Download App
78.26% US AND LOVE / Chapter 18: Monkey

Chapter 18: Monkey

Inihatid niya si Tammi hanggang sa bahay nito dahil ang dami nitong dala. Ng makita siya ng Tatay nito ay agad siya inimbitahan na doon kumain. Tatanggi pa sana siya pero hinatak siya ni Tammi papunta sa loob. Tuwang-tuwa ang Mama nito ng makita siya. Nagmano naman siya dito. Nilagyan siya ni Tammi ng plato sa mesa at magkatabi sila kumain.

"Ginabi na kayo ah. Hinintay niyo ba ito si Tammi?" tanong ng Tatay nito, tumango siya

"Opo. Wala po kasi kaming assignment bukas kaya naisip namin na manood ng practice game nila Tammi kanina." aniya, tumango naman ito

"Kumusta naman ang laro niya?" tanong nito

"Okay naman po considering na dalawa lang sila na experienced dun sa team nila." aniya. Tahimik lang si Tammi na pinakikinggan ang kwento niya .

"Bakit hinati sila?" tanong ni Tommy

"Opo Kuya. Seniors vs. Juniors." sagot niya

"Ilan ang score niyo Tam?" tanong nito sa tahimik na kapatid

"90 - 86 kuya." anito

"Apat lang pala ang lamang." anito "Bakit hindi mo pa tinodo." dagdag pa

"Ang hirap kaya." anito "Saka dalawa lang kami na gumagawa ng score. Nung first half lamang pa kami. Kaso hindi ko nasustain." sagot niya na medyo may lungkot sa tinig nito.

"Okay lang yan. Kasama yan sa challenges na haharapin mo kung gusto mo maging captain balang araw." ani ng Tatay niya

"Ikaw Stan ayaw mo ba mag-varsity?" tanong ng nanay nito. Umiling siya

"Okay na po ako na marunong maglaro. Wala po ako planong maging athlete." aniya. Natawa ang Tatay ni Tammi

"Oo ijoh wag na." anito "Baka lalong wala pumansin dito sa anak kong unggoy ha ha ha ha." tawa nito, bahagyang naasar si Tammi

"Si papa naman eh." anito, tumawa siya UNGGOY NG BUHAY KO aniya sa sarili tumingin sa kanya si Tammi "Anong nakakatawa?" tanong nito na namumula ang mukha sa hiya

"Wala." aniya, lalo itong naasar

"Si papa kasi." anito sabay simangot

"Ay binibiro lang ng Papa eh. Bawal ka na bang biruin sa harap ni Stan?" tanong ng Mama nito

"Nakakahiya kaya." anito sabay tingin kay Stan, tumawa ang Tatay at Kuya nito

"Yun oh binata na siya." ani Tommy

"Marunong na mahiya. Di ka pa nga tuli." pang-aasar pa ng Tatay nito

"Papa talaga. Tuli na ako. Ikaw pa nga kasama ko nung nagpatuli ako." anito saka tumingin kay Stan na nagpipigil ng tawa, pulang-pula na siya sa hiya

"Tama na yan kayo. Kumain na at ng makatulog ng maaga." ani ng Mama nito "Dito ka na matulog Stan." alok nito

"Naku huwag na po. Maaga pa naman." aniya.

"Asus parang bahay mo na rin naman ito. May damit naman diyan si Tammi yun na lang muna ang isuot mo." anito. Napatingin siya sa Tatay ni Tammi, tumango ito na sumasang-ayon sa Mama ni Tammi.

"Oo tapos laro tayo ng Ps4 tamang-tama may bagong install ako na laro." ani Tommy. Tumingin siya kay Tammi na walang reaksiyon.

"Nakakahiya naman po. Lagi na lang ako natutulog dito sa inyo." aniya,

"Pwede din naman ihatid ka ni Tammi tapos doon na siya matulog sa inyo. Kasi gabi na baka mapaano pa kayo." ani ng Tatay nito, napatingin si Tammi sa tatay nito at sa kanya.

"Ano?" tanong nito sa kanya. Kinabahan siya. Tumango siya.

