Dumating nga ang umaga. Narinig ko nalang na maagang umalis si Kian dahil susunduin pa daw nya si Karen sa bahay. We ate breakfast na para bang walang nangyari kagabi.
"Anong oras pasok mo?." binasag nito ang nagyelong katahimikan. Kumagat ako sa hotdog na nakatusok sa tinidor ko saka yun binaba. Ngumuya ako kahit na tutok ang mata nya sa mukha ko. "Dumaan si Tito dito kanina. Iniwan nya yun." dagdag nya sabay turo sa may paper bag na nasa sofa. "Damit mo raw with your allowance for a week." napamaang ako. Dinala talaga ni Papa?.
Hindi ako makapaniwalang nagpatuloy sa pagkain. "Sinong kasama nyang pumunta rito?." I have to ask this dahil pakiramdam ko, may kailangan akong malaman.
"Si Tita.."
Si Mama?. Di ako makapaniwala. Nanlaki ang mga mata ko.
"At ang sabi nila. May dinner daw sa inyo mamayang gabi kasama ng mga Lim.."
"Di ako uuwi.." mabilis kong tugon.
Di sya nakaimik. Tipong may ihahabol pa sana syang sasabihin kaso itinikom nalang nito ang labi dahil sa tugon ko. "Saka na. Ayoko munang umuwi." pinal na sambit ko. Alam ko din kasing gusto nyang itanong kung hanggang kailan ako dito. Kung hanggang kailan ko paghihintay ang mga magulang ko. He is obviously worried. Halata yun sa mukha. "Gusto ko ng mag-isip pa."
"Okay.. ikaw bahala.. di na rin ako pupunta mamaya.." anya sabay subo ng pagkain nya.
"Wait. What?. Pati ikaw, inimbita nila?." laking gulat ko. Para saan naman?.
Nagkibit balikat lamang sya sabay tango na may ngiti sa labi. "Grabe!. ang galing.." di talaga ako makapaniwala. Sabi nang, alam na alam nila ang alas para pabalikin ako sa bahay. Hindi ko tuloy sila maintindihan. Noon lang. Ayaw ni Mama sakin para sa idolo nyang bata. Tas ngayon. Kailangan pa nila syang imbitahin para pumunta rin ako?. No way!.
Bakit kailangan nilang gumamit ng tao para ayusin ang pamilya to?. Bakit?.
Sabay kaming natapos sa pagkain. At halos magsikuan na din kaming maghugas ng pinagkainan dahil walang nagpapatalo sa kung sino ang gagawa nito. Mapilit sya. Mas lalo ako. Kaya naging kami ang gumawa nito.
Kumatok sya minsan tas nagkamot na ng kanyang ulo ng puntahan ako sa guest room. "I need to hurry.." Magsusuklay nalang ako.
"Tara.." Basta sinuksok ko nalang sa bag ang suklay phone at notes saka na lumabas. Nilagpasan ko pa nga sya dahil parang nagulat sa bilis ko.
"Di ka pa nakakapagsuklay?."
"You need to hurry. Tara na." pinatay ko na ang ilaw sa sala saka sya hinila. "Yung books mo?. Idadala mo ba?." hinawakan ko na ang braso nya palabas ng bahay without thinking straight.
Ilang sandali lang. "Wait.." pigil nya sakin. Nilingon ko sya. Kunot ang noo. "Kailangan ko pang i-lock ang pinto.." laglag ang panga ko. Nakakahiya! Oo nga pala!.
Binitawan ko ang braso nya saka kinamot din ang batok. "Ah hehe. Oo pala. Sige na." tinanguan ko na sya para bumalik na at i-lock ang bahay.
But then. Nagulat na naman ako sa sunod nyang ginawa. Kinuha nya ang kamay ko't pinagsalikop iyon sa kamay nya. "Samahan mo na ako para mabilis.." tas nag-umpisa na syang naglakad pabalik. Napasunod na din ako ng kusa dahil hawak nya nga ang kamay ko.
The tingling effect is making me feel the butterflies in my stomach.
Hindi mawala sa side view ng mukha nya ang mata ko. Hindi bat mas mabilis kung sya nalang ang babalik patakbo?. Bat kailangan pang hawakan ang kamay ko tas maglakad ng mabagal?. Iyon ba ang mabilis sa bokabolaryo nya?.
Sa doorstep. Pareho kaming huminto. Hawak pa rin nya ang kamay ko. Mukhang ayaw bitawan. "Make it fast. Male-late ka na." kailangan ko pang paalalahanin tungkol sa oras. Dahil kung hindi. Tatayo lang kami rito habang tumatakbo ang bawat segundo. Buti kung malapit lang ang school dito. May apat na kanto pa ang lalagpasan bago namin marating yun.
