Download App
80% The Probinsyana and the Heartless CEO / Chapter 12: Chapter twelve

Chapter 12: Chapter twelve

Ilang minuto siguro akong umiiyak lang dito sa garden at napakasakit na nang lalamunan ko dahil ko maihinto ang pag-iyak ko.

"Napakasama pala magsalita ng tiya mo Sonata, hindi ako makapaniwala na may ganun siyang ugali!" Nagulat ako kay Carla na bigla na lang sumulpot at pinatayo ako kaya napayakap ako sa kanya at muli akong umiyak habang nakayakap sa kanya.

Nandito na kami sa kwarto namin pero umiiyak pa rin ako kahit pilit akong pinapatahan ni Carla.

"Bessy tahan na namamaga na ang mga mata at ang ilong mo mapula na para kang si Rudolf the reindeer." Sabi niya na pinupunasan ang mga luha na hindi tumitigil sa pagtulo.

"Hiwag mo nang intindihin ang sinabi ng tiya mo, ako hindi ako nagiisip ng ganun alam ko na mahal ka ni Sir Gabriel promise." Sabi niya na hindi man lang nakapagpalubag sa damdamin ko.

"Totoo naman si-sinabi ni tiya." Iyak ko na sabi sa kanya kaya napailing na lang siya.

"Hindi Sonata kung mahal mo si Sir Gabriel go girl sumugal ka at saka mo na isipin ang mga susunod na araw ang mahalaga ay naramdaman mo na mayakap ang lalakeng mahal mo." Dahil sa sinabi ni Carla ay nayakap ko na lang siya at napaiyak ako lalo at nagpasalamat sa kanya.

Hindi na ako lumabas ng kwarto namin ni Carla dahil ayoko pang lumabas, sabi ni Carla ay magpahinga daw muna ako at sasabihin na lang daw niya sa labas na masama ang pakiramdam ko na totoo naman.

Humiga ako dito sa kama ko at niyakap ang unan ko at napaiyak na naman ako dahil sa masakit na salita ni tiya at ang katotohanan na hindi ko naisip nong una pa lang.

Nakatulog ako sa sobrang pagod ko sa kakaiyak at hindi ko na alam kung anong oras na pero alas-syete na pala ng gabi.

Mahaba ang tulog ko at hindi man lang ako ginising ni Carla, tumayo ako at pumasok sa banyo at naghilamos.

Tamang-tama pagbalik ko ay saka naman pumasok si Carla na may dalang tray ng pagkain kaya nagulat ako.

"Dinalhan na kita para hindi na kayo magkita ng tiya mo." Sabi niya na pinatong ang pagkain sa lamesa.

"Salamat Carla." Namamalat ko na turan kaya pinaupo na niya lang ako at pinakain na ako.

Sinabi niya lang daw na masama ang pakiramdam ko at hindi na nagtanong pa ang mga kasamahan namin at sinabi lang na magpahinga ako.

Ayaw kong kumain pero nalabantay si Carla kaya kumain na lang ako at nakahinga ako ng maluwag ng may pagkain na pumasok sa sistema ko.

"Ngayon na medyo huminahon ka na ay mag-usap tayo pero hindi panghuhusga ang maririnig mo sa akin." Seryoso na turan ni Carla kaya napatitig ako sa kanya at hinawakan ang kamay ko.

Nagawa kong mag-kwento sa kanya at kapag maiiyak ako ay pinapahinto niya ako at binibigyan ng ilang segundo para huminga ng malalim at maluwag.

At nagawa kong mai-kwento sa kanya ang lahat pwera don sa parte na may muntik nang mangyari sa amin ni Gabriel ilang beses na.

"Hay, alam mo para akong nakikinig ng love story na in real life talaga." Mayamaya na turan ni Carla.

"Hindi kita huhusgahan at hindi ko rin itotolirate ang bagay na ito, pero kung mahal ka naman ng boss natin bakit hindi kung mahal mo bakit hindi. After all walang kahit sino man na tao ang pwedeng magdikta sa damdamin niyo." Sabi niya kaya napangiti ako dahil sa sinasabi ni Carla, napakalawak ng pangunawa niya at nagbibigay lang siya ng komento na alam niya ay tama.

"Mahal ko si Gabriel." Bigla kong turan kaya napatawa siya at niyakap ako at sinabihan ako na walang masama sa ginagawa ko dahil wala akong tinatapakan na tao at wala akong nasasaktan na tao.

Mahal ko si Gabriel at walang masama doon.

Sa lumipas na araw pinipikit ko na maging casual lang kay tiya, lagi itong galit at lagi akong napagiinitan pero hindi niya pinapakita sa mga kasama namin dahil alam ko magtataka ang mga ito.

Sinusubukan ni Gabriel na kausapin ako dahil madalas ay hindi ako ang gumagawa ng pinaguutos niya at nang dumating ang passport ko ay agad itong binigay sa amin ni Carla.

Napangiti ako ng mapait dahil dito at saka ko ito nilapag sa kama ko at hindi ko man lang sinubukan na tignan.

Nagulat ako dahil namumutla si Carla pumasok sa kwarto namin kaya ako nagtaka.

