Since dinner time is just around the corner, it was much struggle for Haruko to negotiate with other customers na payagan silang dalawa ni Rukawa na makisalo sa lamesa nila lalo pa't may nakaupo na sa lahat ng tables ng fast food resto regardless if they went there solo or with company.
"Excuse me po. May nakaupo po ba sa pwesto na ito?" Haruko asked sincerely sa isang middle aged woman kung available pa ba ang seats sa tabi nito ngunit sinagot siya nito sa pabalang na tono.
The lady's bags were sitting in the chairs of the table. "Bulag ka ba?! Do you see anyone or anything else here besides me?" aniya sabay tingin muli nito sa kanyang smartphone na feeling busy sa kakascroll nito sa X timeline.
"S-sorry po." Despite the sarcasms received ay humingi na lang ng pasensya si Haruko sa naistorbo niya.
Finding the perfect spot inside the Wendy's fast food chain is not an easy job kaya pilit na hinahabaan ni Haruko ang kanyang pasensya tungkol sa paghahagilap ng table para sa kanilang dalawa ni Rukawa.
"Hay nako! Bakit ba kasi ang hilig ng ibang mga solo flight customers na kumain sa table na pangmaramihan?! Doon pa sila mismo uupo sa mga bench type na upuang magkakadikit." reklamong saad ni Haruko sa sarili nitong isip matapos ang kanyang naging engkwentro sa mga ignorante at rude customers during her search.
She was yet to explore the second floor of the building kaya hindi na nag-atubili pa si Haruko at agad siyang dumiretcho sa ikalawang palapag at namamag-asa pa ng swerteng makakapagpahinga siya bago pa matapos si Rukawa sa pila ng cashier.
The only available seat at that time on the second floor was a four seater table at nakatapat ito malapit sa air conditioning unit ng window side kung saan matatagpuan ang parking area. Pagdating ng dalaga sa ikalawang palapag ay hindi makapaniwala si Haruko sa nakita niya.
"Teka, kanina ka pa ba andyan Rukawa?" Nalilito ang isipan ni Haruko sa pag-aakalang nakapila pa sa cashier si Rukawa.
"Kapapanik ko lang. Hinahanap kita sa baba pero wala ka naman doon." paliwanag ni Rukawa habang ganado siyang maglinis ng pinagkainan ng previous customer na naupo sa pwestong napili nito.
"Ah ganun ba. Osige, tulungan na kita dyan." She insist to help him clean the table kahit ayaw ni Rukawa.
"Ayos lang. Kaya ko na ito." tugon naman nito kay Haruko.
He started to pack up the used utensils sa table na napili nila at hindi na inabala pa ang ibang staff para linisin ang kalat na nasa harapan nila. "Namalik-mata lang siguro ako kanina. Akala ko kasi nakapila ka pa sa cashier." paliwanag ni Haruko kay Rukawa while she put down their things on their chair.
"Marami pa din sigurong pending orders at baka medyo matagalan sila sa trabaho. Ang sabi ng cashier eh dadalhin nila sa atin ang pagkain natin dito kaya hintayin na lang natin." ani Rukawa matapos niyang ilagay malapit sa fast food bin ang mga naturang utensils.
True enough to his words, it was almost quarter to seven ng gabi na noong maibigay sa kanila ang order nila. "We're really sorry for the delay. Enjoy your meal sir/ma'am!" The employee served their meal just like what he is supposed to do at umupo na silang dalawa sa magkabilang side, facing each other, at nakalapag na sa tabi nilang lamesa ang kanilang mga gamit.
"Luh! Ito ba iyong mga sinabi ko kanina?!" Haruko was blushing and so surprised sa naging decision ni Rukawa. Palabas na ang pitaka ng dalaga nang magtanong siya ulit.
"Uy! Nakakahiya tuloy… Magkano ba ang binayad mo sa pagkain? I'll give you my fair share." saad ni Haruko ngunit hindi siya pinagtutuunan ng pansin ni Rukawa.
It took him for a while to respond since he was kinda occupied with his own dilemmas. "Hindi na kailangan iyan." seryosong sabi ni Rukawa habang dumudukot na si Haruko ng pera sa sarili niyang pitaka.
