"Buti na lang hindi kumapit yung amoy ng lupa sa damit ko." Bumulong ako sa sarili ko matapos magpalit ng damit at maglagay ng cologne. Walang hiya kasi yung hinayupak na babaeng yun, halos ilublob ako sa pataba ng lupa!
Lagot ako nito kay Ma mamaya pagkauwi ko sa dami ng mantsa sa polo ko!
Anyway, since tapos na kami sa Agriculture department, next naman yung Food Tech department para sa pagimbak ng mga pananim at pagluluto para masustain ang feeding program. For sure nagiintay na si Kris sa amin, kaya dapat bilisan namin.
"Hindi naman halata. Nagbeblend naman sa natural mong amoy." Bumanat si Jamiel sa tabi ko habang nagsusuklay ng kanyang buhok. Of course, imbes mauna lumabas, kailangan magone-liner ng babaeng ito para umentrada sa chapter na ito.
Wala ka bang iba na maisip na paraan para magparamdam sa mga reader?
"Ewan ko na lang sayo, Jamiel. Didiretso na lang ako sa Food Tech room." Bumuntong-hininga na lang ako sa kanya at pinalagpas siya bago kinuha ang aking notebook at nagumpisang lumabas sa kwarto.
For once, pwede ka ba maging magandang dulot para sa sangkatauhan?
"Thank you po, Sir K! Next time ulit." Bumati si Jamiel sa kumakaway na teacher bago sumunod sa akin, hindi binigyang-pansin ang mga nakakunot na noo ng ilang mga lalaki sa loob ng kwarto.
"Thank you guys. You are more than welcome sa room namin if you want na magexercise itong mga estudyante ko." Nakangiting sabi ng adviser ng Agriculture sa amin bago niya isinara ang pintuan.
Pagkalabas namin ng kwarto, halos masilaw kami sa liwanag ng araw. Buti na lang at magkakahilera lang ang mga rooms ng mga elective classes kaya hindi ito mahirap puntahan. Feeling ko maggiging conchinillo ako kung tatapak ako sa initan!
Ang problema lang na nakikita ko ngayon ay yung kutong nagkatawang tao na nasa tabi ko.
"Buti na lang at nandoon ako kaya mabilis natapos yung usapan." Mga walang kwentang salita na naman ang lumabas sa bibig niya.
"HA? Wala ka ngang ambag kanina. Halos magpawis ako sa takot dahil akala ko gigisahin niya yung plano!"
"Hello? For your information, meron kaya." Ngumisi ito bigla sa akin at nilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang bewang "Bilang SSG VP, kailangan ko i-check kung fit ba talaga sila sa mga electives na kinukuha niya, as per advising powers ko. Yung ginawa ko is simple physical examination sa kanila."
Ulul. For sure para sa sadistang tulad mo, natutuwa ka kapag may natatapakan kang tao. Ako mismo ang patunay sa ugali mo. Pwe!
"Baka hazing kamo."
"Hahaha! Hindi ko sila masisisi kung malalamya mga katawan nila. Kailangan nila ng exercise." Tinawanan niya lang ang sinabi ko.
Habang paakyat kami ng palapag, ramdam ko na yung pawis na tumutulo mula sa ulo ko. Yung mga sweat glands ko parang fountain sa may Okada kung magpawis. Walanghiyang panahon ito, napakainit talaga. Akala ko ba magtatag-ulan na?
Sarap tumungga ng Freon!
"Grabe ang init. Hindi ko na kaya. Sandali lang..." Bigla ko narinig ang hirit ni Jamiel. Really? Hindi ba ganito nararamdaman mo sa pinanggalingan mong dagat-dagatang apoy?
"Masanay ka na. Ganyan buhay mo kapag nama-" Hihirit sana ako pero namatay lahat ng salita ko paglingon ko sa tabi ko. For sure, naiintindihan ko kung naiinitan narin siya, pero ngayon ko narealize kung ano kalagayan namin ngayon, at ito lang ang masasabi ko:
...
...
...
"ANAK NG TINAPA JAMIEL! WALA KA BANG KAHIT KATITING NA HIYA SA KATAWAN MO? ANONG GINAGAWA MO?" Halos mapasigaw ako sa gulat nang napansin ko napatigil sa isang sulok si Jamiel habang tinatanggal ang ilang butones ng kanyang blouse na basang-basa sa pawis.
