Download App
38.59% Pagdating Ng Panahon / Chapter 22: Chapter 22: Rain

Chapter 22: Chapter 22: Rain

Pagkatapos nyang kumanta. Kumulog ng malakas at pagkatapos ay umulan na. Nagsitakbuhan tuloy kami sa lilim dahil open space ang kinauupuan namin. Sa may bar counter kami nagsiksikan. Di rin muna agad umalis si Poro sa entablado dahil inayos pa nya yung gitarang gamit nya.

"Ang lakas ng ulan." bulong ko habang nakatingala sa kawalan.

"Nag-aalala kang baka mabasa sya?." si Zaldy.

"Malamang, walang lilim ang dadaanan nya.. may payong ba kayo dyan?." hinanapan ko sila sapagkat wala akong ibang dala ngayon kundi ang bag lang. Masyadong malalaki ang patak ng bawat ulan. Parang halo itong yelo na nabuo noon pa.

Ilang dipa lang naman ang layo nya samin ngunit habang pinapanood ko syang unti unti ng nababasa. Parang ilang libong milya na ang kanya layo.

Nagkamot ako ng braso. And when I saw my jacket. May kuminang saking isip.

"Alam ko na.." kausap ko sarili ko dahil di na halos magkarinigan dahil sa buhos ng ulan.

Marahan kong tinanggal ang jacket sa katawan. Kinuha ko din ang maliit na bag saka tinanggal ang sling nitong tali sa katawan ko. "Pahawak muna." sabay abot ko nito kay Zaldy na ipnagtaka ang ginawa ko. He watches me closely.

"Anong gagawin mo?."

Di ko sya sinagot. Kapag kasi nagsalita ako. Sigurado akong pipigilan nila ako.

"Pupuntahan mo si Poro?." ani Zaldy pa, na tunog nag-aalala. Hinarangan nya ako't nilingon sa likod ang kaibigan nyang nakatayo na. Sa amin na ang tingin. "Masyadong malakas ang ulan Ken.. magpatila muna tayo.." dagdag pa nito.

"Kung magpapatila pa tayo rito, Zaldy.. tuluyan nang maliligo sa ulan ang kaibigan mo.." baka magkasakit pa sya. Idadagdag ko pa sana ito kaso baka maisyu pa ako. Sana lang. Hindi rin mangyari yung sinabi ko. Sana malakas ang resistensya ng katawan nya't kayanin ang tubig ulan. Sumasabay ang malamig na hangin.

Sa nakikita ko palang. Naliligo na nga sya't hindi pa nababakas sa mukha nya ang lamig. Kaya kailangan ko ng kumilos para di sya manigas. "Tsaka.. mabilis lang naman akong tumakbo.. sunduin ko lang sya. Balik din kami agad dito.."

Nagkatinginan sila ni Poro. Nakita ko kung paano umiling ito sa kaibigan. Lalo akong hinarangan ni Zaldy. Si Dennis naman. Kinuha yung bag ko kay Zaldy at isinabit muli sakin. "Kami ang malalagot kapag umalis ka." paliwanag din ni Dennis. Napatingin ako sa kanya. "Tsaka.. wag magpumilit Kendra.. sigurado kaming magagalit yan kapag tumakbo ka room sa kinatatayuan nya't napatakan ng isang tubig ulan."

"Bat ako inaalala nya?. Sya nga, hindi na mabilang ang tubig ulan na pumatak sa kanya?.."

Natigilan sila pareho. "Baka kasi isipin ng Papa mo na pinabayaan ka nya.."

Talagang balak ko nang tumakbo. Lumusot sa pagitan nila subalit napaisip ako ng marinig ang pangalan ni Papa. Pero paano naman sya?. Isusugal ko ba ang iisipin ni Papa kaysa sa kalusugan nya?. Alam kong maiintindihan ako ni Papa kapag nagpaliwanag ako. Alam kong hindi rin sya magagalit kay Poro kapag sinabi kong nilibre nya ako.

Ang tanong. Kung ganun nga ang mangyayari. Paano naman kung hinde?. Paano kung pagagalitan sya't mag-iiba ang trato ni Papa sa kanya?. Paano kung sabihing wala syang sariling paninindigan sa mga pangakong binitawan?.

Napapikit ako sa naiisip.

Naku naman!. Ano bang gagawin ko?.

"Pagbigyan nyo na ako. Kahit ngayon lang.." saad ko saka basta nalang iniabot kay Dennis ang bag ko saka tinalukbong ang jacket ko sa ulo ko't tumakbo na papunta kay Poro.

Sa pagtapak ko sa basang semento at pagtama ng tubig ulan sa mga paa ko. Nasisiguro ko sa sarili kong, tama nga tong naging desisyon ko. Tamang unahin ang malasakit sa tao kaysa sa kung anong iisipin ng iba.

At hindi pa man ako nakakahinto sa kinaroroonan nya. Naglakad na sya't hinablot ako pabalik sa bar counter. Gusto kong bigyan sya ng silong. Para di sya lalong mabasa subalit masyado syang mataas para maabot ng kamay ko.

