×××
Nandito ako ngayon sa convenient store may balak lang na bibilhin.
Nang makita ko ang gusto kong bilhin natuwa agad ako at pinulot ko ito galing sa shelf.
"Ang galing ang daming beauty products dito"
Sambit ko sa sarili. Pumili ako ng isa pero gusto ko rin iyong iba.
Hindi ko alam kong anong products ang pipiliin at bibilhin ko, nalilito ako lalo na at first time ko.
Ngayon lang kasi ako makakabili ng mga ipapahid sa mukha kaya hindi ko alam kung ano ang hiyang sa akin.
Bilhin ko nalang kaya lahat?
Habang nag iisip. May bigla nalang na tumabi sa akin paglingon ko nagulat ako at napaurong.
"Ikaw pala iyan Alice. Akala ko namamalikmata lang ako. 'di ba pupunta ka ng Canada? Anong ginagawa mo rito?"
Nahihiwagaan na tanong niya.
Niyakap ko siya bigla at humiwalay rin.
Si Dwayne ito na may hawak na cup noodles at isang drinks.
"Hindi kami natuloy eh. Na cancel ang pag a sign ni Daddy do'n sa Canada. Hindi ko nga lang alam kung bakit"
Sagot ko.
"Oh? Gano'n ba kaya pala. Bakit hindi mo man lang ako tinawagan. Dahil na naman ba ito kay Zkei, pinagbabawalan ka no'n 'no?!"
Sambit niya. Umiling ako ng mabilis.
Xian Yzkeil Perez ang kompletong pangalan ni Xian at iyon ang madalas na tawag ni Dwayne sa kaniya.
"Hindi naman sa gano'n. Actually nawala sa isip ko. Tatawagan na nga sana kita nun eh nakalimutan ko lang"
Naka ngiwe kong sabi habang kamot-kamot ang pisngi na parang nahihiya.
Napa simangot siya.
"Grabe ka naman nagka boyfriend ka lang kinalimutan mo na kaagad ako"
Pagtatampo niya. Hinampas ko siya sa balikat.
"Hindi iyan totoo 'no?!"
Sagot ko sa kaniya.
Niyaya niya akong umupo sa store kasi may maliit dito na p'westo para sa mga gusto kumain.
Umupo kaming dalawa at binilhan niya rin ako ng cup noodles at drinks.
"Nasa'n na iyong boyfriend mo. Hindi ko ata siya nakikitang nakabuntot sa'yo ah. May tuyo parin ba ang ulo no'n?"
Pagtatakang tanong niya. Tumawa ako.
"Tuyo? Hindi na ata iyon mawawala sa kan'ya. Minsan tinutuyo parin pag hindi natutupad ang gusto niya. Pinapagalitan nga niya ako minsan eh"
Naka pout kong sabi sa kan'ya bigla niyang hinawakan ang magkabila kong balikat at hiniharap ako sa kaniya.
"Sinasaktan ka ba niya?!"
Nanlalaking mata na tanong niya na may pag alala sa mukha.
"Hindi. Actually nagbago na siya hindi na siya tulad ng dati"
Sagot ko.
"Totoo ba iyan? Hindi naman kapani-paniwala"
Sabi niya at kumain na.
"Totoo. Sinusubukan niya kaya maging behave. Hindi na siya masyadong nag susungit at nagagalit. Kaya lang minsan hindi niya maiwasan magsalita ng masama. Parang hindi niya kuntrolado pag nagsisimulang uminit ang ulo niya"
Sumbong ko. Tumigil siya sa pag kain at tinignan ako habang hawak ang chopstick.
"Pag sinaktan ka ng Asher na iyon isumbong mo sa'kin uupakan ko talaga iyon"
Sambit niya. Tumango na lamang ako.
"Salamat Dwayne ha?"
Sabi ko napalingon naman siya sa'kin ng may pagtataka.
"Para saan?"
Nakakunot noo na tanong niya.
