Download App
32.14% Her familiar scent / Chapter 8: Capitulo syété

Chapter 8: Capitulo syété

Chapter 7: Lost

NAGISING SYA dahil sa marahang pagtakip sakanya ni julia.

"Mama! Mama gising na po! Mama!"

Agad nyang iminulat ang kaniyang mga mata-- munit gulat sya nung makita ang 'di-pamilyar na lugar!

"Mama! Nasan po tayo? Di po ba nasa bahay lang tayo? Nasan na po tayo ngayon? Tsaka bakit po tayo naandar?" hindi nya pinansin ang kaniyang anak bagkos ay pinakiramdaman nya ang paligid!

at totoo nga!Gumagalaw at parang umaandar sila-- pero ang nakakapagtaka ay pano?!

"Mama.. N-Nasan po tayo?" napakapit si julia sakaniya dahil sa sobrang takot.

Napailing sya habang pinapakiramdaman pa rin ang paligid bago tumingin sa anak niyang bakas ang kaba at takot sa buong mukha-- namumula pa ito!

"Hindi ko rin alam anak.." kinakabahan nyang sagot 'tsaka bumitaw sa hawak nito at tumayo!

pero hindi pa sya nakakatayo ng maayos nung mapaupo sya ng biglang gumalaw ang kwarto!

'Anong nangyayari?!'

Sobrang dilim ng kwarto na ang makikita mo lang ay ang kung anong bagay na naabot ng liwanag ng maliit na lamparang nasa tabi ng kama na pinaghigaan nila!

"Anak, stay still. Baka matumba ka rin, Ako lang ang tatayo maliwanag?" bulong na utos nya rito na agad naman itong tumango at sumunod.

Huminga sya ng malalim bago muling sinubukang tumayo-- pero katulad nang nauna ay hindi agad nya nabalanse ang katawan dahilan para mapaupo sya sa lapag!

at ang sakit non sa pwetan!

"Bwiset" pabulong nyang daing!Agad nyang itinungkod ang dalawang kamay sa lapag upang makatayo-- munit agad syang nahinto nung maramdaman kung gaano kalamig ang lapag na 'yon!

at dahil sa kuryusudad ay yumuko sya at marahan iyong inamoy at base sa amoy nito..

"Nasa isang truck tayo?!" gulat nyang sigaw at dagliang napatayo!

Humawak sya ng mabuti sa higaan na ngayon nya lang napansing nakatali pala ito sa pader upang hindi gumalaw gayon din ang ibang bagay tulad ng upuan at side table na naaabot ng liwanag ng lampara!

"Mama.. A-Ano po yung truck?" napalingon sya sa anak niya!

"Isang napaka-laking sasakyan anak, P-Palagay ko sa isang truck tayo dinala ng k-kung sino man.." seryosong sagot nya habang pilit na inaaninag ang ibang parte ng kwarto o kung nasan man sila ngayon!

Kung may cellphone lang sana siya ngayon-- teka!tama!Ang cellphone nya!

nagkaroon sya nang pag asa nung maisip na may cellphone nga pala sya na nakatago sa side table ng kwarto nila-- munit parang bumagsak lahat ng pag asang 'yon nung makita nyang walang laman na kahit ano ang side table na 'yon!

'Putsa! Ano bang nangyayari?!'

Nag aalala na siya nang sobra hindi para sakanya kun'di para sa anak nyang natatakot ngayon.

inis siyang tumayo ng tuwid at kahit nahuhulog minsa'y hindi nya yon pinapansin hanggang sa makarating siya sa dulo kung saan hindi na naabot ng maliit na lamparang 'yon!

*TOK TOK TOK

malakas nyang pinokpok ang dulo ng kinalalagyan nila at malakas ang tunog nun na nag-echo sa buong kwarto!

Pero hindi nya 'yon pinagtuunan ny pansin at tinuloy tuloy ang pagpokpok hanggang sa mapagod sya at mapaupo nalang..

it seems nobody hear the sounds that she made!

"Mama? Mama nasan kana po? Huhu" daglian siyang napatingin sa kaniyang harapan at nakita nya si julia na naroon pa rin sa kinalalagyan nito kanina!

