"For sure tuwing kayo ay nakakakita ng mga pulitiko sa mga espesyal na okasyon ng bawat pamilyang matatag ang pinagsamahan, malamang sa alamang eh nagbubulungan na kayo sa inyong mga katabi na ang EPAL naman ng taong iyan. Estilong TRAPO pa rin ang ginagamit kahit lumipas na ang maraming taon pero wala po tayo rito para pag-usapan ang pulitika dahil mahalagang malaman niyo ang importansya ng kasal sa buhay niyo lalo na sa inyo Jin at Via." dagdag na pahayag ni Celine at tila nakuha niya ang atensyon ng marami dahil sa kontrobersyal nitong statement.
"Hindi ko na po ito pahahabain pa dahil baka mainis kayo lalo sa aking kadaldalan." at nagtawanan ang mga tao sa kanilang mga narinig sa mayora.
"Thank goodness at hindi sila killjoy." bulong ng mayora na medyo nabunutan na ng tinik sa kanyang kalooban.
"Kung ang sinasabi ng iilan na ang history ay parang chismis ayon kay kumareng Ella Marites na ating bise alkalde at kasalukuyang abala sa pakikibalita sa ating annual budget, sa palagay ko naman na ang kasal ay parang eleksyon. Do you agree with me folks?" ani Mayora Celine at samut saring reaction ang bumuhay ng sigla sa kanilang mga senses.
"Nasabi ko ho iyon dahil ang babae na maaaring maihalintulad sa isang registered voter ay kailangang pumili sa mga kandidatong manliligaw kung sino ang karapat dapat para sa kanyang pagmamahal dahil once na nakapili at nakaboto na siya ng pinakagusto niyang manliligaw, wala ng bawian iyon. Naiintindihan niyo ba akong dalawa?" pagpaparinig ng mayora sa groom at bride habang pirmi lang silang nakikinig.
Dagdag pa niya, "Makakasama niyo na habangbuhay ang taong pinili niyong mahalin at pinakasalan kahit gaano pa karami ang problemang haharapin niyo sa future." birong sabi ni mayora at tila nakatutok ang madla sa kanyang speech.
"Naikwento nga ho sa akin ni Mrs. Salam ang mga nangyaring trahedya sa pag-iibigan ng kanyang anak sa kamay ng pamilya ng groom. To be honest with you po, I really don't tolerate such insanity kaya wala din po tayo sa posisyon para husgahan ang desisyon ng mga bata kung gusto nilang magpakasal ng mas maaga kaysa sa ibang mga couple. They almost reached that point in life wherein hopes and dreams about their love was not enough para pigilan ang mga unfortunate events sa buhay nila as lovers."
"But then again, hindi lang natatapos ang buhay pag-ibig niyo sa kasal. Marami na ang nangako ng magandang buhay para sa kanilang partner pero nabigo pa rin sa huli at nakipagdivorce kalaunan dahil nawawala ang kanilang consistency sa love. I know that everyone would agree that maaaring mawala ang kilig habang tumatagal kayo sa relationship that is why you need to maintain the balance in terms of attention, time, and financial status niyo. Mahirap pero you must do your best to make your relationship grow in success."
"Ang tagumpay ay hindi lang pinapakahulugan ng salapi bagkus ay ang masayang pakikitungo sa inyong pamilya. Pasensya ka na rin sa akin Jin kung may sinama pa akong special guest dito." sabi ni mayora at pinatawag niya ang mga police para samahan ang nanay ni Jin papasok sa wedding ceremony.
"Kung meron man akong favorite na epal, malamang si Mayora na ang winner at may hawak ng titulong Ms. Epalitiko ng Kanagawa." natutuwang bulong ni Cheska kay Fukuda sa kabilang row ng upuan.
"Tumahimik ka nga muna." paninitang sermon ni Fukuda na hindi rin makapaniwala sa mga kaganapan ngayon.
The whole crowd was too stunned to speak at that time nang samahan ng mga police escorts ang mama ni Jin sa loob ng event's place. Nakabalandra sa kanila ang mukha ng suspect sa nangyaring malaking sunog sa Kanagawa noong nakaraang anim na buwan.
"It was never my intention na pagbigyan ang kahilingan ng nasasakdal dahil trabaho hong judiciary kung ano ang ihahatol na parusa sa criminal cases na naisasampa sa mga indibidwal at hindi ko gustong mamahiya ng tao rito. Nais ko lang ipabatid na walang patutunguhan ang samaan ng loob sa inyong pamilya dahil bukod sa relasyon niyong mag-asawa, kailangan niyo ring makipag-ayos sa mga nakagalitan kahit naiinis pa kayo sa magulang niyo." The mayor ended her statement with a reminder to both of them.
"Nanay, may gusto po ba kayong sabihin sa anak niyo?" tawag ni mayora sa nahihiyang si Mrs. Jin na halos hindi makapaniwala na makalabas siya ng kulungan kahit saglit lang.
