Nagkulong si Samarra sa study room at nagbasa ng mga libro. Ayaw niyang makasalamuha si Zachary pero nang makaramdam ng gutom. Mga past one o'clock ay napilitan siyang lumabas patungo pa lang siya sa kitchen. Naka-amoy na siya ng mabangong lutong ulam mukhang adobo ata niluluto nito. Nagulat pa siya nang mabungaran naka-topless si Zachary at naka-khaki short na black. Parang sa kilos nito sanay na sanay itong magluto habang pakanta-kanta pa ito.
Tumikhim siya nang malakas para makuha ang atensyon nito. "Why?" tanong ni Zachary habang magkasalubong ang kilay hindi siya umimik.
Seriously galit agad? Tsk. Kahit kailan sala sa init, sala sa lamig ang lalaking ito. Akala niya manghihingi ako ng pagkain. Neknek mo?!
Ngumisi siya at nagkibit-balikat tinungo ang ref. Habang si Zachary sinusundan siya ng tingin. Kinindatan niya ito bago kumuha sa ref ng dalawang avocado, wheat bread at dalawang egg. Kumuha siya ng nonstick pan tumabi kay Zachary. Tinitingnan siya nito habang inihahanda niya ang mga kakailanganin niya sa paggawa ng avocado toast with sunny side egg. Nang matapos si Samarra kumuha siya ng cucumber, carrots and orange para sa kaniyang smoothies. Kitang-kita niya ang itsura ni Zachary habang nakatingin sa kaniya. Disgusting was written all over his face.
Really? Mas healthy pa nga ata kinakain niya kaysa sa pagkain nito.
"Pagtapos mong kumain mag-uusap tayo," ani ni Zachary habang kumakain ito ng adobong baboy. Kahit natatakam si Samarra na tikman ang adobo pinipigilan ang sarili baka mapahiya siya kung sakaling kukuha siya. Isa pa hindi rin siya inaalok ni Zachary.
Nang matapos silang kumain. Si Zachary na ang nag-insist na maglipit at maghugas ng kanilang pinagkainan. Panaka-nakang siyang sinusulyapan nito. Umiiling-iling pa ito habang pinagpapatuloy ang ginawa. Nang matapos ay agad siya nitong hinila paakyat sa itaas. Pinaupo siya nito at mabilis na tumalikod. Napakunot ang kaniyang noo habang sinusundan niya ng tingin si Zachary. Pagbalik nito may dala-dala itong mga papel at inabot sa kaniya.
Takang-taka man si Samarra pero tinanggap niya ang binigay ni Zachary sa kaniya. Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo sa mga nabasa niya. It was a marriage contract and agreement regarding sa mga 'dos and don'ts sa kanilang pagsasama. May mga numbering pa. Una dapat walang makakaalam na kasal sila lalo na at iisang eskwelahan sila mag-aaral. Bawal silang mag-usap at umakto sila na hindi magkakilala. Napakunot ang kaniyang noo at ipinagpatuloy basahin.
Pangalawa siya ang magluluto at maghuhugas ng mga plato as wife's duties, walang lilipat ng higaan. Ang umalis magmumulta ng one hundred thousand. Nanlalaki ang mata niya at tiningnan si Zachary na nakangiti sa kaniya. She rolled her eyes and continuing reading.
Pangatlo hindi niya dapat pakialamanan ang mga gagawin nito at bawal siyang magtanong kung saan ito pupunta. Tumaas ang kaniyang kilay sa mga inilagay nito at parang pabor lahat sa lalaki. Ang last na nakalagay sa unang page kailangan maghihiwalay sila 'pag nakuha na nito ang mana sa edad na bente uno. Huminga siya nang malalim at tiningnan ng masama si Zachary.
"What if… I don't sign this kind of fucking agreement," tanong niya na walang kangiti-ngiti sa mukha.
Lumakad sa kaniya palapit si Zachary. "Basahin mo lahat bago ka mag-sign at magtanong o baka ayaw mo na akong hiwalayan," tudyo nito sa kaniya. Na ikinainis niya kaya hindi na niya binasa ang pangalawang page lahat at basta pinirmahan na lang niya ng matapos na. Ito naman ang kumunot ang noo.
"Hindi mo binasa lahat?" naiinis na tanong nito sa kaniya.
Huminga siya nang malalim. "Ayoko tinatamad akong basahin bahala ka sa buhay mo," patamad niyang sagot. At ibinagsak ang katawan sa kama. Inaantok na talaga siya kaya mariin niyang ipinikit ang mata naririnig niyang may sinasabi pa si Zachary pero hindi na niya pinakinggan.
Nakakunot ang noo ni Zachary habang tiningnan si Samarra nakadapa sa kanilang kama. Hantad ang makinis nitong hita at ang suot na damit ang umangat hanggang butt cheek nito. Kung ilang beses siyang lumunok hindi niya na mabilang. Hindi siya santo para hindi maapektuhan kay Samarra. Kaya naman katakot-takot ang kaniyang pagtitimpi at pagpapaalala niya sa kaniyang sarili. Hindi siya puwedeng gumawa ng isang bagay na pareho nilang pagsisisihan bandang huli. Inis na pumasok sa banyo at tumapat sa shower para maibsan ang init ng kaniyang katawan. Dito magaling si Samarra kahit walang gawin pero sadyang nakaka-akit talaga. Damn! Kagabi pa nagwawala ang alaga niya. Nang matapos maligo at masigurong okay na siya ay agad na tumabi siya uli kay Samarra dahil puyat din siya kagabi.