"Tagatak na pawis ko sa katawan kaya nagpunas lang ako ulit." Bumuwelta siya pabalik sa akin sabay tanggal sa nakasabit na butones sa itaas ng kanyang suot.
Siguro nga na-heat stroke na yata itong baliw na'to kaya wala na sa tamang pag-iisip, which is kakaunti na nga lang to begin with. Pero tangina naman Jamiel, babae ka! Ba't ka naghuhubad sa harapan ko!? Walang may balak makita yang singit mo!
WALA!
...
Teka, bakit parang humahaba ilong ko?
"Tangina naman, parang hindi ka babae. Pwede ka naman sumaglit sa CR?"
"Saglit lang naman eh! Inayos ko lang bimpo ko sa likod. Sabihin mo lang kung naaakit ka lang sa alindog ko." Unti-unting lumalaki yung ngiti niya matapos maibalik ang huling butones sa kanyang blouse.
"Ay wow! Feelingera, mukha ka namang tingting. Dilat mo kasi mata mo para makita yung totoo."
"Hah, no need. Kahit hanggang dito ramdam ko yung lisik ng mata mo na puno ng pagnanasa." Saad ni Jamiel habang nakakrus ang mga kamay na nakapatong sa kanyang dibdib.
Ulol! Pakyu ka Jamiel. Kahit maghubad ka pa sa harap ko, never kita pagnanasaan. Mas pipiliin ko pa maging virgin habambuhay kaysa maging sayo!
Hindi na ako nagsalita pabalik sa kanya. Inirapan ko na lang at bumalik sa paglalakad, habang naririnig ang halakhak ng babaeng salot sa likod ko. Matapos kumanan, narating rin namin ang silid ng Food Tech.
Compared sa Agriculture department, dahil karamihan ng kanilang activities ay ginagawa sa loob, punong-puno ito ng mga estudyante. Maraming kagamitan sa pagluluto ang nakalatag sa bawat counter at lamesa sa loob.
"Nasaan na yung bawang? Tapos na ako dito maghugas ng manok." Narinig namin ang isang Food Tech student ang sumigaw sa kanyang kagrupo habang hawak ang isang mangkok na puno ng hilaw na manok.
"Heto. May durog na paminta narin akong dala." Nagsalita naman yung katabi niyang kagrupo niya.
Isa-isa naglalabas ng mga ingredients ang isang grupo. Agad naman sinalansan ng sumigaw kanina yung mga nailatag na gamit sa pangluto nang biglang may kumalabit sa kanyang kaliwang balikat.
"Pst, heto yung asin. Tingi-tingi lang kasi binenta ni ale sa palengke."
"Tangina naman, Jeremy! Pwede mo naman iabot yan ng normal diba?" Nagulat niyang pasigaw habang humarap sa lalaki, na ngayo'y may hawak na mga sachet ng maputing asin sa kanyang palad.
Mukhang maganda bigayan ng asin sa kanila ah. Nakasingle-use. Lagot ka kapag nahuli ka ni Ma, kaya isa lang mapapayo ko sayo:
Huwag mo na subukan. Masisira ang buhay mo.
"JM! Jamiel! Ano ginagawa niyo dito?" Bumaling ako sa boses na tumawag sa akin, at nakita ko ang pagmumukha ni Kris Miranda na lumalapit sa amin.
"Kris! Hinahanap namin si Ma'am Quinto. Kailangan namin siya kausapin eh." Tinawag ko siya bago sabihin sa kanya ang sadya namin. Sinubukan kong tumingin sa paligid pero hindi ko mahagilap si ang advisor ng class na ito.
"Ah, si ma'am? Papunta na daw siya. Malalate lang daw ng konti." Sumagot si Kris.
Well, since tapos na kami kausapin si Sir K kanina, and siya lang naman yung natitira para mafinalize yung participants, siguro may time pa kami para maghintay.
Sige, yun na lang plano. "Sige, hihintayin na lang na-"
"Ano yung lulutuin niyo ngayon?" Biglang sumabat si Jamiel habang tinuturo ang buong klase na halos nagkukumahog magprepare ng mga ingredients at kagamitan.
"Ah, kasi first practical namin, so more on Filipino food kami sa First Quarter." Ngumiti si Kris habang tinuturo niya yung grupong nasa pinakakaliwa, sa may tapat ng bintana. "Tapos may mini fiesta kami mamaya."
