I DID not expect that despite all the difficult trials I faced, I was still able to achieve my dream. The dream that my late parents completely rejected. The dream that I will never be ashamed of.
"Nandito na po tayo, sir." Sambit ni manong driver sa akin habang tumitingin sa rearview mirror. Hindi ko talaga lubusang maintindihan kung bakit at para saan pa ang tinatawag nilang "salamin" kahit madilim at wala ka namang makikita rito.
I just ignored it and immediately took the wallet out of my pocket. "Magkano manong?" I asked.
Hindi ko na naintindihan pa ang sinabi nito pero kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano ito kasipag. Sapagkat sa ngiti palang nito ay matutuwa na ang kung sino man ang sumakay sa kanya, tapos hindi pa nito kinakalimutang gumamit ng honorific names.
Ang ngiti ng Isang tao ang kailan man ay hindi matutumbasan ng pera.
Basta nalang akong bumunot ng kung anong papel sa wallet at iniabot 'to sa kaniya. Aksyon ko na sanang pihitin ang hawakan ng pinto upang lalabas na ng pinigilan ako nito.
"S-Sukli niyo po!" nauutal na tawag nito sa akin.
Instead of receiving the change, I just gave him a wide smile, "The change is yours manong, you deserved a big payment." Masaya kong sambit bago lumabas na ng tuluyan sa taxi.
Kahit nakasarado na ang pinto at medyo may distansiya na ang nilakad ko ay maririnig ko pa rin ang pasasalamat ni manong, pero hindi na ako nag-abala pang linguin Ito at pinatuloy na ang paglalakad.
I found my self in front of the University Main gate. This is even bigger than I thought.
Tapos alam kong meron na naman itong disenyo na tinatawag nila na "Salamin" sa gate na'to. Sapagkat, madilim at malabo lang ang makikita mo dito na binalutan naman ng nagpaikot-ikot na mga bakal. I really wonder how they create this.
I knew this school since I was young, this university is the only one that outsiders can not easily enter without any permission from the highest position, in short mahigpit sila.
Isang hakbang ko pa lang papasok sa gate ay agad ng lumapit sa'kin ang isa sa mga gwardyang nagbabantay na aakalain mo talagang isang body builder dahil sa laki ng katawan nito
"Good morning sir, can you show us your identification card please." Seryoso pero madiin nitong tanong habang inilagay ang kamay sa iri malapit sa dibdib ko na para bang senyas na dapat akong huminto.
Dali-dali ko namang inilabas sa wallet at ipinakita ang ID ko, tumango naman ito at binigyan ako ng malawak na ngiti.
Ang seryosong mukha nila kanina ay biglang nabahiran ng saya. "Welcome to Maximus Vice University!" Masayang bati nila na agad ko namang ginantihan. Buti nalang at ngumiti na sila, sapagkat hindi lang 'yung katawan nila ang nakakatakot, dahil pati na rin 'yung mga ngiti nila ay para silang may balak na patayin ako kanina lang.
Siguro kung ibang tao ang nasa posisyon ko kanina noong lumapit ang mga gwardyang 'to para tanungin kung saan ang ID ko, I'm sure na manginginig talaga ang mga tuhod nila o ang mas malala pa ay, ma-iihi sila sa takot. May anim na parang may katawan ng body builder ang nagbabantay sa gate, dalawang babae at apat naman na lalake. I can't imagine myself na kakaladkarin nila ako palabas ng Unibersidad kung may gagawin akong hindi kanais-nais.
So I really must watch and careful with all my movements.
Anyways, nagpatuloy na ako sa paglalakad at tumigil sa isang bulletin board malapit sa isang fountain, upang tignan kung saang banda makikita ang building at opisina ng Department of Chairperson nasa ganon malalaman ko na kung saan na strand o baitang ako magtuturo.
_______
"So you are?"
"Reycepaz po, Reycepaz ang Pangalan ko." Seryoso kong sagot nang tinanong ako ng matanda-ay este ng Chairperson.
Kung nakakatakot man ang mga sumalubong na gwardya kanina ay mas nakakatakot pa 'tong parang mangkukulam na kaharap ko.
She's around 70 plus I think. Bukod sa maliit na nunal nito malapit sa kanyang nostril ay kulobot na ang balat nito. Ang matatalas na kuko nito ay may nail polish pa na itim kagaya ng lipstick na gamit nito ngayon. Meron din itong parang pugad ng agila na buhok, dahil sa nagkukumpulang grayish at kulot na buhok na parang kailan man ay hindi naligo. Higit sa lahat meron pa itong suot na pearls sa leeg na hindi ko matukoy kung totoo ba or design lang.
'Yung pakiramdam na gumawa ka ng research paper o thesis tapos Isa siya sa mga panelists, it will literally shiver my nerves.
Inilagay nito sa mesa ang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon na meron ako at isiniklop nito ang mga kamay habang medyo nakayuko ngunit ang mga mata nito ay nasa akin ang atensiyon. Gamit pa nito ang salamin nitong parang magnifying glass sa kapal.
"Let me ask you one and sincere question before I take you to the section where you will be the advisor," paliwanag nito gamit ang mahina at nakakakilabot na boses na medyo garalgal. Naalala ko tuloy si Roz 'yung matandang character bilang tagahawak ng susi at isang administrator sa pelikulang Monster University.

"why do you want to teach?" Patuloy pa nito na dahilan ng paghinto ng aking realidad at para bang nag-slow motion ang lahat.
Apart from it's my dream, why do I really want to teach?
_________
Flashbacks
"Wala kang ibang ginawa kung hindi ang maglaro! Mabuti pa ang ate mo, kumakayod, may panagarap!" Iritang sigaw ni mama sa akin habang minamasahe ang likod ni papa.
