Download App
56.14% Pagdating Ng Panahon / Chapter 32: Chapter 32: Chaos

Chapter 32: Chapter 32: Chaos

Yung bagay na kinatatakutan ko. Dumating.

Yakap ko pa rin si Poro ng biglang sumulpot ang bulto ni Mama sa pinto. Agad akong kumalas kahit bangag pa ako. Umawang pa nga ang labi ko dahil sa hindi alam ang sunod na gagawin.

"Magandang gabi ho." bati nito kay Mama. Lumabas na din sina Kian at Karen sa kusina at binati din si Mama.

Mama is terrifyingly scary. Yung pananahimik nya. Hindi ko kaya. "Ma, akin na muna si Kim." I moved. I need to move para hindi tumagal sa nakakailang na minuto ang lahat.

But she moved back. Hindi binigay si Kim. Or I should say. Ayaw iabot ang bata sa akin. Then here's Karen. Dito nya inihabilin ang bunso namin.

Nanlamig ako. Nanigas na parang nabuhusan ng bagong halong semento. Ano itong ginagawa ni Mama?. Harap-harapan ba naman! Hindi ba pwedeng ipagpabukas ang galit nya o ang inis nya para sa bisita?. Wala man lang kafilter-filter ang ugali nya. Nakakainis!.

Di ko na ma-take.

"Nag-usap na tayo diba?." kay Poro na sya tumingin. Napamaang ako. Literal na nahulog ang labi sa ere. Anong nag-usap?. Anong pinag-usapan?. Anong meron?!.

"Ma, anong meron?." I can't help but to ask now. Hindi ako matatahimik hanggat di ko nalalaman ang tungkol ng usapan nila.

"Labas ka na dito Kendra."

"Ma naman.. wag naman kayong ganyan.. ito pa ba yung tungkol nung nakaraan?. Diba tapos na yun?. Kalimutan na rin sana natin.."

Suminghap sya't namaywang. Galit na ang namuo sa hulma ng mukha nya. Parang ako lang pag galit. Salubong na salubong ang kilay. Nakakatakot!.

"Kalimutan?. O sige. Kakalimutan ko na ang araw na yun.. handa ka rin bang kalimutan ang taong to?." marahas nyang tinuro si Poro.

My heart skip a beat!.

Yung galit talaga nya. Umaapaw na. Hindi ko na to mapipigilan pa.

Nilapitan sya ni Karen. Trying to say something. Para siguro pigilan o pakalmahin subalit masyado itong matigas. Tulad namin ni Ate. Wala itong pinapakinggan kundi si Papa lang.

I have so many words in my head right now. Para na itong time bomb na anumang oras ay sasabog na. Sa dami ng laman nito. Gustong sabihin ng sabay sabay. Wala akong nasambit man lang kahit na isa sa kanila.

"Gusto ka naming protektahan Kendra. Malay ba namin kung nagsisinungaling ka samin.."

"What the heck!." mura ko. Napatingin sakin si Karen. Hindi makapaniwalang nagmura ako sa harap ni Mama.

"Anong sinabi mo?." humakbang na sya't nilapitan ako. Nanggigigil na mahawakan ako.

"Tita, tama na po.." humarang si Poro samin.

Dinuro nya ito, imbes na ako. "Wag kang makialam rito. Usapang pamilya ito." halos malagutan ako ng hininga ng sigawan nya ito.

"Mama!." ako na ngayon ang sumigaw para pigilan sya. But damn this!. Di sya papigil!. Lalo pa syang lumapit sakin at tinampal ang pisngi ko. Poro is trying to hold her hand but again, she pointed a finger at him.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo?. Hindi ko narinig eh.."

"Ma, ano ba?. Tama na yan.." hinuli ni Karen ang kamay ni Mama na nakaduro sa mukha ko. She's teary eyed now. At anumang oras. Bubuhos na luha nito sa pisngi nya. Kian is trying to stop Poro from stopping Mama. Pero ako?. I won't stop!. Sabihin nyo na akong walang respeto. Bastos. Bakit ba?. Gusto ko lang naman magmura at magsabi ng totoo?. Mali bang magpakatotoo?.