Binigay ni Jessie ang mikropono sa ale. "Magandang araw po sa inyo. Para po sa lahat ng dumalo sa kasal ng anak ko, maraming salamat po sa paggabay sa kanila. Anak, alam kong wala akong karapatang tumanggi pa sa pasya niyo ni Via dahil naging masaya ka naman habang wala ako sa tabi mo. Hindi ako nangungulit na patawarin mo ako sa mga kasalanan ko bagkus eh sana maging tunay at busilak ang pagmamahal na nararamdaman niyo sa bawat isa. Magiging masaya na ako kahit iyon man lang ang maireregalo niyo sa akin. Salamat po mayora sa pagkakataong ito at ikaw na ang bahala sa anak ko, Via." naluluhang sabi ni Mrs. Jin na nakaposas pa hanggang ngayon.
"Soichiro, do you have any violent reaction?" intrigang tanong ni Mayora sa groom at mukhang wrong move ang campaign strategy niya dahil wala sa sarili si Jin nang kinuha niya ang mikropono sa kamay ng mayora.
"Sobra! Alam niyo bang ginawa ko ang lahat para lang mabura kayo sa buhay ko ma pero hindi talaga mapasok sa sistema ko ang magalit ng husto sa kawalanghiyaan niyo sa pag- aalaga sa akin dahil hindi ako matapobre na gaya mo." giit na paliwanag ni Jin at hindi na siya nakapagtimpi pa na lapitan ang mama niya para iwelcome siya sa masayang pagdiriwang.
"Hoy Jin! Maghunos dili ka nga." pinagsabihan na ni Via ang kanyang groom na huminahon sa pakikitungo nito sa sarili niyang magulang.
"I'm sorry talaga anak." pagmamakaawang ng mama ni Jin at kinakabahan siya dahil baka palayasin siya sa kasal ng kanyang nag-iisang anak.
"Ang buong akala ko ay mananatili na lang sa inyo ang galit sa mundo. Hindi ko rin masisisi si papa kung umalis at nangibang bansa siya para kalimutan ang pamilya niya dito at magpakasaya sa ibang babae. Wala na akong pakialam kung may iba na siyang pinagkakaabalahan basta't alam ko na kayo pa rin ang nanay na gustong-gusto kong inaaway noon. Pasensya na po kayo kung nagalit man ako sa inyo dahil kasalanan niyo din naman po kasi kung bakit." prangkahang sabi ni Jin at niyakap niya ang kanyang ina ng mahigpit.
"Belated happy birthday po sa inyo." bulong ni Jin at winelcome naman ang nanay niya sa pagtitipon at umupo sa tabi ng nuptials. Palakpakan ang mga tao sa pagkakataong iyon at inumpisahan na rin ang exchange of rings.
[Celine Umezaki…]
"Wedding rings are an ancient symbol that two persons have committed themselves to each other, to the exclusion of all others. But they also hold a deeper meaning. The precious metal is a sign that the love shared between a couple is very valuable, and as a circle, the ring tells us that love has no real beginning or end."
"Soichiro, place the ring on Via's finger, hold it there, and repeat after me," I asked him as he got a ring from his best man.
"Receive this ring as a symbol of my vows to you. Whenever you look at it, know that I love, honor, and cherish you above all others."
"Then Via, place the ring on Soichiro's finger, hold it there, and repeat after me." sabi ko naman kay Via at binigay ng maid of honor sa kanya ang singsing na para kay Soichiro.
"Receive this ring as a symbol of my vows to you. Whenever you look at it, know that I love, honor, and cherish you above all others."
"Mr. Soichiro Jin and Mrs. Via Salam, in as much as you have pledged yourself, one to the other, by the exchanging of vows and rings I, Celine Umezaki, by virtue of the powers vested in me by the Marriage Act, do hereby pronounce you both as married. You may now exchange a kiss as a token of your joy." I said with excitement gaya rin ng mga bisita.
Bilang isa pa rin naman ako sa mga kabataan, hindi rin mawawala ang pagiging mapusok sa pag-ibig. Halata naman iyon nang hindi na halos pakawalan pa ni Jin ang labi ni Via sa tuwa.
"Hoy awat na. Maawa naman kayo sa mga nasa talking stage pa lang." nang-iinis na sabi ni Mikee.
"Tama siya." Ginatungan pa ni Hayato ang dalawang newlyweds at kumawala na sila sa halik.
I also noticed the shocked expression of most of their friends. Marahil ay hindi sila makapaniwala na may natitipuhan ng babae ang barkada ng couple. Of course, I knew some of these people dahil tinulungan rin nila ako sa aking pangangampanya noong eleksyon kaya masaya ako na buo pa rin ang samahan nila kahit lumipas pa ang ilang botohan na puro arguments ang bukambibig kung sino ang mas deserving sa authority.
"At this time, the couple and their witnesses will sign the Official Marriage Register." I said at inassist ko silang pareho sa mga kailangan nilang pirmahan sa mga documents kasama rin ang kanilang magulang.
Matapos nun ay nagbigay pa ako ng konting mensahe para sa kanilang lahat. "I wish you a long life, happiness, and prosperity. May the vows you made to one another today sustain you forever. It is my pleasure to introduce to you Mr. and Mrs. Jin; the married couple." The applause was heard all over the place.
To tell you honestly, all the dramatic incident na nangyari sa kasal ng dalawa ay kagagawan din ni Shinichi Maki. Napakaswerte pa din ni Mrs. Jin nang hindi itinuloy ng prosecution ang death penalty sa kanya. I know it's not too late for any reconciliations but maybe after this day ay makakapagsimula sila ulit ng bagong buhay; not just an ordinary couple but legitimate soulmates under a Japanese constitution.