Download App
95.55% THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 43: UNEXPECTED VISITORS

Chapter 43: UNEXPECTED VISITORS

"Hindi ko rin alam." Diritsahang sagot ni Yohan.

Si Veronica naman ay nanatiling walang imik. Kung ano man ang laman ng kanyang utak ay siya lang ang nakaka-alam. Bagamat paminsan minsan ay lihim siyang napapa-buntong hininga. Sumulyap siya kay Yohan upang sana ay mag-nakaw lang ng tingin, subalit hindi niya akalain na naka-tingin pala sa kanya ang binata. Mabilis niyang binawi ang tingin at nagkunwaring naka-focus sa ina ni Clewin.

"Clewin, ibabalik ko sa iyong ina ang lahat ng bagay na nawala sa kanya. Pero bago yun, gusto kong ipunin mo ang lahat ng Hanajians para sa paghahanda sa napipintong final battle ng buong Terra crevasse laban sa mga currupted spirit beasts." Ani Veronica.

Sana lang, sa darating na gyera, tulungan siya ni Banawa. Hindi niya kakayanin ang final battle. Dahil sa nakita niyang memory sa soul bead, alam niyang hindi sapat ang kanyang kapangyarihan upang masiguro ang kaligtasan ng buong Abyssal. At dahil din doon, kaya niya ipinasya na alisin ang mga hiram na kapangyarihan ng mga Huluwa. Hindi dahil hindi niya kailangan ang mga ito, kundi dahil ayaw niyang madamay ang mga ito sa gulo.

"Ibig mong sabihin, tatanggalin mo na mga kapangyarihan ng mga Huluwa?"

"Yes. At ibabalik ko yun sa iyong ina. I need herself to fight with me. Wag kang mag-alala, lahat ng mga mortal ay ilalagay ko sa loob ng protective barrier. And Your Highness, Yohan.. I want to speak with your father. Pwede mo ba akong samahan pabalik sa Drakaya?"

"Yes." Tipid na sagot na binata.

"Well then, Clewin, kapag na tipon mo na ang buong Hanajians, tell them to prepare. At tulungan din nila akong ipunin ang lahat ng mga Huluwa sa buong mundo ng Terra Crevasse. I'll do something that most important right now."

Pagkasabi nya nun, dahan-dahan na siyang lumabas ng silid.

"You're hiding something from me, Nika. Tell me what it is." Boses ni Yohan ang narinig niya. Sumusunod sa kanya ang binata.

"Wala akong tinatago sa'yo. At kung meron man.." Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang binata. "Kailangan ko bang ipaalam yun sayo?"

Sunod-sunod ang ginawang pag-lunok ni Yohan. Lalo na nang makita niya kung gaano ka seryoso ang ekspresyon ng mukha ng dalaga. Sa mga mata ni Veronica naka-display ang tinatagong pagka-muhi sa kanya. At hindi lang yun, ang dating kumikinang na mga mata ng dalaga sa tuwing naka-tingin sa kanya, ngayon ay puno na ng lamig. She's staring at him as if he is just a mere person who isn't even important.

"No. But.."

"Hintayin mo ako bukas ng umaga. May gagawin lang ako ngayon at bukas ay pupunta ako sa kaharian mo para makausap ang iyong ama. And please.. Stop doing what you just did a while ago. Tulad ng sinabi ko bago ako mawalan ng malay, ayaw na kitang makita. pagkatapos kong makausap ang iyong ama, I want you to stay away from me."

Parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Yohan ng mga sandaling yun. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Veronica. The woman hates him now.

"Wait.. Hear me out. Marami akong gustong ipaliwanag sayo." Mabilis ang mga hakbang na hinabol niya ang dalaga at hinawakan ang braso. "I have reasons why I rejected you..."

"Stop." Nasapo ni Veronica ang sariling noo at napahugot ng hininga. "Yeah.. Alam ko na ang dahilan mo. It's about your kingdom's rules, tama? Naiintindihan ko na yun. At hindi yun ang dahilan kung bakit ayaw na kitang makita."

"Then what?! Alam mo na ang dahilan ko, so bakit?" Napa-hiss si Veronica ng maramdaman niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Yohan sa kanyang braso.

"Well because, I realized that, you can just easily kill me kapag ginusto mo."

"I will not! And will never. Oo galit ako sayo nung una at pangalawa kitang nakita. But the last time that I pointed my sword at you, hindi ko kontrolado ang katawan ko nun! I was actually trying to find you that time." Hindi na napigilan ni Yohan ang tumaas ang tono ng boses.

Lihim na napa-tiim bagang si Veronica. Alam niya na rin yun. Pero dahil may isa pa siyang dahilan, kahit pa sabihin ni Yohan ngayon na parehas sila ng nararamdaman, mas pipiliin niya pa rin na layuan at iwasan ang binata. Para sa kaligtasan ng lalake.