"Bilang kaibigan ko?! Ang tagal din kaya natin 'di nagkita pero nand'yan ka parin para sa'kin"
Sagot ko. Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi dahilan ng magulat ako at nanlaki ang mata.
"S'yempre naman mahal kita eh"
Inosenteng sagot niya. Biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"A-ano?!!"
Napataas ang busis ko dahil sa narinig.
"Mahal kita bilang kaibigan"
Paglilinaw niya at binitawan na ang pisngi ko at nagpatuloy na sa pagkain.
Umayos ako ng upo at napa tikhim. Sandali ako do'n kinabahan ah. Akala ko may feelings na siya sa akin.
Ano ba itong iniisip ko?! Bakit ko iniisip na magkakagusto sa akin si Dwayne.
Baliw ka ba Alice, may boyfriend kana pero nag e-expect ka pa na magustuhan ka ni Dwayne?! Ano ba talaga? Gusto mo bang e-two time ang dalawa?! 'di ba loyal ka? Loyal ka dapat sa boyfriend mo!
"Loyal ako loyal ako!"
Bulong ko sa sarili habang palihim na pinu-pokpok ang ulo ko.
Napalingon sa akin si Dwayne at pinigilan ang kamay ko na pinukpok ko sa ulo ko.
"Bakit mo ginagawa iyan sa sarili mo? Ayos ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?"
Pag aalala niyang tanong. Hawak parin nito ang kamay ko.
Napa titig ako sa mukha niya. Bakit parang mas lalo siyang guma-guwapo ngayon. Dahil ba iyon sa bagong gupit siya?
Oo bagong gupit siya ngayon at sobrang bagay ng buhok niya sa hitsura niya.
"H-hindi okay lang ako"
Sagot ko at hinigit ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Sigurado ka ba? Parang hindi ka okay?"
Pag aalala niya. Tumango lang ako at nag sign ng okay.
"Promise, okay lang talaga ako"
Pag kukumbinsi ko sa kaniya.
Tinitigan niya lamang ako pero ilang sandali napa buntong hininga na lamang na parang sumusuko.
"By the way may balita ka ba kay Farra?"
Tanong ko sa kan'ya. Napa tigil siya sa pagkain at napa buntong hininga.
"Wala nga eh, pilit ko siyang tinatawagan sa cellphone niya pero parang blin-ock niya ata ako"
Malungkot na sabi niya. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Natamimi na lamang ako. Kung gano'n nagbago na talaga si Farra, hindi na siya tulad ng dati na friendly at sobrang bait.
"Gusto mo parin ba siya?"
Tanong ko sa kan'ya. Napa isip siya at napa tingin sa labas ng convenient store.
"Actually 'di ko alam eh. No'ng nagbago siya bigla nalang nawala ang feelings ko sa kaniya pero gusto ko parin siya maka usap at kamustahin. Alam mo naman matagal ko rin siya naging kaibigan. Kababata kaya rin natin siya"
Sambit niya.
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon pero deep in side nagtataka ako sa feelings ni Dwayne dahil bigla nalang nawala ang nararamdaman niya para kay Farra. Dahil lang siguro iyon sa bata pa ang isip niya sa mga oras na iyon.
Alam naman natin pag high school mga isip bata pa at hindi pa alam ang totoong pagmamahal.
Natatakot tuloy ako pagdating kay Xian. Pero sa sarili ko alam kong mahal ko siya dahil iyon ang sabi ng puso ko. Kahit hindi ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit minahal ko siya.
Ang tawag sa nararamdaman ko unconditional love. Walang rason basta minahal ko nalang siya dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.
"Kung gano'n conditional love lang ang nararamdaman mo kay Farra?"
Tanong ko sa kan'ya napa kibit balikat siya.
"Siguro, kasi no'ng nagbago siya bigla nalang nawala na parang bula ang feelings ko sa kan'ya kaya siguro conditional love talaga nararamdaman ko kay Farra"
Sagot niya.