"Sige po. Dito na lang po ako matutulog." aniya kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya at pasulyap na tiningnan ang kwarto ni Tammi.

Pagkatapos kumain ay hinugasan agad ni Tammi ang mga pinggan. Siya naman ay nagpunas hapag kainan. Pagkatapos ay ipinasok niya ang gamit niya at ni Tammi sa loob ng silid nito. Inayos niya ang sapatos nito sa lalagyan at ang labahin na damit nito ay inilagay niya sa laundry net pati ang towel na ipinunas nito sa katawan kanina. Maya-maya ay pumasok si Tammi sa silid. Kinuhaan siya nito ng damit na pang-tulog. Ternong Pajama ang binigay nito sa kanya. Kumuha din ito ng brief mula sa isang lalagyan.

"Hindi ko pa to nagagamit kasi medyo maliit sa akin. Isukat mo baka kasya sayo." anito. Kinuha naman niya yon at binigyan siya nito ng towel. Nagtungo na siya sa banyo para maligo.

Sinundan niya ng tingin si Stan. Kumuha din siya ng damit niya at naupo sa gilid ng higaan. Ang sakit ng katawan niya. Binalikan niya ang mga sinabi ni Blake kanina sa daan. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Ngunit bakit hindi siya masaya. Ito ang matagal na niyang pangarap ang mapansin siya ni Blake. Ang kanyang ultimate crush. Pero bakit ngayon na nangyari na, para bang hindi na niya mahagilap sa sarili ang excitement at tuwa. Bagkus ay natatakot siya na baka ito ang maging dahilan ng pag- iwas ni Stan sa kanya. Bumuntong hininga siya. MASYADO NA AKONG ATTACHED KAY STAN. KUNG IIWAS SIYA SA AKIN BAKA HINDI KO KAYANIN aniya sa isip. Saka humiga sa kama at tumitig sa ceiling. Pagod na pagod talaga siya.

Mga ilang minuto din siyang nakatitig sa ceiling ng maya-maya ay pumasok si Stan sa silid niya nagpupunas ito ng buhok. Bumangon siya at kinuha ang towel dito. Halatang nagtaka ito pero hindi niya pinansin. Nais niyang maligo. Nais niyang madampian ng tubig ang pagod niyang katawan at gusto niya mag-isip. Confused na confused na siya. Pumasok siya sa banyo at binuksan ang shower. Hinayaan niya na bumuhos ang patak nito sa hubad niyang katawan. I SHOULD BE HAPPY. RIGHT? FINALLY BLAKE IS INTERESTED WITH ME aniya sa isip BUT BECAUSE BLAKE SHOWS INTEREST IN ME. I MAY LOSE STAN bumuntong-hininga siya I CAN'T LOSE HIM. I JUST CAN'T aniya sa isip at muling ipinikit ang mata at binalikan ang nangyari sa ilog kanina. The way Stan looked at him. The way he reacted nung sinabi niya na wala na siyang feelings para kay Jenny. Kung paanong tinanggap nito ang paliwanag niya kung bakit siya pumayag na maging partner ni Jenny. That hug. That kiss. I KNOW THERE IS SOMETHING IN THERE. I WANT TO TALK ABOUT IT BUT HOW SHOULD I START? aniya at naupo habang nakatapat sa shower.

Isinuot niya ang damit na pinahiram ni Tammi. Nagtataka pa din siya kung bakit hindi na kumuha ng bagong towel ito. Last time kasi magkaibang towel ang gamit nila. Bumuntong-hininga siya ARE WE REALLY THIS INTIMATE? aniya sa isip. Naupo siya sa gilid ng kama. Maya-maya ay tinawag siya ni Tommy. May bago nga itong game sa Ps4 nila.

