Download App
23.07% Dawn Of Human / Chapter 3: Kabanata 2

Chapter 3: Kabanata 2

Michael's P.O.V.

Naglalakad ako pababa sa may hagdan ng biglang nakarinig ako ng sumisigaw sa may pool area ng bahay kaya naman nagmamadali akong tumakbo papunta doon kasi boses ng kapatid ko ang narinig kong sumigaw.

"Geno! Nasaan ka?" Ang nag-aalala kong tanong ng nakarating ako sa may lugar na pinanggalingan ng malakas na sigaw. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong makita na tao.

Napahakbang nalang ako sa may swimming pool saka naupo sa gilid nito habang inilagay ko sa tubig ang paa ko. Napaisip ako sa boses na narinig kong sigaw na galing dito pero wala naman.

Napatalon tuloy ako sa pool ng biglang may naramdaman akong kamay na humawak sa balikat ko. Ang lamig pa naman ng tubig kasi gabi na at dahil na rin sa ihip ng hangin.

"Kuya, ayos ka lang?" Ang tanong saakin ni Geno. Siya ang humawak sa balikat ko na akala ko kung ano ng multo.

"Amfuta naman Geno. Gusto mo ba talaga akong patayin sa gulat? Kanina lang sa kusina tapos ngayon naman dito sa swimming pool!" Ang medyo galit kong sigaw sakanya na napakunot noo naman siya habang nakatayo lang na tinitingnan ako na nasa tubig.

"Kusina? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan e kararating ko palang galing sa bahay ng kaibigan ko tapos sasabihin mo na ginulat kita kanina? Ayos ka lang?" Ang balik tanong niya na sagot saakin. Kumilos na ako sa pag-ahon mula sa tubig ng pool.

"Ha? Sigurado ka ba? E, ginulat mo kaya ako kanina sa kusina kaya nga nabasag ang baso na hawak ko tapos narinig kong sumigaw ka habang naglalakad ako pababa ng hagdan kaya nagmamadali akong tumakbo papunta dito tapos ginulat mo ako kaya napatalon ako sa tubig." Ang kwento ko sakanya. Halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Ewan ko sayo. Bawasan mo kasi ang hilig mo sa pag-inom ng kape saka ang pagpupuyat mo tapos mahilig ka pa sa mga horror movie." Ang sagot naman niya saka naglakad na siya papasok ng bahay habang umahon na ako at sumunod naman sakanya papasok.

"Ang sabi nga pala ni Carlo na mauuna na siya. Uuwi na daw siya kasi tumawag na ang mom niya at baka daw maabotan kasi ng curfew sa daan. Alam mo na naman ang sitwasiyon natin kahit MGCQ but still in strict policy pa rin lalo na sa mga bantay sa daan." Ang sabi pa ng kapatid ko bago siya tuluyan na makaakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.

Dumiritso nalang din ako sa may kwarto ko para ayusin ang sarili ko. Kumuha na ako ng mga susuotin ko na damit saka ako pumunta sa may CR ng kwarto ko at naligo.

Boogshhhhh!!!!

Ang narinig kong pagbagsakan ng mga aklat ko sa sahig dito sa may kwarto ko. Nagmamadali akong bumihis para ayusin ang mga iyon. Lumabas na ako kahit pangbaba palang ang nasusuot ko habang hawak ko sa kamay ang aking damit.

Nasa maayos naman ang pagkakaayos ng lahat na mga gamit ko dito sa loob ng kwarto ko at wala naman kahit anong kalat na makikita. Isinuot ko nalang ang damit na hawak ko sa kamay saka naglakad na ako palabas ng kwarto ko.

"Ahhhhhh!!!" Ang pagkarinig kong sigaw ng kapatid ko sa may loob ng kwarto niya.

"Ano na naman kaya iyon?" Ang nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang napakamot ako sa aking ulo.

"Baka naman this time, totoo na." Ang sabi ko pa sa aking sarili saka humakbang na ako papunta sa kwarto ng kapatid ko. Nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Kuya, may kailangan ka?" Ang biglang tanong ni Geno na nasa likuran ko nakatayo habang hawak ang dalawang baso sa magkabilang kamay niya.

"Ano ba yang hawak mo sa kamay?" Ang naitanong ko nalang sakanya habang naglalakad naman siya papalapit sa may akin.

"A ito ba? Dalawang baso, gatas saka tubig. Lagi ko naman itong ginagawa bago matulog di ba? Nagdadala naman talaga ako sa kwarto ko nito gabi-gabi." Ang sagot naman niya saakin. Napatango nalang ako habang nakatayo na di alam ang isasagot sakanya kundi puro hand gesture.

"ano -ah- sige. Aalis na ako. Babalik na ako sa kwarto ko." Ang tanging sagot ko sakanya na medyo nauutal pa.

"Teka! Dahil nandito ka na rin naman, pakibukas na ng pintuan." Ang utos niya pa saakin at sinunod ko naman. Hinawakan ko na ang door knob saka dahan-dahan kong binukas ang pinto.

"Salamat." Ang sambit ng kapatid ko saka pumasok na siya sa loob ng kwarto niya habang nakatitig lang ako sa may pinto na pinagmamasdan siya.

"Hoy! Kuya ayos ka lang ba?" Ang tanong niya saakin pero di na lang ako sumagot bagkus ngumiti lang ako saka isinara ko na ang pintuan.

"Ano ba ang nangyayari saakin? Bakit nakaririnig ako ng mga sigaw? At bakit nakakakita ako ng ilusiyon ng isang tao? Bakit may kapareha ang kapatid ko?" Ang nagugulohan ko na tanong sa aking sarili na nakatayo lang sa labas ng pintuan ng kwarto ng kapatid ko.

Hindi kaya totoo ang third eye at meron ako ng ganoon? Pero papaano naman ako nagkaroon? Anong koneksiyon nito sa pagiging magulatin ko? Baka tama ang kapatid ko na baka nakuha ko sa hilig ko sa panonood ng mga horror movie at pag-iinom ko ng kape.

"Ay, bayag ng multo!" Ang biglang naisigaw ko dahil sa gulat ko sa aking narinig na tunog mula sa labas. Ang lalim ba naman ng iniisip ko tapos biglang tutunog ng malakas ang doorbell.

TING! DONG!

Ang pagkarinig kong tunog ng doorbell namin. Amfuta naman o, 'yon lang tapos nagulat na agad ako.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login