"Sa tingin mo rin ba si Xian gano'n din sa akin?"
Hindi maiwasang tanong ko. Tinignan niya ako habang ang isang siko niya ang nakapatong sa table at ang kamay niya nasa pisnge.
"Malabo eh"
Tipid na sagot niya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi ko maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"
Nagtatakang tanong ko. Napa ngite siya.
"Wala namang rason para magustuhan ka ng isang tao. Sorry kung sasabihin ko ito sa iyo, bilang totoo mong kaibigan hindi pasok sa standard ng isang lalaki ang hitsura mo in short malabo na may isang lalaki na magkaka gusto sa'yo, maliban nalang kung unconditional love siya"
Sabi nito. Napasimangot ako at inayos ang salamin sa mata.
"Sa tingin mo gaganda pa kaya ako?"
Tanong ko. Ngumiti naman din siya at pinitik ang noo ko.
Sa naramdamang sakit napasapo naman din ako ng noo ko.
"S'yempre naman may sariling ganda ka ayosin mo lang ang sarili mo at gaganda kana"
Sambit niya habang naka tingin sa akin at nilagay muli sa table ang kan'yang siko at ang kamay nito nasa pisngi.
"Anong gagawin ko?"
Tanong ko sa kan'ya.
Desperado akong magpa ganda dahil ayokong laitin ng iba pag kasama ko si Xian. Ayokong sabihin nila na hindi kami bagay dahil lang sa napaka guwapo niya at napaka pangit ko.
Na sa mata ng mga tao para kaming langis at tubig na hindi dapat ipagsama.
Gano'n ang madalas kong naririnig pag nag d-date kami ni Xian.
Napa tingin ako kay Dwayne, nang marahan niyang tinanggal ang salamin ko sa mata.
Naningkit ang mata ko dahil sa sobrang labo ng paningin ko.
"Ba't mo tinanggal wala akong makita"
Reklamo ko sa kan'ya. Binalik niya muli iyong salamin ko sa mata kaya malinaw kong nakita si Dwayne na naka ngiti.
"Cute ka naman pala eh pag wala kang salamin sa mata. Kunting ayos lang sayo, okay na"
Sambit niya. Nabuhayan naman ako sa narinig at napa ngiti.
"Talaga?!"
Paninigurado ko na may malaking ngiti sa labi. Tumango naman din siya.
Hinila niya ako patayo at pumunta do'n sa pinuntahan ko kanina na may mga beauty products dito lang din sa convenient store na'to.
Kumuha siya ng mga beauty products at sinabi kung para saan.
"Ilagay mo ito sa mukha mo, facial wash iyan para mawala iyang oily face sa mukha mo. Ito naman lotion para mawala ang pagka dry ng balat mo. Maglagay ka na rin ng lip balm para hindi umitim ang labi mo"
Sabi niya at kung ano-ano pa ang binigay sa akin. Hindi ko na mahawakan sa dalawang kamay ko sa dami.
"Ito ba ang nilalagay ng ibang mga babae sa mukha nila?"
Tanong ko. Tumingin siya habang hawak ang isa pa niyang ibibigay sa akin.
"Hindi, pero nakakatulong 'to para lumabas ang natural mong ganda. Huwag ka ng gumamit ng make up tulad ng ibang babae, may ibang lalaki na mas preferred ang natural na ganda kaysa may make up sa mukha. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin"
Sambit niya.
Naiintindihan ko naman kaya tumango na lamang ako.
Tinulak niya ako ng marahan sa may counter at tinulungan akong ilapag ito para ma check na sa casher ang pinamili namin.
"1,527 po lahat ma'am"
Sambit ng casher kukunin ko na sana ang wallet sa bag ko ng naunahan ako ni Dwayne sa pag abot ng pera sa casher.
Napa lingon ako sa kan'ya sa gulat. Ngumiti siya sa akin at lumapit sa mukha ko.