"Pero…" Nagdadalawang-isip na tugon ng dalaga.
"Tsk! Huwag ka na sabing makulit." He made her shut up instantly by saying this to her face.
Napahinga na lang si Haruko ng malalim, giving up on her argument towards her crush. "Okay fine." Tipid na sabi ni Haruko as she decided that it's better to savor the moment na magkasama silang dalawa rather than arguing each other.
[Haruko Akagi…]
"Itadakimasu!" It was music to my ears hearing this kind of phrase mula sa boses ni Rukawa. Oh my gosh talaga… Kung nangyayari na ngayon ang isa sa mga pinapangarap ko sa buhay, please lang let me be with him ng mas matagal.
I let him mind his own food. Baka kasi kapag tumitig pa ako sa kanya ng matagal eh wala ng utak ang matira sa akin dahil sa kakadelulu habang kaharap siya sa lamesang ito. Without thinking anything else ay sumubo na ako ng pasta sa plato ko.
"Kumain ka ba talaga ng tanghalian kanina?" Nawala ako sa sarili kong daydream mula sa tanong ng kausap ko.
"Huh?! Oo naman pero hindi ko naubos ang nabili kong pagkain kanina dahil sa kakamadali para sa PE subject." I answered his question while slurping my own spaghetti. Nasasarapan ako sa sauce eh. May magagawa ba kayo para pigilan ang cravings ko?!
"Hindi halata sa'yo pero dugyot ka pala kumain." Ouch! Ang sakit naman niyang magsalita at nasamid na nga ang lalamunan sa kinakain ko.
"Grabe ka naman! Halos maubos mo na nga iyang spaghetti mo sa plato." I frankly said to him in reply.
"You're exaggerating things way too much." Ewan ko ba Rukawa, masyado akong kinakabahan kapag kausap ka.
Since dumating na din sa point na magkasama kaming dalawa, why not give it a try to tell him what I feel. "Ughm… Hindi ko alam kung ngayon na ba ang tamang oras para sabihin sa'yo ito pero, mahal kita Rukawa… noon pa man." Binitawan ni Rukawa sa plato niya ang tinidor na gamit niya upon hearing what I've said.
"Baka kasi pagsisihan ko lalo na hindi ko iyon masabi bago man lang tayo makagraduate ng highschool." sabi ko pa sa kanya not knowing how should I act in front of him, confessing everything about my feelings since middle school days.
"Sobrang tapang mo naman para ipagtapat iyan sa akin." He just stared at me after he said that, so serious na para bang wala siyang narinig sa anumang sinabi ko.
"Alam mo kasi, matagal na akong nagagalingan sa husay mong maglaro sa basketball. Iyon lang ang tanging pagkakataon na nakita ko ng personal ang galaw mo na parang isang pro player sa NBA…" paliwanag ko sa kanya nang bigla niya akong siningitan ng opportunity to speak for myself.
"Talaga ba? Ganun lang ba ang basehan mo kaya mo ako nagustuhan?!" sabi niya sa akin at parang galit pa ang hilatya ng mukha niya.
"H-hindi lang naman dahil doon…" I was about to answer him regarding my side of the story ngunit pinangunahan niya din ako ng mga katagang:
"Pasensya ka na at inabala pa kita ngayong gabi." saad nito while sitting with his resting jerk's face opposite to mine na para bang pilit niyang iniiba ang topic of discussion.
Rukawa, kung alam mo lang, this is once in a lifetime para sa akin na makasama ka sa ganitong pagkakataon, and I'm truly happy to see this kind of person you are outside the basketball court kahit nakakakaba para sa akin ang mga tinatanong mo sa akin.
"Nako… please don't feel sorry about that. Sa katunayan nga eh mas maigi ng nangyari ito dahil paniguradong tatambakan na tayo ng mga gawain sa school sa mga susunod na araw." sabi ko sa kanya habang sinisimot ko ang last bite of my spaghetti.
His smirk tells me everything that I need to understand. "Hmmp… sinabi mo pa." komento pa niya as he also sips his own drink.
Ngayong nakadungaw ako sa kanya ng malapitan, I don't know how should I explain this. Even though his appearance and rapport are beyond comparison, he looks more pale now than before at parang luluwa na ang mga mata niya sa malalim na eyebags na nakapaligid dito.
