Download App
24.65% The Badass Twins / Chapter 18: Chapter 17

Chapter 18: Chapter 17

Godee's POV

Gusto kong matawa sa sinabi twin lalo pa't rinig na rinig iyon ni kuya. Sinundan namin siya rito sa garden. Naunahan nga lang kami ni Worth kaya hindi muna namin sila inusturbo sa kanilang pag-uusap.

Habang si kuya naman ay kaninang kalmado niyang mukha ay naging tigre! Hahhahahaha!

"What did you say Heaven Katana Amore Hunterose, gagawa kayo ng maraming anak?"

Pinalobo ni Twin ang pisngi niya saka nakangiwing tumingin kay kuya.

"Tsk. Nakikinig ka na lang, mali mali pa. It's alak not anak, Sky Blade Amar Hunterose"

Nagsalubong ang kilay ni kuya sa tawag sa kanya ni twin. Kalauna'y bumugtong hininga saka nilapitan ito.

"Baby, I'm sorry na ok? Hindi ko sinadyang sigawan ka kanina."

"Hmp! I'm not your baby anymore! Si Dana na ang baby mo!"

"What? No, she's not my baby. Kayong dalawa lang ni Godee ang baby ko. Please forgive me na ok?"

"But you love her! Palagi mo siyang kinakampihan!"

"Oh god, I'm not love her, baby."

"Ok fine, kuya na ulit kita pero gusto ko baby mo rin si Desdes."

"What? No, hindi ko siya pwedeng gawing baby. Bawal pa iyon sa pamilya nila. Right? Worth"

Tumango si Worth bilang sagot.

"Tss. Pasok na nga ako."

Wika ni Twin. At nauna na siyang pumasok sa mansion. Sinundan ko siya.

"You did the Almighty Push, twin. Alam mong ikakamatay ni Dana ang ginawa mo."

Almighty Push is one of our combat skills. Pinupuntirya nito ang puso ng isang tao. Minsan niya ng ginamit ito sa mga nakalaban namin sa Race.

"Hindi ko na kasalanan kung masaktan ang puso niya. Kasalanan ng dibdib niya iyon dahil flat chested siya."

"Flat chested? Eh, bakit ang laki ng cocomelon niya?"

Kapag tinitignan ko si Dana, dibdib niya ang unang napapansin ko dahil malaki ito.

"May foam ang bra niya. Nang tinulak ko siya kanina dibdib niya ang nahawakan ko. Akala ko rin malaki ang cocomelon niya tulad sayo pero hindi pala. Lumubog yung bra niya. Kahit hawakan mo pa para malaman mo."

"No need, Naniniwala naman ako sayo."

Wika ko sabay tingin sa hagdan ng makita ko si Ryder doon. May dala itong mga Accounting materials.

"Hey, Beautiful Ryder tuturuan mo na ba ako?"

Tanong ko sa kanya ng makababa siya sa hagdan. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero tumango naman siya sa'kin.

"Twiny, sa Study room muna kami ni Ryder mag-aaral kami ng accounting."

"Sige, hahatiran ko kayo ng cookies kapag nakapag luto na ako."

"Magbe-bake ka? Gabi na, magpahinga ka na lang."

"Peace offering iyon para kay kuya pero gagawa na ako ng marami para sa'ting lahat. Midnight snacks."

"Kahit ako wag mo ng bigyan. Mahirap na baka magka LBM na naman ako."

Biglang usal ni Ryder. Kalmado ang boses niya at tumingin pa siya kay twiny.

"Wag kang mag-alala beautiful Ryder, hindi lalagyan ng lason ni Heaven ang gawa niya dahil Peace offering niya iyon."

Wika ko pero hindi niya ulit ako tinignan ng tumango siya.

'Pindeha, panget na panget talaga siya sa'kin.'

"It's Cookie cream pie made of crunchy chocolate chip cookies with choco flavored cream filling, Ryder. Hindi ko ginagago ang mga baked dishes ko noh."

Saad ni twin saka siya umalis at nagtungo sa kusina. Sumunod ako kay Ryder ng naglakad na ito papunta sa Study room namin dito sa mansion.

