Download App
6.57% His Sweet Peculiar Wife is a Bit Fierce / Chapter 5: Chapter 5

Chapter 5: Chapter 5

Alas-sais na nang makaluto si Mira ng almusal, saktong-sakto lang din nang matapos na si Sebastian sa paliligo at pagbihis nito. Nakasuot na ito ng kulay puting polo at itim na pantalon. Gwapong-gwapo ito sa suot niyang iyon at lalo pang nakadagdag sa kagwapuhan nito ang napakatikas nitong pustora. Sebastian is the most handsome man she ever known, walang binatbat iyong mga artistang nakikita niya lang sa tv sa anking kakisigan nito. 

"Kumain ka na."

"Mmmm." Tugon lang nito bago umupo sa upuan. Agad naman niya itong ipinagtimpla ng kape bago naupo sa tabi nito. Ito ang kauna-unahang beses na makakakain siya ng totoong almusal. Kanina pa lamang habang nagluluto siya ay takam na takam na siya ngayon pang nakahain na ito sa harapan niya.

Napansin naman ng binata ang pag-aalangan nito kaya naman dumampot na ito ng tatlong pirasong bacon at agad na inilagay sa plato ng dalaga.

"Feel at home. Kumain ka na." Wika pa niya at napangiti si Mira. Agad niyang nilantakan ang bacon at kumuha pa ng kanin. Tuwang-tuwa naman si Sebastian habang pinapanood ang dalaga habang kumakain sa harapan niya.

"Hindi ko alam na malakas ka pala kumain Mira. " Puna ng binata at natigilan ang dalaga. Alanganin itong napatingin sa binata, bakas sa mukha ang matinding kaba na baka dahil sa ipinakita niya ay magdesisyon itong ibalik siya sa kanyang tiyahin.

Agad na napansin ni Sebastian ang pagbabago sa emosyon ng dalaga kung kaya marahan niyang inabot ang ulo nito at ginulo ng bahagya ang buhok nito.

"You can eat all you want. Walang magagalit sayo rito. Consider this place yours. At hindi na kita ibabalik doon sa lugar kung saan ka man nanggaling. Marami akong pera and I doubt you can spend it all away." Wika pa niya at napalunok si Mira.

"Paano kung magalit ang parents mo?" Tanong ni Mira at pumormal ito ng bahagya.

"My money is mine, walang kinalaman ang mga parents ko dito."

"Ang girlfriend mo, paano kung malaman niyang may pinatira kang babae sa bahay mo? Hindi ba kayo mag-aaway?"

"Wala akong girlfriend." Simpleng saad nito habang pasimpleng napapatingin sa binti ng dalaga. "But, you can be my girlfriend, if you like ." Nakangising dagdag pa nito at pinamulahan ng pisngi si Mira. Ramdam niya ang kakaibang init na iyon sa buong mukha niya at mabilis niyang ipinaypay ang kamay dito at pasimpleng bumalik sa pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay mabilis na iniligpit ni Mira ang kanilang pinagkainan bago ito bumalik sa kwarto.

"Here, use this." Wika ng binata nang makapasok na siya sa kwarto nito, abot-abot ang isang itim na card na sa pakiwari niya ay isang credit card. "Pasasamahan kita kay Nana Lorna at kay Ignacio para makabili ka ng mga damit mo."

"Hindi na kailangan, nakakahiya naman." Wika ni Mira habang pilit ibinabalik sa binata ang card nito. Sobra-sobrang tulong na ang ibinibigay nito at hindi naman makapal amg mukha niya para abusuhin ang binata. Napakabuti nito sa kanya at hindi na niya maatim ang humingi pa ng sobra dito.

Napabuntong-hininga naman si Sebastian nang makita ang paninindigan sa mukha ng dalaga. Lumapit siya sa dalaga at hinapit ang beywang nito at yumukod sa bandang tenga nito para bumulong.

"So are you planning to wear all my shirts all day? Paano kung nais kong isama ka sa labas, you can't wear it in front of other people Mira." Pabulong nitong wika at amoy na amoy ni Sebastian ang mabango nitong buhok.

