" ANG PAGSASANAY "
Sorry mga mahal kung medyo matagal akong nakapag update. Super busy ako sa mga pinagagawa ko. Anyhow, Salamat sa Di bumitiw. Eto na ang Karugtung. Wag Kalimutang bomoto at mag iwan ng komento sa ibaba.
PREVIOUSLY...
Nagsimula na ang pagsasanay nina Charlie at Jake kasama sina Dalikmata at Gassia.
Habang si Sitan ay inihahanda nya ang kanyang libo libong kawal patungong Sulad.
RIGHT NOW..
" Malapit na tayo sa Sulad, Dala mo pa ba ang Bilro?" Tanong ni Sitan kay Nica.
" Opo mahal na reyna. Heto!" Sagot ni Nica at kinuha nya ito sa Bag na Dala nya.
" Gagamitin mo yan upang mahanap ang Kaluluwang kekelanganin natin. " Sabi ni Sitan at nag Simula na silang maglakad patungong Sulad.
Samantala sa pagsasanay nina Charlie at Jake.
" Nako naman pare, mag iingat ka.. " Sabi ni Charlie habang nakagapos sa mga Baging.
" Sandali.. tatagalin ko!" Sabi ni Jake.
" Hanggang dyan lang ba kaya mo!" Sabi ni Gassia sabay Tulak kay Jake.
" Kaasar ka Diwatang Gassia..." Sabi ni Jake habang nakahiga sya sa Lupa.
" Bumangon ka nga dyan pare.. " Sabi ni Charlie nang biglang Lumutang sya sa Ire.
" Hindi nyo kami matatalo kung Hindi kayo mag seseryuso..." Sabi ni Dalikmata habang pinalulutang si Charlie.
Ice Crystals!! At biglang lumabas ang napakaraming Tipak ng yelo sa Ire at patungo ito sa Dalawang Diwata.
" Walang Epekto yan Charlie!! " Sabi ni Dalikmata at Sumigaw sya ng napakalakas at dahil sa Lakas ng sigaw nya ang mga yelo na patungo sa kanila ay nabasag.
" Dalikmata itigil mo yan.. " Sabi ni Gassia.
" Nabibingi nako..aaahhhhh!!!!" Sabi ni Charlie habang derektang tumatama sa kanya ang boses ni Dalikmata.
" Itigil mo yan.. kelangan tayo sa Kanlaon." Sabi ni Magayon.at ibinaba nya si Charlie.
" Pasensya na... Pero bakit may emergency ba?" Tanong ni Dalikmata.
" Basta sumama kayo saakin.. " Sabi ni Magayon.
" Kasama din ba ako?" Tanong ni Gassia.
" Oo.. at tayo na.." Sabi ni Magayon.
" Pero magayon Hindi pa kami tapos sa pagsasanay sa kanila. " Sabi ni Lalahon.
" Ibigay nyo na ang mga Sandata nila.." Sabi ni Bulan.
" Kayo pala Pinuno..." Gulat na Sabi ng mga Diwata.
" Teka Teka Anong nangyayari?" Tanong ni Jake.
" Heto Jake makukuha mo na ang Sandata nyo. Pati na rin ikaw Charlie.." Sabi ni Bulan sabay abot sa kanila ang mga Sandata.
Dahil sa pagtataka ay lumapit na din ang iba pang kasamahan nila.
" Teka mahal na bulan.. Anong nangyayari?" Tanong ni Theo.
" Tsaka ko na ikukuwento.. ang pagsasanay nyo ay tapos na.." sagot ni Bulan habang ang ibang diwata ay abala sa pagbibigay sa mga Sandata.
" Sasama kami mahal na diwata.." Sabi ni Katalina.
" Hindi na Katalina.. iiwan ko sainyo si Kathleya. At si Kathleya ang Magbibigay sainyo nang Huling pagsubok. " Sabi ni Bulan at agad silang lahat na nag laho.
" Hi ako nga pala si Kathleya..kamusta kayo!" Sabi ng Babaeng nakabenda ang boung mukha.
" Sandali iha, diwata kaba?" Tanong ni Jenna.
" Hindi po ako diwata.. isa lang akong tao." Sagot ni Kathleya habang unti-unti nyang tinatanggal ang Benda sa kanyang mukha.
" Iha ako nga pala si Katalina.." pakilala ni Katalina.
" Ako din pala si Theo, at ito ang kasamahan ko. Sila ang mga kapatid ko, Ian at Tyler." Pakilala ni Theo.
" Ako nga pala si Jenna.. pinsan ako ni Katalina.. at sila naman si Jake at Charlie." Pakilala ni Jenna.
" Masaya kung makilala kayong lahat.. handa na ba kayo?" Tanong ni Kathleya.
