Download App
50% A One-Sided Massacre / Chapter 6: Chapter 3 - Jargon's Group

Chapter 6: Chapter 3 - Jargon's Group

Maxwell's POV

Naliwanagan at pumayag kaming lahat sa gusto ng grupo ni Quinn na tulungan naming silang makabuo ng grupo na may 24 na miyembro.

Sa ngayon, mayroon na kaming walong miyembro at 'yun ay sila Teyyah, Russell, Dayah, Marian, Faye, Shainah, Quinn, at ako.

Ang plano ay katulad nang ginawa nila Quinn kanina na kung saan ay lalapit kami sa ibang grupo, tututukan namin sila nang patalim at pupwersahin namin silang sumama sa grupo namin.

"T-teka? Hindi ba natin sila papaliwanagan na mali ang sagot na 4 tulad ng ginawa niyo sa amin kanina?" Pagtatanong ni Faye

"Saka na kapag nakumpleto na natin ang 24 na miyembro dahil sa ngayon, mahigit-kumulang tatlong minuto nalang ang natitirang oras. Gawin muna nating priority ang pagbuo sa grupo then ipapaliwanag natin kung bakit mali ang sagot nila." ani Dayah

Nang palakad na kami para gawin na ang plinano namin ay biglang pinahinto kami ni Russell at kanyang sinabi na dapat ay magbantay sa armory section at i-monitor kung sino man ang mga kukuha ng sandata.

"Haha-"

May narinig nalang kaming tawanan sa aming likuran at sa aming paglingon ay grupo na may bilang na 23 ang lumantad sa amin.

Isang lalaking nagngangalang Jargon ang lumapit at nagpakilala bilang lider ng naturang grupo.

"Anong kailangan niyo? Kung gusto niyong bantayan ang armory ay makakaalis na kayo!" Ani Russel

Napangisi si Jargon at inutusan niya ang kanyang mga kasama na palibutan kami sabay sabing, "You see, kulang kami ng isa pang tao para makumpleto ang grupo namin, and what I want is to take something from your group, and what I wanted is you, woman!" sabay turo ni Jargon kay Dayah.

Te-teka? 23 sila ngayon at kulang sila ng isa, so it means na bumubuo din sila ng 24 na miyembro!

Dalawang minuto nalang ang natitira sa oras at dahil sa pagmamadali ni Jargon ay hinawakan niya na si Dayah sa buhok at kinalakad niya ito.

Agad namang pumagitna si Teyyah at puwersahan niyang hinahatak si Dayah kay Jargon at galit na sinabing, "Kailangan niyo muna akong patayin kung gusto niyong makuha si Dayah!"

"Well then..." Pabulong na sabi ni Jargon

"TEYYAH UMALIS KA D'YAN!" sigaw ni Russel

Bumunot ng patalim si Jargon at walang pagdadalawang isip niyang ginilitan si Teyyah sa leeg.

Dumanak ang dugo at nakita iyon ng maraming tao, dahil doon ay nagsimula nanaman ang panibagong tensyon.

Muling narinig ang malalakas sigawan at iyakan sa buong paligid dulot ng labis na takot. Takot na maglalaban-laban na kami sa bawat isa para sa aming kaligtasan.

Nangyari na ang isa sa mga kinatatakutan ko na kung saan ay gagawin na ng bawat isa sa amin ang lahat para lang maka-survive to the point na wala nang pakialam ang iba kahit makapatay pa sila.

Samantala...

Nang makaalis na sila Jargon ay agad naming nilapitan si Teyyah para tignan ang lagay niya at sa aming paglapit ay kitang-kita ng mga mata namin ang kanyang paghihirap.

Nakahawak nalang ang magkabila niyang kamay sa kanyang leeg at pilit na naghahabol ng hininga habang ang dugo ay agresibong umaagos at sumisirit palabas sa katawan niya.

Naging mapulang rosas na ang kulay ng kaninang puting uniporme ni Jennette.

Masasabing napakarami ng dugo ang nawala sa kanya at sa sitwasyon namin ngayon ay wala kaming magagawa para iligtas siya.

Sa kabilang banda, mahigit isang minuto nalang ang nalalabi sa oras at sinasabihan na ni Russell si Quinn ukol dito pero tila ba hindi nakikinig si Quinn bagkus ay hinahawi-hawi lang nito ang buhok ni Teyyah nang paulit-ulit.

Kalaunan ay pinapabantay nalang sa akin ni Russell si Quinn at sinabi niyang siya na daw ang bahalang magkumpleto sa bubuoin naming grupo.

