Download App
65.21% US AND LOVE / Chapter 15: Pictorial

Chapter 15: Pictorial

Nakaramdam ng bigat si Stan. Parang may nakadagan sa kanya. Pagdilat niya ay madilim na kwarto ang nakita niya at isang maliit na Night Lamp sa mesa. Nasa kwarto pa din siya ni Tammi. Hindi siya ginising nito para umuwi. Tiningnan niya ang oras sa relo niya 1:55 AM pa lang, bumuntong hininga siya. Ramdam niya na nakayakap sa kanya si Tammi. Tulad ng nakasanayan, wala itong damit na pang-itaas at naka-boxer naman ito sa baba. Pumihit siya patihaya dahil nangangalay na ang tagiliran niya. Nakawala siya ng bahagya sa yakap nito ngunit maya-maya ay naramdaman niya na yumakap itong muli at inilapit pa ng bahagya ang mukha sa kanya. Pinagmasdan ito, ang lalakeng laging laman ng isip niya. Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa mga mata nito at hinaplos ng isag daliri ang pisngi at ilong papunta sa mga labi nito. Naramdaman niya na may nanigas na bagay sa bandang hips niya.

"Stop it." bulong nito sa kanya, nagulat siya hindi niya akalaing nagising ito. Dumilat ito ng bahagya at dinampian siya ng halik sa labi "Sleep babe. I don't want to lose myself now." anito "Goodnight." dagdag pa at muling pumikit. BABE? AKO? BABE? sigaw ng isip niya habang gulat na nakatingin dito. NANANAGINIP BA ITO? tanong niya sa isip. Tumingin siya sa ceiling

"Babe." bulong niya at muling tumingin kay Tammi. Dinampian niya ito ng halik sa noo at isinubsob ang ulo niya sa buhok nito at unti-unting nakatulog.

10 AM

Busy sa pag aayos sila Lyka kay Tammi. Nakaready na ang damit nito para sa pictorial. Tinulungan nila si Tammi sa pagprepare nito kanina pagdating nila sa school. Sinuot ni Tammi ang napiling damit ni Stan. Tinulungan naman siya ni Blake na ayusin ang buhok niya. Si Stan naman ang tumutulong sa mga photographer na i-set up ang mga gamit nila. Panaka-naka ay napapalingon siya kay Tammi na inaayusan ni Lyka at Blake. Nagtatama ang tingin nila paminsan-minsan pero binabawi naman niya agad. Naalala niya na tinawag siyang "Babe" nito kagabi, napangiti siya at napailing. Kinikilig pa din siya kapag naalala niya yun. Maya-maya ay pumasok si Jenny. Napakaganda nito sa suot na dress nagmukha itong Dyosa. Nakita niyang lahat ng tao sa loob ng room na iyon ay napatingin sa dalaga, pati si Tammi. Ng makita naman nito si Tammi ay agad na ngumiti at lumapit dito.

"Tammi. Ready ka na?" anito, nakita niyang nakatitig si Tammi sa mukha ng dalaga, nanikip nanaman ang dibdib niya, nakita niyang tumango si Tammi at sumagot

"Oo, kailangan, someone made an effort for me." sagot nito at tumingin sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Jenny na nakatitig kay Tammi.

"Pero hindi pa siya tapos. So maybe you can sit there while we fix his hair." sabat ni Blake sabay turo sa mga upuan kung saan naghihintay ang mga contestant. Nagtungo naman doon ang dalaga. Nakahinga siya ng maluwag sa ginawa ni Blake. Nakita niyang tumingin sa kanya si Tammi at bahagyang ngumiti. Binawi niya ang tingin at napangiti. Bumalik ng tingin si Tammi kay Blake.