"Sonata halikan pinapatawag tayo lahat ni Sir Gabriel, may nasabi kase ako sa kanya at nagalit siya." Natataranta na turan ni Carla kaya kinabahan ako.

Agad kaming pumunta sa sala ng bahay at nandito na ang mga kasamahan namin maging si tiya na tinignan ako ng masama.

"Who do you think you are to say that manang? Para sabihin kay Sonata ang mga ganun na salita at paratang!?" Mahinahon pero galit na turan ni Gabriel nakikita ko ang pagkuyom ng kamao ni Gabriel.

"Bata pa ang pamangkin ko Gabriel at alam ko na dala lang ito ng pagiging insente niya ganitong bagay." Balik rin ni tiya kaya kinabahan na talaga ako ng sobra, napatingin ako kay Carla na namumutla na rin.

"Yes! Sonata is still young, but she is not a child para kontrolin ang damdamin niya. I love her and she loves me too anong masama doon!?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Gabriel kaya napasinghap ang mga kasamahan namin at ako ay nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

"Mahal ko ang pamangkin ko Gabriel, buong buhay ko ay nandito na ako sa pamilya niyo mula sa iyong ina at mula pagkabata mo hanggang sa nagkaroon ka nang sariling pamilya. Ayokong matulad ang aking pamangkin sa iyong ina at sa iyong asawa!" Umiiyak na turan ni tiya kaya nanlaki ang mga mata ko at nagulat dahil sa naririnig ko na pait sa boses niya.

"Iniisip mo ba na magiging katulad rin ako ni daddy?" Bulong ni Gabriel pero narinig ko iyon kaya parang kinurot ang puso ko sa ilang salita lang na lumabas sa bibig ni Gabriel pero napakasakit ng mga salitang iyon.

"Iniisip mo ba manang na magagawa kong saktan ang pamangkin mo katulad ng ginagawa noon ni daddy kay mommy at nakita mo na iyon ang ginagawa ko sa dati kong asawa diba?" Muling turan ni Gabriel kaya napahawak ako sa dibdib ko at kusa na lang tumulo ang luha sa mga mata ko.

Narinig ng lahat ng kasama namin dito ang parteng iyon ng pagkatao ni Gabriel at alam ko na gulat at pagkamangha ang nasa mukha nila, katulad ko rin na gulat at hindi ko maipaliwanag na damdsmin ang nanahan dito sa dibdib ko.

"Gabriel hindi sa ganun hijo." Bulong ni tiya na umiiyak at parang hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Tell me manang kahit ano pero huwag lang ang tigilan ko si Sonata, i love her so much at kaya kong baguhin ang lahat para lang sa kanya so please just don't do this. Magbabago ako para sa kanya and i will promise you that, you know that promises to our family is the most important things to us. I will keep my promise forever." Sabi ni Gabriel na lumapit sa akin at bigla akong niyakap ng napakahigpit.

Napaiyak ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, ito na ang huling kabanata? Alam ko na magsisimula pa lang ito kaya yumakap na lang ako ng mas mahigpit kay Gabriel.

Isa lang akong probinsyana na pumunta dito sa Manila para magtrabaho para sa pamilya ko, naulila na kami sa ama namin at bilang nakatatandang sa aming magkakapatid ay obligasyon ko na tulungan ang mga kapatid ko at ang aking ina.

Pero sa pagpunta ko dito ay nakilala ko ang boss ko na napakasungit at hindi marunong ngumiti.

Madalas nga siyang tawagin ng kaibigan ko at katrabaho ko na, Heartless CEO kaya natatawa na lang ako sa sinasabi nito.

Totoo naman kung tutuusin pero sa pagdaan ng araw ay unti-unti ko nang nakikilala ang masungit namin na boss.

Nakilala ko ang dalawa niyang anak na malambing pareho at mabait na mga bata, ibang-iba sa ama nila na masungit.

Naging malapit ako sa kanila pero kasabay nito ay ang damdamin na umuusbong sa puso ko para sa aking amo.

At dito nga nagsimula ang pagkakamabutihan namin at unti-unti rin na nakita ko ang totoong ugali ng boss ko, at ito nga nagkaroon na kami ng pagkakamabutihan at madalas niyanh iparamdam sa akin ang pagmamahal na napakasarap sa pakiramdam ko.

Mahal na mahal ko si Gabriel at gagawin ko ang lahat para sa kanya pero may mga bagay na humadlang sa amin lalo sa katotohanan na tinatago ng pamilya niya.

Ang katotohanan na ito ang pipigil sa amin pero ang pagmamahal niya ay kasing higpit ng tali na matagal niyang binenda sa puso niya.

At ako ang dahilan ng pagiging malaya niya, ang malaya niya akong mahalin at ako ganun rin sa kanya.

"Thank you babe dahil hindi ka nagdalawang ng malaman mo ang tungkol sa pamilya ko." Napangiti ako habang mahigpit na nakayakap sa kanya at napapikit ako.

"Mamahalin kita kahit sino ka pa Gabriel." Bulong ko kaya naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko na ikinangiti ko at lalo ko siyang mas niyakap ng mahigpit.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login