"Just stay there julia, I'll be there." mahinang sambit nya munit sakto na 'yon upang marinig ni julia dahil nag echo ang boses niya..

hindi nya alam kung gaano kalaki ang truck na 'to kung sakaling truck nga 'to, ang tanging alam nya lamang ay bukod sa kama, upuan at side table ay wala nang ibang gamit pa dito na maaring gamitin pampaingay.

at hindi rin nila magagawang buhatin ang mga bagay na meron dito dahil tulad ng sinabi niya kanina ay nakatali ang mga ito na para bang pinagplanuhan ito ng kung sino mang may pakana.

Ipinikit nya ng mariin ang kaniyang mga mata at ilang beses hiniling na sana panaginip na lamang ito tutal ay imposibleng mangyari to dahil mabilis siyang magising..

"Mama natatakot po ako.." naimulat nya ang kaniyang mga mata nung nagsalita muli si julia..

Napatango sya. Ako din Julia, natatakot ako para sa'yo..

Gusto nya mang sambitin kung anong sinasabi ng isip nya ay pinipigilan naman siya ng kaniyang puso dahil ayaw nyang mas lalong matakot si julia!

agad syang tumayo at parang may sarili ang kaniyang katawan na magbalanse dahil hindi na sya nahuhulog o natutumba..

munit bago pa man sya makapunta sa kaniyang anak ay bigla syang nakaamoy ng weird na amoy at nung tignan nya si julia ay nakita nya ang isang kulay grey na usok!

"Bwiset! Julia!! Cover your nose!!" agad nyang utos munit huli na yata ang lahat dahil unti-unti syang napaupo habang nakatingin sa anak nyang unti-unti ring napahiga..

Please, somebody save us??!!

HUMINGA NG MALALIM si khirony bago bumaba sa sasakyan-- nagdadalawang isip pa siya kung tutuloy ba siya o hindi pero bago pa man siya makapag pasya ay tumunog ang telepono nya!

from: Chupapi rozzen

' Meet me at my house, i'll wait you there.'

khirony just take a deep breath.

To: Chupapi rozzen.

' Ang dami mo nang utang sa'kin buddy, Dapat may interest to e pero dahil chupapi ka sige free nalang basta kiss ko mamaya (• 3 -) '

message sent!

Itinago nya na ang telepono atsaka sinuot ang mask na ang mga mata nya lamang ang nakikita bago tumuloy papunta sa likod ng sasakyan nya..

ilang beses muna syang kumuha ng hangin bago kunin ang susi sa bulsa at iunlock ang lock non, at pagkabukas na pagkabukas ng likuran ng truck ay sobrang tahimik na..

maliwanag na munit hindi pa rin makikita ang dulo ng truck na 'to dahil sa sobrang laki at lawak nito kung kaya wala syang choice kung hindi ang pumasok sa loob at icheck ang mag ina kun'di talaga ay lagot sya kay rozzen at maaring ma-flying kick sya nito!

'Masasayang ang gwapo kong mukha kapag ganon! No way!'

sabi nya at hinawakan ang makinis at gwapo nyang mukha!

"Ha! Sobrang gwapo ko talaga!" nakangising sabi nya at nagpatuloy na sa paglalakad munit bago pa man sya makapuntang dulo ay bigla syang makarinig ng mga hakbang kung kaya't napatigil sya sandali, pero huli na ang lahat!!

DAHIL BIGLANG NAGDILIM ANG PANINGIN NYA NUNG MARAMDAMANG MAY HUMAMPAS SA BATOK NYA!

dahilan para bumagsak sya at bago pa man sya mawalan ng malay ay narinig nya ang boses ng mag-ina !

"Mama hindi naman po sya mamamatay agad dipo ba?"

"Tsk, kung nakakamatay lang sana ang pagbatok na 'yon.."

at pagtapos non ay nawalan na sya ng malay!!

NAGISING SI KHIRONY nung maramdaman ang mahinang pagtapik ng kung sino munit wala man lang siyang makita na kahit ano-- at nalaman nya nalang na nakatakip pala ang nga mata nya nung sinubukan nya itong imulat munit hindi nya kaya!

'damn! what the fuck is happened?'

pinakiramdaman nya ang paligid at dahil isa siyang bampira-- triple ang pakiramdam nya kesa sa normal na tao.

*Sniff sniff

Inamoy nya ang paligid at dahil nga hindi sya normal na tao ay nahulaan nya na agad kung nasaan siya nang hindi nakikita ang paligid..