"Fifa?" aniya ng makita ang nasa screen, tumango it

"Yeah. First time ko siya lalaruin." anito "Game on?" hamon nito, ngumiti siya at naupo sa sofa. Naupo naman ito sa carpet ng sahig at tumabi sa kanya at ipinatong ang isang braso sa hita niya habang pumipili sila ng kani-kaniyang characters. Mabilis siyang natapos sa pagselect ng players niya. Habang si Tommy ay hindi makadecide sa mga players niya. Tumingin ito sa kanya

"Ganito ba talaga kahirap pumili?" anito sa kanya, nagkibit-balikat lang siya,binalik nito ang tingin sa TV "Maiba ako Stan." anito

"Uhm?" aniya

"May girlfriend na ba si Tammi?" tanong nito, bahagya siyang natigilan

"Bakit?" tanong niya

"He's acting odd lately." anito "Parang mas OA na siya ngayon sa Hygiene niya unlike before and mas concious na siya." dagdag pa,

"Ang alam ko wala siyang girlfried. Lagi kaming magkasama pero wala naman siya ipinapakilala sa akin." aniya saka uminom ng tubig na nasa lamesita, tumango ito

"Boyfriend?" sunod na tanong nito, nasamid siya sa sinabi nito buti na lang at hindi niya ito nabugahan ng tubig "Okay ka lang?" anito, tumango siya

"Nagulat lang ako sa tanong mo." aniya, muling ibinaling nito ang tingin sa laro

"Well hindi naman yun imposible. Uso naman na yung ganon ngayon." anito, naramdaman niyang bahagyang uminit ang pisngi niya

"Paano mo nasabi?" aniya

"Well ganun naman talaga ngayon eh. Kung walang girlfriend malamang boyfriend di ba?" anito na bahagyang natatawa

"I don't think Tammi is - you know like that." aniya habang pinakikiramdaman ang ire-react nito, tumango ito

"Just thinking you know." anito "It's fine with me. I just, you know, I don't know if Papa will be okay with it." dagdag pa. Napalunok siya OH MY GOD DOES HE KNOW? ARE WE THAT OBVIOUS? tanong niya sa sarili

"Do you think Tammi is gay?" tanong niya. Umiling ito

"I don't think he is. But, as far as I know, may lahi sila Papa na, you know, so we sort of, open our mind to this and expect that one of us may or might become gay." sagot nito sa kanya na halatang skeptical sa sexuality ng kapatid "Atleast me, I know I am not. But Tammi I don't know." anito na naiiling. "Game na?" anito, tumango siya at inumpisahan nila ang laro.

Maya-maya ay naka-score siya

"Wow ang smooth nun ha." anito.

Ngumiti lang siya AKO PA BA? SI KUYA NGA HINDI AKO KAYA EH aniya sa isip. Favorite niya kasi ang videogame na ito. Naka-install ito both PC at sa Ps4 nila. At kapag umuuwi siya ng Maynila o ang kuya niya ang nauwi sa bayan nila. Lagi sila nagko-compete dito. Focus sila sa laro nakascore si Tommy. Tuwang-tuwa ito at napa-apir sa kanya. Tumabi pa ito lalo sa kanya na halos nakasandal na ito sa hita niya. Tuloy lang sila sa paglaro.

Siya namang paglabas ni Tammi sa banyo nakita niya si Tommy at Stan sa sala naglalaro sa Ps4. Nakasandal pa si Tommy sa hita ni Stan. Nakaramdam siya ng selos. Agad niya inilagay sa hanger ang tuwalya niya nagtungo sa dalawa.

"Yan na yung bago mong laro kuya?" tanong niya habang nakatayo sa may likod ni Stan

"Yup." sagot nito na hindi tumitingin sa kanya. Umikot siya sa likod ng sofa at naupo sa gitna nila Stan at Tommy. Napausog si Tommy para makaupo si Tammi sa gitna nilang dalqawa at sumandal na lamang ito sa sofa. Tinapunan niya ng makahulugang tingin si Stan na nagulat sa ginawa niya. Nagpatuloy sila sa paglalaro habang nanonood siya na inaaral ang laro

"Tam." ani Tommy

"Hmmm?" aniya

"Kumusta? balita ko sikat na sikat ka ngayon sa school after mo manalo ng Mr. Nutrition ah." anito, napangiti siya

"Okay lang. Sakto lang." aniya na naka-focus ang tingin sa laro

"Balita ko si Jenny palaging nakabuntot sayo ah. Mukhang may mapupuntahan ang paghihintay mo." anito. Nagkatinginan sila ni Stan. Alam din kasi ni Tommy na nangligaw ito noon kay Jenny at isa ito sa mga nagpayo sa kapatid na huwag na ituloy ang pangliligaw dito para hindi makasira sa team at sa laro niya.