"Bakit niyo dinamay si Desire sa kalokohan niyo?"

Masungit niyang tanong sa'kin. Nagkibit balikat ako saka umupo sa swivel chair sabay patong ng paa sa lamesa. Nakapantalon ako kaya ayos lang. Lalong sumungit ang mukha niya sa ginawa ko.

"Abangan niyo na lang sa SSG Headquarters niyo ang tatlong tao na iyon. Naturingan kayong miyembro ng ACES pero ang tatanga niyo naman."

Bagot kong wika. Hindi kami nila twin at desdes iyong nasa footage. Sinagot lang sila ni twiny na kami iyon para hindi na sila magpapagod sa wala.

"Umayos ka na nga ng upo."

Masungit niyang wika. At saka inayos ang mga Balance Sheet sa lamesa.

"Fine, so saan tayo magsisimula? Assets? Liability? Equity?"

Tanong ko habang umayos ng upo at siya naman ay umupo sa isang swivel chair na malayo sa'kin. Pindeha.

"Manahimik ka na lang at makinig sa'kin. Ayaw ko ng may maraming tanong."

Aniyang hindi nakatingin sa'kin. Ang sungit niya na nga, aya niya pa akong tignan. Pindeha talaga.

"Paano ako matuto kung hindi ako magtatanong sayo? Syempre, I need to ask some questions din di ba?"

"Magtanong ka lang kapag tapos na ako magpaliwanag. Tumayo ka diyan at kumuha ka ng dalawang Accounting Books doon sa Shelve."

Utos niya sa'kin. Tinignan ko ang mga shelves dito sa study room. Masyado itong marami. Malawak ang Study room namin dahil may Library area ito.

"Anong volume ang mga Accounting Books?"

Alam ko kung saan nakalagay ito pero gusto ko pa rin siyang tanungin. Hindi niya ako pinansin kaya nakamot ko ang ulo ko saka tamad na pumunta sa isang shelve kung saan naroon ang mga librong pinapakuha niya.

Third Person's POV

Gustong kaltukan ni Ryder ang sarili dahil kinakabahan siya tuwing nakikita o malapit sa kanya ang dalaga. Hindi siya sanay na kasama ito lalo pa't hindi mapakali ang puso niya tuwing maririnig niya ang boses nito. Kaya tinatakpan niya ng kasungitan ang kaba niya. Ayaw niyang magmumukhang tanga kay Godee. Hindi niya rin ito matignan sa mata dahil lalong bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing nasisilayan niya ang mga itim na itim nitong magagandang mata. Nakakaakit tignan.

'Sana lang hindi niya ako mahalata'

Aniya sa sarili. But knowing Godee one of The Badass Twins. She's capable and genius. He knew her very well. Alam niya ring nagpapanggap itong walang alam sa Accounting. Maybe, she want to assured his abilities. Kaya, gagalingan niya ang pagpapaliwanag ng Accounting sa dalaga.

"Let's start, Hon."

Hon?

Nagsalubong ang kilay ni Ryder sa narinig. Pinigilan niyang mamula ang pisngi kaso ang leeg niya pulang pula na. Traydor!

"What did you say?"

Muntikan pa siyang mautal ng tanungin ang dalaga. Masungit niya itong tinignan. Ngumisi si Godee. Gustong tumawa sa reaksyon ng binata.

"Han? H. A. N., di ba apelyido mo yung, Hon?"

Nang-aasar ang boses! Lalong sumama ang mukha ni Ryder. Hindi siya nagkamali sa narinig!

"Just call me Ryder. Nothing else. Kung hindi ka pa rin titigil sa pang-aalaska mo, hindi na ako magtuturo ng Accounting sayo."

Masungit niyang saad habang nilalabanan ang kaba niya sa dibdib.

Ngumiti si Godee.

"Fine, titigil na ako. Pero, bakit ang pula pula ng leeg mo?"

"Allergic ako sa alikabok."

"Walang alikabok dito, Beautiful Ryder."

"Ikaw, isa kang pasaway na alikabok. Kaya, manahimik ka na at magsisimula na tayo."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login