Download App
31.57% Reycepaz's Reverie (Completed) / Chapter 11: Chapter 09: Ignorance

Chapter 11: Chapter 09: Ignorance

Someone's Pov

WALA AKONG ibang magagawa kung hindi ang pagmasdan lamang siyang ngumingiti sa mga natanggap na surprisa. Lalo na sa isang palumpon ng bulaklak na may isiniksik akong isang mensahe.

I always do things in secret way. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko lang talagang bumuo ng isyu.

Hindi namin ginawa ang activity na pinapagawa niya dahil, abala kami sa paggawa ng surprisa para sa kanya.

And our mission was accomplished perfectly.

Ilang minuto na siyang naka-upo habang binabasahan ng mga kakalase ko ng mga messages ay dumating na ang inorder namin na mga pagkain. Yes, nag-ambag-ambag kami para sa ganon ay marami-rami talagang pagkain, but in the end kami lang naman din '

yung kumain. Dahil busog na daw ito sa mga inihanda ng teachers sa kanya.

I wonder if he really eat, hindi ko pa kasi ito nakitang kumain.

Kunting kasiyahan ang naganap bago kami nagsiuwian.

Pagkarating ko sa bahay ay wala na akong ginawa maliban nalang sa tumalon na agad sa kama kahit suot-suot pa ang uniform ko. Ewan ko ba, ang sarap lang kasi sa pakiramdam 'yung galing ka sa pagod tapos dahan-dahan kang magpadausdus sa kama. Parang nararamdaman kong nasa langit na ako sa tuwing ginagawa ko ang bagay na'to. Ang weird diba?

Habang nakahiga sa kama ay hindi mawala sa isip ko kung bakit ako tuluyang nahulog sa isang guro. I know it's wrong, but my heart choose to love him, I guess.

I am 20 years old, but that's how people think. I have secrets that I must not tell to anyone.

Sa tagal ko na sa mundong ito, ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso ko, or should I say in a fancy word, "I got butterflies in my stomach"

And worst, sa isang guro pa, sa guro ko pa. Sino ba naman kasi ang hindi maiinlove sa lalakeng tulad niya, dati kasi sa pocket book ko lang 'yun nababasa.

Bukod kasi sa mataas siya, nahahalata sa kamay nito ang mga ugat na nagsisilabasan-i mean talagang ito ay bumabakat. Na nakakadagdag sa kanyang kapogian.

Ang pula pa niyang mga labi na para bang kakulay ito ng dugo, matangos na ilong na pinangarap ng lahat, at natural na mini freckles sa mukha ay talagang nakakadagdag sa kanyang kagwapuhan. Hindi ko pa nasali na wala itong double chin sa leeg dahil siguro sa medyo siya mapayat kaya halatang-halata ang jawline nito like—i can't explain. Let me be your wife daddi—charot joke lang.

Natatawa talaga ako sa tuwing na-alala ko ang hitsura niya, napaka-hot pa ng outfit niya na kahit simple lang ito ay talagang masasabi mong napakabango niya kahit hindi mo siya na-aamoy. Meron pa itong magulong-magulo na buhok na para bang bagong gising, hindi ko alam kung ito ba ay kanyang sinadya o talagang hindi siya nagsusuklay, pero okay naman, bagay naman sa kanya big thumbs pa rin ako for his messy hair. It makes him more hot, and it make me want him more. Luh

Basta kahit ni isa wala akong nakikitang negatibo sa kanya. Sa lahat ng pagkakataon, laging nasa kanya ang tingin ng mga mata ko. May pagkakataon ding hindi sinadya na magkita ang aming landas. May mga araw ding na-aawa ako na natatawa sa kanya.

Tulad ng may araw na nagsusuntukan ang kaklase kong si Josh at ang taga ibang seksiyon. Sa mga oras na 'yon, papunta na sana ako ng canteen upang bumili ng tsa-a. Saktong pagkaraan ko sa library ay nakita ko nalang na tumilapon ang malaking kamao ni Josh sa mata nito. Akala ko nga na silang dalawa 'yung nagsusuntukan, balak niya pala itong pigilan ang dalawa sa pag-aaway kaya sa kanya tumilapon ang kamay ni Josh na sa halip ay para sa kalaban nito. Akto sana akong lalapit, kaso baka mapagalitan pa ako. Meron pa namang mga tsismosa ang nakapalibot dito.

