Honestly. Madalas akong makitulog sa bahay nila Jane pag wala ang mga parents nya o ng mga kapatid nya. We just hang up there. Doing long overdue chitchats. Sleeping until we woke up late. At alam iyon nina Papa. They are so confident on Jane's house dahil kilala nila sya. They do know that I am pretty safe kapag kasama ko ito. Syempre. Ganun ang iisipin nila because of my night life. They prefer me to go in there. Make some sleepovers than to have my wild self run through that night. Hindi pa naman ako umabot na umuwi sa bahay ng ibang tao habang lasing tas nakitulog pa. No! Baka sabunutan na ako ni Mama kapag nalamang nabuntis ako dahil sa one night stand. Ah!. Baka hindi lang sabunot. Kalbo na talaga hanggang anit.
Di naman sa ayaw nilang magkaroon ng apo galing samin. It's just that, they're prioritizing us our future daw para di kami mamalimos sa kanila pagkaraan ng taon. Me and Ate Kiona just laughed at their remarks kapag naririnig na namin ang linyang yan.
Kumbaga. Gasgas na samin. Ganun.
We know. We both know why they are doing this to us. They want to teach us how to control and have self respect. And I'm grateful for them to let us know about that because I'm starting to realize that self respect and control is the safest way to be safe.
Di ko na maalala kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Paikot ikot kasi ako sa higaan. Sa taas natulog si Poro. Sa sarili nyang silid. Habang ako, sa may guest room dito sa baba. Gustuhin ko mang makipagkwentuhan pa sa kanya kagabi. Naramdaman ko na ring, saka na lang. Mukha kasi syang pagod at kailangan na ng pahinga.
Bumangon ako't nag-unat. Salamat sa alarm ko. Nagising ako ng sakto sa oras. Ala sais. May pasok ako ng alas dyes. Eksakto lang sa pag-uwi ko pa at pagligo.
Pinagpag ko ang hinigaan na kulay puti. Ang linis ng bed sheets at unan. Talo pa nito ang balat ko. May mga dark spots. Pero ang sabi ni Mama. Birth marks raw ang mga ito. O di. Sige. Sabi nya eh. Pagkatapos naman ay inayos ko ang buhok. Hindi na sinuklay dahil wala akong dala. Bastang tali nalang ang ginawa ko. Dumiretso din muna ako ng cr. Chineck kung may dumi ba sa mukha ko o wala. Checked. Wala!.
Nung lumabas na ako. Naglakad papuntang sala. Nagtaka ako sa isang bulto ng malaking tao na nakatalikod sa mesang pabilog. May laptop duon na nakabukas pa. Pero patay na. Maraming mga papel na nasa tabi ng laptop at isang MacBook na nakalabas ang dulong bahagi sa lalagyan na kulay itim. May baso rin sa likod ng laptop at supot ng 3in1 na kape. Wala ng laman ang dalawa.
Krrrnnggggg! Krrrnnggggg!. Krrrnnggggg!.
Tumunog ngayon ang alarm clock na nasa tapat ng MacBook. Halos malaglag ang suot kong panty ng nag-ingay ito. Saka ko lang din naalala ang oras na meron ako.
I bit my lower lip dahil nagdadalawang-isip ako kung gigisingin ko ba sya o hindi na.
"Tanga Ken!. Para saan ba ang alarm clock?. Diba para gisingin sya?. But sadly. Hindi nya marinig dahil mukhang nasa kasarapan palang sya ng tulog." tinawag ko pang tanga ang sarili dahil lang sa pagdadalawang-isip.. Hay!
Without thinking thrice. Tinapik ko na ang kamay nyang nakasampay sa headrest ng sofa. I just realized na, dito pala sya natulog at mali ako sa akalang nasa taas sya kagabi. "Hey..wake up!." oh diba?. Ang sosyal!. Sosyal-sosyalan ng kingina!.
"Poro, gising na.." gumalaw sya't tinalikuran ko na. Yun pala. Hindi nito agad idinilat ang mga mata. Akala ko. Mulat na ang mata nya ng umalis ako para kunin ang basura nya sa likod ng laptop nya. Subalit ng silipin kong muli sya. Nakapikit pa ito. "Poro.. gising na.. ano ba?. Gising na yung alarm clock mo.. ikaw nalang hinde.." maging ako ay kaunting natawa sa sinabi. I saw how his lips moves. Gustong matawa pero dahil bagong gising. Di na tinuloy.
"Ang aga naman ng alarm clock kong nagising kung ganun?." he yawn saka sinabi ito sa likod ng mga palad nyang nasa tapat ng labi nya. I feel like his remarks has double meaning. Di ko nalang yun pinansin.
"Anong oras pasok mo?. I need to go home.. alas dyes ang pasok ko." tiningala ko ang clock sa may taas ng tv set nya. Ala syete na. Ang bilis naman ng oras!.
"Eight pa pasok ko.. wait lang.." kumunot noo ko't napalo bigla ang balikat nya. Nakaupo na ito ngunit hindi pa rin gaanong gising. Alam mo yun?. Tamad pang tumayo o maglakad o higit sa lahat, ang gumalaw.
