Download App
58.53% Twilight Promises / Chapter 24: 23

Chapter 24: 23

We had a so much fan last night lalo na nang I surprise ni Tita Janeth si Tito Miguel at exactly twelve mindnight, biniro pa nga ni Itay sila Tito and Tita na pwede pa raw nilang sundan si Marcus nang binlow ni Tito Miguel yung cake na binili nila Marcus kanina sa may bayan. Si Tito Miguel ang may birthday pero mas emotional pa si Tita kagabi, I wonder why baka kasi sobrang saya lang ni Tita kagabi. She's crying but she's glowing.

Kinabukasan ay maaga kaming ginising nila Inay, narinig ko pa kung paano humingi ng tawad si Sab na mag extend ng tulog dahil isa siya sa mga nalasing habang nag hihintay ng oras para i-surprise si Tito and syempre papatalo ba si Sienna at Landon? Syempre hindi, kami lang talaga ni Marcus ang medyo hindi uminom dahil alam namin na walang mag aasikaso sa kanila at isapa ay ayoko nang abalahin sila Inay at Tita Janeth sa amin.

Pagkatapos ng almusal ay nag kanya kanya muna kami ng ligo dahil sila Landon ay at Xander ay sumasakit pa raw ang ulo dahil sa hangover, ang una naming activity ang banana boat na pinapangunahan nila Itay and Tito Miguel. Oh, I forgot to inform you that the gift of Marcus to his father was a rolex watch, napaisip tuloy ako kung ano kaya ang ibibigay ni Tita sakanya and she said last night ay ngayong lunch niya raw ibibigay ang sakanya. Nakaka excite naman.

Kami naman ay kagabi pa namin ibinigay ang mga regalo namin kasabay ng kay Marcus. Sienna and I were shy kasi hindi naman ganoon kamamahalin ang naibigay namin but still Tito Miguel showed that he treasures all the gifts that he received from us. Humirit pa nga si Tito Miguel kagabi dahil hinihinitay niya yung regalo ni Itay sakanya but Itay said that kauwi na lang daw niya ibibigay sa kanya dahil nahihiya raw ito sa mga makakakita. Nakatanggap tuloy ng maraming sermon si Itay kay Inay na kesyo ang dami raw nitong arte.

Nang makasakay kami sa banana boat ay lihim na tinignan ko si Marcus sa kabilang banana boat dahil magkahiwalay kami. Nasa pinakaunang pwesto si Itay, na sinundan ko tapos si Siena at pinakahuli ay si Sab habang sa kabila naman ay pinangungunahan ni Tito Miguel na sinundan ni Marcus. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano ka intense ang uri ng titig ang ibinibigay ni Marcus sa akin. I looked away pero nakatagilid pa rin ang ulo ko para hindi masyadong halata na umiiwas ako ng tingin sakanya dahil sa ginawa ko ay ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pag akyat ng dugo sa mukha ko. Marcus and his stares!

"Oh, bat namumula ka? May lagnat ka?" Inosenteng tanong ni Siena dahil nakatagilid ang mukha ko kanina pa.

"H-huh? Wala. Mainit kasi eh." Paliwanag ko habang kunwaring pinapapaypayan ang mukha ko gamit ang kanang ko.

"Hey, I have face mist her. You want?" Prisinta ni Sab marahil narinig niya ang usapan namin ni Siena. Inabot ko na lang ito at nag spray upang tumigil na sila sa kakatanong. Nang mapatingin ako ulit sa gawi ni Marcus ay napa ispray ulit ako dahil kita ko kung paano itong simpleng kumindat sa akin. Walanghiya ka, Marcus! Kapag ako napagalitan ni Itay.

"Girls, kapit mabuti!" Itay commanded.

"Eye, eye captain." Sigaw nila Siena at syempre ako din at si Siena ay sumaludo pa nga.

Nakailang ikot rin kami at habang nasa dagat ay walang tigil ang bangayan ng apat na sila Siena, Sab, Landon at Xander. Si Marcus naman ay panay ang tingin sa gawi ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang makita kong lilingon na naman sana siya akin dahil baka makahalata na sila sa amin. I don't want them to get the wrong idea lalo na kung sa amin ni Marcus ay hindi pa ganoon kalinaw.

"Tito Ramon, hindi po pantay ang banana boat niyo. Medyo lumulubog napo sa may bandang dulo." Pahayag ni Landon sa kay Itay dahil hindi naman ganoon kalayo ang pagitan namin sakanila pero kay Sab ito nakatingin.

"Ha? Ganoon ba? Naku, kailangan na ata naming bumalik." Itay insisted.