"Ano?. Minumura mo na ako ngayon?. Walang galang. Pinalaki kitang hindi ganyan. Bakit ha?. Dahil sa lalaking yan nagbabago ka na?. Anong pinagmamalaki mo ngayon ha?." tinampal nyang muli ang pisngi ko. "Ha?. Magsalita ka nga. Murahin mo na ako. Gusto kong marinig at ipakita sa lalaking gusto mo na hindi ka dapat nya gustuhin dahil wala kang respeto. Walang respeto. Walang modo.. Wala akong tinuro na ganyan sa inyo.." tinapik nya muli ang pisngi ko.

Luha. Mainit na luha na ang dumaan sa pisngi ko. I can't contain anymore. Ang sama ng loob. Ang galit! Ang inis!. Tampo!. Lahat naghalo-halo!.

Bakit anong tingin nya sakin?. Hindi makakahanap ng lalaki?. Hindi karapat-dapat mahalin ng pinupuri nyang 'gwapong batang abogado'?. Ano bang tingin nya sakin?. Basura?. Bakit ganyan sya mag-isip?. Wala ba syang tiwala sakin?. Bakit kailangan nyang pagdudahan ako?. Oo. Nagsisinungaling ako pero hindi lagi. Hindi yun sumobra at umabot sa bagay na kinatatakutan nila. Bakit ano bang masama kung subukan ko ang pinagbabawal nila?. Mapipigilan ba nila ang gusto ko?.

Now that they announced their disgustment from me. Parang ang sarap tumakbo palayo rito at magpakalayo-layo!.

What they are trying to say?. Gusto nilang maging mabaho ako sa paningin ni Poro para ano?. Para layuan nya ako?. Bakit?. Anong rason!?. Tangina!. Anak ba nila ako?. Akala ko ba proteksyon ang gusto nila para sakin?. Bakit pakiramdam ko, hinde?. Bakit ang nararamdaman ko ay poot at hindi saya sa narinig na lumabas sa labi ni Mama?. Gusto nila akong protektahan pero hanggang kailan?. Hindi ba't may hangganan ang lahat?. At ano ang gusto nilang gawin ko?. Ang makulong buong buhay ko?. Matali sa leeg ko't hawak nila ang dulo nito?. Grabe!. Magulang ko ba talaga sila o pinulot lang nila ako sa basura?.

Hindi ko matanggap!. Hindi ako makapaniwala sa pinapakita ni Mama. Ang buong akala ko. Malala na yung Mommy ni Kian. Mas malala pa pala sya!.

"Wala kang maipagmamalaki Kendra. Kaya wala kang karapatan na murahin ang taong nagpapalamon sa'yo." dinuro nya ang sentido ko ng paulit-ulit. Karen is crying now. Pilit pinipigilan pa rin si Mama. While Kian is not knowing where to go. Kung aaluhin ba si Karen o lalapitan si Poro to prevent him from doing something.

Galit ko syang tinitignan. "Galit ka?. Sige. Kung gusto mong maglayas. Lumayas ka. Kung matigas yang ulo mo. Panindigan mo na rin. Tignan natin kung hanggang saan ang mararating mo.."

Sinabi nya na e. E di maglayas. Binigyan nya ako ng ideya e. Ng pagpipilian. E di go. Oras na rin para lumayo ako!.

Pagod na ako. Nakakapagod nang pakinggan ang mga birada nila!.

Marahas kong pinunasan ang luhang nasa pisngi ko saka mariing kinagat ang labi para di humagulgol. Inayos ko din ang buhok ko saka nakipagtitigan sa mata nya.

Without any words. Nilagpasan ko sya.

"Mama, ano ba?. Ate?." I heard Karen's voice almost cracked. Alam kong gusto nya akong habulin subalit di nya rin alam kung anong uunahin. Kung kakausapin ba si Mama o susundan ang daang tinahak ko.

Gabi na. Di ko na napansin ang oras pero itong puso ko. Daig pa ang dinaanan ng mabangis na bagyo. Nagpupuyos ng galit at poot.

Naglakad ako hanggang kanto kahit di mapigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Pilit kong pumara ng jeep pero puro puno ito. Uwian na rin kasi. Muli akong naglakad. Bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.

