!" umiiyak na sigaw niya kay cjay. Agad na hinawakan ni Cjay ang magkabilang Balikat ni Yuju at niyugyog

"Yuju wake up! Di mangyayari yun ok?! Nandito lang ako! Asan na si Rhey?" kinakabang tanong niya kay Yuju. Kahit alam niya sa sarili niya. Alam niya

Alam nyang wala na si Rheymond

"Wala na siya! Pinatay na siya? At isusunod niya ako! Kuya Cjay natatakot ako!" sigaw nito saka muling umiyak ng umiyak.

Niyakap niya si Yuju kasabay ang pagdinig niya ng mga kataga mula sa kanang tenga niya kung nasaan ang Mouth at ear piece

Tinitigan niya ang mukha ni Yuju na may maliit na ngiti sa labi

"Wag kang mag alala Yuju! Makakalabas na tayo! Nahanap na nina Eujin ang Daan palabas"

____________

WHOAAA UNTi UNTING NABUBUO ANG MGA PLOT TWIST HEHEHE


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login