"Oh god! Don't tell me nandito ako sa loob ng truck?!" gulat niyang tanong sa sarili munit umiling sya ng umiling! "Imposible haha, Sobrang imposible.. Ako pa? Maiisahan? Sobrang talino ko at sobra pang gwapo" umiling iling nyang sabi na wari'y natatawa pa munit..

bigla niyang naalala ang nangyari kanina!

'Wtf? are you for serious author?! natalo talaga ako ng isang hamak na tao?!'

Sinubukan nyang igalaw ang kamay at paa niya munit wari'y nakatali ang mga ito sa inuupuan nya-- at dahil isa syang matalinong gwapo ay hindi sya sumuko!

Pinahaba nya ang kaniyang mga kuko at iyon ang ginamit upang tanggalin ang kung ano mang naka tali sakaniyang mga kamay-- walang pakelam kahit matusok ng mga ito ang kaniyang sariling kamay! Basta lang ay matanggal ito sakaniya dahil..

kawawa ang magandang balat ko!

Ilang minuto lang ang itinagal non at tuluyan nya na ngang matanggal ang nakatali sa kamay niya. Sinunod nya naman ang nakatakip sa mga mata nya, buti nalang at hindi ganon kahigpit dahil talagang kawawa ang maganda nyang balat! *Sigh!

tumayo sya ng tuwid nung natapos nya nang tanggalin lahat ng nakatali sa buong katawan nya-- at dahil hindi nga sya isang normal na pips nakakakita sya sa dilim.

Chineck nya ang loob at pati na rin ang sarili nya at buti nalang!Buti nalang ay walang nagsamantala ng kagwapuhan nya.

Oo.

Iyon ang inaalala niya!!

"Dang it! Lagot ako nito!" sabi nya nung maalala ang dapat nya sanang gawin kung hindi lang siya naisahan--

teka..

Uulitin ko ha?

Hindi siya isang normal na tao.

pero..

Naisahan sya ng tao.

Anong tawag sakaniya ngayon?

Eh, di gwapong nagkakamali din XD

kinapa nya ang mga bulsa para tignan kung may nawala sakaniya at hindi nga sya nagkakamali..

may nawala sakaniya at iyong pinaka mahalaga pa talaga!!

At iyon ang cellphone nya!

"Ano ba namang araw to oh, Pano ko na ipapakita ang kagwapuhan ko sa mga babaeng humuhumaling sa'kin? Hayts" napailing iling nalang sya na para bang iyon ang pinaka malaking problemang dumating sa buhay nya kahit sa totoo lang..

Ay hindi naman.

OA lang talaga syang magreact-- ay wait? Over reActing lang syang magreact? Well, Nevermind.

"Khirony!" Napalingon sya sa tumawag sakaniya at nung mapagtanto kung sino iyon..

ay iniisip nya na ang mga magagandang alaala ng buhay nya dahil matatapos na 'to ngayon!

'Oh god! Please! Sana hindi bad mood 'tong kaibigan ko!'

napalunok siya atsaka tinignan ang paligid kung may pagtatakbuhan o pagtataguan nga ba siya-- munit huli na ang lahat.

"Where are they?" pormal man ang boses nito at hindi boses galit ay kinakabahan pa rin siya!

Ngumiti sya ng pilit dito 'tsaka lumapit at inakbayan ito!

'Masyado kang gwapo para mamatay ng maaga!'

"Bud? Ang ganda ng araw no'? Tara swimming tayo hehe--"

tumigil si rozzen dahilan para mapatigil rin siya-- at iyon na nga ang nakakatakot nitong tingin!

"Nasan sila?" seryoso na nitong tingin dahilan din para bumitiw sya sa pagkaka-akbay at kunwarenh kumamot sa batok.

"A-Ah? Hahaha sinong sila?" kinakabahan nya pa kunwareng tanong!

mas tumalim ang mga mata nito dahilan para mapaayos sya ng upo at ngumuso!

Kapag kasi ganito na ang mukha ni rozzen-- kaylangan mo na ring magseryoso kung ayaw mong mawalan ng gwapong mukha!

like damn man!

I'm sure he can do it!!

"Buddy.. They lost." pinatatag niya ang kaniyang boses.

Kunot noong umiwas ng tingin ang kaniyang kaibigan at nagtatakang ibinalik nito ang tingin sakaniya.

"What?" parang nabibinging tanong nito sakaniya!