Ilang minuto ko rin siyang minamasdan , na halatang natutumba at nahihilo pa rin, may segundong lumingon din ito at nakita kong umitim na ang kaliwang mata niya.

Pero nagtaka ako at kung bakit ngumisi lang siya sa halip na ito ay masaktan. Kitang-kita kasi dito na napa-smirked siya habang dahan-dahan na kinakagat ang labi. Tila ba ay meron akong napapansin na kakaiba, ngunit hindi ko na 'to ininda pa at binaling nalang ang tingin sa iba. But damn, that smile will never be fade in my mind.

Inaakit mo ba ako ha? Dahil kung oo, matagal na!

Parehong natatawa ako na para bang na-aawa sa kanya sa mga pagkakataong 'yon.

Sa halip na canteen ang punta ko ay agad naman akong bumalik sa room at kinuha ang bagay na makakatulong din sa kanya kahit papaano sa bag ko.

Binili ko kasi ang multi purpose na compressor bag, dahil minsan sumsakit 'yung puson ko. Nasa paper bag pa naman 'yun kaya hindi na akong nahirapan pang mag hanap ng pangbalot. Nilagyan ko rin 'to ng mensahe gamit ang pink na sticky note na meron ako, bago isinabit sa pintuan ng dorm niya. Oo medyo may kalayuan ang dorm niya, pero keri namang lakarin.

May araw ding hindi sinadya na mag tagpo kami sa iisang lugar, not literally na nagkita kami at nag-usap, parang sulyap-sulyap lang ang nangyari ganon.

Nasa tuwing titingin siya ay itutuon ko ang atensiyon sa librong binabasa ko, kapag naman lilingon siya saka ko na rin siya titigan.

Sa mga araw na 'yon ay pumunta ako sa paborito kong coffee shop, habang ine-enjoy ang kape kahit wala naman talagang lasa, habang binabasa ang libro. Katabi kasi nito ang ATM na pinag kukuhanan nito ng pera, hindi ko nga alam kong bakit nakarating siya doon.

Hanggang sa natapos na itong kumuha ng pera ay tinapunan niya ako ng tingin bago umalis. Makikita kasi ito sa peripheral view ko kahit ang mata ko ay nasa libro.

Syempre, naging stalker ako sa mga araw na 'yun. Sinundan ko siya sa Grocery store na malapit sa coffee shop at napakarami pala nitong binili.

Like wow? lahat ng 'yon sa kanya? Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang daming kinakain nito tapos hindi naman tumataba.

Sinundan ko siya at naalala ko p na nasa book station ako nakatago noon, sa likod mismo ng cashier. Habang ako ay naghihintay na matapos ito ay napansin kong may na published na palang libro ang favorite author ko. Isa ito sa mga ina-abangan kong libro niya, ang "Curiosity Killed the Cat" na nobela. I didn't read the story yet, but marami ang nakapag sabi na napakaganda raw ng plot at character development ng nobelang ito.

Eksakto, na-alala ko nasa tuwing may pinapasagutan ito sa amin ay, kung hindi paperworks ang pinagkakaabalahan niya ay tanging nakatuon lang ang kanyang mga mata sa librong kanyang binabasa.

Even he's in serious mood, he is so stunning!

I'm not sure if he's done reading this book, ang huli ko lang kasing na-alala ay nagbabasa ito ng "The Abandoned Village" . Matapos itong nagbayad at medyo nakatalikod na siya ay agad naman akong tumakbo sa cashier at dali-daling binayaran ang libro. Mabuti nalang talaga na I always bring extra money.

Nakita kong pumara ito ng taxi kaya ganoon din ang ginawa ko, kumuha rin ako ng masasakyan.

"Manong, follow that car" usisa ko kay manong driver. Oh diba, nagagawa ko na ang mga bagay na sa tv ko lang nakikita.

Nagtataka na parang natatawa nalang ako ng mapansing napakalapit lang pala ng pinuntahan nito, tapos kumuha pa ako ng taxi, like what?

