Download App
13.69% The Badass Twins / Chapter 10: Chapter 9

Chapter 10: Chapter 9

Blade's POV

Napahilot ako ng sensitido ko. Kay aga-aga ang kukulit ng Kambal!

Sabado ngayon kaya nandito kami sa Mansion.

"Aish! Baliktad talaga ang utak niyo eh noh? Kapag may pasok ang tagal niyong gumising tas itong wala naman tayong pasok ang aga niyong nambubulabog sa kwarto ko."

Saad ko sa kanilang dalawa. Jusmeyo! Alas kwatro pa lang ng madaling araw ng ginising nila ako.

"Wag ka ng magreklamo diyan kuya, Magja-jogging kami ni Twiny kaya sumama ka sa'min ng magkaroon din ng muscle iyang payatot mong katawan. Kulang sa exercise eh."

Nakangising saad ng magaling kong kapatid na si Heaven. Nakapag-bihis na sila ni Godee ng pang-exercise na damit.

"Anong payatot ka diyan? Nag-ji-gym kaya ako."

"Oo na lang, Kuya. Magpalit ka na roon at nang maka-jogging na tayo."

Wika ni Godee. Haist! Iba na talaga ngayon ikaw na ang inuutusan ng mas nakakabata mong kapatid. Wala naman na akong magawa dahil pinagtutulak na nila akong dalawa papunta sa cr ng silid ko.

"Ito pala ang damit mo kuya, bilisan mo huh? Hihintayin ka namin sa ibaba. Love yah!"

Saad ni Heaven hinalikan niya pa ako sa pisngi saka sila lumabas ni Godee dito sa kwarto ko.

Napa-iling na lang ako sa ginawa nila sa'kin kanina. Binuhusan ba naman ako ng malamig na tubig habang ang himbing himbing ng tulog ko. Aish. Mga batang yun talaga.

"Hayyyy, sa wakas nandito na ang dalaga natin, twiny."

Nakangising saad ni Godee ng makakaba na ako rito sa sala. Inakbayan ko na lang silang dalawa saka kami lumabas sa Mansion.

"Masyadong revealing ang suot niyo, Twins."

"Hayyy naku, si kuya talaga. Sports bra lang naman toh eh saka tayo lang naman ang tao rito na nagja-jogging kaya okey lang."

Ani ni Godee. Tumango na lang ako. Saka kami nagsimula ng mag-jogging.

Lilibotin namin itong buong Skyline Village.

Alas singko pa ng umaga kaya wala pa kaming taong nakikita rito na gumagala sa village.

"Dapat pala inaya rin natin si Desdes na mag-jogging, twiny?"

"Kaya nga eh kaso baka tulog pa yung tao."

"Wow! Nakakahiya naman sa inyo na inusturbo niyo ang tulog ko."

Saad ko pero ningisihan lang ako ng dalawa.

"It's okay kuya. Mabait kasi si Desdes kaya bawal isturbohin yun."

"Bakit ako? Mabait naman ako ah?"

"Hindi kaya, dimunyu ka eh."

Ngising saad ni Godee kaya napasimangot na lang ako at tinuon ang paningin sa daan.

Lihim din akong napangiti dahil kahit papaano mabait sila pagdating kay Desire. Saka simula ng dumating sila sa Huntress madalas ko ng nakikitang tumatawa o ngumingiti si Siree dahil sa kanila.

"Pero aminin, gusto niya ring makasama si Desire niya na mag-jogging."

Saad ni Heaven at binangga pa ang balikat ko.

"Ano bang pinagsasabi mo diyang bata ka?"

"Pfffft... Wala po"

Dana's POV

Nagbe-bake ako ng cupcakes para sa boys. Naglalaro sila ngayon ng basketball sa Mansion nila Sky.

May nag-text message sa phone ko.

"Dana, maghatid ka na raw dito ng cupcakes sa basketball court. Tapos na ang laro. Bilisan mo nagugutom na kami."

From: Unknown Friend

What? Ang lakas naman ng loob nitong utosan ang isang Dana Miller na katulad ko. Humanda siya sa'kin kapag makilala ko siya.

Kinuha ko ang mga cupcakes na naluto ko na at nilagay ito sa isang cupcake basket. Saka ako umalis sa condo ko.

"Hello boys! Ito na ang mga cupcakes niyo---"

Natigilan ako dahil hindi pa pala sila tapos maglaro.

"Hala! Bawal bruha dito sa Mansion namin."

Biglang saad ni Heaven. I rolled my eyes. Pati ba naman sabado nakikita ko pa rin sila.