"Trait ko na. Aabangan ko ang pagbabago mo"
Bulong niya. Hindi ako naimik at nanatiling naka tulala sa kan'ya. Bago pa ako makapag salita. Namalayan ko nalang na naglakad na pala palabas si Dwayne ng convenient store.
Lumingon ako sa kan'ya. Patuloy lang siyang naglakad habang walang lingon-lingon sa akin na naka pamulsa at ang isang kamay nito naka kaway sa akin na nagpapahiwatig ng paalam.
×××
Kasama ko ngayon si Xian nag d-date kami ngayon sa mall.
Bumili kami pariho ng milk tea at napag pasyahan umupo rito sa bench.
Naka akbay ito sa akin at ang isang kamay nito hawak ang kan'yang drinks.
"Pansin ko lang ba't parang gumanda ka?"
Naka titig nitong sabi sa akin. Pinamulahan ako ng mukha na umiwas ng tingin sa kaniya at inayos ang salamin sa mata.
Ilang araw ko rin ginamit ang mga pinamili namin no'ng isang araw ni Dwayne.
Naka lip balm ako at gumamit ng pulbo para mawala ang oily sa mukha ko.
Ginamit ko rin araw at gabi iyong facial wash para sa oily face kaya minsan nalang ako naging oily. Gumamit din ako ng lotion para hindi maging dry ang balat ko.
"Nag ahit ka ba ng kilay?"
Takang tanong nito at hinawakan ang kilay ko. Kinuha ko naman ang kamay niya at tinakpan ko iyong kilay ko gamit ang isang kamay ko.
"Pangit ba? Manipis ba? Hindi ba bagay sa'kin?"
Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Hindi siya nagsalita at tinignan lang ako ng masinsinan.
"Ano bang nasa utak mo at nag papaganda ka?"
Seryosong tanong nito sa'kin. Napa pout ako at pa simpleng uminom ng milk tea.
"Wala, trip ko lang"
Maang-maangan kong sagot.
Hindi ba halata? S'yempre para maging bagay kami para hindi niya ako palitan pag may nakita siyang magandang babae.
Pero nagulat ako ng napa mura siya at napatayo sa kinauupuan niya katabi ko.
"May nagugustuhan ka bang iba kaya nagpapa ganda ka? Sino iyon ha! Sinong nagugustuhan mo. Mapapatay ko!"
Sabi niya sa malakas na busis pinigilan ko naman siya.
Nakakahiya pinag titinginan na kami ng mga tao.
"Ano ka ba Xian walang gano'n. Bawal bang magpa ganda?"
Bulong ko sa kan'ya na naka simangot. Napa tingin naman din siya sa akin 'tsaka napa buntong hininga. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi na marahan na pinisil.
"Bawal talaga! Paano kung may magka gusto sa'yo?-- Ah! wala pala kasi gagawin kitang pangit para akin ka lang"
Naka ngisi na niyang sabi sa akin at ginulo ang buhok ko. Napa simangot ako sa ginawa niya.
"Bakit mo ba ginulo ang buhok ko?! Buhaghag na nga mas lalo mo pang binuhaghag. Ang pangit ko na tuloy tignan"
Reklamo ko sa kan'ya at inayos ang buhok ko. Pinuyod ko nalang ito kasi mukha na akong bruha.
Napalingon ako ng kunin niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko dahilan ng pinamulahan ako ng pisngi.
"Para sa'kin maganda ka kahit ano pang hitsura mo"
Naka ngiti nitong sabi sa akin. Napa ngiti nalang din ako kahit gusto ko magalit sa kaniya.
Sige na nga! Marupok na kung marupok pag nagsimulang maging sweet si Xian nawawala ang inis ko.
Nagkulitan lang kami hanggang sa napa tigil kaming dalawa ng may dalawang tao sa harapan namin.
Paglingon namin dalawa napatigil kami kung sino ito.