"No, Tito. He's just bluffing. You!" Agad na sinabuyan ni Sab si Landon ng tubig habang tumatawa naman ang isa. Wala talagang pinipiling lugar ang dalawa.

Nang pabalik na kami ay nakita kong nag aabang na sa pampang sila Inay at Tita. Si Rochele naman ay sinasamahan si Ivy ang bunso namin na maglaro ng bunangin. Sand castle ata napagtripan nilang gawin. Habang papalapit kami ay nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko alam na dahilan, iwinaksi ko na lamang ang pakiramdam na ito dahil baka sa dala lang ng init ng panahon. Pwede naman iyon diba?

Ang mga kamay ni Marcus ang sumalubong sa akin nang baba na ako sa boat. Agad ko itong inabot upang makababa na.

"Hey, are you alright?" Marcus asked.

"H-huh? Oo naman. Bakit?" Tanong ko habang pilit na ipinapasawalang bahala ang kabang nararamdaman ko.

"You look disturbed. Is there something bothering you?" Wika niya at inabutan niya ako ng juice na galing sa mga caretakers. Marahil siya rin ay uhaw na katulad ko kaya kinuha ko ito.

"W-wala. Sa init lang ito tsaka uhaw. Thanks." I smiled nang mapatingin ako sakanya.

Just like the old time. I was starstruck because of his looks. The air perfectly blows his hair and god damn it; it was the most fascinating scene I've seen in my life. I could stare at him like that for the rest of my life.

"Hey, kids! C'mon clean yourselves. It's lunch time na." I silently thanked Tita Janeth nang bigla itong nag announce dahil may pagkakataon akong umiwas ng tingin kay Marcus na walang alam sa mga nakaw kong tingin sakanya. I'm wipped. Badly wipped, Irene.

Huli kami nakadating nila Sab sa may venue hall dahil nagpahintay pa si Sam. Nakaidlip na nga si Siena kanina habang naghihintay dahil sa tagal ni Sab sa banyo. Ang sabi niya ay ganoon raw siya talaga maligo, mabuti na lang talaga at mayaman itong si Sab at may sariling banyo dahil paniguradong sasakit ang pantog ng mga kasama niya sa bahay kakahintay sa kanya.

"Oh, buti lumabas pa kayo." Kantyaw ni Landon habang nakangisi kay Sab. Tinaasan lamang ni Sab ng kilay si Landon. Una ang akala ko ay hindi na ito lalaban pero nakalimutan kong pinsan niya nga pala si Marcus na never nag papatalo.

"Oo eh, you might me miss me." Landon playfully faces suddenly fades nang sagutin siya ni Sab and Sab just smirked because of his reaction.

"Wala ka pala, pre." Xander teased.

"Nice one, san." Marcus did a good job thumb to show a support to his cousin.

"Dami niyong alam." Landon just commented and nagsimula nang ayusin ang plato niya.

Ang mga pagkain ay nakahain na at lahat kami hinihintay na lang si Tita Janeth. When she arrived she's holding a cute box, I guss that is her gift to Tito Miguel. She looks nervous but happy at the same time, nakaka curious naman ang gift ni Tita. I can't wait. Pati si Inay sa gilid ay naka ngisi lang din na parang na e-excite sa mga mangyayari.

"I'm sorry for waiting. I guess I'm just really excited and nervous." Tita Janeth commented habang nakatayo na mukhang may importanteng sasabihin sa amin.

"Why mom?" Marcus asked while smiling. "Am I kuya na ba?" Biro niya and that made everyone laugh including me. I can't just imagine Tita Janeth baby bump, so cute.

"Wow, pare. Sa wakas magiging ninong na ako ng anak mo." Itay teased while Tito Miguel sipped his juice while smiling.

"Well... your wish is my command, kumpare." Tita Janeth announced and she opened the cute box and placed it infront of Tito Miguel. Bumaba ang tingin nito habang umiinom at nang makita niya ang nasa loob nito ay bigla na lamang naibuga ni Tito ang iniinom niyang juice sa mukha ni Marcus kayan naman lahat kami ay napatawa.

"Fuck... Am I dad again, sweetheart!?" Tito looked surprise at napatayo pa ito at hinawakan ang baby bump ni Tita dahil sa tuwa habang si Itay ay tumayo upang makipag apir kay Tito.

"Nice one, pare! Talaga nga naman." Itay commented and he looks so happy because of the announcement for his best friend.

I felt lucky to have, Itay. Kahit kailan ay never kong nakita ang pagka inggit sa mukha niya buong buhay ko dahil sa layo ng estado ng buhay nila Tito Miguel sa amin kahit na minsan ay hirap na hirap na kami sa buhay. In fact, he idolized Tito Miguel sa galing nito sa larangan ng negosyo at dalawang taon na rin pala ang nakakalipas ng manalo rin si Tito Miguel bilang isang gobernador sa may Makati kung saan lumaki si Tito Miguel while Tita Janeth ay kababayan namin.