Napairap si Blake at humarap muli kay Tammi na nakatingin sa kanya,

"Well Honey." sabi niya sabay taas ng isang kilay "You are such a charming lover boy." dagdag pa saka dinuro ang noo nito, natawa ito

"Ano nangyari sayo?" tanong nito "Kagabi ka pa weird alam mo yun?" dagdag pa

"Bakit?" tanong niya

"Wala lang. Feeling ko lang parang naging sweet ka sa akin." anito, tumingin siya dito

"Don't you like it?" tanong niya, napanganga ito na halatang naguguluhan, hinaplos niya ang pisngi nito, "Just get used to it honey." dagdag pa saka ipinagpatuloy ang pag aayos ng buhok nito, nakatitig naman si Tammi sa kanya.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Blake. HONEY? ANO BANG IBIG NIYANG SABIHIN? aniya sa isip at tumingin kay Stan na busy sa pagtulong sa photographer at mga assistant nito. STAN tawag niya sa isip. Lumingon naman ito sa kanya. Nagtama ang tingin nila. Ngumiti siya at ngumiti din naman ito, bumilis nanaman ang tibok ng puso niya GUSTO KO NA ATA SIYA sabi niya sa isip habang nakatingin dito SA TINGIN KO NAMAN GUSTO MO DIN AKO EH dagdag pa saka bumalik sa alaala niya ang mga nangyari sa kanila nitong mga nakaraang araw, napangiti siya at muling tumingin kay Stan ng seryoso WE NEED TO TALK sabi niya sa isip.

"Okay you're done." ani Blake.

"Thanks" aniya. Tumayo siya agad at nagtungo sa kung saan nandoon ang mga contestant na lalake. Angat ang looks ni Tammi sa mga contestant. Iba talaga kapag may mga kaibigan kang marunong mag ayos. Isa-isang tinawag sila ng photographer. Partner by partner. Ng sila na ang tinawag ay napailing ang ibang contestant. Picture perfect kasi ang dalawa. Si Jenny ay parang Dyosa sa ganda at si Tammi naman ay mala-Knight in shining armor naman sa kisig nito. May solo at pair by pair ang kinuhanan. Napapatiim-bagang na lamang si Stan habang kinukuhaan ng picture ang dalawa. Saktong 11:30 natapos ang pictorial nila. Nag uwian ang iba sa kanila pati si Jenny para makapagbihis at mabura ang make-up sa mukha. Si Tammi naman ay nagbihis sa Toilet kasama si Stan.

Bawat hinuhubad niyang damit na isinasampay niya sa pinto ng cubicle ay kinukuha ni Stan para ilagay sa travel hanger.

"Sa tingin mo, kaya ko kaya manalo?" tanong niya

"Kaya mo basta focus ka." sagot nito

"Lagi naman ako naka-focus." sagot niya saka sinara ang zipper ng pantalon niya at inayos ang belt "Sayo lang ako madalas mawala." aniya at isinuot ang polo na uniform nila.

"Whatever." sagot nito.

Lumabas siya ng cubicle nagtama ang tingin nila habang sinasara niya ang butones ng polo niya. Tumitig siya dito at lumapit

"It's true. Sayo lang ako madalas nawawala sa sarili." aniya habang nakatitig dito, napaatras ito habang nakatitig din sa mga mata niya hanggang napasandal ito sa may sink dun lang siya huminto at kinabig ang binata sa baywang palapit sa kanya "Tulad ngayon." aniya saka tumingin sa labi nito "Can I kiss you?" paalam niya, natatawa itong tinapik siya sa dibdib

"Baka may pumasok sa CR." anito, sabay tingin sa may pinto ng CR na hindi naka-lock at halatang kinakabahan, dinampian niya ito ng halik sa pisngi, tulad ng inaasahan niya hindi ito nagreact. Niyapos niya ito at siniil ng isang mabilis pero mainit na halik.