"Kamusta Xian? Long time no see"
Nakangiting bungad nito kay Xian. Si Farra kasama ang isang 'di kilalang lalaki.
Nanliit ako sa sarili ng makita ko ang napaka gandang si Farra simple lang siyang manamit pero sobrang napaka ganda niya parin. Mas lalo siyang pumuti at kuminis, maganda parin ang katawan niya tulad ng dati.
Habang ako bihis na bihis para gumanda pero wala parin talaga akong panama kay Farra.
Hindi niya ako pinansin at si Xian lang ang kinausap niya.
Hinawakan ko ang braso ni Xian dahil nararamdaman kong parang kinalimutan niya ako ng makita si Farra.
Para akong sinaksak ng ilang bisis sa mga nakikita ko. Gusto kong sumabat sa pag-uusapan nila pero hindi ko magawa.
Namataan ko ang lalaki na naka tingin sa akin at naka ngisi ito.
Sino ba siya? Boyfriend ba siya ni Farra.
Mas lalo kung hinigpitan ang hawak ko kay Xian ng makita kong pinasadahan ng tingin ng lalaki ang buo kung katawan. Nanginginig ako.
Nagulat ako ng bigla siyang sinuntok ni Xian sa mukha.
"Gago ka ba! Ba't gan'yan ka maka tingin sa girlfriend ko ha! Gusto mo bang basagin ko 'yang pagmumukha mo o gusto mong mabulag!"
Sigaw nito at sinugod ang lalaki pero pinigilan ko siya kasi talagang galit na galit na si Xian. Ayokong makagawa siya ng kasalanan ng dahil lang sa'kin.
Nakangisi lang ang lalaki habang nasa sahig at tumayo na pinahid ang labi niya. Nasa tabi niya rin si Farra at masama rin ang tingin sa akin.
"Minamanyak? Pare, hindi ako katulad mo na papatol sa isang pangit, lusyang at badoy na katulad niya. Ikaw lang iyon"
Pang aasar ng lalaki.
Hindi ko napigilan si Xian nang susugurin niya ulit ang lalaki dahil nanginginig na ang mga kamay ko.
Hindi ko mapigilan na 'di umiyak dahil sa sinabi ng lalaki. Lalo na't nararamdaman ko ang pagka insecure ko ngayon ng makita si Farra.
Napa tingin sa akin si Xian at malungkot na napa tingin sa akin. Humarap siya sa lalaki na nanlilisik ang mata at gigil na gigil na sumugod dito.
Buti nalang may mga guards ng mall kaya hindi sila nagka suntukan. Marami na rin ang mga taong naka palibot sa amin at pinapanood kami.
"Humanda ka sa'kin! Hayop ka, huwag mong lalaitin ang girlfriend ko dahil hindi mo siya kilala! At walang ibang lalait sa kan'ya dahil ako ang makakalaban niyo!"
Gigil na sigaw nito habang pilit na kumakawala sa mga hawak ng guard sa kan'ya.
Pinag bubulungan na kami rito.
"Grabe naman anong nangyayare sa lalaking iyan. Ginayuma ba iyan ng pangit na babae?"
"Guwapo sana kaya lang bumaksak sa pangit"
"Magaling siguro sa kama iyong pangit kaya gan'yan maka asta ang lalaki"
"Nakakadiri pinag aagawan ba talaga nila iyong pangit?"
Bulong nito sa paligid habang iyong iba pinag tatawanan kami.
Hindi ko kinaya iyong mga bulungan nila at mga tingin nila sa amin, sa akin na may panglalait.
Kaya tumalikod ako at tumakbo palayo.
Mabilis naman akong nakita ni Xian na tumakbo kaya sinundan niya ako habang tinatawag ang pangalan ko.
"Alice, saan ka pupunta?"
Sigaw nito. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakalabas kami ng mall.
Lumabo ang mata ko kakaiyak pati ang salamin ko sa mata lumabo rin dahil sa mga luha.