But I'm just an 8 years old kid. Do I not have the right to play?
Gusto ko mang isigaw ang mga salitang 'yun, ngunit hindi ko magawa dahil nirerespeto ko sila.
"Go to your room, Reycepaz!" Buwelta ni Papa habang nililigpit ko ang aking mga laruan pabalik sa cartoon.
"I said go to your room now!" Dagdag pa nito na ngayon ay ibinaba na talaga nito ang diyaryong kanina pa ay kanyang binabasa.
Hindi ko na naituloy pang ligpitin ang ibang laruan ko dahil, parang may sariling pag-iisip na ang aking mga paa at kusa na itong tumakbo papuntang itaas kung saan ang kwarto ko.
Umupo ako sa malambot na kama at walang ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa labas ng balkonahe.
Nilalasap ang mga hanging pumapasok at dumadampo sa pisngi kong basa. B-Basa?...hindi ko na namalayan na umaagos na pala ang mga maiinit kong luha nang hinawakan ko ang aking pisngi.
Biglang lumipat ang atensiyon ko nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang kanina ko pang hinihintay.
"B-Bunso!!"
"Ate!!" Malakasang sigaw ko ng makita kong sino ito.
Niyakap niya ako nang napakahigpit na ginantihan ko naman nang mas mahigpit pa na para bang wala ng bukas.
Si ate Psyche lang ang naging sandigan ko sa lahat. She's the only one that understand me in every aspects that I have.
"Tahan na bunso okay, ang panget ng mukha mo kapag umiiyak." biro nito habang pinunasan ang mga luha sa aking mga mata bago umupo sa kama.
Sinundan ko naman siya at umupo na rin na ngayon ay magkaharap na kaming dalawa.
Hinawakan nito ang aking pisngi at ginulo pa ang buhok kong wala pang suklay.
"Kung ano man ang sinabi nina mama at papa sa'yo ay wag mo nang pansinin. Alam mo naman mainitin talaga ang ulo ng mga 'yun dahil matanda na," mahinhin na tahan ni ate sa 'kin. "ano ba 'yang nilalaro mo?" Tanong nito habang ngumunguso gamit ang bibig niya sa mga laruang pilit kong itinatago sa likod ko.
"L-Lego" utal kong sagot.
"Then what did mom and dad tell you?" She asked.
"They told me I'm useless" tabang kong sagot naman sa kanya habang ang mga mata ay nakatuon lang sa labas ng balkonahe.
She let out a deep sigh bago sabihin ang mga salitang makapagpabago sa takbo ng utak ko.
"Alam mo ba bunso, na napaka-creative mo, hindi lang talaga ito nakikita nila mama at papa dahil nasa 'kin lahat ng atensiyon nila. Hindi ka dapat maging malungkot bunso, dahil kung basihan mo sa bloom taxonomy, ang creative ang nasa pinaka-tuktok nito. You are on the top! Tandaan mo 'yan."
Matapos marinig ang mga salitang 'yun ay parang nabuhayan ako bigla na kahit hindi ko man maintindihan kung ano ang kanyang pinagsasabi, ngunit para bang nabura lahat ng mga sinabi nina mama at papa kanina sa utak ko.
"A-Ate?"
"Bakit bunso?"
"Pwede ba akong maging guro tulad mo?"
Hindi ko alam pero biglang Lumawak ang mga ngiti ni ate matapos kong bigkasin ang mga tanong na 'yon.
"Why not bunso, masaya si ate dahil susunod ka sa mga yapak ko. Galingan mo lang sa pagschool okay?" Sambit ni ate habang ginugulo na naman ang napakagulo kong buhok.
"-digan...Mr. Madigan? Are you still with me?"
Unti-unting pumasok ang mga boses sa tainga ko at nanumbalik na sa realidad.
Kanina pa pala akong tinatawag ng chairperson. I really hate this thing, daydreaming, ang matindi pa, mga dating ala-ala pa ang bumabalik. Kahit maghuhugas lang ako nang plato bigla nalang may pumapasok na mga ala-ala o hindi kaya mga dating argumento na hindi ko naisagot ng tama. Tsk.
"S-Sorry ma'am. Yes I'm still with you." Sagot ko naman sa kanya.
"So let's get back to the question. Why do you want to teach?" She asked me the question again.
I let out a deep breath and smile precisely then look at her eyes even it's scary and say,
"I want to teach, because aside from its my dream, it is my passion. It's what I'm called for the very purpose of my existence. Without the term Teaching, I think I'm nowhere to be found right now. Besides, knowledge that children can't learn from their homes, were they can definitely learn from us, the Teachers." Seryoso kong sagot na tila ba ay proud na proud ako na walang mali sa mga sinabi ko.
Matapos nitong marinig ang lahat ng sinabi ko, bigla itong tumayo
"Follow me, I'll bring you to the building where you're going to teach."
Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko ngayon, masaya na para bang kinakabahan.
Masaya dahil matutupad na ang aking matagal na pangarap, kinakabahan dahil hindi ko alam kong ano ang mga posibleng mangyayari.
Nang tumayo at nagsimula ng lumakad ang chairperson ay talagang 'yung saya na makikita sa reaksyon ko kanina ay biglang nabura at napalitan ng dismaya ng makitang wala itong actual na mga-paa katulad ko at meron itong prepodium ventral foot na makikita sa pamilya ng insektong Gastropoda.
Ano ba kasing nangyayari?
"Bakit may paa kang kuhol?"
_____
Last update : April 23, 2022
Update : June 09, 2022
Update II: September 06, 2022