Download App
50% STACY'S MAGICAL WORLD / Chapter 2: Chapter 2: Stacy Lee Gutierrez

Chapter 2: Chapter 2: Stacy Lee Gutierrez

Samantalang kasalukuyang nagpapaalam si Stacy sa kanyang Kuya na si Sandro na may sunod sunod na dumaang magagara at nag gagadanhang luxury cars sa kanilang harapan na agad namang pinapasok ng security guards, Nang biglang mag stop sa harapan nila ang isang napakagandang kulay asul na sports car ay lalong napanganga ang kanyang panganay na kapatid na si Kuya Sandro na agad nya namang sinundan ng tanaw, subalit di nya nakita kung sino ito at ano ang itsura ng sakay nito dahil tinted ang sasakyang ito.

"Grabe ang angas ng mga sasakyan, Napakaporma. Mukhang ibang level talaga ang mga nag aaral dito." sabi ng nakakatandang kapatid at bakas ang excitement sa mukha nito "O siya, mag i ingat ka at palagi kang tatawag samin ha, wag mong kalimutang mag update samin ng kalagayan mo dito." seryosong bilin ng kanyang kuya.

"Opo Kuya, Mamimiss ko talaga kayo Nina Lolo, Papa, at si bunso Reese." Emosyonal nya itong niyakap at nag paalam saka pumasok sa Campus

"Mag focus ka sa pag aaral ha, kung may magkamali lang na mag loko sayo, o apihin ka, eh tawagan mo ako agad ha." matapang na sabi nito.

"Naman Kuya, kung may mag kamali man, eh alam mo na mangyayari doon di hamak na likas na palaban ang mga Gutierrez!" sagot nya dito".

Siya si Stacy Lee Gutierrez, 17 years old mag e eighteen years old sa paparating na December 22. Achiever since grade school till highschool, Dark Brown ang kulay ng kanyang makapal at makintab na buhok matangos ang kanyang ilong, 5'5" ang taas, natural na mestiza, bilugan ang kulay tsokolate nyang mata at may balingkinitang pangangatawan. In short Natural at Likas syang Maganda.

Habang papalakad sa isang mahabang pasilyo at palinga lingang hinahanap kung nasaan ang building na pinaglalagyan ng Auditorium kung saan gaganapin ang Student Orientation ay pinagmamasdan nya ang paligid ng bago niyang paaralan napaka lawak at napaka ganda nito. Malayong malayo sa itsura ng kanyang dating iskuwelahan, nakikita dito ang karangyaan sa bawat sulok ng paaralan. Hindi naman nya napupuna na pinagmamasdan sya ng mga estudyanteng nagdadaan at nakatambay sa hallway. May Isang medyo chubby na babae ang lumapit sa kanya.

"Hi! I'm Emilaine, Freshman ka din diba?" nakangiting tanong sa kanya nito na agad nyang tinanguhan, napansin nya rin ang hawak nitong envelope na kulay dilaw. Isang palatandaan ito na siya ay nakabilang din sa mga bagong estudyante at First year din sa school na ito.

"Oo, hinahanap ko din ang Prudence Building kung nasaan ang Marie Antonette Auditorium. I'm Stacy Lee Gutierrez by the way!" nakangiting sagot nya dito.

"Thank God! Okay lang ba na sabay na tayong mag hanap?" tanong nito sa kanya, nginitian nya naman ito at agad na sinabing

"Sure"

Habang naglalakad sila nalaman nya na parehong kurso ang kanilang kinukuha at magkasama sila sa dorm. Kasama sa privilege nya bilang scholar ang mag stay sa Dorm ng University. Pero si Emilaine ang kanyang bagong kaibigan ay hindi katulad nyang Iskolar, paying student ito at obvious naman sa gamit nito at pananamit na nag mula ito sa mayamang pamilya.

Halos puno na ang Marie Antonette Auditorium ng mga estudyante nang makarating sila dito. May coding din na sinusunod upang malaman kung anong batch ang iyong kinabibilangan. Kung saan ang color yellow ay para sa mga First Year Student, Green naman sa Second Year at Blue para sa 3rd year at Red naman sa 4th year. Nang makarating sa designated seats for the Freshman ay agad na pinili ng dalawang dalaga ang bandang gitnang pwesto.

"Napansin mo ba na ang daming tumitingin sayo kanina pa, habang naglalakad tayo? bulong ng bagong kaibigan sa kanya.