"Ughmm… Pasensya ka na sa itatanong ko pero, talaga bang ayos ka lang?" bulong ko sa kanya at muntik niya pang mabitawan ang baso niya.
"Ano bang sinasabi mo dyan?" He was denying something I guess. Mukhang I've crossed the line kaya siya nagagalit sa akin at mahahalata iyon sa way ng pagsasalita niya.
"On a normal day kasi, knowing you eh hindi mo naman pinapansin ang kahit sino sa school. You only care kapag basketball practice na. Although I'm really grateful sa gabing ito, I'm just wondering why you drag me into this place." I told him everything what I noticed at that moment dahil nakakaoverthink din naman kasi ang course of action niya towards me, nakakashock sa heart.
"Bilib din naman ako sa paghihinala mo eh no?! Huwag mo ngang bigyan ng malisya ito." bigla niyang sambit sa akin.
"Wait… Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya at medyo nalilito na din ang pag-unawa ko sa pakikitungo niya sa akin.
"Gusto ko lang namang sabihin sa'yo na habang maaga pa eh patayin mo na iyang nararamdaman mong pagmamahal para sa akin." Then, the bombshell news from him dropped in front of my face.
"Huh?!" Para talaga akong tanga na umaasa ng magandang sagot mula kay Rukawa. I'm not blaming him though. Ako ang unang nag-approach sa kanya sa first day of class para magpapansin sa kanya just to have a small chat with him pero nagbackfire sa akin lahat ang kadaldalan ko ngayon.
"Haruko, hindi ako naman ako manhid na gaya ng iniisip mo. I'm fully aware what you want from me pero hindi worth it na magsayang ka ng oras para lang isipin na masusuklian ko din ng totoong pagmamahal ang nararamdaman mo. Ayoko namang magpakaplastik sa sarili ko, lalo naman sa'yo." No cap… Masakit talagang marinig ang totoo lalo na kung hindi naman iyon pabor sa gusto mong mangyari.
"Oh… is that so?! Anyways thank you for this wonderful dinner. It was a memorable one indeed, I swear." Pangiti-ngiti lang ako sa harap mo Rukawa pero I'm really hurting inside.
Sa tingin mo ba ganun lang iyon kadali na kalimutan kong minahal ko ang isang tulad mo? Masyado ka naman atang demanding para gawin ko iyan after this, Rukawa.
"Binabawasan ko lang ang problema mo at saka huwag mo naman akong obligahin na bayaran ko pa ng pagmamahal iyang puso mo..." SHHH!!! This is not what I intend for you to do para sa akin, Rukawa.
"I've heard enough, okay?! Masakit ng tanggapin eh. Wait… sorry hah kung binigyan pa kita ng responsibilidad para lang mapansin ang isang gaya ko." Just like waterfalls ay hindi ko na talaga mapigilan na hindi maiyak sa sitwasyong iyon.
"Pwede bang bigyan mo naman ako ng valid reason para makamove on na sa'yo." kako sa kanya kahit tumutulo na ang uhog ko sa kakapigil ng emosyon ko. Todo singa pa ako sa harap niya at kahit nakakahiya sa ibang tao na marinig ang kadramahan ko ay hindi na ako nagpatinag sa sasabihin ng iba.
"Diba naghahabol ka ng awards para sa graduation?" tanong niya bigla sa akin.
"Of course pero ano naman ang kinalaman nun dito sa nararamdaman ko para sayo?" tugon ko sa kanya ng may sama ng loob kahit wala naman akong karapatan na magalit sa kanya.
"Kamusta kayo kanina sa P.E.?" dagdag pa niyang pahayag. Ano ba ito, interrogation?!
"Okay lang naman." tipid kong sagot sa kanya.
Starting from now, sumuko ka na self. Walang mararating ang pagmamahal mo sa kanya. Sinugal mo na ang pinakaiingatan mong feelings para sa Rukawa na iyan pero natalo ka din sa sugal na iyan eh…
"Yung totoo?!" nangungulit na tanong sa akin ni Rukawa.