Iyon ang dahilan kung bakit laging wala si Itay sa bahay dahil lagi silang lumuluwas ng Makati dahil sa pangangampanya ang huling balita sa amin ni Itay ay mahigpit ang laban ngayon sa kabilang kampo dahil isa rin daw bigatin ang gustong tumakbo but I still belive Tito Miguel's capability at isa pa nasa taong bayan na ang desisyon kung sino ang mananalo. Kung si Tito pa 'rin nanalo ang ibig sabihin ay magaling talaga siyang mamahala at kung hindi naman ay okay lang din dahil alam kong mas lamang pa 'rin natulungan ni Tito Miguel at isa na ako roon.

I smiled genuinely when I see their happiness in their eyes, even Inay almost cried when she heard Tita Janeth's message to her husband, napailing na lang ako dahil todo punas naman kunwari si Itay sa pisngi ni Inay kaya nakatikim ito ng batok sakanya.

I was busy preparing my clothes nang may narinig akong kumatok sa pinto. Ako lang mag isa ngayon dahil ang dalawa ay nauna nang lumabas para magpahangin sa labas dahil malapit nang bumaba ang araw. Napatingin pa ako sa paper bag na nasa kama ko na balak kong ibigay kay Marcus mamaya bilang graduation gift ko. When I opened the door, I was taken a back nang makita kong nakatayo sa labas si Marcus while his hands are were placed behind na parang may itinatago.

"Yes, anong maipaglilingkod ko mahal na hari?" I teased at lumabas para sa labas na kami mag usap.

"Uh... Ano... Tara lakad tayo panget." He stated habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Puro puno lang naman ang makikita niya at dagat dahil kami lang ang nandito sa resort. His family decided to rent the whole resort since gusto nila ng private party.

"Sige ba! Wait lang may kukunin lang ako." Sabi ko. Ito na siguro ang tamang chance para mibigay ko sakanya yung regalo ko. Huwag lang talaga niyang tatangkain na pagtawanan ang regalo ko kundi pati siya ay makakatikim ng batok.

"Tch. Pinaghintay pa nga." Reklamo niya. Napaikot na lang ako ng mga mata dahil sa sinabi niya. Nang makalabas na ako ng kwarto ay nakita ko na siyang nakaabang sa may ilalim ng puno, ngayon ko lang napansin na nakapag palit na siya ng damit, kanina kasi ay naka plain shirt ito pero dahil sa stain ng juice kanina dahil natapunan ni Tito ay nagpalit na ito ng white polo and I find it more better and he just partnered it withblack board short. Simple pero ang lakas ng dating, of course ano man ang isuot niya magiging maganda pa rin ito sa paningin ko and of course again, never kong aaminin sa kanya yon.

"Hey, congrats pala sa graduation mo! Dami mong achivements ah!" Biro ko para naman may mapag usapan kaming dalawa habang naglalakad. I still find it weird dahil kung kailan umamin na siya sa akin ay saka naman kami nagkailangan dalawa.

"Thanks. I'm looking forward to see yours next week." He stated habang nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa. Ano kaya iyon? Bomba?

"Congrats uli, naks. Kuya kana hindi na ikaw ang nag iisang unico iho." I joked but he just smirked.

"Okay lang, ako pa rin naman ang nag iisa sa puso mo." I stopped playing water with my feet dahil sa narinig ko. His simple words made my heart race again. Dahil sa mga pinagsasabi niya malapit na akong magkasakit sa puso na tinatawag na Marcus syndrome. Charot.

"A-ang d-dami mong alam! Ayan sayo na." Saad ko at ibinigay sakanya ang hawak kong paper bag. Actually, habang nasa sasakyan pa kami ay tinatanong na niya kung ano ang laman ng paper bag pero hindi ko sinagot hangga siya na ang kusang tumigil kakatanong.

"Uy thanks! Nag abala ka pa. Sabi ko na eh, para sa akin talaga 'to." Natatawang saad niya at agad na tinignan ang nasa loob. I'm nervous na baka hindi niya magustuhan lalo na at hindi naman ganoon kamahal ang nabili ko.

"Y-you're welcome. S-sorry kung iyan lang ang nabili—"

"I love it." He commented while still looking on his gift.

"U-uy ano kaba, sapatos lang iyan. First time mo ba makatanggap ng sapatos bilang regalo?" I teased dahil hindi na niya ito nilubayan ng tingin kaya naman biniro ko ulit siya.

"Oo. Lalo na galing sa taong mahal ko." Good heaven.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Thanks! :)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C24
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login