They both rushed to the parking lot kung saan matatagpuan ang bagong sports car na binili ni Michael para gamitin sana iyon nilang dalawa ni Ryza sa kanilang unang date para sa taong ito.
"Kung alam ko lang na ganito pala ang mapapala ko, dapat pala nagrenta na lang ako ng ibang kotse sa talyer." Dismayadong sabi ni Michael sa kanyang sarili habang nakita niyang naduduwal si Eiji sa mismong tabi ng windshield nito.
Halos magilitan na sa leeg si Eiji noong nagsuka siya at umubo pa ito ng napakalakas. "Uy! Pasensya na pala sa ginawa ko. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sikmura ko." Paumanhing pahayag ni Eiji at matapos nun ay tila pinalampas na lamang muna ni Michael ang kahangalan ng kanyang kausap.
"Hays! Dibale na nga. Tulungan mo na lang akong linisin ang kinalat mo." Utos ni Michael at saka niya inabot kay Eiji ang snow shovel na nakahilera lang malapit sa entrance ng condo unit.
Laking pasasalamat ni Michael na lumipas na ang malakas na bugso ng hangin at ng puting nyebe sa highway. Pilit nilang binabaklas ang makakapal na tipak ng snow na bumalot sa mismong kotse niya kaya hindi iyon gaanong nadumihan ng mantsa mula kay Eiji ang front side ng bumper ng sports car ni Michael.
Umalis na sila matapos ang ilang oras na paglilinis at habang nasa biyahe sila patungong casino ay may napansin lamang si Michael sa nabanggit ni Eiji sa kanya tungkol sa passport niyang nawawala.
"Sigurado ka ba sa pupuntahan natin?" Ayon kay Michael na medyo hesitant sa nais mangyari ni Eiji.
"Pinagdududahan mo ba ako sa desisyon ko? Ang mabuti pang gawin mo ay simulan mo ng magfocus dyan sa pagmamaneho mo." Sabi ni Eiji na tinamaan na rin ng matinding hangover.
"Matanong nga kita. Bakit sa lahat ng pagkakataon eh pinili mo pang bitbitin ang passport mo habang kasama sila gayong mag-iinuman lang kayo ng tropa mo?" Napatingin na lang si Michael sa rear view ng salamin at tila mahahalata sa itsura ni Eiji na malalim ang galit na pinanghuhugutan nito sa kanyang isipan.
[Eiji Sawakita…]
Naku naman! Ito na naman po siya sa walang katapusang pag-iintriga. Sinigurado ko namang napakaobvious ang inis sa mukha na ipinapakita ko sa kanya habang tulala akong tinitigan ang mga skyscrapers dito pero wala talaga minsan sa hulog ang utak niya.
"Sa kakamadali ko, imbes na ID ang madala ko eh iyon pang lintik na passport ang hinawakan ko sa lamesang pinagpatungan ko nun." Paliwanag ko sa kanya at sana talaga naiintindihan na niya ang mga sinabi ko kanina lang.
"Hahahahahaha... So ano na? Hindi ka naman siguro basta pupunta ng casino para lang tumambay doon diba?!" At tawang-tawa pa ang bwisit na ito na akala mo naman ay masayang ikakasal sa girlfriend niya.
"Sinabi ko naman sayo na maniningil nga ako ng utang para makauwi ako sa Japan." Giit kong sabi sa kanya. Minsan talaga ay nakakasawa ring makipaglokohan sa taong gaya ni Michael dahil kahit ilang beses mo pang ipaliwanag sa kanya ang simpleng rason kung bakit nangyayari ang mga hindi inaasahan ay sadyang hindi pa rin niya masundan ang ibig kong ipahiwatig.
"Magkano ba ang inaasahan mong pera sa kanya? Sanlibong dolyar?" Follow up question niya na walang matinong pupuntahan.
"Half a million..." Tipid kong sagot pero sa hindi ko inaasahan ay bigla siyang nagpreno na halos masubsob ang ulo
ko sa tabi ng driver's seat.
"What the-- paanong nangyari iyon? Ni hindi pa nga ako nakakahimas ng ganyang kalaking pera tapos ganun lang kadali sa'yo na magsayang ng kalahating milyong dolyares." Hay naku... Talagang sobrang malala ang assumptions ng Michael na ito mga bro.