"Sino ba ang hindi, eh saksakan ng ganda ang katabi mo." sabay silang napatingin sa kanilang likuran. Isang gwapo at nakangiting binata ang nagsabi nito. Katabi naman nito ay ang cute na morenong binata na di umimik at mukhang napaka seryoso.

"Hi mga Beautiful Miss! I'm Santino. Santi na lang for short, Ito naman si Paul" sabay siko sa lalaking katabi nya tiningnan at tipid na nginitian naman sila ng kasama nito.

Nagpakilala si Emilaine dito at sinunod naman syang ipakilala nito.

Naglahad ng palad ang binata upang makipag shake hands sa kanila agad naman nila itong tinanggap at nakipag handshake din dito.

"Mind if we join and sit beside you, guys? dagdag na tanong nito sa kanila.

Tingnan siya ni Emilaine kung papayag sya, tinanguan nya lamang ito bilang go signal na pumapayag sya.

Freshman din si Santi gwapo at mukhang me pagkapilyo at mukhang may konting pagka mahangin samantalang si Paul naman ay mukhang wala namang pakialam sa mundo. Nang makalipat ito sa tabi nila ay nag palitan sila ng mga tanong sa isat isa at nag kwentuhan, that time ay masayang masaya si Stacy dahil nakakilala sya ng mga bagong kaibigan.

----------------

"Hey lets go, the Orientation is about to start" pag aaya ni Drake sa mga kaibigan.

Kasalukuyang nakahiga sila sa mga bean bags at couch na nasa Varsity Hub at naglalaro ng NBA sa PS5 , sinundan nila ang kaibigang si Angelo pagtapos ma i check ang Varsity booth nila para sa Rave Party mamaya.

"Still in bad mood dude?" Tanong ni Matthew sa kaibigang si Angelo

Hindi padin ito sumagot.

"Man, Pull yourself together, its not so bad after all." dagdag na sabi nito.

"Lets not talk about it." Sagot nya sa kaibigan. Sa isip nya everything is settled wala syang choice but to do it.

Ang pinaka ayaw nya ay yung pinipilit sya.

"Pre, think about it aside from being too loud sobrang ganda din naman ni Savannah, Plus obviously she likes you. and also its just a date" saad ni Xander

"Shut up!, Sinabi ko ng ayaw ko ng pag usapan eh!" sagot nya dito at agad na tumayo.

" Lets go! You should'nt be late for the Orientation, Isa ka sa mga batch representatives. yaya ng kaibigan.

Batch Representative si Angelo ng 3rd year at Team Captain naman sya ng Basket Ball Team sa Grand Hills University pag aari ang school na ito ng kanyang pamilya. Everytime na mag start ang School Year, ay Ini introduce ang bawat sports teams, and other clubs sa mga bagong mag aaral.

" Oo nga pala, Bakit hindi mo kasama si Santi?" tanong ni Xander kay Angelo, habang naglalakad silang magbabarkada papuntang Auditorium.

"He wants to explore the school daw, and me to pretend that I dont know him" sagot nya dito na agad na pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan.

Meanwhile nag simula ng magbigay ng Welcoming Message Si Mr. Sergio Edgar Prudante ang Head Master ng kanilang paaralan. Seryoso namang nakikinig gaya ng ibang mga estudyante ang bagong magka kaibigang sina Emilaine, Stacy, Paul and Santi. Isa isa ng pinapakilala at Introduce ang bawat Clubs ng Paaralan Kasunod naman niyon ay ang Pagpapakilala sa Mga Batch Representatives.

Kasalukuyang nag sasasalita Ang First year representative na, Nasi Candace Grace Romero.

"Welcome again and Welcome to College Program and were looking forward for a meaningful year for all of us". Nakangiting pagtatapos ng speech ng dalaga at agad namang pinakilala ng emcee ang Second Year Representative na si Walter "Walt" Whitman na nag bigay din ng isang makabuluhang mensahe para sa mga mag aaral, sa pagtatapos ng speech naman nito ay kabi kabila na ang bulong bulongan ng mga estudyante. Karamihan dito ang mga kababaihan. Sa front seat nila ay nakita nyang nagbubulungan ang mga estudyante.