"Forget it.."

"Forget what?! Gusto mong kalimutan ko na gust..."

"Stop.. Kailangan kong pag-ugnayin ang dalawang kaharian to create a huge barrier. Let me go." Yeah.. Ayaw niyang marinig ang mga salitang alam na niya.

"At least hear me out! Veronica.. I like you. I now violating the rules of my kingdom para lang ipaalam sayo na gusto rin kita."

"Too late, hindi na kita gusto." Walang alinlangan na sagot ni Veronica bago walang likod na iniwan si Yohan na na-estatwa.

"-what?" Hindi man lang bumuka ang bibig ni Yohan ng sabihin niya ang salitang yun.

Nakalayo na si Veronica pero nanatiling naka-tayo parin siya sa kanyang pwesto. Paanong ganun kabilis lang kalimutan ni Veronica ang nararamdaman para sa kanya? Ilang beses siyang nag-confess sa kanya kahit pa paulit-ulit din niya itong binigo. Kaya napaka-imposible na hindi na siya gusto ng dalaga. Mayroon ba siyang hindi alam na dahilan ng biglaang pagbabago ng dalaga?

Well, alam naman ni Yohan na mabilis magpabago ng isang tao ang sakit na paulit-ulit nilang nararamdaman. Sabi nga ng kanyang ina noon, Pain can extremely change one person. Did he hurt her so much Kaya ba nagbago si Veronica? If so, kailangan niyang gawin ang lahat to win her back?

Mabilis ang mga hakbang na tinunton ni Veronica ang daan palabas ng Palasyo. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Gusto niya si Yohan, yes! Walang nabago dun. No actually mayro'ng nagbago. Gusto niyang protektahan ang binata, at ayaw niyang madamay ito sa gagawin niyang pakikipaglaban. Sabihin na nating, hindi lang niya gusto si Yohan, she loves him now. Yes, hindi rin niya alam kung bakit naging pagmamahal ang dating pagka-gusto lang niya dito. Paano ba nangyari yun? Dahil ba hinayaan niyang mabuo sa kanyang puso ang pagmamahal na ngayon lang din niya naramdaman?

"No can't do. Kailangan ko siyang ilayo at itago." Bulong niya sa sarili habang tumatakbo.

Nang marating niya ang labas ng palasyo, malalim siyang napa-buntong hininga at napapikit ng mariin.

"Gamit ang kapangyarihan na ipinag-kaloob sa akin ni Nyuweko, ako si Suzerain, ginagamit ang soul mark of protection upang gumawa ng barrier to protect my subjects. Please, accept the half of my life to be the guardian of this..."

"Are you an idiot? Hey Suzerain, wala sa napag-kasunduan nating dalawa na gagamitin mo ang kalahati ng buhay mo para lang protektahan ang mga nasasakupan mo. What's wrong with you huh?! Nahirapan akong gawin ang regression soul cup sa Spirit World para kahit mamatay man ang katawan ko, I can still be reincarnated. Tapos ito ang maabutan ko dito sa Terra Crevasse?"

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Veronica ng marinig ang boses ng babae sa likuran niya. Tumayo ang mga balahibo sa kanyang katawan kasabay ng pag-iinit ng kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang lumingon upang malaman kung sino ang nag-salita.

With Red long hair and red burning eyes, ang katawan ng babae ay nababalot din ng umaapoy na mga balahibo. Sa kanyang likuran ay ang umaapoy na pakpak na kilalang-kilala niya.

"What?! Maganda ba ang bagong katawan ko?" Naka-ngiting tanong ng babae.

"Baby, Enough with your self praising. Hindi mo ba nakikita na umiiyak na si Suzerain?" This time, boses naman ng lalaki na may mga kaliskis ang katawan ang nagsalita.

"Oh come on! Gusto ko lang malaman kong nagustuhan niya ang bagong katawan ko compare sa pagiging ibon ko dati. See, I like your new body, buti na lang binigay ulit sayo ni Ziana ang dragon veins mo."

"Hnnnggg..." Sabay na natigilan ang dalawang bagong dating ng marinig ang tunog na yun.

"Nika!" Parang iisang tao din na napa-lingon ang dalwang bagong dating ng marinig ang boses na yun. "Who are you guys?!"

"Ohhh.. Suzerain, don't tell us. May partner ka na?! After 20,000 years?! Nakatagpo kana rin ng partner?!" Bulalas ng babaeng bagong dating.

"Well, isn't it a good news? Lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng partner si Suzerain. And Jenny, stop teasing your bestfriend. Kanina pa siya umiiyak, can't you see?!"

"Hehe.. I miss her so much, you know. By the way, hello there. I'm, Jenny, O mas kilala ni Suzerain sa pangalang.. Banawa."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C43
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login