"Arrgh! Mag-ingat ka naman sa pagmamaneho." Bilin ko sa kanya. "Bakit ka naman biglang nagpreno ng ganun?" I asked him again dahil napakareckless niyang magpatakbo ng kotse kaya medyo nawala ang antok ko sa impact na naranasan namin.
"Sorry na eh red light kasi bro at isa pa slippery when wet ang kalsada kaya intindihin mo na lang sana iyon." At ako pa talaga ang tahasang pinagsabihan niya tungkol sa kapabayaan niya. Whether sinasadya niya ang pagpreno ng biglaan o hindi, malinaw pa sa memorya ko na may karapatan naman akong maging mapayapa kahit lasing pa ako sa mga oras na ito.
"Nahuli ko siyang nangungupit sa locker room ko kahit noong nasa 3rd year high school pa kami. Kasalanan ko din siguro kung bakit naging miserable ngayon ang buhay ni Asher dahil hindi ko siya pinagsasabihan tuwing may ginagawa siyang kabulastugan sa akin at kinukunsinti ko pa ang lintik." Walang gana kong paliwanag sa kasama ko at mukhang napansin na niyang malapit na kami sa aming destination at humahanap na lamang ng pwedeng paradahan para sa kanyang kotse.
"Dahil ba kilala ang magulang niya sa buong America kaya hindi mo siya magawang pagalitan noon? Alam ko naman na hindi mo ginusto na maging miserable siya dahil si Asher mismo ang pumili ng ganoong klase ng buhay na nalalasap niya. Desisyon niya iyon at wala kang pananagutan sa maling choices niya." Payo sa akin ni Michael at hindi ko na rin alam kung may pag-asa pang mabago ang isip ni Asher tungkol sa mga pagpapasya niyang hindi makatwiran.
Hindi ako sigurado kung ano ang dahilan ng pagkahumaling ni Asher sa cutting class noon at bumabalik lang siya tuwing kailan niya gusto. Ngayong nasa kolehiyo kami ay tila hindi ko din kaya na makita siyang may ginagambala sa mga professor namin at madalas ay nagiging bully siya sa ibang estudyante and unexpectedly ay isa rin ako sa mga biktima niya.
Masakit man sa kalooban ang patawarin siya ng ganoon kadali pero don't get me wrong. Hindi ko makakalimutan ang sakit na idinulot niya sa akin dahil nalaman ko na ng lubusan kung ano ang tunay niyang kulay.
⏱Flashback⏱ ►
Habang naglalakad ako pauwi galing sa practice match namin noon sa UCLA, tila nandilim ang paningin ko sa nakita kong ginawa ni Asher sa mga manlalaro ng ibang koponan.
"Did I just hear you say that I'm a freak?" Naiinis na sabi ni Jester na ace ng basketball team sa kabilang koponan na nakalaban namin.
"Yeah! So what's your deal now brother?" Tila walang pakialam si Asher sa kaaway nito at nakakapagtakang carbon copy pa sila ng mukha.
Nanggaling kami ni Asher sa Fordham University at pareho kaming nag-aaral ng linguistics sa institution na iyon dahil wala ng ibang mapagpilian sa mga pagkakataong iyon. Unfortunately, tabla ang laban sa pagitan ng koponan namin at sa UCLA noong maulang hapon sa ikalawang pagkakataon dahil forfeited ang laro sa ginawang pananakit ni Asher sa mga kasama nila Jester.
"Tsk! you're such a sore loser you know. Insecure and maybe you just want to let me fail our relationship so you can always have an excuse to spend most of the time with my girlfriend." Biglang sabi nito kay Asher at tila ininsulto pa niya ang kausap niya.
"Uhhmm… I guess thank you for being such a responsible child of the family since your girl already had a flix and chill with me." Asher grins while his claps were too resounding. Napakayabang niya kung magsalita ng harapan sa kanyang kausap.
"Say what?!" Hindi na nagawa pang magtimpi ni Jester at kinuwelyohan niya si Asher. Kahit ako mismo ay nangingilabot sa pagmumukha nila dahil para silang kambal kung susuriing maigi.
"You heard me loud and clear. I just can't believe that she was so fool to be submissive to me; thinking it was you whom she's having fun with. Hahahaha..." At dahil sa sinabi ni Asher ay doon na kami nadamay sa kabulastugan niya.
