"Sa'n ka na naman pupunta?" Tanong ni Jelly habang nakapa-meywang sa harapan ko.
"Papasok sa school,bakit?"
"W-wala,akala ko makikipag-date ka na naman 'e." Tumalikod na ito sa'kin at umupo sa kama.
"Mamaya bago ako umuwi,pupuntahan ko muna si Mia." Napatingin ito sa'kin.
"Magde-date ka'yo?" Tumango ako. Naisip ko kasi na marami pa pala 'kong gustong itanong kay Mia tsaka masaya syang kasama kaya gusto ko syang ayaing lumabas.
"May problema ba?" Umiling ito.
"Ingat nalang ka'yo." Napakunot ang noo ko. "Ba't ganyan ka makatingin?"
"Ayos kalang ba?"
"Oo naman! Ba't naman ako hindi magiging okay?"
"Naninibago kasi ako sa'yo,baka may problema ka?"
"Wala nga sabi! Umalis kana,baka ma-late kapa sa klase mo!" Tinulak ako nito palabas sa kwarto. Anong problema nya?
"Teka,hindi kaba sasam--"
"Bye!" Sinara nito ang pinto kaya hindi na'ko nakapag-salita. Ang weird.
"Hi,Tito Jay!"
"Ay! Palaka!"
"Nagulat po ba kita?" Hindi ba obvious? "May tao po sa labas,kanina pa po ka'yo inaantay."
"Tao?" Baka si Mia 'yun. "Sige Tummy,alis na'ko. By the way si Ate?"
"Tulog pa po."
"O sige,ingat ka dito ah,'wag kang lalabas." Ginulo ko ang buhok nito bago umalis.
"Bye,Tito Jay!"
Pagkalabas ko ng bahay nakita ko si Mia na nakatayo sa kotse nito. "Good Morning Handsome." Bigla kong napangiti.
"Good Morning Ms. Beautiful." Oh diba,may banat rin kaya ko. Bahagya itong tumawa. "Kanina ka pa ba jan?" Umiling ito.
"Kakarating ko lang rin. Tara hatid na kita." Sumakay na kami ng kotse. Pinag-buksan ko sya ng pinto,syempre para mag-mukha naman ta'yong gentleman sa paningin ni Mia,Haha.
"Ano palang gagawin mo sa school." Sinabi nya kasi kahapon na pupunta sya bukas sa school.
"May project kasi ako para sa gagawin kong pictorial kaya kailangan kong mag-hanap ng lugar kung saan pwedeng ganapin yung pictorial na gagawin ko." Sabagay maganda rin naman sa school. "What do you think?"
"Ayos naman sa'kin,maganda yung school kaya alam kong magiging maganda yung pictorial mo tsaka maganda ka naman kaya kahit panget pa yung lugar maganda pa rin ang kakalabasan ng pictorial."
"Bolero ka rin 'e 'no?" 'Ika nito habang tumatawa.
"Yah,nag-sasabi ako ng totoo 'no!"
"Okay fine,kung ano man ang sasabihin mo paniniwalaan ko." Tumingin ito sa'kin at ngumiti. Biglang nag-init ang pakiramdam ko kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Ganto ba yung pakiramdam kapag kinikilig? "Andito na ta'yo."
Agad akong bumaba ng kotse para pag-buksan ng pinto si Mia. "Namumula ka ata?" Tanong nito ng makababa sa ng kotse.
"Ako?" Hinawakan ko ang pisngi ko,medyo mainit nga. "Baka sa init lang." Pagpapalusot ko. Gano'n ba kahalatang kinikilig ako?
"Ang lamig kaya." Nagtatakang sabi nito.
"Naiinitan ako 'e." Ginulo nito ang aking buhok.
"Tara na nga!" Nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko kaya ng makapasok kami sa Campus lahat ng estudyante nakatingin sa'min. "'Wag mo silang pansinin." Bulong sa'kin ni Mia.
Katulad ng sinabi ni Mia,hindi ko nalang sila pinansin kahit dinig ko na ang mga bulungan nila. "Mag-kita nalang ta'yo mamaya sa parking lot. Kakausapin ko lang yung Principal para sa gagawin kong pictorial."
"Sure,mag-ingat ka." Nag-init ang buong katawan ko ng halikan ako nito sa pisngi.
"Thank you." Naiwan akong tulala kaya hindi ko namalayan na nakaalis na pala si Mia. What the--- Hinalikan ba talaga nya 'ko? Sa buong buhay ko walang babae ang nagtangkang humalik sa'kin.
Hindi ko naiwasang mapangiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na kiligin.Haha!
"Baka gusto mo ng pumasok?" Napatalon ako sa gulat ng marinig si Jelly sa likod ko.
"Andito ka pala." Tinignan lang ako nito at nauna na syang pumasok sa silid. Anong problema nun?
Pumasok na'ko ng classroom at agad na umupo. Tinignan ko si Jelly at nakatayo lang ito habang nakatingin sa bintana.
"Buti naman at nakasunod ka na ulit sa'kin." Bulong ko kay Jelly.
"Nag-sisisi nga 'ko 'e." Hindi ako nilingon nito at nanatiling nakatingin sa bintana. "Du'n lang ako sa hallway." Paalam nito.
Dumating na yung propesor namin at nagsimulang mag-discuss kaso buong klase lutang ang isip ko dahil kay Jelly. Ang weird nya kasi ngayon 'e,hindi ko naman alam kung bakit. Ayaw nya rin namang sabihin kung may problema sya. Nireregla ba ang multo?
