Download App
88.88% A Cup Of Coffee(Complete) / Chapter 7: Chapter 7

Chapter 7: Chapter 7

"Good morning mare!" Sigaw na bati ni Mikaela sa akin ng makapasok ako sa room namin.

"Huy ang ingay mo. Ngayon mo lang ba ako nakita ha?" Inis ko namang sabi dito.

"Wow president ang sungit mo naman," sabi naman nito.

"Ohh tapos?" Bara ko naman dito

Natahimik naman kami ng biglang pumasok si VP sa room namin. Bakit siya na naman?

Sinisira niya araw ko ha!

Akala niya nakalimutan ko iyong nakita ko kagabi. Hmp! Cheater siya charoot

Inis na inis ako sa kaniya kaya naman hindi ko napakinggan ang mga sinasabi niya.

"Are you listening miss Mopenillo?" Nagulat naman ako sa biglang pag sigaw nito kaya naman kung ano ano na ang nasabi ko.

"Ay cheater!" Sigaw ko din dahil sa gulat. Putek! Nakakahiya 'yon ha.

"Epic itsura mo bebs," mahinang bulong ni Mikay sa gilid ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Hmm I'm talking seriously here and you are thinking of a cheater? Is it your ex?" Panunuya nitong sabi sa akin.

Ikaw kasi 'yon. Hmp!

"Uhh y-yes Zy- este VP." Utal utal kong sagot napaiwas naman ako ng tingin dito dahil kita ko ang masamang tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Hayuff ka mare bakit kasi lutang ka?" Bulong naman ni Mikaela kaya naman sinamaan ki din ito ng tingin.

Nang matapos magdiscuss si VP ay umalis na ito.

Dalawang oras pa bago kami ng recess. Pumunta naman kami ni Mikaela sa Cafeteria upang makabili ng kakainin.

****

Habang nagd-discuss ang last subject teacher namin ay bigla namang tumunog ang speaker ng auditorium.

"SSG officer's and Ms. Mopenillo please proceed to the office."

Dali naman akong nag ayos ng gamit ko dahil sabi ng teacher ko ay isama ko na ito. Baka daw matagalan ako sa meeting.

Habang naglalakad ako papuntang office ay may biglaang umakbay sa akin kaya naman nasiko ko ito dahil sa gulat.

"Ouch naman Isty!" Reklamo ng pamilyar na boses kaya napalingon ako sa likuran ko at nakita kung sino ito.

"Omayguy! Sorry Basti. Bakit kasi nang aakbay ka bigla?" Sabi ko dito

"Hehe wala lang. Bakit ka pala nandito dba may klase ka?" Tanong nito sa akin at umakbay ulit habang sinasabayan ako ng lakad.

"Ahh pupunta akong SSG office eh."

"Uhh Mopenillo is your surname?" Tanong ulit nito at kinuha niya ang mga bitbit ko. At dahil makulit siya iyong mga libro nalang ang binigay ko sa kaniya.

" Yeah. I was voted being the head of the classroom's presi-" naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng isang malamig na boses sa aming likuran na nakapagbigay sa akin ng matinding kaba.

"PDA aren't allowed here Ms. Mopenillo and Mr. Alkalde." Saad nito. Nakita ko naman itong malamig na nakatingin sa akin at nasa bulsa ang kaniyang dalawang kamay.

Tss. Nakaakbay pda?

"Sorry VP." Iyon nalang ang nasabi ko at napatalikod nalang.

Wala talaga akong gana makipagsagutan sa kaniya ngayon dahil sa nakita ko kagabi. At hindi ko din alam bakit ako nakakaramdam ng ganito. Kainis lang.

"Huy tara na." Sabi ko naman kay Basti at agad na hinatak ito papunta sa office.

At dahil may kaniya kaniyang upuan ang mga officer ay nandoon sa gitnang bahagi si Basti. Ako naman ay nasa gilid ngunit pag unang upuan. Bale kasi rectangular ang lamesang ito. Katapat ko naman ang si Carlos at katabi si Allen si VP naman ay nakaupo sa upuan na dapat sa president.

Feeling siya.

Hanggang ngayon palaisipan pa din sa akin kung nasaan ang president ng school na ito. At bakit si Zyriel ang nandito bilang leader.

Nilibot ko naman ang tingin ko at ng madapo ito kay Basti ay ngumiti ito kaya naman napangiti din naman ako.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng pagsipa sa ilalim ng upuan lamesa at paglingon ko ay akala ko si Carlos ngunit pag dapo ng tingin ko kay VP ay matalim itong nakatingin sa akin.

Kaya naman napag alaman kong siya iyong sumipa. Problema ba nito?

Tssk.