"Well, medyo nakakaintimidate si sir pero ayos lang naman siya para sa akin bilang teacher. Napagalitan din kanina which is deserve naman namin dahil nalate kami sa kanya." sabi ko sa kanya while dissing that teacher Harry.
"Problema nga iyan." bigla ba naman niyang pagbabanta sa akin but he does not seem like kidding around. Iritable ang mukha niya when he brought up this subject teacher sa aming usapan.
"Saglit nga. Bakit naman nasama si sir sa usapan?" tanong ko sa kanya without knowing kung anong isyu ang meron siya sa teacher namin.
"Matagal ko na siyang kilala. Almost a year na akong naiirita at nagtitimpi sa ugali nya." pagsusuplong niya sa akin.
"Kaya ba wala ka kanina sa subject ni sir dahil sa kanya?" tanong ko kay Rukawa and his nods verified his reason for absence kanina sa klase.
"Wala akong pakialam kung sabihan mo pa akong duwag, pero nakakapagod na ding makita ang pagmumukha nun lalo pa't kasama ko silang dalawa ni tita sa bahay nila." dagdag pa niyang pahayag sa naratibo niya.
"Ano bang nangyari sa inyo ni sir?" tanong ko sa kanya, seeking answers to my curiosity.
"Other details are too much to handle para sa'yo pero, to make the story short, isa siyang narcissist. That is the only word that can describe him the best." sabi ni Rukawa na para bang wala na siyang ibang mapagsasabihan ng problema kundi sa akin.
"Aware ba si sir sa kundisyon niya?" I asked him again for clarification.
"Palagay ko hindi." sagot niya sa akin.
"Diagnosed ba siya ng doktor?" kako dahil nag-aalala din ako sa pwedeng gawin sa kanya ni sir kapag wala silang dalawa sa eskwelahan.
"Kung sakali mang alam niya, he would not even dare to acknowledge na may sakit siya kahit marami ng lumalabas na sintomas." paliwanag sa akin ni Rukawa.
"May paraan ba kung paano kami makakatulong ng team sa sitwasyon mo ngayon?" tanong ko sa kanya sa pagbabakasakaling may magagawa pa kami para kay Rukawa.
"Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa akin. Nasanay na din naman akong may kasamang demonyo sa bahay. Isa pa, wala namang lunas sa sakit niya lalo na kung minana pa niya iyon sa magulang niya." sabi niya sa akin na parang tinanggap na ang ganoong klase ng pakikitungo sa household nila.
"Masyadong confidential ang info na iyan, sa totoo lang." napakomento na lang ako ng ganyan ng wala sa oras.
Based on what I've read in online journals, iyong mga taong may narcissistic personality disorders tend to be self-centered individuals and they don't know about genuine empathy. They are also kind a heliocentric in a sense thinking na they are the star - center of the universe, to the point na sa kanila lang umiikot ang mundo ng mga taong nakakasalamuha nila. Madalas pa nilang pinepeke ang kabaitan nila para lang hindi sila maungusan nino man and to take advantage para lang sa sarili nilang interes.
"Magiging problema mo siya lalo pa't ikaw ang inassign ng adviser natin na maging class president." sabi niya sa akin ng deretsahan.
"Dahil ba ako lagi ang pagbubuntunan ng galit niya kapag bad mood siya sa section natin?!" sabi ko sa kanya on a sarcastic mode.
"Hmmmp… Thanks for letting me know about this." dagdag ko pang pahayag sa kanya nang tumayo na ako sa aking kinauupuan.
"Teka, ihatid na kita." I don't even want to hear any of his concern for me kaya nagmamadali na akong umalis sa table namin.
"Bago ko makalimutan, may inihabilin nga pala sa akin si coach Anzai kanina sa messages." kako sa kanya at inabot ko ang isang spare key ng basketball gym.
"Next week na daw tayo magstart sa recruitment ng mga bagong miyembro. Good luck na lang sa mahahagilap ng team natin, Captain!" I rapidly escaped from the embarrassment na ginawa kong pag-amin sa kanya without any second thought.