Natauhan ako ng biglang magbell,hudyat ng breaktime. Dali-dali akong tumayo at lumapit kay Jelly.
"Tara?" Pag-aaya ko. Humarap ito sa'kin.
"Mamaya na,pupunta pa rito yung kasama mo kanina." Sumandal ito sa pader.
"May problema kaba?" Sinamaan ako ng tingin nito. Hindi nya 'ko sinagot bagkus ay tumingin ito sa malayo. Magsasalita pa sana ako kaso biglang dumating si Mia na ang lawak ng ngiti.
"Jay!" Para itong bata na tuwang-tuwa. "Pumayag sila na dito ako mag-pictorial,and guess what? Ikaw yung magiging partner ko sa pictorial!"
"Talaga?" Napatingin ako kay Jelly at nakatingin parin ito sa malayo. "Sigurado kaba jan? Hindi naman maganda ang itsura ko para sa isang model." Napahawak ako sa'king braso ng hampasin ako ni Mia.
"Ano kaba?! Ang gwapo mo kaya! Tsaka ikaw yung gusto kong maging partner kaya 'wag ka ng umangal!"
"Pero--"
"Kumain kana ba?" Hinila ako ni Mia papunta sa canteen.
"Teka si Je--" Napatingin ako sa likod namin pero hindi ko na nakita si Jelly. Sa'n nag-punta yung multong 'yon?
"Sino?" Umiling nalang ako. Hindi ko namalayan nasa canteen na pala kami. "Anong gusto mo?"
"Kahit ano nalang." Umupo muna 'ko at tinignan ang paligid,baka sakaling makita ko si Jelly.
"Sige,jan ka muna,o-order lang ako." Ngumiti nalang ako kay Mia. May problema kaya si Jelly? Gusto ko syang makausap.
Muntik na'kong matumba sa upuan ko ng makita si Jelly sa harapan ko. May ibang students na napatingin sa'kin kaya bahagya kong yumuko.
"Saan kaba galing ha? Kanina pa kita hinahanap." Bulong ko kay Jelly.
"Sinubukan kong umuwi dahil nababagot na'ko,'kala ko di na'ko susunod sa'yo kaso bumalik na naman ako sa tabi mo." Iritang sabi nito.
"Andito na'ko." Sabay kaming napatingin kay Mia. Agad na umalis si Jelly sa harapan ko. "Kain na ta'yo."
"Sige,salamat." Bago pa man ako kumain,sinulyapan ko si Jelly,umupo ito sa harap ng isang estudyante at pinanood itong kumain.
Bigla tuloy akong na-guilty,simula ng dumating si Mia,hindi ko na nakausap si Jelly,kaya ba hindi nya 'ko kinakausap dahil do'n?
"Jay,ayos kalang?"
"Ha? O-oo naman."
"About pala sa date natin mamaya,hindi ko sure kung matutuloy ta'yo kasi kailangan kong asikasuhin yung pictorial natin for next week but don't worry pwede naman ta'yong mag-date sa ibang araw diba?"
"Sige,ayos lang." Kumain na'ko,ayos lang sa'kin na hindi kami matuloy,gusto ko rin kasing kausapin si Jelly ngayon.
Pagkatapos ng breaktime,nag-paalam na sa'kin si Mia para makapaghanda na sya para sa pictorial na gagawin nya sa isang linggo.
"Anong pangalan nya?" Tanong ni Jelly ng makaalis si Mia.
"Mia." Tipid na sagot ko,tumingin ako dito at nakatingin lang si Jelly sa malayo. "Jelly,ayos ka lang ba talaga?" Tumingin ito sa'kin at ngumiti—isang pilit na ngiti.
"Wala 'kong dahilan para hindi ako maging okay." Tinapik nito ang aking balikat. "Pumunta na ta'yo sa susunod mong klase baka ma-late ka pa." Hindi ako nakapag-salita.
Aaminin ko nag-aalala ako sa multong 'yon. Napakahirap kasing basahin kung anong iniisip nya. Hindi rin naman nya sinasagot ang tanong ko kaya hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin ng matino.
"Ano pang tinutunganga mo jan?" Natauhan ako ng lumapit sa'kin si Jelly. "Bilisan mo,naiinip na'ko." Iritang sabi nito.
"Jelly,mag-usap nga ta'yo. May problema kaba talaga ha?"
"Paulit-ulit nalang ba ta'yo? Sabi ko naman sa'yo wala kong problema!"
"'Wag na ta'yong naglokohan Jelly,pwede mo namang sabihin sa'kin kung may problema ka 'e. Kanina pa kita tinatanong pero ayaw mo naman sabihin sa'kin,nagmumukha na 'kong tanga kakaalala sa'yo!" Nanlaki ang mga mata nito. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko dahil hindi ko talaga sya maintindihan.
"W-wala naman talaga kasi akong problema,tsaka kung meron man,hindi ko na kailangang sabihin sa'yo 'yun dahil una sa lahat hindi mo maiintindihan ang problema ko kaya 'wag mo na 'kong pakeelam tungkol sa pansarili kong problema." Tumalikod na ito sa'kin at nauna sa paglalakad.
Napasobra ba 'ko? Gusto ko lang naman kasing malaman kung anong problema nya dahil ayokong ganito kami tsaka kahit papano naman mag-kaibigan na kami kaya dapat kong malaman yung problema nya pero sa mga sinabi nya parang wala naman akong kwenta para hindi sya matulungan. Ano ba talaga kasing itinatago mo Jelly?
— New chapter is coming soon — Write a review