Download App
20.54% The Badass Twins / Chapter 15: Chapter 14

Chapter 15: Chapter 14

Dana's POV

Thanks to my beloved Blade gumaling na kaming lahat from LBM! And those twin bitch! Kasalanan nila kung bakit sumakit ang tiyan namin! At hindi ba nila alam kung ilang beses kami nag-banyo! Nalaman ni Blade na kaibigan nila ang may-ari ng restaurant na pinag-orderan ko ng pagkain kagabi.

"President, dapat parusahan natin ang twins. Hindi tama ang ginawa nila. Muntik ko ng ikakamatay ang LBM"

Mahinhin kong sabi kay Blade. Kasalukuyan niyang binabasa ang binigay na assignment sa kanya ng Lecturer namin. Nandito kami sa Class room wala sila Godee at Heaven at hindi ko alam kung saang lupalop ng empyerno sila pumunta. Ang iba naman naming kasama ay nasa SSG Headquarters.

"Dana, hindi pa naman tayo sigurado kung sila talaga ang dahilan kung bakit sumakit ang tiyan natin."

Sabi ni Ryder. Napa-ikot ako ng mata. Sinabi na nga ni Blade na kaibigan nila yung owner ng Restaurant. Syempre, automatic na yun na kasabwat siya. Lalo pa't lumabas ang twins kagabi bago dumating ang delivery food.

"But, I'm sure of it! Malakas ang kutob ko na kagagawan nila yun."

Inis kong sabi. Tumingin ako kay Blade ng tumayo ito at binigay sa'kin ang isang folder.

"Huwag mo ng isipin kung sino ang dahilan kung bakit nagka LBM tayo, Dana. Please organize the Outreach program. Magdagdag ka ng mga ilang activities. Then, mamaya i-anunsyo mo sa mga kaklase natin kung sino ang magkakagrupo. Pupunta lang ako saglit sa simbahan. See yah later."

Ngiting sabi ni Blade. Goshh. My heart. Ngumiti rin ako ng kay lawak lawak at bukal sa loob na tinanggap ang folder na binigay niya. Hindi pa tapos ang pagpapa-cute ko ng lumabas na siya sa class room. Sumunod na lumabas si Ryder. Napasimangot ako at umupo na lang sa upuan ko saka binuklat ang folder. Napangisi ako ng may naisip akong activities. Humanda kayo sa'kin mga demonyetang kambal! Papahirapan ko kayo sa Outreach program!

Godee's POV

Ang tagal naman matapos kumain nito. Nakatunganga ako sa kambal ko na kumakain ng damo sinabayan niya pa ng kape. Tsk. Ilang beses na siyang nagkape ngayong araw.

Nakita ko si Worth na papasok dito sa Cafeteria kaya tumayo na ako. At walang sabing iniwan ang kambal ko.

"Ayun si Heaven, pakisamahan na lang siyang kumain ng damo."

Sabi ko kay Worth ng makasalubong ko siya. Hindi man lang nagbago ang walang emosyon nitong mukha. Tumango lang siya at naglakad na. Wirdo.

Pangiti ngiti akong sinundan ang target kong maganda. Siya ang una kong nakita ng nakalabas ako sa cafeteria.

Kung nakapang damit pambabae lang siya ang ganda niya sana lalo.

"Hi Ms. Beautiful Ryder"

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Hahahaha ang ganda niya. Bagay na bagay sa kanya ang buhok niyang hanggang balikat. Bihira lang sa mga lalaki ang nababagayan sa mahabang buhok. At isa na siya roon.

"What do you need? Wala akong oras makipag lokohan sayo, Godee."

Ang sungit naman nito. Nagmumukha tuloy talaga siyang babae. Ngitian ko lang siya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Nasa iisang bubong lang kami pero minsan lang kami nagkikita sa bahay. Palagi siyang nagkukulong sa kwarto niya.

"Turuan mo nga pala ako"

Sabi ko. Tumingin ulit siya sa'kin pero agad ding nag iwas ng tingin. Tss. Panget na panget siguro sa'kin toh.

"Ano namang ituturo ko sayo?"

Talaga bang masungit ang isang toh. Sabunotan ko kaya toh ng umamo.

"Sa Accounting, balita ko ikaw ang pinaka magaling sa subject na yan."