Biglang kumulo yung tiyan ko nang narinig ko na may kainan na magaganap. Parang tama yung desisyon ko na manatili dito. Dapat dinala ko na pala yung baunan ko. At sa tingin ko, pareho kami ng iniisip ni Jamiel, kasi halos maglaway na siya sa takam, which is a first kasi parang ngayon lang kami nagkasundo sa isang bagay.
Pero it will be over my dead body bago ko aminin iyon sa kanya.
Siguro hihingi na lang ako kay Kris mamaya kung may tira-
"Wow, mukhang masarap dito. Pwede ba kami makipiging?" Biglang humirit si Jamiel.
...
...
...
Hello, hiya? Mukhang absent ka nanaman sa katauhan ni Jamiel. Magpoprogressive action na ako kapag hindi ka pa bumalik sa pagkatao ng kutong ito.
"Sige, pwede naman! Absent yung dalawa naming kagrupo so pwede kayo magfill-in para sa grupo namin." Ngumiti si Kris bago kami hatakin papunta sa lamesa nila.
Nang palapit kami sa grupo ng SSG Junior Marshall, feeling ko pinapanood na nilang lahat yung kilos namin. Siyempre hindi namin sila masyado kilala. Baka mamaya isipin nila na patay-gutom lang kami na umaasa makakain.
...
Siguro tama nga kung si Jamiel ang paguusapan, pero huwag niyo ako idamay sa kanya! Kailangan ko na magisip ng alibi para makaiwas. Pero sa kasamaang palad, puro blangko din ang utak ko kasi naaamoy ko na rin ang halimuyak ng pagkain.
Shet, patay na.
"Uy, nandito yung mga kasamahan ko sa SSG. Hinahanap nila si ma'am kaya dito lang muna sila. Pwede sila tumulong sa atin!" Nagsalita si Kris habang bumalik siya sa kanyang upuan. Nasa amin ang mga mata nila at sa puntong ito, gusto kong magpalamon sa lupa.
"Uy, sure ka? Baka mamaya nakakaabala tayo." Pagharap ko, nakita ko na may isang babae na nagsalita kay Kris, habang namumula yung pisngi. Feel ko siya yung leader ng grupong ito.
And for the record, naiintindihan ko naman siya. Of course first time namin magkaharap kaya medyo nahihiya din siya. Pero parang familiar siya eh. Hindi ako mapalagay pero parang nakita ko na siya previously.
"Oo, ano ka ba? Matutuwa din sila kapag natikman nila yung pangmalakasan kong luto!" Yabang ni Kris habang nakangisi.
"Hay... DIba nagusap tayo, ikaw ang taste tester ngayon?" Bumuntong-hininga siya matapos ilagay ang mga kamay sa gilid ng kanyang bewang. "Bumagsak tayo sa practical kahapon dahil sayo!"
"Nagsorry na ako dun ah. I've changed! For real!"
...
...
...
AH! Naalala ko na. Siya yung nagbato ng Milo Giniling Fries kay Kris! Hala, siya na naman kagrupo mo. Pagdadasal na lang kita. Bawi next life.
"... Ewan ko sayo." Hindi na niya pinatulan si Kris bago humarap sa amin ni Jamiel "Hello po. Kayo po yung Secretary at Vice President right?"
"Yes, kami nga. Pasensya na sa abala." Sumagot ako gamit ang mahinahon kong boses.
"Ah, okay lang po. Kung okay lang po pwede kami humingi ng tulong? Kasi tatlo lang kami and kailangan ko ng tulong magbantay kay Kris."
"Hoy!" Nagreact si Kris "Sorry na nga eh!"
"Sige lang, actually may experience din ako sa kusina kaya makakatulong din ako." Pagbibidang sabi ni Jamiel. At wala pang isang segundo, dalawang salita na kaagad ang laman ng isipan ko ngayon:
Bull.
Shit.
Talaga ba, Jamiel? Hindi kita kayang maimagine na nagluluto ng kahit scrambled egg. Dapat kasama ka rin sa babantayan na hindi lalapit sa kalan eh!
"Ay, ganun ba? Sige po pwede po!" Ngumiti yung group leader bago nagumpisang magbigay ng mga direksyon "Anyway ilapag na natin yung mga ingredients natin. Kunin ko lang yung kaldero sa likod."
Apat na ulo ang tumungo sa kanya.
