Lance's P.O.V
Nagmamaneho na ako papunta sa bahay nina Geno. Gusto kong yayain siya lumabas, para mamimili ng mga bagong damit saka mamasyal na din kahit papaano sa Mall. Ang tagal din kaya namin na di nakapag gala dahil sa lockdwon na dulot ng epidemya na ito, kaya nga siguro naging mainitin ang ulo ng gago kong kaibigan na yun. Sa totoo lang mabait naman talaga siya kasu ewan ko ba bakit naging ganun ugali niya.
-Flashback-
Kararating lang namin dalawa ni Geno dito sa paaralan namin sa University of Native Cagliliog ng may nakita kaming dalawang babae na nag-aaway dahil lang sa isang lalaki. Nilapitan namin yun, alam niyo gusto ko lang sana makinood din na magsabunutan ang dalawang babae na yun kasu sobrang pakialamero ang kaibigan kong ito.
Napapalibutan ng mga nanonood na mga estudyante ang dalawang babae saka isang lalaki habang seryoso na pinapanood sila na nagbibitawan ng mga masasakit na salita sa bawat isa habang kinukunan naman ito ng video ng isang lalaki.
"hoy, hepukritang lenta na malandi, di mo ba alam na ako ang girlfriend niya kaya kung ako sayo layuan mo siya kung gusto mo pa umabot ng maayos ang pagmumukha mo sa bahay niyo!" galit na sigaw ng isang babae, feeling pretty si ate pero mukha naman botete.
(BOTETE - isang uri ng isda sa dagat na nagiging hugis bola ang laki sa oras na sumipsip ito ng hangin sa loob ng katawan niya, sinasabi rin na may lason ito sa katawan kaya binabawal ang pagkain nito.)
"hoy ka rin, akala mo kung sino kang tikbalang na tumatago ng buntot ng kasamaan mong mas malandi ka, di mo ba alam na ayaw sayo ng tinuturing mong boyfriend pero kapag nakatalikod ka na sakanya nagmumukha ka nalang stalker para sa lalaking mahal mo na ang mahal ay ako, isa kang stalker na pilit umaasa sa malabong pag-asa sa mamahalin ka rin niya katulad ng pagiging mong taga sa pag asa na may vaccine pa na lunas sa mala-Covid mong pagmumukha, hahaha" balik pang-iinsulto naman ni Girl sa babae, malakas din pala ang saltik ni Ate at daig niya pa ang adik. Ang sobrang POTASSIUM niya rin pala, POTA na then ASSUMING pa.
Wala ng maisagot sa ate girl sa sinabi ni isang ate girl habang nakatayo lang si kuya boy at kami naman na nanonood ay naghihintay sa susunod na mangyayari. Ang biglang pakikialam ng kaibigan kong walang alam sa pinag-aagawan ng dalawa.
Pumagitna si Geno sa dalawang babae saka siya nagsimula na magsalita, nakisali sa drama ang kumag.
"hoy kayong dalawang empakteta na puro masama ang mga salita na lumalabas sa bunganga, di niyo ba alam na pareho lang naman kayong kawawa sa pinag-aagawan ninyong lalaki na ito, nakakasigurado ba kayong totoong lalaki ito eh baka naman nagkakamali lang ang paningin ninyo, tingnan niyo bibigay yan" biglang seryosong sabi ni Geno saka niya nilapitan si boy na nakatayo lang. Malakas din naman ang tama ng kaibigan kong ito, biruin niyo tumayo sa harapan ni boy.
"bakla! di makuntento sa isang babae" pang-iinsulto ni Geno sa lalaki pero di namin inaasahan na biglang hahalikan siya nito. Napanganga nalang kaming lahat habang pinagmamasdan na magkadikit ang labi nila.
Natulala si Geno, halata sa mukha niya ang pagkabigla sa ginawa ng lalaking paghalik sakanya.
"sino saatin ang bakla di ba ikaw, natulala ka sa halik ko? gusto mo isa pa?" balik pang-iinsulto ni boy kay Geno na nakatayo pa rin at di makapaniwala na hinalikan siya ng kapwa niya lalaki.
Hahalikan na sana ulit si Geno ng lalaki pero ininuhan ko na. Nagmamadali akong lumapit sa kinatatayuan nila saka ko iniwas ang mukha ng kaibigan ko sa mukha ng bastos na lalaki na yun kasabay ng pagtama ng suntok ko sa mukha niya.