Huminga muna sya ng malalim. "They lost, I lost them. Nakawala sila buddy" seryoso nyang sagot munit hindi makapaniwalang tumingin ito sakaniya kaya bago ito magtanong ay inunahan nya na! " I was about to check them because they're making sounds so i thought they need something or they're hungry! Then when i opened the truck's door and i entered here, no one's here like-- parang walang tao talaga buddy! Then suddenly someone attack me from behind and after a second-- boogsh! I fell in the ground! Like seriously buddy, I don't know how.. Hindi ko nga namalayang nasa likod lang sila" tuloy tuloy nyang kwento munit nanatiling 'di makapaniwalang nakatingin ito sakaniya!Kaya bumuntong hininga sya at uumpisahan sana ulit magsalita kaso..

"Do you know where are we now?" seryosong nitong tanong.

sya naman ang kumunot ang noo. "Ofcourse, we're at--" holy sh*t!" napamura nalang siya nung marealize nya kung anong ipinapahiwatig ng kaibigan nya!

" Yeah, Now.. Where are they now?" biglang naging tunog nag-aalala si rozzen dahilan para kahit sa ganitong sitwasyon ay napagtanto niyang mayroon nga talagang kakaiba sa babaeng iyon.

Dahil mismo ang kaibigan nyang dapat pinatira nya nalang sa volcano dahil sa sobrang kalamigan ay narito sa harapan nya, Nag aalala sa dalawang babaeng sandali man niyang nakilala ay kung mag-alala siya ay parang mag ina niya iyon.

Now, Alam ko na nga talagang kakaiba sya dahil  ramdam kong mababaliw sakaniya ang kaibigan ko.

MAGKAHAWAK KAMAY na naglalakad sina shakira kasama ang anak niyang si julia sa kagubatang hindi nya matukoy kung saan.

hindi man niya alam kung saan ang destinasyon nila'y patuloy pa rin silang naglalakad-- naghahangad na sana'y mayroong dumaan na kahit sinong maaring tumulong sakanila..

Munit mag gagabi na lahat lahat ay wala ni anino ng taong dumaraan sa kagubatan.

"Mama? Pahinga na po tayo,pagod na po kasi ako.." tumigil sya sa paglalakad at agad bumaling sa anak niyang nakayuko na at halata ang pagod sa itsura.

napabuntong hininga siya at napakagat sa sariling labi-- iniisip kung anong dapat gawin.

Bawal silang huminto rito dahil kaylangan na nilang makaalis sa kagubatan dahil nagdidilim na rin.

"Anak, konting tiis nalang hmm? Malapit na tayo." pakikipagusap nya dito na walang magawa kun'di ang tumango nalang din.

nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa may narinig syang lagasgas ng tubig mula sa kalayuan dahilan para magkaroon sya ng panibagong lakas!

'Nahuhulaan ko na kung saan iyon.. Sana ay doon iyon.'

matiim na panalangin niya sa kaniyang isip bago tinahak ang daan kung saan naririnig nya ang lagasgas ng tubig, at nung naroon na sila'y agad nagliwanag ang mukha niya nung makitang tama nga siya!

Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang batis na dati at hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin siya sa ganda nito!

"Wow ang ganda po.." manghang sabi ng anak niya na ngayon ay bumitaw sa pagkakahawak sakaniya at naglakad papalapit sa batis na iyon habang siya ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan..

inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng batis na iyon, malaking parte ng utak niyang nagsasabing iyon nga ang talon ng Pasagjan na dati na rin niyang napuntahan na hindi nya na maalala pa habang ang ibang parte naman ay tumatanggi.

"Mama ang ganda po dito!" masayang sabi ni julia habang nakayuko at nilalaro ang tubig mula sa batis na iyon.

agad naman siyang lumapit at umupo sa batong nasa gilid ng talon.

"Mhm." tangong sagot niya 'tsaka pinagmasdan si julia habang masayang iniikot ang kamay sa tubig.

" Kuya rozzen, can you please shut up for a while?"

" look, i'm sorry okay? h-hindi ko alam na ayaw mo ng maingay. I though you're just shy so i---" she cut his words

" it's okay kuya rozzen, you don't need to say sorry. "

napahawak siya sa ulo niya nung bigla itong kumirot at bigla niya ring narinig ang mga boses na iyon!

kunot noong natulala siya sa kung saan at nirerewind kung anong biglang naalala ng utak niya..