Bakit ganun si Mama?. Ano bang mali sa natapos na?. Hindi ba't nagpaliwanag na kami ni Poro tungkol sa gabing iyon!. Walang nangyari. Bakit hindi nya tanungin si Papa?. Pumayag sya noon na sa bahay nila Poro matulog. For our safety. Tapos eto ang iisipin nila?. Para saan ang pagpayag noon ni Papa?. Show up!. Tangina!. Nakakahiya!. Manggagamit lang sila ng tao for our sake?. Nasaan ngayon ang sinasabi nilang respeto?. Sino samin ang walang modo!. Laging bukambibig nila ang magandang ugali pero baliktad naman ang pinapakita nila sakin?. For what is this?. Para hubugin ako?. What for?. For my future? Fuck!. Aanhin ko ang future kung ganito ang kasalukuyan ko?. Bwiset na buhay to, oo!.

Umupo ako sa tabi ng kalsada at duon binaluktot ang mga tuhod. Niyakap ito at dito na binuhos lahat ng sama ng loob.

Ang gusto ko. Bakit di nila mabigyan ng respeto?. Gayong lahat naman ay ginagawa ko para masunod lang ang kanilang gusto?.

Ang unfair naman ng mundo. Bakit binuhay pa ang isang tulad ko?.

I cried, silently. Isang bagay na pinakamasakit gawin sa tanang buhay ng tao. Bumuhos din ang ulan. Dahil nga tag-ulan. Gabi gabi na kung umulan.

I don't mind kung mabasa ako o magkasakit. Sino namang magmamalasakit?.

"Ken.." that voice. His voice thundered. Hindi ako gumalaw para tingnan sya. Naramdaman ko nalang na wala ng pumatak na tubig ulan sa likod ko. Pinayungan yata ako. "Uwi na tayo. Nasa bahay nyo na si Tito."

Ayoko!.

Hindi pa rin ako gumalaw. Umupo sya sa tabi ko para sabihin ulit na umuwi na ako. Kumulog ng malakas kaya bigla akong natakot. Nag-angat na ako ng ulo. We look at each other. "Sagipin mo naman ako ngayon superman. Itakas mo ako. Ayoko sa amin.." another set of hot tears are flowing out of me. "Ayoko silang makita." I cried again a river. Humagulgol na naman ako. Ngayon, sa mismong harapan nya. I didn't know na kasama nya pala si Kian. Hawak nito ang isang payong sa kabilang side ko naman sya.

Matagal bago sya nakapagdesisyon. "Alright. Saan mo gusto?."

"Bro?." ani Kian. Kontra yata sa naging sagot ni Poro. Nagkatinginan lamang sila.

"Anywhere.. basta hindi sa bahay.."

"Pero hinahanap ka ni Tito, Ate.." si Kian na naman ito. Trying to help. Solve the chaos this night.

"Sa bahay ka nalang muna.."

"Magagalit sila sa'yo Poro. No!."

"Saan ka kung ganun?. Gabi na. Tsaka. Kila Kian na muna ako. Dun ka na muna."

"What bro?. Iiwan mo syang mag-isa dun?." di nakapagsalita si Poro. Mukhang napaisip rin. "Ganito nalang. Dun ka na muna sa kanila Ate. Dun ka na rin bro. Sasamahan ko kayo. Para iwas gulo."

"Paano kapag nagtanong sila?. Ayokong ipaalam na nasa inyo ako.." totoo ito. Baka kasi mas lalo pang lumala ang lahat kapag nalaman ni Mama ito.

"Don't worry.. Ako ng bahala rito. Ipapaalam ko ito kay Karen at magpapatulong na rin. Sa ngayon. We need to go now dahil lumalakas na ang ulan.."

Tahimik sa loob ng sasakyan. Parang kay Kian pa ito. Naging maingay lang nung tumawag si Papa kay Poro. He just said that I'm okay. At wala sa ilalim ng malakas na ulan.

Gustuhin ko mang umiyak pa. Hindi ko na yata kaya. Naubos na ang luha ko't natuyo na.

Ganito ba kapag may gusto ka?. Hirap ang kaakibat?.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C32
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login