Habang binabantayan ang paligid ni Quinn ay naririnig ko siyang nagsasalita habang hinahawi-hawi ang buhok ni Teyyah at kanyang sinasabi na "You never changed a bit, do you? You are still the Teyyah I know, who is reckless as ever, even though we were children, risking your safety on the line for the sake of her friends not getting hurt.

Teyyah, you look so gorgeous when you bleed...

I still remember that day when we first met each other.

An incident like this happened.

And we're about to get jumped by a group of people.

And then there you are.

Appearing out of nowhere,

Making a heroic entrance,

Doing Teyyah's stuff,

Initiating reckless things,

saying, "If you want to get them, you have to get through me first!"

Because of that, you're the one who's been beaten into a pulp.

And the worst is,

You got stabbed,

We rushed towards you, and when we got onto you,

You asked us the most stupid question you can say, saying...

"Tell me, do I look beautiful with this blood all over my body?"

Yes, you are Teyyah. Yes,  you are.

You look so gorgeous when you bleed."

Matapos magsalita ay napatingin sa akin si Quinn na aking ikinatakot kaya agad akong tumalikod sabay sabing "P-pasensya n-na 'di ko sinasadyang pakinggan ang s-sinasabi mo."

Ngayon maliwanag na sa akin na magchildhood friend pala ang dalawang ito base sa mga narinig kong sinabi ni Quinn kanina.

Ang hindi lang malinawag sa akin ay? Why and how can she maintain that straight face while her childhood friend is dying in front of her?

How can she look so emotionless while her friend has been brutally killed in front of her?

How!

Nakakaramdam ba ng lungkot ang babaeng ito? Or kahit galit man lang?!

Hindi ko maintindihan!

Habang nabaling ang atensyon ko kay Quinn ay nawala na sa isip ko na may grupo pala kaming dapat buoin.

Agad akong tumingin sa timer at sa aking pagtingin ay tila ba gumuho lahat ng aking pag-asa pang mabuhay nang malamang...

"S-sampung se-segundo nalang..."

Ako ay nagpanic lulan ng takot, lumingon ako sa aking paligid at nakita si Russell na tumatakbo papunta sa akin at sumisigaw ng "MAXWELL! HUMAWAK KA SA DAMIT NI QUINN, NGAYON NA!"

I see! Ang mga kasamang 'yon ni Russell ay ang mga miyembro ng grupo na sinabi niyang bubuoin niya.

Nabuhayan ako nang loob dahil muli, nagkaroon ako ng panibagong pagkakataon para mabuhay, panibagong pagkakataon para hindi sumuko sa larong ito.

Ang kailangan ko nalang gawin ay hawakan si Quinn kahit sa tela man lang ng damit niya at hintayin makarating sila Russell dito.

Subalit...

May biglang humatak sa akin mula sa aking gilid dahilan ng pagkahiwalay ko at hindi ko na nagawang mapabilang pa sa grupo na binuo ni Russell.

Then, kung mawawala ako sa grupo ay magiging 23 nalang ang miyembro nila Quinn at Russell, then it means...

Hindi...

Hindi...

Hindi maaari...

3...

2...

1...

0...

"Time is up! The correct answer is 24," said the announcer.

"Did I make it? Ani ng lalaking bigla nalang humablot sa akin

Yeah, it looks like you do." Tugon ng lalaking pinagtanungan niya ito.

Tumunog na ang mga makina ng gilingan at nagsimula na ito manghigop ng mga taong hindi nakabuo ng grupo na my 24 na miyembro.

Ang ika-24 na miyembro subalit ang grupo nila Russel na ako ngayon ay hindi napasama sa mga taong hihigupin ng gilingan sa kadahilanang may isang taong humablot sa akin papunta sa grupo nila

"Hi! Ako nga pala si Aaron 'yung nagligtas sa'yo kanina. Umm, no need to thank me na, kaligayahan ko ang tumulong." Nakangiting pagpapakilala ni Aaron sa akin

"Ako? Niligtas? Magpasalamat?" Malumanay ko na sambit habang nanginginig ang dalawang kamay ko.

"Umm oo, you don't ha-" Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Aaron bagkus ay agad ko nalang siyang sinakal gamit ang dalawang kamay ko.

"AKO?! NILIGTAS?!! EH MAY GRUPO AKO! MAY GRUPO AKO! MAY GRUPO AKO! MAY GRUPO AKO! ANG KAILANGAN KO NALANG GAWIN AY HUMAWAK KAHIT SA TELA MAN LANG NG KASAMA KO KANINA KASO BIGLA MO AKONG HINATAK! DAHIL DOON NAGKULANG SILA AT NAGING 23 NALANG MIYEMBRO. K-kasalanan mo 'to. Mamamatay sila dahil doon.

