Nang makarating sila Banri sa kapitolyo ng Grimland ay namangha sila sa lawak ng kapitolyo, maraming merchants ang nagtitinda ng ibat ibang produkto. At may ibat ibang establisyimento kung saan pupwedeng pumunta ang mga manlalaro depende sa kung anong kailangan nila.
Katulad ng trading center, kung saan nagaganap ang palitan ng mga gamit o equipments ng mga manlalaro, skill forge building, upang makapag acquired at mahasa ang skills ng mga manlalaro, at ang grimland market, kung saan maaaring magbenta ang mga manlalaro ng mga equipments, at marami pang iba na hindi pa na i explore nila Banri at ang grupong sinamahan nito.
"Magkano naman kayang halaga ng mga equipments dito?" Tanong ni Banri kay Noga, yung lalakeng nag aya sa kanila na sumama papunta sa kapitolyo.
"Yun ang hindi pa namin alam, kaya nga mabuti pa pumunta na tayo ngayon sa grimland market," sagot nito.
Kaya naman pumasok sila sa market establishment, sa loob ay maraming manlalaro ang tumitingin ng mga kalidad na equipments. Mayroong parang mga monitor na touchscreen at may mga NPC na naka bantay sa bawat monitor, ang NPC ay Non-Playable character. Sila ay mga tauhan sa Laro na parang mga robots at ginawa lang ng mga game developer, at hindi sila totoong mga tao at walang taong nagko kontrol ng mga galaw nila.
Naka program lang ang mga ito, depende kung anong role nila sa laro. Dito sa grimland market ang mga NPC dito ay limitado lamang ang kanilang galaw at kakayahan, patungkol sa market system ng laro, at naka agapay sa mga manlalaro sa pag pili at pagbibigay ng impormasyon patungkol sa mga items or equipment na available at bine benta sa market.
"Nasaan ang mga binibentang equipment? Wala namang kahit anong items dito eh, napakaraming monitors lamang ang tanging makikita dito, eh computer shop ata to eh," napapakamot sa ulong sabi ng isa sa mga kasamahan nila Banri.
Ganoon din ang naiisip ng grupo nila, pala isipan sa kanila ang grimland market. Maya maya ay may Isang NPC ang lumapit sa kanila.
"Welcome to Grimland Market, mangyaring mag browse lamang kayo, sa alin man sa mga monitor na narito. Sa loob ng monitor, makikita ninyo ang mga Items at equipments na kasalukuyang binebenta at available ngayon sa market, at kapag may napili na kayo. Pupunta lamang kayo doon sa dulo at may mga machines doon na maglalabas ng equipment na inyong binili. Kung mayroong kayong karagdagang tanong, ay pumunta lamang kayo sa information desk ng grimland market sa second floor, magandang araw!" Paliwanag ng NPC atsaka bumalik na ito sa designated area niya.
Parang AI/ o robot ang boses nito, kaya naman madali lamang matutukoy kung isang NPC ang kakausap sa mga player. Dahil sa galaw at salita ng mga ito na parang robot.
at naghiwa hiwalay na ang grupo nila at agad na nagsipuntahan ang bawat isa sa mga monitors na naroon sa loob. Sa tabi ni Banri ay si Sunade na nag bo browse na rin sa monitor at tumitingin ng mga available na equipments sa murang halaga.
Pero sa huli pare pareho silang lumabas ng grimland market, dahil wala silang pera pambili at masyado ring mahal ang items na binibenta sa Market. Bigla ay naisip ni Banri ang sinabi ng manlalarong si Tonio, na mayroong black market sa grimland.
Pero sa pag iikot nila sa kapitolyo ay hindi natagpuan ni Banri ang black market na tinutukoy ng manlalarong si Tonio, hanggang sa makaramdam sila ng gutom.
"Hayyy ang hirap din pala dito sa laro, nagugutom na ako. Pero wala tayong pera, broke na nga ako sa real life pati ba naman dito sa laro." Saad ni Sunade habang naka hawak siya sa tiyan niyang tumutunog na sa gutom.
"Ganoon talaga, MMORPG game kasi 'to, kung iisipin mong mabuti parang real life din siya. Kailangan natin mag level up, lahat tayo magsi simula sa pinakamababa," saad naman ni Banri.
"Oo, nga pero sana naman may paraan para mabilis na kumita ng pera dito," sagot ni Sunade.
"Hali nga kayong dalawa rito," saad ni Noga at kaagad naman na lumapit si Banri at Sunade.
"Narinig ko kanina sa isang manlalaro, na meron daw portal dito sa kapitolyo, isang dungeon na punong puno ng ibat ibang mababangis na halimaw, ayun sa narinig ko ang sino mang makapag clear sa dungeon at maka abot hanggang sa pinaka ilalim na layer area ng dungeon ay magkakaroon ng reward na malaking halaga ng pera, at may papremyo ring experience point, kaya naman paniguradong magli level up ang isang manlalaro." saad ni Noga.
"Saan naman? Tara subukan natin," lakas loob na sabi ni Banri.