"Ayan na sya!!!" Kinikilig na hampas nito sa katabi. "Finally, makikita ko na din sya sa personal." sagot naman ng babaeng kausap nito. Nagtataka syang tumingin kay Emilaine at pati sya ay nagulat na excited na din ang kaibigan na nakatingin sa Stage. Marahang Kinalabit nya ito. "Whats going on? Why everyone is buzzing?" takang tanong nya dito. Takang napatingin sa kanya ang mga bagong kaibigan, Napakalawak naman ng ngiti sa mukha ni Santi ng marinig ang tanong nya kay Emilaine.

Nagsimulang tumugtog ang school band ng ipakilala ng emcee ang third year batch representative, nagsimula namang mag chant ng cheer ang mga cheerleaders sa harap.

"Our School Pride, Straight "A's" student, 3 times MVP and Gold Medalist in National Swimming Team, Angelo Constantine Hernandez." Proud na pagpapakilala ng emcee sa binata.

Nang umakyat sa stage ang binata ay mas malakas lalo ang naging sigawan ng nasa paligid. Kilala nga ang pangalan ng binata sa larangan ng Sports ngunit hindi pa nya ito nakikita kahit sikat at kadalasang pinapakita ito sa tv sapagkat busy at tutok sya sa pag aaral. For the first time nakita nya ang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa personal, Napakataas at well built ang katawan nito may pagka moreno din ito, napakaganda ng mata at ng kumaway ito at ngumiti ay lumabas ang dalawang napaka lalim nitong dimples sa magkabilang pisngi. May ilang sandaling napako ang mga mata nya sa binata, nang biglang magsalita si Santi "Kamukha ko lang ano? Pero mas gwapo lang ako sa kanya" nakakalokong ngiti at sabi nito sa kanila ni Emilaine. Samantalang si Paul naman ay nagkibit balikat.

Emilaine and Stacy both rolled their eyes and laugh, Yes! me resemblance nga si Santi kay Angelo pero mas maputi ang bagong kaibigan kesa rito. Mas mukhang matangkad lang at malaki ang pangangatawan ng binatang si Angelo dahil atleta ito samantalang ang kaibigan naman ay sakto lang pero hindi naman talaga nagkakalayo ang kanilang itsura. Natawa din ang binatang si Santi ng makita na natawa sa kanya ang dalawang kaibigan.

"Ill be seeing you guys around, and for sure well be having a blast this year. Lets enjoy our days here in our School" Angelo ends his speech with a broad smile and wave to the crowd. Nakita naman ng binata ang kanyang kapatid sa crowd na may kinakausap ito at masayang nakiki pagtawanan. Siguro ito ang mga bago nitong kaibigan, pansamantalang na agaw ang pansin nya ng mapatingin sa isang dalagang kinakausap ng kapatid. Na agad na naputol dahil nakita nya ang dalagang si Savannah.

Habang bumababa ng stage ay nag tilian uli at sinisigaw naman ng mga cheerleaders sa pangunguna ng kanilang Cheer Captain na si Savannah ang pangalan niya. Dali dali naman itong sumalubong sa kanya.

"Hi! Angelo!" Malambing na bati nito sa kanya. She was wearing a a cheerleader uniform at sa likod ng jacket nito ay may nakalagay na GHU Cheer Captain. Totoong maganda ang dalaga sa katunayan halos lahat ng nasa varsity player ay kilala ito. Pero hindi nya din alam bakit walang dating sa kanya ang dalaga.

"Hello!" tipid na sagot nya dito. Magsasalita pa sana ito ng agad syang nag paalam.

"See you later at the event!" pahabol na sigaw nito sa kanya.

Agad syang pumunta sa kinaroonan ng mga kaibigan "As usual, Attention grabbing ka na naman Dre!" sabi ni Drake sa kanya.

"Tara na, lets not waste our effin' time here."nagmamadaling yaya naman ni Xander.

"We still have time to rest, Sino ba mag babantay mamaya sa booth?" tanong ni Matthew. "And you, you need to prepare for the Main Event!" sabi nman ni Drake at palihim na ngumiti sa tatlong kaibigan.

"Let the rookies, man our booth." sagot ni Xander. (Rookies ang tawag sa mga baguhang member ng team nila sa Basketball.)

Nang matapos na din magsalita ang Fourth Year Batch Representative, at muling umakyat na uli ang Emcee sa stage para mag salita

"As we end our program here, Id like to formally announce that the booths and stalls are now open, And hope to see you for our Traditional Mystery Dating Game later tonight. See you at the field." pagtatapos nito sa Orientation.

Excited naman na nag palakpakan at nag simula ng lumabas ang mga estudyante sa Auditorium.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login