Napaatras lang yung lalaki sa ginawang pagsuntok ko sakanya pero dumugo naman ang kanyang labi sa ginawa ko.
"sino ba kayong mga pakialamero kayo, nagshoshot kami para sa video namin na ipapasa bukas, di niyo ba alam na nakasalalay dito ang grades namin saka ang scholarship na rin namin, kaya kung pwede ba lumayas nga kayo, mga gago" galit na sigaw ng lalaki saamin ni Geno habang ang matatalim na paningin naman ang ibinigay saamin ng mga kasamahan nila.
Kaya pala may isang kumukuha ng video kasi gumagawa sila ng project nila tapos pakialamero naman itong kaibigan ko, pati tuloy ako nadamay sa kalokohan niya.
"ayh sorry po, -halika na!" paghihingi ko ng paumanhin sa mga kapwa ko mag-aaral saka ko hinila ang kamay ng kaibigan ko papalayo doon.
-End Of Flashback-
Ang araw na iyon ang unang beses na napasok ako sa kahihiyan dahil sa kaibigan ko pero di ko naman siya masisi sa ginawa niya kasi nag-aalala lang siya sa mga kumag na yun at gusto lang din naman niya makatulong kasu mali pala na tinulungan niya pa sila dahil maging pati ako napasama sa pagkakamali na yun.
Inihinto ko na ang sasakyan, nasa labas na ako ng bahay nila. Lumabas na rin ako sa kotse ko saka tinungo ang pintuan at nagdoorbell.
"bakit parang walang tao yata na lumalabas?" tanong ko sa sarili ko, nakakailang beses na rin akong pindot ng doorbell dito pero wala pa rin lumalabas.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko sa bulsa nitong pantalon ko saka tinawagan ang numero ni Geno, ilang sandali itong nag-ring saka sinagot na rin naman niya.
"hello, Geno! nandito ako sa labas ng bahay niyo- ah ganun ba?-sige hintayin kita" sagot ko sa kabilang linya, kaya naman pala walang lumalabas kasi nasa CR daw siya naligo at ang kuya niya wala daw, pumunta sa bahay ng kaibigan nito.
Nakatayo lang ako habang matiyaga na naghihintay sakanya dito sa labas ng pintuan ng bahay nila. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang pa-importante kong kaibigan. Binuksan na niya ang pintuan, nakatapis lang siya ng tuwalya sa kanyang katawan habang walang suot na pantaas.
"sensiya na naliligo kasi ako kaya di ko narinig ang pagdating mo" salubong niya na paghihingi ng paumanhin ng mabuksan na niya ang pintuan ng bahay nila.
"ayos lang, magbihis ka na hintayin kita dito" sagot ko sakanya habang napatingin ako sa katawan niya, medyo may dating din naman pala ang katawan niya kahit parang payat tingnan. Sa tagal namin na magkasamang magkaibigan ay ngayon ko lang siya nakita na walang suot na pantaas, may abs din naman pala siya kahit papaano.
"bakit? Saan ba tayo pupunta, may lakad pa tayo mamaya sa Science Lab ng family ni Carlo, di ba sasamahan mo akong dumalo dun?" paliwanag na naman niya saakin, nagsisimula na naman siya sa pagbigkas sa pangalan ng kaibigan ng kapatid niya. Hindi ko ba alam sakanya kasi simula ng halikan siya nito eh parang di na nawala sakanyang isipan maging sa bunganga niya ang pangalan ng gago.
"Oo na pero mamaya pa naman yun di ba saka para na rin makabili tayo ng susuotin natin pagpunta dun, kaya sige na magbihis ka na" palusot ko sakanya pero gusto ko lang naman talaga sana siya na sorpresahin kasi kaarawan niya ngayon pero parang nakalimutan niya yata.
"Okey na, baka ano pang isipin mo, baka sabihin mo na puro nalang ako Carlo at wala na akong panahon sayo- hintayin mo ako dito, mabilis lang" sagot pa niya saka naglakad na siya papasok sa loob para magbihis.
Palusot pa na baka magselos ako na puro Carlo ang mukhang bibig niya eh totoo naman talaga na yun nalang lagi ang nasa buka ng bungangq niya porket hinalikan siya nito sa labi isang beses lang naman.
Naglakad nalang ako papasok sa sasakyan ko at dun ko nalang siya matiyagang hinintay na lumabas. Kinalikot ko nalang din muna ang cellphone ko habang wala pa siya.
— New chapter is coming soon — Write a review