"Hayy nasisiraan ka na ba? Ni hindi pa nga tayo kumakain, at wala tayong energy para sumali pa sa ganyan." Reklamo naman ni Sunade.
"Ang sabi naman ng isang manlalaro, ay kung sino mang manlalaro ang pupunta at susubok sa dungeon ay bibigyan ng isang NPC sa bungad ng portal, ng mga energy bottle." Saad ng isa sa grupo nila.
Ang energy bottle ay kayang ibsan ang gutom na nararamdaman ng manlalaro, tumatalab ang isang energy bottle ng labing dalawang oras.
"Mabuti pa nga tara na," bigla ay nagbago ang isip ni Sunade. Kaya naman nagtanog tanong sila at hinanap nila ang portal ng dungeon Sa lawak ng kapitolyo, hanggang sa isang asul na liwanag Ang nakita nila sa malapit sa isang balon sa dulong bahagi ng kapitolyo, naka bantay doon ang isang NPC.
At mayroon din mga manlalaro ang pumasok na sa loob ng dungeon.
"Magandang pagkakataon din 'to para maglevel up naman tayo." Saad ni Banri.
Sa kasalukuyan ay level 2 pa lamang sila Banri. Napgpasya silang subukan ang dungeon para mag level up at makakuha ng reward na pera. Pito sila sa grupo kabilang na si Sunade at Banri.
At kaagad naman silang binigyan ng Energy Bottle ng NPC, tig sampung piraso ang bawat isa sa kanila.
"Players, are you going to play in party mode? Or solo?" Tanong ng NPC.
Naisip nilang mas maganda kung naka party mode sila pag papasok sa dungeon, dahil tiyak na may mga malalakas at mababangis na halimaw silang makakasagupa, at grupo sila at naka party mode. Ay malaking advantage para magtagumpay sila.
"We're going to play in party mode," saad ni Noga sa NPC
At ni register ang mga pangalan nila bilang isang grupo o partido. Kaya naman kung anong makuha na experience points ng isa sa kanila o award, ay magkakaroon din ang bawat isa, makukuha rin iyon ng bawat isa. Dahil sila ay isang partido.
"The registration has been done, players you can now proceed to the portal of dungeon, good luck players." Saad ng NPC at sabay sabay na silang pumasok sa portal ng dungeon.
Nang makarating sila sa unang area ng dungeon, ay nakaramdam agad ang bawat isa ng kilabot, may kakaibang awra at atmosphere ang paligid ng dungeon na para bang nakaka panghilakbot.
Madilim din sa loob, at walang ibang ingay na maririnig at kapag nagsasalita sila ay umalingawngaw sa buong paligid, maging ang tunog ng kanilang paglalakad ay rinig na rinig. At hanggang sa ngayon ay walang suot na kahit anong sapin sa paa si Banri, umaasa na lamang siyang sana ay may uri ng halimaw silang mai encounter sa dungeon na nagda drop ng kahit anong uri ng foot gears.
"Tingin niyo makakakuha kaya tayo ng legendary items dito sa dungeon?" Tanong ng isa.
"Mas mataas pa ata chance na tamaan ka ng kidlat, kesa maka kuha ng legendary items dito. Mukhang ordinaryong dungeon lang 'to, at tingin ko sa mas matataas na levels ng boss makukuha ang mga legendary items. Dahil sobrang taas na ng stats ng mga legendary items, siguradong papahirapan ng game developer ang mga players dito sa grimland para makakuha ng legendary items." Sagot naman ni Noga.
"Siguro common items lang lalo na sa mga mobs, kung sa mga mini boss naman dito baka maka kuha tayo ng rare items," sabi naman ni Banri.
Habang nag uusap usap sila at naglalakad lakad ay napansin nilang parang lumilindol, at nagkaroon pa ng tipak ng bato sa itaas nila na nahuhulog sa kanila. Kaagad silang naging alerto.
"Lumilindol!" Bulalas ng isa. Nagdikit dikit sila habang nagmamasid sa paligid.
Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang paglindol ng paligid na kanilang nararamdaman, hanggang sa natibag ang isang pader sa kaliwang bahagi na kanilang kinaroroonan at naglabasan mula sa natibag na pader ang mga higanteng gagamba na may malalaking galamay at pulang pula ang mga mata. Sa taas ng mga higanteng gagamba ay nakasulat ang salitang "Poisonous Arachnid level 2"
"Takbo bilis!!!!" Sigaw ni Noga
At sumugod ang mga ito sa kanila, sa taranta nila ay nagtakbuhan sila, dahil hindi pa nila alam kung papaanong haharapin ang napakaraming higanteng gagamba na sumugod sa kanila.
At habang tumatakbo sila ay nagbubuga ng kulay berdeng lason ang mga gagambang iyon, at sa pagpatak nito sa lupa ay umuusok ito at tila ba natutunaw ang bahagi ng lupa na napatakan ng binubuga ng Poisonous Arachnid, para itong asido na tumutunaw sa ano mang matamaan nito.