Hindi ko napansin na nasa kalsada na pala ako. Napa lingon ako ng may bumusina na sasakyan nakatayo lang ako dahil hindi ko makita ang paparating.
Mababangga na sana ako ng may kamay ang humigit sa akin. Natumba kami pariho.
Ramdam ko ang habol hininga niya galing sa pagtakbo.
"Buti nalang naabutan kita. Alice, natakot ako akala ko hindi na kita maaabutan. Ano bang nasa isip mo? Magpapa kamatay ka ba?!"
Namamaos na tanong nito sa akin. Busis ni Xian, lumayo ako sa kan'ya at tumayo. Kaya gano'n rin siya.
Tinanggal ko ang salamin ko sa mata at tinapon ko ito sa pagmumukha niya.
"Bakit mo pa ako sinundan! Kanina nung kaharap mo si Farra kinalimutan mo na ako! Hindi mo man lang ako napansin nung takot na takot ako!"
Sigaw ko sa kan'ya. Pilit siyang lumapit sa akin pero umurong ako.
"Huwag kang umurong baka mababangga ka!"
Sigaw nito hindi ako nakinig at umiling sa kan'ya.
"Ngayon may concern kana sa'kin? Ano ha! Na realize mo ba na may kasalanan ka!"
Umiiyak na sabi ko sa kaniya.
"Alice, hindi kita kinalimutan nakita mo naman 'di ba napansin ko ang pang mamanyak ng hinayupak na iyon!"
Turo niya sa loob ng mall habang hawak ang isang braso ko.
Inalis ko ito sa pagkakahawak niya.
"Huli na Xian, sinaktan mo ako! Sinaktan mo ang puso ko! Akala ko pa naman mahal mo ko pero nang makita mo si Farra kinalimutan mo na'ko!"
Turo ko sa puso ko habang umiiyak.
Napa hilamos siya ng mukha sa subrang frustration.
"Paulit-ulit ka naman eh! Nagseselos ka ba?"
Tanong nito sa akin. Napa tigil ako at hindi naimik sa kaniya.
"Tama ako hindi ba? Nagseselos ka kasi maganda siya at ikaw naman pangit!"
Sigaw nito. Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya.
"Grabe kana kahit girlfriend mo ko pinagmukha mo pa sa akin! I hate you! I really hate you Xian!"
Sigaw ko sa kan'ya.
Tumawa siya at pinag tinulak ako.
"Talaga ba? Nang dahil lang sa insecure ka ganiyan kana sa'kin. Wala naman akong kasalanan ah!"
Sigaw nito sa pagmumukha ko.
Mas lalo akong umiyak.
May kasalanan siya. Hindi naman ako magkaka ganito kung wala siyang masamang ginawa sa akin.
Hindi na ako makahinga sa sobrang iyak ko. Napapa singok na ako sa kanina pang pag-iyak ko.
Hinila ni Xian ang kamay ko at mahigpit akong niyakap.
"Sorry, 'wag ka ng umiyak"
Kalmado nitong sabi sa akin. Hindi matigil ang pag iyak ko.
Paano ako titigil kung napaka sakit ng sinabi niya sa akin. Ngayon may pa sorry-sorry pa siyang nalalaman.
Tinulak ko siya at lumayo sa kan'ya na naglakad papalayo. Hindi siya makapag salita at nanatili lang sa kinatatayuan niya kanina.
Na realize niya ata kung gaano niya ako nasaktan at ngayon pa niya naisip iyon.
Ang sama niya. Ang sama na hindi man lang niya ako pinansin na minamanyak na ako ng isang lalaki at nasa tabi pa niya. 'di ba? Sino ang may karapatan na magalit ngayon.
Hindi ba't ako dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Farra.
Aish! Nakakainis talaga ang araw na ito?!.
Paragraph comment
Paragraph comment feature is now on the Web! Move mouse over any paragraph and click the icon to add your comment.
Also, you can always turn it off/on in Settings.
GOT IT