Nag iwas nalang ako ng tingin at tumingin kay Allen na ngayon ay nagsasalita na.

"So kailangan nating ng funds para dito. And also kung pwede ay recycled ulit ang gamitin nating materials." Sabi nito.

"And do you suggest na theme of our Science month?" Biglang salita ni Zyriel ngunit hindi ko na ito tinapunan pa ng tingin.

"Pwede namang green?" Sabi ng babaeng nakasalamin

Ngunit hindi ito inaprobahan ni Zyriel masyado daw common.

Kaniya kaniya naman silang sabi ng mga suggestions ngunit ayaw pa din ng hot and spicy na VP na ito. Hindi nalang kaya siya ang mag isip daming arte.

"Uhh do you have any suggestions Isty?" Biglang  tanong ni Basti sa akin kaya lahat ng mata ay nasa akin.

Ngumiti naman ako sa kanila ay taas noong nagsabi.

"Ahm i suggest kasi na i-base sa color ng galaxy iyong theme." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at kita kong napaisip din ang iba.

"Pwede rin but the props, how can we create that?" Tanong namang ng isa pang officer

"Hmm how would you do it?" Biglang tanong din ni Zyriel kaya napalingon nalabg din ako sa kaniya.

"Well i suggest we use black curtains as our walls and a disco light that match the colors of the galaxy. And also i think we can wear costume too. And related siya sa science," sagot ko naman dito

"So you say Isty na parang kulob iyong venue?" Tanong naman ulit ni Basti

"Yes Basti," sagot ko saka ngumiti

"First name bases huh. Wtf!" Rinig kong bulong ni  Zyriel

Kaya naman biglang tumawa ng mahina si Allen. Napaayos nalang ako ng upo dahil ramdam ko na galit si Zy. Ano kayang problem ng taong to. Kanina pa siya epal .

"Ehem! Do you agree with Cristy's suggestions?" Tanong ni Allen sa iba. Nagsi tanguang naman ang iba at ang iba ay napa yes.

"Okay no other suggestions?" Dagdag na tanong nito at napailing nalang kami.

Tiningnan naman ni Allen si Vp kaya naman umiling din ito.

Kaya ng matapos ang meeting ay lumapit naman si Basti Sa akin at nag ayang magkape raw kami.

"Libre ko iyon Isty." Sabi pa nito

"Sure. Coffee iyan eh," ngiti kong sagot dito

"Mr. Alkalde you can go home now and Ms. Mopenillo stay." Biglang sabi ni Vp nagtataka man ngunit sinabihan nalang ako ni Basti na maghihintay siya sa Cafe na malapit dito kaya naman tumango ako

Nilingon ko naman si Zyriel na printing naka upo asa kaniyang kinauupuan kanina.

"What do need Vice?" Tanong ko rito

"Your calling me vice and your calling him by his name huh?" Naguguluhan ko naman itong tiningnan

"What do you mean?" Takang tanong ko rito.

"Tsk. Now you didn't remember. PDA aren't allowed inside this school Cristy so stop what you are doing." Sabi nito saka tumayo at dahan dahang lumakad palapit sa akin at ako naman itong paatras na ng paatras hanggang sa maramdaman ko na nasa likuran ko na ang pinto.

"What are you doing? At saka we're not being pda! Akbay lang iyon. Ang oa mo," singhal ko dito at tinulak siya

"Still. And call me Zyriel not Vp it's too formal." Saad nito na ikinagulat ko. Wow ha. Siya nga makatawag sa apelyido ko wagas eh.

"Okay. Ano pang sasabihin mo at ng makaalis na ako?" Tanong ko dito at nagpanggap na naiinis. Ang gwapo lang naman niya mare.

Hot and spicy! Omayguy!

"I'll call you when i need-" naantala naman ang kaniyang pagsasalita ng biglang tumawag sa telepono ko.

Hay savior kita kung sino ka man.

"Ahh sige. Antayin ko nalang ang tawag mo. Uhh una na ako tinatawag na ako. Bye." Dali dali akong tumakbo pa labas ng office  at pumunta na ng Cafe.

****

Naabutan ko si Basti na nakaupo roon. Tinanong pa ako kung ano ang pinag usapan namin ni Vp-este Zyriel ngunit sinabi ko nalang na about sa props.

Hindi din kami nagtagal ni Basti sa Cafe dahil umuwi na ako ng maaga. Marami din kasi akong assignment na nakatingga pa simula kahapon. Ito iyong mga next week na ipapasa. At dahil next week na ang event kaya minadali ko na ito.

Mahirap din kasing matambakan ng mga gagawin. Hindi mo alam kung saan uumpisahan.

~FlirtySperm


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login