Halos tagain kami ng mga players ng UCLA dahil sa ugali ni Asher pero dahil sa likas niyang katarantaduhan ay walang nagawa sa kanya ang dami ng bilang ng mga nakalaban niyang estudyante. Isa-isa silang nagsiluhod habang iniinda ang pasa sa kanilang tagiliran.
"What's the problem?! You seem to have some resent in your eyes my brother. I guess you won't need the right one isn't it?" Ngising sabi ni Asher habang nilalaro sa mukha ni Jester ang matalim niyang army knife na dala nito mula sa bulsa.
Given no other choice ay pinili na lang ni Jester na maging kawawa sa tabi ni Asher. "Please, Stop this bullshit already." Narinig kong pakiusap ni Jester sa kanya. At that time, nasa likod ako ni Asher at inaaya siyang umalis sa UCLA. The rain also started to pour over again in the soccer field kaya ang inaakala kong maayos na ang hidwaan ay tila hindi pa tapos si Asher na sirain ang buhay ng iba.
"Huh?! But why should I care about you then?" Asher grins in reply at binaon niya ng malalim sa mukha ni Jester ang hawak niyang patalim. Pinilit ko silang awatin at laking pasasalamat ko ng biglang sumaklolo ang security personnel dahil natatakot rin akong mapatay hanggat hindi pa ako graduate ng kolehiyo.
"That's enough!" Sabi ng school guards at pinalibutan kami ng baril. Todo depensa naman ako na wala akong kinalaman sa kabaliwan ni Asher sa Jester na iyon.
"Tigilan mo na iyan Asher. Tahan na iyan." Pakiusap ko sa kanya at pinakinggan naman niya ako salamat naman. Siya lang kasi ang nakakaintindi sa mga sinabi ko dahil never naman naiintindihan ng mga Amerikano ang wika namin.
Hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan ni Jester dahil dinugo siya sa kanang bahagi ng mukha niya. "Ano bang problema mo bro? Bakit ka nagkakaganyan?" Nag-aalalang tanong ko kay Asher ngunit hindi niya ako pinansin.
"I really pity you honestly. She doesn't really love you and you're just being blind by her stunning looks. Anyways, I just wanna share with you this souvenir from her. Enjoy the view brother." Kalmadong sabi ni Asher kay Jester pero kung ako man ang nasa kalagayan ni Jester ay hindi ko palalampasin na magantihan ang lalaking nanakit sa babaeng sinisinta niya.
Makikita sa larawan ang gutay-gutay at miserable itsura ng hinihinala kong babaeng pinag-aawayan nila. Hindi ko pa nakikita ng personal ang sinasabing girlfriend kuno ni Jester pero base sa nasulyapan ko eh talagang nasayang lang ang ganda niya sa taong hindi naman siya kayang pahalagahan, or should I say na pinaglaruan ng babaeng iyan sa mga palad niya kung paniniwalaan niyo ang sinabi ni Asher kanina lang.
"Please, always check on him." Nagulat na lang ako sa pakiusap ni Jester sa akin ng nauna na si Asher sa gate ng eskwelahan. "My brother doesn't know how to deal with his emotions and sometimes resorted to violent means." Dagdag na paliwanag ni Jester.
"Wait... So you are actually twins?" I tried to confirm my perceptions about them kaya tumango si Jester noong natanong ko iyon sa kanya.
"He is the youngest but I hope that he'll finally realize that his addiction was already corrupting his own life." Malungkot na pahayag ni Jester sa akin at saka na siya dinala sa clinic matapos ang insidente.
"What addiction are you talking about?" I asked him for clarification dahil medyo malabo ang kanyang pagpapahiwatig sa akin ng nais niyang isiwalat.
"All I thought he could eventually let go of drugs but we've miscalculated our actions. My parents became more ignorant to him while I made myself busier all the time." Paliwanag ni Jester na hindi mapigil sa kakaiyak.
"You're actually a sweet guy to your brother but maybe the connection between your family and him are quite distant to one another. I can't really meddle with your problems with him but one thing is certainly true, you've lost him the moment you disregard his feelings and existence I guess." I reminded him kung saan sila maaaring nagkulang sa pagmamahal kay Asher.
"Yeah! Maybe you're right." Tipid na sagot ni Jester sa akin bago ko siya lisanin habang tumatangis siya sa pag-aalala para kay Asher.
◄ ⏱End of Flashback⏱