Ng makita kong bumaba na siya kasama ang driver dala-dala ang mga binili nito, ay bumaba na rin ako at sinundan ang mga 'to.

Saka ko pa napansin na malapit pala sa dead zone ang lugar na'to.

Lahat ng nandito sa mundo ay alam ang salitang dead zone pero, walang sinoman ang nakaka-alam kung ano talaga ang bagay na'to. Maliban nalang sa akin.

"Manong wag kang aalis dito ha, okay? May pupuntahan pa po tayo" sambit ko kay manong bago pinasok ang napaka sikip na squatter area. Buti nalang talaga at hindi ako mataba.

In this world we can be whatever we want, if you have a power to do so.

Laking gulat ko nalang ng makitang ang lahat ng mga binili nito ay hindi para sa kaniya ngunit para pala kay S—Shannalie na buntis?

Oh God! Ito talaga 'yung nakakatakot sa part ng pagiging tsismosa, may mga bagay tayong malalaman na hindi natin inaasahan.

Don't tell me he's the father? Oh no, lahat ng hanga ko sa kanya ay bigla nalang nawala.

Hindi ko alam na Goblin pala gusto nito. S-Sir why? Dahil ba mas malaki ang kanilang melon kaysa akin?

Napatunganga ako sa mga oras na 'yon, hindi mawala sa isipan ko na buntis si Shannalie at hindi rin mawala sa isipan kong siya ba talaga ang ama? Baka sinagot niya ang lahat ng gastusin ng bata? Or what?

Kitang-kita ng dalawang magagandang mata ko kung paano niyakap ni Shannalie si Rey—luh, talaga nga namang kulang nalang pinasubsub niya ito sa kanyang malalaking suso! Alam ko na malaki 'yung dibdib niya pero wag naman sana lord God please maawa ka!

Madaming tanong man ang nabuo sa isipan ko sa mga oras na 'yun ay hindi na ako nakatiis at agad ng umatras, ngunit nabigla nalang ako ng makitang nagsisilabasan ang mga dwarfs sa kani-kanilang bahay at pumunta sa direksyon ko kanina, meron ding malaking Leon na may pak-pak, Griffin?

Bakit? Ano bang nangyayari?

Sa halip na aalis ay napag disesyonan kong tignan muna kung ano talaga ang nangyayari. At hindi ko inakala na may malalaman akong mga bagay na siya naman ang ikinagulat ko.

Mr. M—Maximo? His grandfather? Siya creator? Naguguluhan man sa mga nangyayari ay hindi ko na kaya ang aking nakikita at nalalaman at agad ng bumalik sa taxi at pumunta sa unibersidad, para isabit sa doorknob ang librong binili ko para sa kanya. Dinikitan ko na rin ito ng sulat.

"Enjoy reading while sipping your coffee" at nilagyan ko na rin ito nang smiley na emoji.

Natatawa nalang ako ngayon habang tinitignan ang kesame. Sa mga araw na rin 'yun pala ay hindi ako mapakali at kahit na sobrang busy ni papa ay humingi ako ng tulong sa kanya na maghanap ng impormasyon tungkol kay Shannalie.

After those, i found out that, the father of her child was not Reycepaz at all. One of my thought was right, that he just literally help her.

I Literally laughed out loud that time, like I'm freaking insane what I'm going to do if he's really the father of shannalie's baby.

I'm just so happy that no one probably owns his heart yet. If there is, there is no one else but me, me, me and me!

I'll keep my mouth shut and my love for you will remain, wala nang makakapagpigil pa, kahit pa man kapangyarihan ni bathala.

Pasensya na pero mananatili akong sekreto, para na rin sa ikakabuti mo at nating dalawa. Darating din 'yung araw na ako ay magpapakilala at walang hiyang sasabihing mahal na mahal kita.

Pero ngayon dahil sa liit ng mundong ating ginagalawan, may mga bagay akong nalaman. At hindi ko alam kung tayo ba talaga ay para sa isa't-isa.

Sapagkat, hindi ko alam kung kailan ka gigising sa katotohanan, aking sinta.

_______

Last date updated: 04/26/22

Last update I: 09/29/22


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login