Nagising si Samarra ng mga alas kuwatro ng hapon nahirapan siyang kumilos dahil may hita at braso nakadagan sa kaniya. Maingat niyang inalis ang braso ni Zachary sa kaniyang baywang at isinunod naman ang hita nito na nakadantay sa kaniya. Nang maalis na niya ay agad siyang bumangon at naligo. Gusto niyang mag-jogging ngayon kaya naghanap siya ng maisusuot may nadala siyang sport bra at hi-waist cycling short pinarisan lang niya ng neon green na running shoes. Nang masigurong maayos inilagay na niya ang kaniyang Bluetooth earphone at lumabas na ng kanilang bahay.
Naglakad-lakad muna si Samarra hanggang makarating sa isang park na medyo malayo rin sa kanilang bahay. May nakakasalubong siyang at ngumingiti sa kaniya kaya nginingitian niya rin pabalik. Noong una naglalakad siya hanggang sa magsimula na siyang mag-jogging paulit-ulit ang kaniyang ginawa. Hanggang sa hindi na niya namalayan na maggagabi na ng mga oras na 'yon.
Hanggang mapagpasyahan na niyang umuwi habang papalapit siya sa kanilang bahay may dalawang patrol mobile ang nasa labas at apat na sasakyan. Biglang may kaba siyang naramdaman. Hindi kaya may nangyari kay Zachary, napatakbo siya nang mabilis para makalapit sa kanilang bahay.
"What's going on here?" tanong ni Samarra ng makalapit.
"Where fucking has you been?" pagalit na tanong ni Ezekiel sa kaniya. Napa-igtad siya nang haklitin nito ang kaniyang braso. "Fucking answer me?" nanggigil na tanong uli ni Ezekiel sa kaniya.
Napamaang siya sa nakikitang galit sa mukha ni Ezekiel. Ano ba ang nangyayari? May masama bang nangyari kay Zachary habang wala siya?
"Oh, my god! Samarra, saan ka ba nanggaling. Iha?" nag-aalalang tanong ni Mommy Lorraine sa kaniya.
Napalunok siya at pinilit hinihila ang kaniyang braso sa pagkakahawak ni Ezekiel. "Nag-jogging lang po ako Mommy Lorraine sa may park," bagama't nagtataka sa klaseng tanong sa kaniya ay sinagot niya pa rin.
Humahangos palabas ng bahay si Zachary at niyakap siya ng mahigpit. "Saan ka ba galing?" bulong nito.
Hindi maintindihan ni Samarra bakit lahat ng tao tinatanong siya saan siya galing. Ano ba talaga nangyari habang wala siya. Hindi siya makasagot dahil sa klase ng yakap sa kaniya ni Zachary. Nang tila nahimasmasan ito bahagya siyang inilayo at nangunot ang noo.
"Bakit gan'yan ang suot mo?" paninita nito sa kaniya. Bipolar ba ito? Kanina nag-aalala tapos ngayon magagalit. Tsk! Pareho sila ng kaniyang Kuya.
"Anong gusto mong isuot ko sa pagja-jogging? Magpalda ng mahaba at long sleeve?" pamimilosopo niyang sagot na ikinainis ni Zachary.
"Ma'am, Sir. Mawalang galang na po," tinig na nanggagaling sa kanilang likuran kaya mabilis na napalingon sila sa isang police officer na nandoon. "Since nandito naman po si Ma'am maaari na po kaming umalis," magalang na sabi ng isang police officer.
Mabilis na lumapit sina Daddy Calvin at Mommy Lorraine sa mga pulis na naroon at nakipag-usap. Habang si Ezekiel masama pa rin ang tingin na ipinupukol sa kaniya. Nang akmang lalapitan niya ito ay bigla na lang ito nagpaalam sa mga magulang at sumakay sa sasakyan kaya wala siyang nagawa kundi ang tanawin ang papaalis ng sasakyan nito.
Umakbay sa kaniya si Zachary at habang kinakausap sila ng magulang nito. Hindi na niya naiintindihan ang lahat ng mga sinasabi basta tango lang siya ng tango para matapos na lang. Hanggang sa namalayan na lang niya tinatanaw na lang nila ang papalayong sasakyan.
Siniko niya si Zachary para tanggalin nito ang pagkakaakbay sa kaniya. Pero hindi nito inalis bagkus pinisil pa ang kaniyang balikat kaya napilitan siyang tingalain ito. Bakas sa mukha nito ang pagkainis at ang mga kilay nito magkasalubong habang mataman siyang tinitingnan. Pinandilatan niya ito ng mata ngunit hindi ito natitinag at iginiya siya papasok sa loob ng bahay. "What was that?" pagalit na tanong nito sa kaniya nang makapasok sila sa loob ng bahay. Ano naman ang problema nito?
"What?" takang tanong niya.
Tumingin lang ito. Umiling-iling at itinaas ang dalawang kamay. "Forget it," anito nito saka iniwanan siya nito.
Takang hinabol niya ng tingin si Zachary na mabibigat ang paa sa pag-akyat. Tss. Bahala na nga siya sa buhay niya. Sa inis niya tumuloy muna siya sa study room para tawagan ang kaniyang magulang.