Akma ko na nang susuntukin si Aaron sa mukha subalit may humawak at pumigil sa kamao ko sabay sabing, "Never kang gagawa nang nagdedesisyon kapag galit ka, you might regret the outcome in the end.

Lumingon ako sa aking likuran at napag-alamang...

"Ru-russel? Q-quinn? Pero paano?, 23 nalang kayo kanina 'di ba?" Litong-lito na tanong ko

"It turns out na buhay at tumitibok pa ang puso ni Teyyah nang mga oras na yon, making her the 24th member of the group." Pagpapaliwanag ni Quinn

Lubos akong nagsisi at humingi ng tawad kay Aaron dahil sa ginawa ko. Ang akala ko talaga ay 23 nalang sila dahil sa pagkawala ko pero akin nang nalaman na as long na hindi pa completely patay ang tao at tumitibok pa ang puso nito ay macoconsider pa rin itong miyembro nang gagawing grupo.

"Oh my, Oh my. Pati ba naman dito, my dear Maxwell, bibigyan mo ako ng sakit ng ulo?" Ani ng babaeng bigla nalang tumawag sa pangalan ko.

Napakapamilyar sa akin ng boses na iyon, and not to mention, kilala niya ako kaya dali-dali akong lumingon para tignan kung sino iyon at napag-alamang,

"A-ate Yamrizah... I-ikaw ba talaga 'y-'yan??" Nauutal na pagtatanong ko

"Eh? Sabing ate Yam nalang ang itawag sa'kin kasi ang haba-haba bigkasin niyan, save your precious time duh" tugon ni ate Yam

Siyang-siya nga! Halos hindi pa rin ako makapaniwala na narito ang ate ko ngayon pero ang malaking tanong ko sa aking sarili ay bakit siya nandito?

This woman is suicidal as hell too.

It is clear that it's not impossible na mayroon kang makikita dito na kakilala mo as of kanina, as I witnessed my childhood friend Sila Quinn at Teyyah.

Speaking of Quinn,

Biglaan nalang akong hinatak ni ate Yam papunta sa kanilang grupo nang makita niya si Alumina at sinabing.

"Madami akong nakita at narinig sa babaeng 'to, 'di na kita papayagan sumama sa kahit anong grupo nila.

Subalit pilit kong ipinapaliwanag kay ate Yam na inosente si Quinn at siya ang biktima dito.

Kalaunan ay ikinuwento ko kay ate ang sinapit namin kanina na kung saan nagresulta ito nang pagkamatay.

ng isa naming kasama, which is si Teyyah, ang childhood friend ni Quinn.

Nang makita ni ate Yam si Teyyah ay napahawak ito sa kanyang bibig at sikmura, pinipigilan ang kanyang sarili na hindi masuka.

Si Teyyah ay dilat na ang dalawang mata at hindi na ito gumagalaw pa.

"Ate, walang pagdadalawang isip siyang ginilitan sa leeg ng lalaking 'yon, si Jargon. Instead na sumama ako sa inyo, bakit hindi nalang natin pagsamahin ang nabuo nating grupo nang sa gayon eh magkaroon din tayo ng chance para labanan ang grupo ni Jargon.

Sa huli ay napapayag ko din si ate Yam na pagsamahin nalang ang nabuo naming grupo pero sa isang kondisyon at 'yun ay

Ang grupo nila ate Yam ang mag-aassign ng lider ng pagsasamahing grupo.

Wala naman itong problema kila Russel and the rest ng grupo pero napatanong si Russel kung bakit gusto nilang tumulong although the fact na wala naman silang kinalaman sa away ni Jargon at nila Quinn in the first place.

"We have to eliminate the threats as much as we can." Tugon ni ate Yam kay Russell

"Then let me ask you a question too, Yam: do you see me as a threat? If so, you will eliminate me too, do you?" Tanong naman ni Quinn kay ate

"It depends on what will be your answer to my question. Quinn, are you an ally or not?" Tugon ni ate Yam.

Napangisi si Quinn sa tanong ni ate at kanyang sinabi: "Yes, in one condition..."

"Ano 'yon?" Pagtatanong ni ate Yam kay Quinn

"Ang pupugot sa ulo ni Jargon... ay ako." Nakakapanindig balahibong tugon ni Quinn


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login