"That's fake news"

"Really? Kaya pala perfect score ang Balance paper mo."

"At paano mo nalaman yun?"

"Tinulongan ko ang Lecturer natin sa Accounting na mag check ng mga Balance Paper. Sa katunayan nga hindi pa ako tapos mag list ng mga scores. Pwede kong dayain yung sayo imbes na perfect ka gagawin kong zero."

"Baliw ka na"

"Sayo oo hahahaha!"

"Fine! fine! tuturuan kita pero sa isang kondisyon ayaw kong may kasamang kalokohan kapag tinuturuan na kita."

"Oo naman. No problem"

"Kailan naman kita tuturuan?"

"Mamayang gabi sa mansion after dinner. Pupuntahan kita sa kwarto mo."

"Bakit naman sa kwarto ko pa? Sa study room tayo baka ano pang isipin ni Blade."

"Si kuya ba talaga ang may na iisip o ikaw?"

Pang-aasar ko. Lalong sumungit ang mukha niya at tinignan ako ng masama.

"Ewan ko sayo! Baliw ka ngang talaga."

Sabi niya sabay mabilis na naglakad hindi ko na siya sinundan dahil natatawa ako sa inaakto niya.

Ryder, hindi ako manhid tulad ng kambal kong si Heaven.

Napa-iling ako at pumunta na sa class room namin.

Heaven's POV

May asungot na tumambad sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng cabbage soup. Pero dahil papansin talaga siya tinignan ko siya ng masama ng humigop siya sa kape ko.

"Ano ba! Pwede ka namang umorder doon sa counter!"

Inis kong sabi pero ang kulangot na walang emosyon na toh ngumisi lang.

"I want yours"

"Tsk! Sayo na lang yan, oorder na lang ako ulit."

Akmang tatayo ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"No need, Mi Amoŕe. Here, ubusin mo na itong kape malapit na mag bell."

Tumingin ako sa malaking orasan dito sa cafeteria. Mag be bell na nga. Umupo na ako ulit at pinagpatuloy ang pagkain ng cabbage soup ng nakasimangot dahil itong si Worth wala siyang ginagawa kundi pakialaman ang kape ko. Hinihipan niya ito habang nakatingin sa'kin.

"Hindi ka ba nagsasawa na titigan ako? Buong araw ka na lang nakatingin sa'kin"

Sabi ko. Hindi na nga ata yan nakikinig sa lectures ng mga guro namin dahil palagi lang siyang nakatitig sa'kin.

"Hindi ka nakakasawang tignan, Mi Amoŕe. Tss. Kung pwede lang puntahan kita sa kwarto mo para makita kang natutulog gagawin ko kaso bawal baka ipa salvage ako ni Blade."

Natatawang sabi niya. Kumunot ang noo ko at napatitig sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa.

"Look girls, nakita niyo ba yun? Worth Galvez is laughing for the first time in the history!"

Nagsimula ng nag iingay sa paligid namin. Lalo na ang mga babaeng may gusto sa kanya.

"OMG! he's so handsome!"

"They're dating ba ni Heaven?"

"Omo! Bagay silang dalawa!"

Ningitian ko sila para manahimik kaso lalo lang silang nag-ingay. Tumayo si Worth at nilapitan ako saka hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming umalis sa cafeteria. Marahan niyang hawak hawak ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa class room.

"Ehem! Bakit may paghawak pa ng kamay, Worth?"

Nakasalubong namin si Kuya galing atang simbahan ito. Amoy sampaguita kasi siya. Nawalan ng emosyon ang mukha ni Worth saka binitawan ang kamay ko habang si kuya naman ay inakbayan ako. Pumagitna siya sa'min ni Worth saka kami nagpatuloy sa paglalakad patungo sa room.

"Nabusog ka ba, baby ko?"

Ngumiti ako at tumango kay Kuya.

Siya ang nag-order ng lunch ko kanina kaya pilit ko talagang inubos yun kahit busog na busog na ako.

Tumingin ako kay Worth na tahimik lang nakikinig sa'min. Ba't ba nawawalan ng emosyon ang mukha niya kapag may kasama kami?

Pero kapag kaming dalawa lang nag iibang tao siya. Yung Worth na pogi hahahaha. Kase panget siya ngayon dahil wala siyang emosyon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login