Nagtataka nya along tinignan. Tumayo na ako. Inayos ang laptop nya. "Seven na boy.. may isang oras ka nalang para kumain, maligo at kung anu-ano pa.. kaya bangon na.. ihahatid mo pa ako sa amin.." mabilis kong sabi. Kinabahan tuloy ako sa kung paano sya ngumiti. Ano kayang nasa isip nya't wagas kung ngumisi?. Umirap ako't pumadyak pa sa mismong harapan nya. "Akin na ang susi ng sasakyan mo. Ako ng magdadrive.." parang akin lang yung sasakyan nya noh!. ASA!.
"Paano ako?." his voice cracks.
"Paanong paano ka?. Hindi ka naman napano diba?."
"Ahahaha.." tumawa pa sya! Kumag na to!.
"Tsk.. nagmamadali nga tayo.. sa bahay nalang tayo kumain.. sigurado akong may pagkain dun.. tsaka.."
He cut me off. Na ipinagtaka ko nalang.
"...tsaka, pwede bang duon na rin ako maligo?." natigilan ako. Nakamot naman nito ang batok. "Wala na tayong oras kung dito pa ako maliligo diba?. You know?. Para sabay na rin tayong pumasok.." he stopped. Nagkatinginan kami saglit. Ako ang unang bumawi dahil bigla akong nakaramdam ng pagkailang. "Same school naman tayo diba?. At, baka lang may gagawin ka pa sa school before class?."
Matagal bago bumalik sa dati ang aking pag-iisip. Tumayo na sya. Inayos muli ang laptop at MacBook nya. Pati na rin yung mga papel. Pati ang basong hawak ko ay kinuha nya na rin. "I'll explain everything to Tito, later on." he explains. Naglakad sya't nagtungo sa sink. Nilapag ang baso duon. Bumalik na sya sa gawi ko't mabilis na umakyat patakbo sa hagdanan. "We have to hurry now Ken..late na ako mamaya." anya pa mula sa taas. Napakurap ako. Inayos ko din ang sarili saka pinatay ang ilaw ng chandelier. Bumaba na sya't may dala ng spare clothes. Tinignan ko 'yun. "Pamalit ko mamaya.. Tara na." saglit nyang paliwanag bago pinatunog ang sasakyan.
Mabilis ang patakbo nya hanggang bahay.
Nagtaka pa si Mama samin. "Ma, may pasok si Poro ng eight. Late syang nagising at late na rin mamaya. Pwedeng maligo muna sya rito?." dire-diretso ko ng sabi dito. Tinignan nya lang kami. Palipat-lipat. "Makikisabay na rin akong pumasok mamaya dahil may kailangan pa kaming tapusin ni Jane na group study.."
"Ganun ba?. Kumain na muna kayo.. may naluto na akong agahan sa kusina." halos mabulol pa si Mama sa gusto nyang sabihin. I know her. Hindi yun ang gusto nyang sabihin. And take note. The way she stared at us?. Naku!. Questionable doubt?. Hahaha!. Nagtataka ito sa suot kong damit ngayon. Pero sa puntong ito. Wala akong pakialam. Basta ang mahalaga sakin ngayon ay ang hindi malate itong bisita ko. Binitawan ni Mama ang hawak na balde dahil kasalukuyan itong nagdidilig saka nagtungo ng kusina.
"Ah hijo.. dyan ka na sa banyo maligo.. Kendra, sa taas ka na rin para sabay na kayong kumain mamaya.." see?. Alam ko ang iniisip ni Mama. She's thinking that, we slept together in one bed.
Hay.. saka na ang paliwanag Mama!.
Mabilis ang bawat galaw ko para makasabay sa taong kasama ko. Noong bumaba na ako. Nasa hapag na sya. "Upo na Kendra..may kape na rin dyan.. humigop ng kaunti para hindi antukin.." anya pa. Abala pa ito sa pagluluto ng, sinilip ko ito. Isda.
Kumakain na si Poro. Kaya umupo na rin ako't nakisabay. I look at him. Dahil baka wala na syang oras. Ayaw lang magsalita para di madismaya si Mama. "Ah Ma.."
"Hmmm?." humarap na sya samin. Magkaharap kami ni Poro. Hindi magkatabi ng upuan tapos nasa gilid ko si Mama.
"Late na po sya.. kailangan na naming umalis.."
"Diba Ten pa ang pasok mo?." alam nya din kasi schedule ko. Kaya wala akong takas minsan. Sa ngayon, meron. Heck!.
"Opo nga po.. may kailangan pa po kaming tapusin ni Jane.. deadline na po kasi sa makalawa kaya, we need to rush din Ma." humalik na ako sa kanya at hinila na si Poro.
"Tita, mauuna na po kami.." habol nyang paalam.
Lumabas si Mama para silipin kami sa labas. "Mag-iingat sa pagmamaneho anak.. Kendra.. ilagay ang seatbelt.." kinawayan ko nalang sya't bumusina nalang din si Poro sa paalala nya.
Hindi ko tuloy malaman kung sinong tinutukoy nyang 'anak'. Ako ba o si Poro. Kasi nabanggit nya ang pangalan ko. Ibig sabihin ba nun, si Poro ang anak nya?. Eh?.