"Oo nga pala, anong lulutuin natin ngayon?" Napatanong si Jamiel sa tatlong magkakagrupo. Nacurious din ako dahil excited din ako sa maggiging handa mamaya. Sana yung may sarsa. Kung ako mamimili gusto ko ng-
"Mechado."
"Menudo."
"Afritada."
...
...
...
Huh?
"Huh?"
"Tange! Diba namili tayo ng lulutuin last week? Boto natin noon ay Mechado." Bumuwelta yung leader matapos mapatigil sa kanyang paglalakad.
"Sabi ni ma'am Menudo na lang sa atin kasi nga naunahan tayo nung Group 3?" Sagot nung pangalawang kagrupo nila.
"Mali kayo! Sabi nga ni ma'am karne. Malamang Afritada yung tinutukoy niya!" Dagdag din ni Kris sa usapan.
...
Alam mo yung pakiramdam ng nakikain ka sa kaibigan mo pero habang lumalamon ka, naririnig mong nagaaway yung mga magulang nila?
Yan yung nararamdaman ko ngayon. Parang biglang umurong yung gutom ko eh. Tandaan, love and peace lang tayo sa pamamahay na ito. Love and peace!
"Parang gusto kong kumain ng kaldereta." Out of the blue nagsalita si Jamiel.
At tangina mo talaga, hindi ka nakakatulong!
"Baliw, manok yung Afritada!" Kinorrect ng pangalawa nilang kagrupo si Kris habang hindi na binigyan-pansin yung comment ni Jamiel. Pero imbes na matuwa, parang mas uminit pa ulo niya.
"Pwedeng karne ng baboy din yung Afritada!" Angal ng SSG Junior Marshall.
"Hindi! Walang baboy yun. Mechado na tawag doon, tanga."
"Bobo, meron! Sa Mechado may atay pero kapag wala, Afritada tawag doon!"
"Gago! Menudo yung may atay!" Tumataas din yung boses ng group leader nila. Alam kong hindi pa nakabukas yung kalan, pero feeling ko nagiinit na yung grupong ito. At sa paguusap nila, napaisip din ako.
Ano nga ba talaga pinagkaiba ng Afritada, Mechado at Menudo?
"Titignan ko muna yung lulutuin nung ibang grupo. Babalik ako JM kapag magluluto na sila ng Caldereta." Tinapik ni Jamiel balikat ko bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya. Isa pa itong kumag na'to gustong dumagdag sa gulo.
"Hoy, Jamiel? Hoy!" Sinubukan ko hablutin yung kamay niya para manatili pero nakalayo siya agad. Isa pa itong kumag na'to gustong dumagdag sa gulo.
Hanep ka talaga, Jamiel Han!
"... At bakit may tomato paste ka kung Afritada lulutuin mo?" Pagbalik ko sa kanila, narinig ko na tinatanong ng babae si Kris. Mukhang mainit parin silang nag-aalitan sa kung anong lulutuin.
Kung ingredient lang ako, feeling ko kanina pa ako sunog sa paguusap nila.
"Para mas malapot! Dapat tanungin mo bakit may pasas si boy Mechado!" Humirit si Kris pabalik habang tinuturo ang kanilang natitirang myembro.
"Gunggong! May pasas naman talaga Mechado."
Alam ko sa mata ng isang taga-labas sa grupong ito tulad ko, wala na dapat akong pakialam sa away nila. Pero, bilang parte ng SSG, trabaho ko rin ang ayusin ang anumang away na makikita namin sa paaralan.
Reputasyon ko na ang nakataya dito, kaya kailangan ko na mag-intervene. Kung kaya, tinaas ko ang kamay ko sa kanila at nagsalita.
"Okay, okay, okay. Time out muna!"
At sa isang iglap, tatlong pares ng mata ang humarap sa akin. Matapos bumuntong-hininga, nagsimula na akong magsalita "Alam kong kakasali ko lang sa grupong ito, pero bilang taga SSG, there is something that we can do here."
"Kasali din naman ak-" Hihirit sana si Kris sa pauna kong salita pero hindi ko siya hinayaang makasingit kaya nagpatuloy ako.
"Hindi ko man alam kung ano ba ang assigned sa inyo, pero kailangan niyo magkaisa kung ano yung dapat lutuin niyo. Hindi ba ang pinakaimportanteng bagay sa isang pista ay ang pagkakaisa ng mga tao? Buhay ba ang pakikitao sa grupong ito?"