Kinikilabutan naman si Mira dahil sa init ng hininga ng binata na tumama sa tenga niya. Ramdam na ramdam din niya ang mainit nitong palad sa kanyang beywang.

"You don't need to worry if you spend more. Matutuwa ako kung mababawasan mo ang pera ko. Ganito na lang ang isipin mo, it's your mission to spend, help me spend a bit, alright." Wika pa ng binata na animo'y inaakit siya at hinimas ang kanyang ulo. Pakiramdam niya ay isa siyang bata sa harapan nito.

"Okay. " Nakatulalang tugon niya rito.

"That's better. Nasabihan ko na si Ignacio na ihatid ka mamaya sa mall. I'll get you a phone later, hindi mo na kailangang bumili mamaya." Wika pa ni Sebastian at nagpaalam na ito sa kaniya. Nang makaalis na ito ay tila ba nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib. Ang kaninang hiningang pigil-pigil niya ay sa wakas nailabas din niya.

Malakas pa din ang kabog ng kanyang dibdib at hindi niya alam kung narinig din ito ng binata.

"Mira, ano ka ba." Saway niya sa kanyang sarili. Pumasok na siya sa banyo para maligo, nang makalabas na siya ay nakita niya ang isang puting bestida na nakalatag sa kama at may maliit na note doon . Napangiti lamang siya nang mabasa ang nilalaman nito. Pakiramdam niya ay napakaswerte niya dahil sa pag-aalaga ni Sebastian sa kanya.

Pagkatapos magbihis ay saglit siyang nanalangin upang magpasalamat sa panginoon. Dahil sa dinami-dami nang pasakit na kaniyang naranasan noon ay unti-unti itong napapawi dahil sa kabaitang ipinapakita ni Sebastian sa kanya.

Pagkalabas niya sa kwarto ay nakita niyang naghihintay na si Nana Lorna sa kanyan. Agad naman iting ngumiti nang masilayan siya at mabilis na siyang inakay patungo sa sasakyan na naghihintay sa kanila.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong niya sa mga ito.

"Sa mall, hindi ba't mamimili tayo ng mga damit at gamit mo? Ikaw talagang bata ka." Wika ni Lorna at masayang hinihimas ang kamay nito.

Agad naman pinamulahan ng makuha si Mira dahil rinig na rinig niya ang mga katagang nasa isip nito. Maging ang nagda-drive ng sasakyan ay iniisip na siya ang magiging asawa ni Sebastian.

Pagdating nila sa mall ay nalula agad si Mira sa mga botique na pinagdadalhan sa kanya ni Nana Lorna. Walang tigil ito sa pagpili ng mga damit na isusuot niya at nang tingnan niya ang presyo nito ay halos umusok ang ulo niya sa sobrang kahihiyan. Napakamahal ng mga damit na iyon na kung iisipin mo ay marami ka nang mabibili sa iisang pirason damit na iyon.

"Nana Lorna, napakamahal naman ng damit na ito. Baka hindi rin po bumagay sa akin." Sambit niya at napangiti si Lorna.

"Aba'y bakit hindi babagay sayo? Eh, napakaganda mo. Magagalit si Sir Sebastian kung hindi ka bibili ng marami kaya mamili ka pa diyan." Wika ni Lorna na tila tuwang-tuwa habang namimili ng damit. Maya't-maya ito may ipinapakita sa kanya at kapag nagagandahan ito ay inilalagay agad nito sa kanilang basket. Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ito at mag-ikot-ikot sa lugar.

Sa kanyang pag-iikot at hindi niya namalayang napapalayo na siya kay Nana Lorna. She was looking around when someone accidentally bumps to her. Tila ba isang solidong pader ang nabunggo niya kaya naman ay napaatras siya habang sapo ang kanyang mukha. Agad naman siyang naalalayan ng kung sino upang hindi siya matumba. Pagtingala niya dito ay agad na bumungad sa kanya ang isang gwapomg lalaki, nakasuot ito ng itim na polo at halos kasingtangkad lamang ito ni Sebastian.