"Lumabas ka nga dito, cu's witch is not allowed here."

Ani pa ni Godee na hinaharangan pa ako sa daan. Hindi kami napapansin ng boys dahil busy ang mga ito sa paglalaro ng basketball. Ang kapatid ko namang ampon ayon walang pakialam sa paligid niya dahil sa libro lang siya nakatuon.

"Skyyyy!!! Help me please, inaaway na naman ako ng Twins!"

Sigaw ko. Huminto ang boys sa laro saka takang tumingin dito sa gawi namin.

Nagulat na lang ako ng bigla akong batokan ng twins! Sabay pa sila!

"Witch!"

"Sumbongera!"

Sabay nilang saad saka sila tumakbo papasok sa Mansion nila.

"Oh Jesus! Pasensya sa ginawa ng kambal, Dana."

Paumanhin ni Sky ng makalapit siya rito sa pwesto ko. Kinuha niya rin ang dala kong cupcake basket. Kimi akong ngumiti.

"A.. Ano okey lang, hindi naman masakit eh"

Kahit na halos maalog ang utak ko sa ginawa ng twins. Mga Demonyo talaga!

"Tara, doon ka muna sa bench. Mamaya na namin kakainin itong cupcakes mo. Hindi pa kasi kami tapos maglaro."

"Yeah, sure"

Napangiti ako ng malapad dahil hinatid niya pa talaga ako sa bench. Such a holy gentleman, My Love Sky.

Nagsimula na ulit maglaro ang boys. Ang galing talaga nila lalo na ang Sky ko!

"Witch, your condominium building is on fire."

Ngising saad ni Godee sa'kin ng makalapit sila rito sa bench. Tinarayan ko lang sila ni Heaven saka ako tumingin sa condominium building namin. Napatayo ako sa gulat at nanglalaki ang mata habang nakatingin sa tinutuluyan namin...

"Oh my god! Nasusunog ang condominium natin!"

Tili ko dahilan para huminto ang boys sa paglalaro ng basketball at tulad ko nanlalaki ang mga mata nila sa gulat.

Heaven's POV

Few hours later.

Late ng dumating ang mga bombero kaya wala na silang naisalbang gamit tanging ang condominium building na lang ang natira ngunit ang dating puting kulay nito ngayon ay itim na dahil sa sunog.

"Kasalanan talaga yun ni Dana eh... Kung hindi lang siya tanga tanga na iniwan ang oven na nakabukas edi sana hindi nilamon ng apoy ang tinutuluyan niyo."

Saad ni Twiny. Nakangisi pa siya halatang masaya siya sa nangyareng sunog kanina.

"Paano na yan wala na kayong matutuluyan at nasunog pa sa empyernong apoy ang mga gamit niyo? I'm sure, sa lansangan na kayo maninirahan. Hahahahahaha! Grabe ang saya non tang-*na!"

Saad ko pa.

"Twins, tumigil na kayong dalawa. Kita nyong nagluluksa sila."

Saway sa'min ni Kuya Sky. Matik na huminto kami sa kakatawa ni Twiny. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaray sa'min ni Dana.

"Dukutin namin yang mata mo eh! Pataray taray ka pa jan ah!"

Sigaw ko kay Dana. Naglabas si Godee ng pocket knife. Kaya halos mawalan ng ulirat si Dana ng lumapit sa kanya si Godee at itinutok nito ang pocket knife sa mata niya. Isang pulgada na lang ang pagitan ng patalim sa kaliwang mata niya nang nagsalita si kuya Sky.

"Godee! Itigil mo yan."

"Ituloy mo ate para mawalan na ng mata yang si Dana tang-*na yan eh!"

"Heaven! Isa ka rin. Tumigil na nga kayong dalawa. Wala namang ginagawang masama sa inyo si Dana."

"Psh! Tinarayan niya kami."

"Hindi totoo yon, Sky. Wag kang maniwala sa kanya. She's lying---"

"Punyeta! Gusto mong ituloy ko toh sa mata mo huh?!"

Sigaw ni Godee kay Dana kaya napahinto ito sa pagsasalita.

"Tara na twin. Hayaan mo na ang Dana na yan at ng mamatay hahahaha!"

"Sayang hindi siya nasunog, noh?"

Saad ni Godee ng makalapit siya sa'kin.

"Kaya nga eh. Siguro sa tamang panahon masusunog din siya sa empyerno."

Nagtawanan kami ulit at akmang aalis na kami ng nagsalita si kuya na talagang ikina-init ng dugo namin!

"Let's go guys, Doon na kayo tumira sa bahay namin."

Say what?!!!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login