Ngayon nya lang din binitawan ang kamay ko saka mabilis na pumasok muli sa bahay. Mukhang iche-check kung may nakabukas pang mga ilaw o faucet. Nang lumabas na sya. Hinila na nya ang pinto saka mabilis na nilock. "Tara na." anunsyo nya sabay hila sa kamay ko patakbo sa may sasakyan nya.
Grabe!. Ano itong nangyayari?.
Wag ng magtanong pa Kendra. Sumunod nalang!.
At pagdating ng school. Nauna na nga syang bumaba. Ako nang bahalang magpark dahil natanaw na nya ang Prof nilang pumasok. "See you later Ken."
Pinark ko ang sasakyan nya bago bumaba. And here's Jane. Nakatayo sa ilalim ng puno ng acacia. Nakahalukipkip. I pouted when I saw her brows arched.
"May nahanap na akong unit at part time job. Still willing to grab it?." tanong nya ng makalapit ako sa kanya. Niyakap ko lang ang librong dala saka napahinto.
"Sure.. where's it?. Puntahan na natin?."
"Di ka man lang nagdalawang-isip?. Paano na sya kung aalis ka?." tumaas isang kilay ko sa kanya.
"Ganun pa rin naman sya kung aalis ako. Tsaka. Lilipat lang naman ako. Hindi mangingibang bansa." irap ko sa kanya.
"Oo nga. I mean. Hindi ba sya masasaktan kapag nalamang aalis ka for you to get your independency?. Like gurl.. hindi mo ba alam?. Gusto ka nung tao.." iling pa nya. Pinanlakihan pa ako ng mata.
"Anong gusto?. Hindi noh?. He's just doing that para kay Papa. Di ko nga alam kung anong meron sa kanila ni Papa para maging close ng ganito eh."
"Tsk. Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta. Sinasabi ko sa'yo. Poro likes you."
Yung sinabing yun ni Jane. Di na naalis sa isipan ko hanggang uwian. "Ahm.. I can drive.." I offered dahil mukha syang pagod. Tahimik syang nagbabasa ng kanyang libro ng magsalita muli ako. "I'm going to Rooftop later. Sama ka?."
"Anong gagawin mo dun?. Di ka magrereview?."
"Pasyal lang.. gusto kong marinig ka ulit kumanta.."
"I can sing you here. If you want." mabilis nyang tugon. Nilingon ko sya saglit. Nakita kong binaba nya ang librong hawak nya mula sa peripheral vision ko.
"Wag nalang busy ka e.."
"Marami akong oras pagdating sa'yo.." napaprenk tuloy ako. Gawa ng nakared light na pala. Ngayon ko lang napansin ng nasa mismong tapat na kami ng pedestrian lane.
"Talaga?. Sasamahan mo na ako ngayon sa Rooftop?."
Ngumiwi sya. "Akala ko ba marami kang oras sakin?. Bakit ganyan ngayon ang mukha mo?. hahaha.."
"It's because I can't resist you.." pinisil nya ang magkaiba kong pisngi. Napapikit tuloy ako.
"Aray ko.." kunyaring reklamo ko. Aligaga nyang tinanggal ang kamay sa pisngi ko at hinawakan nalang yun.
"Sorry Manang ko.. Nasaktan ba kita?."
"Masakit nga.." reklamo ko pa. Kunyaring hahawakan ang bandang pisngi.
"Gusto mo, kiss ko?. Para di na masakit?."
"Baliw!." irap ko sa kanya. Bagay na taliwas sa laman ng isip ko. Sa totoo lang. Natigilan ako ng sobra sa mga kilos nya't mga sinasabi. Anong ibig nyang sabihin?. Tama ba ang hula ni Jane?. Tama rin ba tong kabog ng dibdib kong, palakas ng palakas?. Tama rin bang umasa ako kahit may hinihintay syang ibang tao?. Saan ako lulugar kapag ganito?.
"Pwede kitang samahan sa The Rooftop mamaya."
"Thanks.."
"Pero, samahan mo rin sana ako sa bahay nyo?. Para makapunta rin ako. Baka kasi isipin nilang it's my influence to not let you go there.."
May punto nga sya. Bakit nga ba di ko naisip to?.
"Fine. I'll go with you. Basta, sa bar tayo after and, uuwi ako sa bahay mo."
Ngumiti sya. "Of course. I'll be fine with that.."
Di na rin ako nagsalita pa dahil binalikan nyang basahin yung libro nya.
Later. Bahala na kung anong mangyayari. Wala naman sigurong masamang magaganap noh. Lalo na't pupunta rin ang Mommy ni Kian.
Pero teka. Kaya ko bang ngumuya at lumunok ng pagkain sa harapan ngayon ni Mama?. Naiisip ko palang. Hirap ko na yun malunok.
Hayst! Ano ba?. Tsk!. Basta!. Bahala na. Basta I'm with him. Ayos na sakin.