"Are you okay Miss?" Tanong nito at bahagya siyang tumango ngunit nagulat lamang siya nang may kung sino naman ang biglamg tumulak sa kanya.

"How dare you seduce, Gunther." Wika nang tumulak sa kanya at masamang tumingin sa kanya. Nagtaka naman si Mira dahil wala naman siyang ginagawa para ikagalit nito.

"What are you doing Luisa. Are you insane. Nakakahiya ka." Sambit naman ng isang babae na nakahawak sa kamay ng isa pang gwapong lalaki.

"What? Ako pa ang nakakahiya? Hindi ba dapat ako ang kinakampihan niyo. This woman tried to seduce Gunther." Hysterical na wika ng babae agad namang unatras doon si Mira dahil ayaw niya ng gulo.

"Tried? You are just paranoid Mitch, at ano ka ba ng pinsan ko para umasta ka na parang pag-aari mo siya? Gunther is a single man at kung may magpapansin man, it's his decision to entertain anyone. " Wika pa ng babae. Napatingin naman dito si Mira at naoansin niya agad ang pagiging magkamukha nito sa dalawang lalaki.

"I thought you were my friend Mikaella?" Naiiyak nang wika ni Luisa habang patuloy na tinititigan ng masama si Mira.

"Yes, but I am not tolerating this kind of behaviour. Walang ginagawa ang tao at si Gunther ang nakasagi sa kanya. It's normal for my cousin to take responsibilty." Sambit naman ni Mikaella na tila naiirita na rin sa inaasal ng kaibigan niya.

"Pasensya na, hindi niyo na kailangang mag-away. Aalis na ako. Salamat." Wika ni Mira habang hinahanap ng mga mata niya kung nasaan ba si Nana Lorna. Sa kaniyang pagkalibang ay hindi na niya namalayang nakalabas na siya sa botique at ngayon nga ay hindi niya matandaan kung aling botique iyon dahil halos pare-pareho lang ang itsura ng mga ito para sa kanya.

Akmang aalis na siya nang pigilan siya ni Gunther. Agad na umikot ang paningin niya sa matinding pagkahilong naramdaman niya nang maglapat ang kanilang mga balat.

Samo't-saring imahe ang biglaang pumasok sa kanyang isipan na siyang nagpanginig sa buo niyang katawan. Purong dugo ang kanyang nakikita at kabilang doon ang binatang nasa harapan niya. Napakagulo ng mga imaheng nakikita niya dahil puro dugo lamang ang kanyang nakikita.

Napasinghap siya at napaatras. Mabilis niyang binawi ang kamay sa binata ngunit hindi ito natinag. Lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya at lalong nagiging malinaw ang mga imahe sa kanyang isipan.

Nakita niya ang isang itim na kotse sa isnag lugar na napakaraming tao. Hindi ito sa mall na iyon kundi sa isang lugar na malapit sa isang parke. Lulan ng itim na kotse ang tatlong armadong kalalakihan na siyang magihing dahilan ng malagim na aksidente na siyang magpapahamak sa buhay ng mga ito.

"Bitawan mo ako." Wika niya at mabilis na kinagat ang kamay nito na siya namang dahilan upang mabitawan siya ng binata. Ngunit bago pa man siya makatakbo ay bigla na lamang siyang natumba at nawalan ng malay.

"Sh*t, what did you do Gunther." Gulat na tanong ni Mikaella at agad na nilapitan ang dalaga sa sahig na kinalagpakan nito. Nakatulala lang naman si Gunther sa mukha ng dalaga. Hindi niya alam kung bakit ganoon nalang ang pagnanais niyang mapigilan itong lumayo. Pakiramdam niya ay kapag binitawan niya ito ay lubos na niya itong pagsisisihan. Hindi niya inaasahan bigla na lamang itong magwawala at kakagatin siya bago ito mawalan ng malay.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login