Download App
12.24% Throne Ring [battle of two kingdom] / Chapter 6: Chapter 2

Chapter 6: Chapter 2

Ang kawal ng reviin tur ay labis na natakot sa pagdating pa ng mga goblins ang mga halimaw na inukit sa katawan ng hayop at wangis ng tao.

Libu-libong mga goblins ang bumaba mula sa bundok patungo sa kinaroroonan ng mga kabalyero.

Ang hukbo ni haring lurril steil ay nakahanda na sa pagdating ng mga goblins mula sa itaas ng bundok. Nakapalibot sa paanan ng tarzanaria ang mga kawal ni haring lurril steil upang protektahan ang mga inosenting tao.

Makikitang nagliparan sa kalangitan ang mga palaso mula sa hukbo ni haring lurril steil patungo sa mga goblins na sumasalakay.

Tumama iyon sa kawal ni haring thron, hari ng dalawang lahi ang goblins at evilders.

Ang ilang mga goblins ay bumagsak at ang iba'y hindi na tumuloy sa laban dahil sa sugat na kanilang natamo.

Hindi inaasahan ng mga reviinians ang pagbagsak ng mga bolang apoy, may mga kagamitan pang depensa ang mga kalaban. Mga kanyon na gawa sa kahoy at may mga nakapatong na bolang apoy sa ibabaw nito, ang ilan sa hukbo ni haring lurril steil ay nagapi.

Ang unang hanay sa harap ng bundok ay bumagsak sa kamay ni haring thron. Laking tuwa ni haring thron nang makita nyang tumatakbo papalayo ang mga natitirang kawal ni haring lurril steil pabalik sa huling hanay nito.

Unti unting nagkaroon ng takot ang puso ng hari ngunit napawi iyon dahil sa pagdating ng mga kabalyero mula sa randeror, sakay ng itim na kabayo si haring reviin sel. Hawak hawak nya ang pulang bandila na may mata ng agila.

"Mga kabalyero!!! Sugod!"

Nabuhayan ng loob ang mga kawal ni haring lurril steil sa pagdating ni haring reviin sel. Ang dalawang kaharian ay nagkaisa upang protektahan ang tarzanaria mula sa hukbo ni haring thron ng teruvron.

Ngunit hindi pa natatapos ang digmaang iyon dahil sunud-sunod na nagliparan ang libu-libong mga palaso na may apoy patungo sa hukbo ng randeror.

Marami ang nasawi sa hukbo ni haring reviin sel, kaya't nagpadala na ito ng babala sa hilaga. Isang babala kung saan kinakailangan nila ng tulong.

Libu-libong mga goblins ang bumaba sa bundok, makikitang tumatakbo ang mga ito, ang mga halimaw na iyon ay isa sa pinangingilagan ng mga mandirigma dahil sa nakalalason nitong dugo.

Ngunit natigil ang pagsalakay ng mga goblins dahil sa tunog na kanilang narinig, tunog ng trumpeta mula sa malayo.

Umalingawngaw ang tunog nito sa kabundukan ng tarzanaria at makikitang nagliparan ang mga ibon mula sa gubat.

*DOOMMMMM!*

(Tunog ng trumpeta)

Tunog ng trumpeta mula sa hukbo ni haring rieuin tiriin mula sa lupain ng andican, ang tahanan ng mga elfs.

Sakay ng malaking lion si haring rieuin tiriin at hawak hawak nito ang espada na gawa sa sungay ng dragon.

"Hindi ko aakalaing nandito pala ang mahigpit kong kaaway!" Nakatuon ang pansin nito sa kinaroroonan ni haring lurril steil.

Noon pa man may malaking galit na sa isa't isa ang dalawa. Ang hari ng mga elfs ay galit sa hari ng reviin tur, dahil iyon sa ginto na nakatago sa gitna ng ilog ng kanilang lupain.

Naging ganid si haring lurril steil at sinarili nya ang ginto kaya't nagalit si haring rieuin tiriin, dahil sa pagiging ganid ni haring lurril steil isang malaking banta ang ginawa ni haring rieuin tiriin, kung saan wala ni isang nilalang mula sa reviin tur ang maaaring umapak sa kanilang kaharian.

"Hindi ko inaasahang darating ang matandang elrin!" Nakatuon rin ang pansin nito sa hari ng mga elfs.

"Isa sa mga may mahuhusay na mandirigma ang kaharian ni haring rieuin tiriin mula sa andican kaya't malaki ang kanilang maitutulong sa atin! " Saad ni haring reviin sel sa kanyang kasamang hari.

Tuloy tuloy ang pagsalakay ng mga goblins sa hukbo ng tatlong kaharian. Ngunit dahil sa pagkakaisa ng tatlong kaharian natalo nila ang mga halimaw na noo'y umatras pabalik sa teruvron.

Lahat sila ay naglaho pagkatapos matalo sa digmaan sa paanan ng bundok ng tarzanaria.

"Idnih iraham tapad oka kin olanam as gnaamgid orii"

(Salitang elves na ang ibig sabihin ay "Hindi maaari dapat ako ang manalo sa digmaang ito"

Saad ni lord airin enirin ang pinuno ng white counsel, hindi batid ng lahat ng mga mabubuting hari na noo'y sinasakripisyo ang buhay para iligtas ang nuhrim eartin na ang pinuno ng white counsel ay nalason na ng kadiliman.

Si lord airin ay nasa ilalim ng salamangka ng kadiliman at tuloyan na ngang nasakop ng kadiliman ang puso ng diyos ng mga bundok.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login