"Why can't I resist you?" bulong na tanong niya habang binibitawan ito

WHY CAN'T I STOP YOU? gusto ibalik na tanong ni Stan ngunit naumid ang dila niya. hinaplos ni Tammi ang mukha at labi niya at muling hinalikan, mga ilang minuto din yun bago siya mismo ang tumigil "Tama na Tammi baka may makakita pa sa atin dito." aniya, dinampian siya nito ng isa pang halik. Ramdam niyang ayaw pa nitong huminto pero tumunog na ang tiyan niya, hudyat na gutom na talaga siya, napangiti ito.

"Okay." anito "Ano tara na?" dagdag pa, tumango naman siya, kinuha niya ang mga nakahanger na damit. At sabay sila lumabas ng CR. Nagtungo sila sa kung saan nandoon sila Lyka at Blake. Si Blake ang naghanda ng kakainan nila though hindi sila nagbaon kasi wala nang time kanina kaya nag-volunteer si Blake na siya na magpapabili ng pagkain. Ngumiti ito ng makita sila.

"Ayun tara kain na tayo." anito, naupo naman sila sa mesa. Ang dami nilang pagkain mukhang nagpabili si Blake sa driver sa bayan kasi Jollibee ang nakalatag sa harap nila.

"Wow ang dami ha." pansin ni Tammi

"Syempre gutom ako eh." sagot ni Blake, natawa si Lyka

"Talaga ba beauty?" tanong nito "Oh maganda lang ang mood mo?" dagdag pa, ngumiti ng makahulugan si Blake at tumingin ito kay Tammi

"Yes, I'm happy." sagot nito saka bumalik ng tingin kay Lyka "I'm happy to realize things is bound to change."dagdag pa saka naupo na "Kain na tayo." anito, nagkatinginan si Stan at Tammi.

Nakaramdam ng kaba si Tammi at mukhang naramdaman din ito ni Stan dahil biglang nag iba ang reaksyon ng mukha nito. Naupo siya sa tabi nito at palihim na hinawakan ang kamay nito na nasa upuan at pinisil yun. Nakita niya na yumuko ito. Iniabot ni Blake ang paper plate kay Lyka at binigyan nito ng tig-isa si Tammy at Stan. Isang bucket ng chicken, Spaghetti platter, burger steak platter, large Coke float at sundae ang nasa harapan nila. Kumuha agad si Tammi ng chicken

"Favorite ko to spicy." anito napangiti si Stan at kumuha ng sauce at inilagay iyon sa may gitna nila ni Tammi "Ano sayo Stan?" tanong nito sa kanya

"Spicy." sagot nito, kinuhanan naman siya nito at inilagay sa plato niya

"Ikaw Lyka?" tanong kay Lyka

"Yung regular lang saka Spaghetti sa akin Tam please." sagot nito na nakangiti

"Pinangatawanan mo na talaga ang girly look ha." pansin ni Tammi, natawa ito

"Bagay naman di ba?" anito saka nag-smile sa kanya ng cute na cute, natawa si Stan at umiiling na pinagmasdan si Lyka na nagpapacute kay Tammi.

"Oo bagay kaso hindi ako sanay." sagot ni Tammi "Favorite ko pa din ang astig na Lyka." dagdag pa

"Well masanay ka na para happy tayo ha." anito, tumango lang si Tammi as defeat habang nakangiti saka lumingon kay Stan na nakangiting nakatingin kay Lyka. Lumingon siya kay Blake at nakita niya itong seryosong nakatingin kay Stan. Kinabahan nanaman siya

"Blake ikaw?" aniya, napatingin ito sa kanya "Ano gusto mo?" tanong niya

"Ikaw." sagot nito sa malambing na tinig, natigilan siya, napatingin naman si Stan sa kanila, "ang bahala." dagdag nito saka tiningnan siya mula ulo hanggang sa dibdib. Napatingin naman siya sa sarili, nakabukas ang pangalawang butones ng polo niya kaya kitang kita ang dibdib niya. Nakita niyang bumaba pa ang tingin ni Blake papunta sa kamay niya hanggang sa pagkain. "Ano gusto mo ipakain sa akin?" anito saka bumalik ng tingin sa mata niya, napalunok siya.