Napatahimik silang lahat sa akin. Mukhang nagsisink-in na yung mga salita ko sa kanila.
"Now, ang isuggest ko na pwede nating gawin is i-compile lahat ng nadala niyong ingredients at gamitin natin lahat. Sayang din naman kasi kung nabili na at hindi pala madadagdag, diba?"
"Pero iba-iba yung nadala namin kasi hindi kami nagkakasundo. Paano yun?" Nagtanong yung isang miyembro sa akin. Hindi ko maalala pangalan niya pero tatawagin ko na lang siya sa pangalang 'Boy Mechado'.
"Well, who cares kung ano tawag natin sa pagkain natin, diba? Ang kagandahan sa Filipino cuisine ay nagmula lahat ng putahe natin mula sa kung anong mayroon tayo. Sanay tayo sa kung anong nasa lamesa ang gagamitin natin. As long as masarap, okay tayo."
Maraming produkto ang naiiba dahil isa tayong archipelago. Sagana din tayo sa kalikasan kaya marami tayong nagagawang pagkain mula dito.
Kasi kung tutuusin, napakaraming dialect at rehiyon ang Pilipinas. Take our adobo for instance. May iba't-ibang luto ang bawat probinsya natin. Does that mean isang way lang ng pagluluto ang tama at mali ang iba?
Again, alam kong mukha akong nagmamarunong at sinasabi kong hindi ako isang eksperto, pero iyon lang ang naiisip ko dito.
Basta masarap, who gives a shit? Food is food.
"Alien, kapatid na JM! Basta masarap at napagsasaluhan natin ang mga bunga ng paghihirap natin, pwede na iyan!" Nagulat ako nang biglang sumandal si Jamiel sa balikat ko habang nakangiti sa kanila.
Tangina naman! Pwede naman hindi manggulat diba?
Pero bago ako makapalag, bigla kong naramdaman yung kamay niya na nakapatong sa bunbunan ng ulo ko. Hindi ko alam kung sadya niya o hindi, pero hinihimas niya yung buhok ko habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita.
"Ayoko magpangaral sa mga tao tulad ng ginawa ng home boy kong ito, pero for sure, kahit anong tawag natin sa lulutuin niyo, basta inaaruga natin at nirerespeto yung pagkaing gagamitin natin, makakapasa tayo kay ma'am."
"HA? Home-" Aangal sana ako nang bigla niyang nilagay yung kamay niya sa bibig ko.
...
...
...
FUCK, BAKIT ANG BANGO AT ANGLAMBOT NG KAMAY MO?
...
...
...
That weird thought aside, nakita ko na tuluyan nang nanlambot ang mga mukha nila. Sa sobrang lambot akala mo niluto sa pressure cooker ng tatlong oras. And for the first time, ngumiti na sila sa isa't-isa.
"Sorry na kung nagalit ako sa inyo kanina." Humingi ng tawad ang group leader nila sa dalawang kagrupo.
"Ako din, sorry." Napakamot si Kris sa likod ng ulo, pero kitang-kita ang sincerity sa kanyang apology.
Habang nagkakamay na ang tatlo, mas lalo akong napaisip sa mga pangyayari. At ang taong nasa sentro ng isipan ko ngayon ay walang iba kundi ang SSG Vice President na katabi ko ngayon.
Kaya mo pala maging disenteng tao eh.
HIndi ko maipaliwanag yung pakiramdam ko ngayon, pero ito ang kauna-unahang beses na nagkaroon ako ng kaunting respeto sa kanya. Granted, 0.0000001% yung tinaas, pero it is better than nothing, diba?
Kung ganyan na lang yung ugali mo, Maybe-
"Bati na kayong lahat ah?" Tinapik niya yung likod ko bago kinuha yung mga rekado sa lamesa "Kaya tara na, magluto na tayo ng Caldereta. Malapit na daw si ma'am."
...
...
...
"AFRITADA!"
"MECHADO!"
"MENUDO!"
...
...
...
I take it back. I take it all back.
Tangina mo pa rin Jamiel Han!
Tell me what you think of this one! Vote lang tapos pwede ka rin magcomment para sabihan mo ako kung ano suggestions or feedback sa story ko! Also, wag kalimutang ilagay ito sa library nyo! Thanks for reading!