- BACK TO SCENE -
Nang paalis na si Haruko sa kanilang table ay bigla siyang natigilan sa taong nagpakita sa kanilang dalawa. " I see… Talking behind my back huh!" A middle aged man approached them sending shocks down to her nerves
"K-kayo pala sir. Kailan pa po kayo nandito?" nauutal na sabi ni Haruko. Her steps were going backwards habang papalapit si sir Harry sa pwesto ni Rukawa.
"Ako nga dapat ang magtanong sa inyo eh! Gabi na, ano pang ginagawa niyong dalawa dito?" sabi ni Harry na nagpipigil ng inis sa binatang kasama ni Haruko.
"Kumakain, malamang…" saad ni Rukawa and it looks like the guy triggered so much anger from the teacher kaya siya nasigawan in public.
"Aba… ayusin mo ang sagot mo. Sumosobra ka na!" tugon ni Harry na naiinis sa tono ng pagsagot sa kanya ni Rukawa kaya hindi siya nagdalawang isip na batukan ito mula sa likod.
"Ang lakas ng loob mong mag-aya ng date sa kaklase mo pero ni pumasok sa subject ko eh hindi mo man lang nagawa? Sayang naman ang pinapaaral sa'yo ng magulang mo." dagdag pa ng guro na walang pakialam sa mga taong mapanghusga sa paligid nila.
"Uhhmm… Nagkita lang po kaming dalawa dito sir." pagdadahilan ni Haruko sa kanya.
"Pfft! Highschool student ka na, sinungaling ka pa din?! Kabataan nga naman... Nakita kayo ng school nurse kanina na palabas kayong dalawa sa Shohoku habang ako naman ay naghihintay doon sa faculty room para lang sa wala." pabalang na kwento sa kanya ni Harry na halos mamuti ang buhok sa pag-unawa kay Rukawa.
"Sorry po…" saad ni Haruko na tila napapahiya ng husto sa kada pagbuka ng bibig nito.
"Talaga bang sayang ang pinapaaral sa akin ng magulang ko? Sa pagkakaalam ko eh ikaw ang kumukupit ng allowances ko na ipinapadala sa akin ni papa kada buwan. May narinig ka bang reklamo mula sa akin doon sa pamamahay mo?!" rebut ni Rukawa mula sa masasakit na salita na narinig niya sa Wendy's.
"Ughm… Pagpasensyahan niyo na po ang batang ito na walang utang na loob sa mga kamag-anak na kumupkop sa kanya. Umaalis ng walang paalam kaya eto, pinagsasabihan lang ng matino pero masyadong entitled ang batang ito kung makaasta." ani Harry na tila binabaling ang atensyon ng madla sa maling pakikitungo ni Rukawa sa mga nakakatandang gaya niya.
"At saka huwag mo ngang idamay ang nanay ko sa usapan. Patay na iyon. Hindi nga nagparamdam sa akin iyon ni minsan eh!" dagdag pang pahayag ng binata.
With all the embarrassment na natanggap ni Harry due to his actions ay nilapitan na lang niya si Haruko para pagsabihan ito tungkol sa mga bilin niya. "Kung ano man ang sinabi ng tarantadong ito tungkol sa akin eh sarilinin mo na lang. Naiintindihan mo ba ako hah?! Siguro naman eh ayaw mong madamay sa problema ko sa Rukawa na ito diba?!" pagbabantang saad ng guro sa kanyang estudyante.
"Y-yes sir…" nagluluhang sabi ni Haruko sa kanyang teacher.
"Umalis ka na. Nakakawalang ganang kumain kasama ka." Rukawa scolded Haruko in front of everyone kaya agad naman siyang sumunod and left him there behind.
"Pasensya na at nakita mo pa ang away na ito, Haruko." bulong ni Rukawa sa kanyang isip.
"Ano pang hinihintay mo dyan? Tumayo ka na nang makauwi na tayo." Inis na sabi ni Harry.
"ANO BA! Hindi mo ako kailangan kaladkarin palabas." bulyaw ni Rukawa sa kanyang kausap.
Habang papaalis si Haruko sa naturang establishment ay hindi niya napigilang maging emosyonal mula sa narinig at nasaksihan nito sa kanilang table kanina. "This is too much for me to handle. Sana okay ka lang talaga Rukawa. I'm so sorry na wala akong nagawa…" bulong ni Haruko sa kanyang sarili.