"Hindi naman. Exagerated lang ang kwento sayo." aniya

"Eh si Blake?" anito sabay tingin sa kanya ng may halong pang-aasar "Balita ko tinawag ka daw na Honey sa harap ng meeting niyo last time ah." anito na may halong lambing sa salitang Honey. "Baka pwede mo ako i-enlighten bunso." dagdag pa nito at muling ibinaling ang tingin sa laro. Napatingin siya kay Stan na halatang hindi nagustohan ang narinig mula kay Tommy at masama ang tingin sa kanya WTF! aniya sa isip SARAP SIPAIN NI KUYA aniya sa isip

"Ewan ko dun." palusot niya sabay tingin kay Stan "Alam mo naman silang dalawa ni Lyka. Kapag may kailangan sa akin sweet sila." aniyang nagpapaliwanag habang nakatingin dito "Tapos kapag wala na sila kailangan sa akin, unggoy na ulit ang tawag nila sa akin." dagdag pa niya at inalis ang tingin dito. Naka-score ulit ang kuya niya. Tuwang-tuwa ito. Napangisi naman si Stan na halatang wala na sa focus at nababad trip na. Kinuha niya ang console sa kamay nito. Sinadya niyang mahawakan ang kamay ni Stan "Ako na sa 2nd half." aniya, inirapan siya nito at sumandal sa arm ng sofa palayo sa kanya.

"Okay." sagot ng kuya niya na walang kamalay-malay sa tension na namumuo sa dalawang kasama ng dahil sa pinagsasabi niya.

Nagtuloy-tuloy ang laro. Tahimik lang siyang nanonood ng laro ng dalawa. Nakabawi si Tammi at sunod-sunod na nanalo hanggang sa natalo si Tommy.

"Round 2." anito

"No can do." ani Tammi

"Round 2." pilit nito

"May training ako bukas ng maaga kuya." anito, tumingin ito sa kanya na parag nagpapakampi. Humarang si Tammi

"Good night kuya." anito saka tinapik siya nito para tumayo na

"Unfair mo naman eh." reklamo nito, tumawa si Tammi

"Bukas Friday kahit magdamag pa tayo maglaro." anito

"Bukas ha." anito. Tumango lang si Tammi at itinulak siya nito ng bahagya patungong kwarto. Sumunod naman siya at pagpasok sa silid ay diretsong nahiga patalikod sa binata. Nahiga naman ito sa tabi niya. Nabalot ng katahimikan ang paligid. Walang gustog magsalita sa kanilang dalawa. Ang daming tumatakbo sa isip niya. Ang mga tanong ni Kuya Tommy sa kaniya tungkol sa lovelife ni Tammi. Ang pag assume nito na posibleng may boyfriend si Tammi at ng sabihin nito na okay lang kung magka-boyfriend ito. Then there is this Blake calling him Honey like WTF! sigaw ng isip niya. Maya-maya ay naramdaman niyang yumakap si Tammi sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa may batok niya.

"Talk to me." bulong nito "Please." anito, hindi siya nagsalita pumikit lang siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kaya pinilit niyang manahimik. Dinampian nito ng halik ang batok niya. "I'm sorry." anito "Please talk to me." dagdag pa.

"Why? Why are you sorry?" tanong niya.

"I don't know." sagot nito habang nakasubsob sa batok niya. "Pero feeling ko kailangan ko mag-sorry kasi parang galit ka." dagdag pa.

"If it's about Blake. It's okay. Sweet talaga siya kahit sa akin. So I understand." aniya. Kinabig siya nito paharap. Tinitigan siya nito.

"Bakit tahimik ka? Saka bakit ang sama ng tingin mo sa akin kanina?" tanong nito.