Natulala naman sina Katalina at Theo nang makita nila ang mukha nya.
" Teka parang kamukha mo si..." Sabi ni Katalina habang nakatingin kay Theo at Tingin ulit kay Kathleya.
" Kamukha kita.. para akong nanalamin.." Sabi ni Theo.
" Tama ka nga kuya.. yung mata nya Check, yung ilong Check. Kamukha mo nga kuya kaso, babae lang!" Sabi ni Tyler.
"
Tama na.. nakakahiya!" Sabi ni Kathleya sabay takip sa Mukha nya gamit ang kanyang Kamay.
" Pasensya na... " Sabi ni Katalina.
" Hindi lang yun ang napapansin ko.. pakairamdam ko. Malakas kang mandirigma." Sabi ni Jenna.
" Salamat po.. Teka Simulan na natin ang pagsasanay. Ang pagsasanay na ito ay tungkol sa mga kakayahan ng bawat isa. At kayong walo laban sa akin." Sabi ni Kathleya.
" Teka Miss Kathleya parang unfair naman ata yun?" Sabi ni Jake.
" Okay lang yun. Isa pa para na din malaman ninyo kung anong kayang Gawin ng mga sandata ninyo." Sabi ni Kathleya.
" Game ?? " Dagdag na sabi ni Kathleya. Habang sina Theo at Katalina naman ay titig na titig kay Kathleya.
" Kung mag Salita sya parang ikaw Hon.." Sabi ni Theo.
" Oo nga..." Sagot ni Katalina.
" Hindi kaya..." Sabi ni Theo nang Di nya natapos ang sasabihin nya dahil hinila sila nina Charlie at Jake.
" Ready naba kayo?" Tanong ni Kathleya.
Samantala sina sitan ay nakarating na sa Sulad.
" Teka mahal na reyna.. ito na ba ang sulad?" Tanong ni Bea.
" Oo nandito na tayo.." Sagot ni Sitan.
" Ang Bilro ihanda mo na!" Utos ni Sitan kay Nica.
" Masusunod..." Sabi ni Nica sabay buklat ng libro.
" Magbasa ka para saakin..." Sabi ni Sitan.
" Ngunit anong babasahin ni Nica mahal na reyna ?" Tanong ni Faith..
( " Saan na ang mga diwata Di pwdeng mag tagumpay si Sitan. " Sabi sa isipan ni Faith)
At biglang may mga Letrang lumabas sa Pahina at agad namang binasa ni Nica.
" Hindi namin papayagan yan sitan !" Sabi ni Magwayen habang nakaabang sa Malaking Pintuan.
" Ikaw pala sister.. kamusta ka naman?" Tanong ni Sitan sakanya.
" At sino naman kasama mo? Mga Kaluluwa ba?" Sabi ni Diosca. At sa isang Iglap ay Lumabas sina Haliya, Magayon at Lalahon.
" Nandito rin kami.. " Sabi ni Haliya.
" Ikaw pala haliya.. Ang diwatang tumalo sa Halimaw ng buwan. Ang Bakunawa! Hindi ka padin nag babago..." Sabi ni Sitan.
" At nandito din ang diwatang si Magayon at Lalahon. Kayo pala ang Back up ni Magwayen." Sabi ni sitan.
" Di kami papayag sa mga balak mo!" Sabi ni Lalahon.
" So Makikipag laban ba kayo saakin..? Tatatlo lang kayo.. laban sa Libo libo kung Kawal at sa Apat kung Alagad na Dati nyong Alagad. Marunong ba kayong mag bilang?" Sabi ni Sitan.
" Sguro hindi pero.. Di mo ba naalala? Diwata kami ikaw isang Kalag na nagtatago sa katawan ng Mortal. Alam naman nating pareho. Na may hangganan ang pag gamit mo sa katawan na yan. " Sabi ni Magwayen.
" Totoo po ba yun mahal na reyna?" Tanong ni Nica.
" Hanggat Nandyan ka ay nanghihina ka.." Sabi ni Lalahon.
" Tama na mga lapastangan! Paslangin ang mga diwata.." Sabi ni Sitan. At Lumusob na ang mga maiitim na kawal patungo sa kinalalagyan nina Magwayen, Lalahon, Haliya at Magayon.
" Wala pa ding kadala-dala! " Sabi ni Haliya, at Ikinumpas nya ang kanyang mga kamay. Bigla nalang Lumiwanag nang napakaliwanag halos masilaw sina Lalahon at Magayon sakanilang nakita at ang maiitim na kawal ay Bigla nalang Nalusaw ng matamaan ng Liwanag.
" Di ka parin natututo sitan!" Sabi ni Haliya.
TO BE CONTINUE...