Di ko alam kung kanino ako ngayon maaawa. Sa sarili ko ba na nabasa na rin o sa kanya na basang basa talaga o sa mga kaibigan nyang, defensive na ngayon sa tinging pinupukol nya. Masyadong matalim ang tingin nya sa kanila. "Easy bro.." tinaas ni Zaldy ang kamay kahit hawak nito ang sling bag ko.

"Wala silang kasalanan.." hinawakan ko ang braso nya. Naramdaman kong nagsalubong ang init at lamig sa pagdampi ng aming mga balat. Nadama ko ring nalipat sakin ang atensyon nya. "Sorry kung nagmatigas ako." hinging paumanhin ko. Mali man para sa kanya ang ginawa ko. Para sakin. Tama iyon. Sapagkat, hindi na sya napapatakan pa ng tubig ulan.

Di sya nagsalita o umimik man lang. Di ko din alam kung paano magsalita ngayon. Galit sya. At kahit hindi sya magsalita. Galit ang nararamdaman ko mula sa kanya. Mabuti nalang din at may nagbigay ng towel saming staff ng bar kaya medyo nawala ang lamig sa aming katawan.

"Mauuna na kami bro.. mukhang walang balak tumila ang ulan.." ani Dennis na ngayon lang nagsalita mula kaninang pagbalik ko galing sa pagsundo sa kanyang kaibigan. Bumaba na kaming cafe at kasalukuyang humihigop ng mainit na kape. Ako na ang nag-order nun dahil Wala pa rin syang imik.

"Sige na.. malalim na rin ang gabi.. mag-iingat kayo.." ako na rin ang tumango para sa kaibigan nya. He's still mad. Nakahalukipkip pa sya't salubong na salubong ang kilay.

Gusto ko tuloy syang kuhanin ng larawan. Sobra kasi nyang seryoso. Alam mo yung isang character sa kdrama na tahimik, gwapo, seryoso at malakas ang dating?. Ganun sya ngayon. Nakakasakit ng leeg kapag nilingon mo sya't maiiwan ang mata mo sa kabuuan nya Napangiti ako ng lihim sa kabila ng paghigop ko ng kape. Hay Kendra!. Tama na nga yang mga iniisip mo. Baka isipin nyang baliw ka?. Palihim pa rin akong nagnanakaw ng tingin sa kanya.

Kaso, naisip kong. Wag nalang palang gawin ang nasa isip. Baka lalong magalit. Di ko na alam kung paano uuwi. Wala pa naman akong dalang sasakyan at payong. Isa pa. Masyadong malamig para magcommute pa ako.

"Sige bro..ingat din mamaya.." tinapik pa ni Zaldy ang balikat nya bago nila kami iniwan. "Ah, Ken.. drive safely ha.. mainit ulo nyan.. wag ng dumaldal..haha.." habol pa nyang paalala. Nauna nang lumabas si Dennis na sumilip pa upang makitawa sa kasama.

Tinaas ko nalang ang kamay para kumaway.

Ngunit wala pang isang minuto nung umalis ang mga kaibigan nya.

"Naniwala ka naman?." bigla ay nagsalita na sya.

Napanguso ako. Salubong pa rin ang makapal nyang kilay. "Muntik na.." ikli ko lang na sagot.

"Tsk.." singhal nya. Saka lamang sya gumalaw para humigop ng kanyang kape.

Ay...abnoy din pala!.

"Lagpas alas dyes na.." paalala ko naman sa kanya. Para kasing nakalimutan nito kanina ang oras na kahit gumalaw ay hindi nya ginawa. Hay..

"I know.." malamig lang nyang saad.

Ay! Naging cold si Atty.

"Lagot tayo kay Papa.." di naman sa takot ako sa oras na binigay ni Papa. Sa totoo lang. Sanay na yun sa akin sa tuwing umuuwi ako na lagpas sa oras na sinambit nya. Baka nga. Natuwa pa yun ngayon dahil matagal kong nakasama ang lalaking bukambibig nya.

"I've texted him.." simple nya lang na saad saka kumagat sa tinapay na hawak nya. Nasa mesa ang kaliwang braso nya habang ang isa nyang kamay ang syang gumagalaw para sya'y makakain at makahigop ng kape. Yung itim nyang Cap ay natatakpan ang buo nyang mukha sa tuwing yumuyuko.

Binasa ko ang ibabang labi. "You did what?." muntik pa akong mabilaukan.

"Ang sabi ko. Magpapatila lang tayo ng ulan saka uuwi.." hindi ito ang narinig ko kanina e. Why not repeating your words baby?.

Baby?... Eeeehhhhwwwww...

Yabang!.

"You texted him?." nag-hmm lang sya't tumango sandali. Kumagat muli sa tinapay. Gutom yarn!.

"And he said that, we should enjoy the heavy rain and eat some hot Mami.."

Sinabi yun ni Papa?. Si Papa talaga nagsabi?. Seriously?.

"Talaga?. Sinabi nya yun?." hindi ako makapaniwala sapagkat, this is so foreign when it comes to Papa. Paano nya nagagawang pumayag sa kanya samantalang kapag ako ang humiling ng dagdag oras sa oras na binigay nya, mahigpit syang huminde?.

Naku Papa! Ako mo ba anak mo o sya?.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login