'K-Kuya rozzen?'

takang tanong niya..

teka, parang pamilyar iyon ah?

inangat niya ang kaniyang tingin at saktong tumigil iyon sa gilid ng talon kung saan mayroong mga upuan!

kuya rozzen?

rozzen..

rozz--

Nanlaki ang kaniyang mga mata nung marealize kung sino ang rozzen na iyon!!

'Bwiset.. It cannot be!'

Para siyang natakasan ng sariling kaluluwa dahil sa naisip niya!

hindi talaga iyon maari.. dahil..

'Pano naging ganito? Paanong nagtagpo muli ang landas naming dalawa?'

Ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya..

Ang unang lalaking unang nagpatigil ng lupang kinatatayuan niya..

Ang unang lalaking hinayaan niyang makitulog sa bahay nila..

At ang unang lalaking pinagkatiwalaan niyang bantayan sila ay ang lalaking..

'I-Ibig sabihin, Ang lalaking noon ko nakilala at ang lalaking iyon... Ay iisa?'

Kaya pala ganon nalang kapamilyar ang mukha nito nung una silang nagkakilala.

Kaya pala bumilis muli ang puso niya dahil iyon na pala ang pangalawa nilang pagkikita!!

pero bakit..

bakit tila hindi sya nito maalala?

Tadhana ba ang nagplano ng muli nilang pagkikita o sila mismo ang nagpasya at nagplano nun?

at sa tanong iyon ay mas lalo siyang naguluhan!

Inisip niyang muli ang mga araw na nakasama niya ang lalaki..

Ang mga ngiti..

Ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig..

Ang mga text na nagpatulog sa'kin..

at ang mga..

Nilingon niya si julia na naglalaro pa rin ng tubig!

Ang mga pag tulong niya..

bakit? bakit niya kaylangang tulungan silang dalawa kung sa una palang ay mag stranger sila?

tuwing titingin sya sa mga mata nito'y wala siyang makita kung hindi ang 'tinulungan nyo ako kung kaya't tutulungan ko rin kayo.' kaya hindi nya kaylanman naisip na ito iyon, ang lalaking nagpatibok ng puso niya noong bata pa siya!

Siguradong sigurado siyang hindi siya nito maalala dahil kung naalala siya nito, bakit hindi nya sinabi?

nakaramdam siya ng matinding panlulumo.

'Bakit niya pa kaylangang tumulong kung hindi nya naman ako maalala?'

dahil sa isip niya ay nawala ang kaninang naramdaman nyang pagkamangha sa talong nasa harapan niya..

at ang tanging naramdaman niya na lamang ay ang panlulumo.

panlulumong hindi nya alam kung galing ba sa naisip niyang hindi sya nito matandaan o panglulumo dahil hindi pa rin sila makauwi munit natagpuan niya ang batis kung saan naalala niya ang isang mahalagang bagay-- alinman don ay hindi niya matatanggi ang panlulumo.

"Mama? Dito nalang po tayo tumira!" muli siyang nabalik sa reyalidad at napatingin sa anak niya na halata ang kasiyahan sa mukha!

'Kung sana'y hindi ko nalang naalala, siguradong masaya rin akong makapunta at makita ang talon na ito.'

nakangiting umiling siya sa kaniyang anak at hinawakan ang shoulder nito.

"Anak bawal tayo dito, hm? Kasi ang lugar na ito ay tinitirahan ng mga bampira.." nakangiting pagpapaliwanag niya munit nung marealize ang sinabi ay kusa siyang natigilan!

bampira...?

'sh*t!' 

Napatayo sya dahil sa sobrang kaba dahil sa naalala! Nakalimutan niyang ang kagubatang ito ay ang kagubatan ng mga bampira!

"Mama bakit p--" hindi na natapos ni julia ang sasabihin nung pareho silang natigilan nung marinig nila ang galaw ng mga puno na senyales na mayroong tao!

agad niyang hinawakan si julia ng mahigpit sa kamay at ipinalibot ang paningin!

Hindi niya namalayang SOBRANG DILIM na pala dahil sa sobrang pagkamangha!

'Bwiset! Bakit ba hindi ko agad naalala?!'

habang pinapagalitan ang sarili'y inililibot niya ang paningin sa buong lugar!

Nakaramdam sya ng matinding kaba nung marinig ang yapak mula sa likuran niya at bago pa man siya makalingon doon..

"WAAAAAHHHHH!!" sabay na tili ng mag ina!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login