"I'm just -" tumigil siya at naghahanap ng sasabihin

"Just what?" anito, tumingin siya sa mata nito. Kitang-kita sa mata nito ang pagkabahala. Inilapit niya ang mukha niya dito.

"Kiss me." aniya ng walang mahanap na sasabihin. Napakunot ang noo nito.

"Ha?" nagtatakang tanong nito

"Kiss me." ulit niya.

"Stan?" anito na may halong inis at lito

"Babe. Kiss me." aniya sa malambing na tinig. Napangisi ito.

"Babe?" ulit nito at hinawakan siya sa mukha "Did you just call me babe?" ulit nito. Ngumiti siya

"What? Si Blake nga tawag sayo Honey eh." aniya saka inirapan ito "Saka ikaw naman ang naunang tumawag sa akin ng Babe di ba?" dagdag pa niya. Ngumiti ito ng malapad

"So ano na tayo?" tanong nito sa kanya

"Ha?" aniya. Kinabahan siya.

"Ano na tayo?" ulit nito, nag isip siya at tumingin sa picture na nasa lamesa ni Tammi. I CAN'T SAY I LOVE YOU YET RIGHT?

"Friends." aniya. Nawala naman ang ngiti sa labi nito "Friends who love each other." dugtong niya. Binitawan nito ang mukha niya. Halatang nalungkot ito. Tumihaya ito at tumingin sa ceiling.

"I don't want to be just your friend Stan." anito. "Can we be more than that?" dagdag pa at tumingin sa kanya. Nagtama ang tingin nila.

"We can be brothers." aniya na may halong biro, napangisi ito.

"Brothers who kiss and hugged each other?" anito "Brothers who almost had sex? is that it?" dagdag pa. Tumahimik silang pareho.

"Then how?" tanong niya. "You know it is not easy to come out." aniya. Tumingin ito sa kanya

"We can keep it for now." anito "I can keep it a secret if I must." dagdag pa nito na punong-puno ng sincerity ang mga mata "I can do it for you. For us." anito. Unti-unting pumatak ang luha sa mata niya.

"Why? Why would you do that?" aniya. Hindi siya makahinga. Pakiramdam niya punong-puno ang dibdib niya. IS HE GOING TO SAY I LOVE YOU? aniya sa isip. Muli siyang hinawakan sa mukha ni Tammi at pinunasan ang luha sa mata niya.

"Because don't want to lose you." anito "I love you." Napanganga siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. FINALLY sigaw ng isip niya THE SWEETEST WORD THAT I WANT TO HEAR. Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. "Stan?" anito na halatang nag-aalala. Niyakap siya nito "Bakit ka umiiyak? May mali ba sa sinabi ko? Ayaw mo ba sa akin?" dagdag pa. Umiling siya at yumakap ng mahigpit kay Tammi at isinubsob ang mukha sa dibdib nito

"Can you say it again." aniya habang nakayakap dito

"Alin?" anito

"Because you what?" aniya. Hinaplos nito ang buhok niya at dinampian siya ng halik sa noo. Tumingin siyang muli sa mga mata nito

"I love you." anito. Kitang-kita ang sincerity sa mga mata nito na halatang totoo sa puso nito ang sinasabi niya. Ngumiti siya.

"I love you too Tammi." aniya. "And I don't want to lose you too." Nakita niyang ngumiti ito halatang tuwang-tuwa sa sinabi niya

"Ulitin mo nga." anito na hindi makapaniwala

"I love you my monkey." aniya na may halong biro. Natawa ito at kunyari naasar

"Monkey?" anito, tumango siya na nakangiti

'"Uhuh." aniya "Monkey." saka tumawa. Tumawa din ito at umibabaw sa kanya

"Then this Monkey will steal your heart and make you fall for me harder." anito saka siya ikinulong sa mainit na halik. Yumakap naman siya ng mahigpit dito. THIS IS IT? OR AM I STILL DREAMING? aniya sa isip. "Ang saya ko." anito at umunan sa dibdib niya "I can finally say you are mine." anito at pumikit "Good night babe." dagdag pa

"Good night." aniya saka sabay silang natulog ng may ngiti sa labi.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login