"Chicken and spaghetti na lang din gaya ni Lyka?" aniya at iniiwas ang tingin kay Blake. Ngumiting tumango naman ito. Nilagyan niya ito sa plato ng spaghetti at isang chicken

"I want spicy please." anito "Hot as you." dagdag pa, natawa siya at uminit na ang pisngi niya, kinuha niya yung unang chicken na nilagay niya at pinalitan ng spicy.

"Nagbablush ka Tam." pansin ni Lyka, napatingin siya dito

"Eto kasi si Blake pinagtitripan ako eh." aniya, tumawa si Blake saka nahihiyang tumingin kay Lyka

"Marupok si Tam noh?" anito kay Lyka natawa ito

"Marupok ba?" anito, bahagya siyang naasar sa dalawa

"Eh di wow." aniya "Marupok na kung marupok. Tigilan niyo na yang pangtitrip niyo ha." dagdag pa, nagtawanan ang dalawa

"Ayaw mo na ba sa akin Tam?" tanong ni Blake, napakunot ang noo niya.

"Ha?" aniya na naguguluhan sa tanong ni Blake at hindi din niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito ng hindi nao-offend. Humalakhak ito

"Baliw ka talaga Beauty." sambit ni Lyka habang tumatawa "Mamaya patulan ka niyan ni Tammi." dagdag pa nito sabay kindat kay Tammi, dinuro niya ng tinidor ang dalawa at pabirong sinabi

"Ako tigil-tigilan niyong dalawa ha, hindi kayo nakakatuwa." aniya at nagumpisa ng kumain

"I don't see anything wrong." sabi ni Stan "Ang ganda kaya ni Blake. Ikaw din wala ka pa kapartner sa JS Prom di ba?" anito sa tonong nagbibiro pero seryosong nakatingin sa kanya, naguluhan siya lalo

"Pati ba naman ikaw?" aniya, napangisi ito

"I'm just stating fact." anitong nakatawa at bumalik sa pagkain "Kumain na tayo." anito, natatawa pa rin na kumain na sila Blake.

"Speaking of JS Prom." ani Lyka "May kapartner ka na ba Stan?" tanong nito, napatingin sila kay Stan

"Si Blake." sagot nito, nawala ang ngiti nito sa labi saka tumingin kay Blake, na halatang nagulat sa sinabi ni Stan, napakunot ang noo ni Tammi

"Akala ko gusto mo makapartner ko si Blake?" aniya, napatingin sila kay Tammi maliban kay Stan na patuloy sa pagkain.

"Sabi ko lang maganda si Blake. Pero hindi ko sinabing siya ang makakapartner mo." sagot nito, naguluhan silang tatlo

"Oo, sabi mo nga kanina maganda si Blake at wala pang kapartner si Tammi sa JS Prom." ani Lyka, saka tumingin kay Tammi at Blake, "So we thought you want Blake to be partnered with Tammi." dagdag pa, umiling naman ito at tumingin kay Lyka

"I'm used to have Blake by my side, so, I assumed She will still stay by my side." anito saka tumingin kay Blake na halatang nagulat sa sinabi nito. Tumingin siya kay Blake, tumango ito

"Okay, mukhang ayaw naman sa akin ni Tam eh." ani Blake "I should be your partner." dagdag pa sabay tingin sa kanya saka bumalik sa pagkain. Tumahimik na silang lahat. Tumingin siya kay Lyka halatang nalungkot ito. Nakaramdam din siya ng lungkot. Hindi talaga niya makuha ang iniisip ng binata. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan nito ang feelings niya? Tumingin siya kay Stan tumingin din ito sa kanya pero agad din namang bumawi ng tingin. Nakaramdam siya ng inis pero hindi niya pinahalata at nagpatuloy sa pagkain.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login