Download App
87.5% The Dark School / Chapter 14: Chapter 13

Chapter 14: Chapter 13

Zelle's POV

"Quit zoning out, Felice! Run!" rinig kong sigaw ng leader-leaderan namin na nasa likuran ko habang sinusubukang humabol sa akin. We're not doing some kind of racing, but we are running away from a gigantic hound.

"Ouch!" malakas na daing ni Felice. Napahinto ako saglit at liningon siya, buti nalang ay nando'n si Jairus upang tulungang siyang makatayo. Kapag nataon na wala si Jairus do'n para tulungan siya, kakaladkarin ko talaga 'yang babaeng 'yan. Napakalampa.

Our lives are on the line, and here she is, zoning out every now and then. 'Di ko alam kung nananadya ba dahil talagang nataon pa na kung kailan nasa delikado kaming sitwasyon ay saka pa siya laging nawawala sa kaniyang sarili.

Nasa Crematorium kami ngayon, the second place to get the second piece. Kung kahapon sa Cyberspace ay dragon ang kinalaban namin bago lumabas ang piece, dito naman ay ang higanteng hound na humahabol sa amin.

Panay takbo lang kami at puro liko hanggang sa maramdaman kong 'di na nakasunod sa amin ang hound.

"ACKKK!" biglang sigaw ni Felice sa likod ng biglang sumalubong sa kaniya ang isang kabaong na may lamang skeleton sa loob, not sure kung legit na skeleton ba 'yon o hindi.

"Shhh!" saway naman sa kaniya ni Jairus.

Huminto muna kami sa pagtakbo at naghabol ng hininga. Ako naman ay pinilit na mag isip ng plano upang matalo namin ang hound.

I only have few arrows left, Jairus only have 5 daggers, Felice had only one magazine for her rifle, and Khael with only one spear.

Kahit pagsabay-sabayin namin na atakihin ang hound gamit ang natitira naming armas ay malabong matalo namin ang higanteng kalaban namin. A brilliant plan is what we really need right now.

"Hey, leader. Any plans?" tanong ko sa lalaking nasa may kaliwa ko na halos 5 metro ang layo sa akin. Halatang pagod na siya at panay tulo ang pawis na nanggagaling sa ulo niya.

Eckkk! Disgusting!

"I'm still thinking," sagot naman niya. I scoffed as I heard his response. Still thinking? Kanina niya pa 'yan sinasabi, pero hanggang ngayon, wala pa ring nangyayari. Ano? Lapain nalang kami ng hound pero wala pa ring plano?

"Maybe you left your brain somewhere kaya hanggang ngayon wala ka pa ring maisip?" mapang-asar kong tanong habang nakataas ang kaliwang kilay.

Binigyan niya ako ng masamang tingin, at gano' rin ako sa kaniya.

"Just wait, can you? Ang hirap mag-isip ng plano kapag nakikipaghabulan sa higanteng hound!" inis niyang singhal. Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. He's f*ckin kidding me, right?

"Don't give me that sh*tty reason leader. Jaiho mananged to make a brilliant plan while facing a fire-breathing dragon. So, paanong hindi mo rin 'yon magawa?" tanong ko sa kaniya. Kita ko naman na napatiim bagang siya at halatang mas nainis siya sa sinabi ko.

"So what? You expect me to do the same thing?! Im not him! And if you want a freakin plan right f*cking now, then call him! Gisingin mo siya!" pasigaw niyang saad. Natawa ako dahil sa reaction niya pero nainis ako sa sinabi niya.

Kung pwede lang talaga. Kung pwede lang na gisingin ngayon na mismo si Jaiho, kanina ko pa ginawa. But, no. We need to accept that he's not with us right now, to make plans. Maybe one reason kung bakit hindi pa rin siya gumigising ay dahil gusto niyang matuto kaming lumaban at tumayo sa sarili naming paa, at para gamitin namin ang aming mga utak upang makagawa ng mga plano.

"Oh, look what we got here. Our dear leader is losing his cool~. Sa'n napunta 'yong calm aura mo?" tanong ko habang naka smirk.

Padabog siyang tumayo, naka ready ang kamao at lumapit sa akin. Kinuwelyohan niya ako at hinila patayo. Akala niya siguro ay matatakot ako dahil sa ginawa niya ngunit mas linawakan ko pa ang ngiti ko upang mas mainis siya at mawala ng tuluyan 'yang calm aura niya.

I really hate that aura of his. And that calm face he's always wearing, para bang wala siyang pakialam sa kahit na sino at kahit na ano.

"That's better. I'd rather see your angry face all day, than your calm face." Wika ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa kuwelyo ng coat ko. Inilapit ko ang labi ko sa may tenga niya at bumulong... "Or, better yet, just change that face of yours. I feel sick just by lookin at it," saka siya binigay  ng tap sa balikat.

"G-guys…" nanginginig na wika ni Jairus. Napatingin ako sa kaniya at nakitang nahanap na pala ng hound ang lokasyon namin. Tumalon ang hound at akmang lalapain na si Jairus ng biglang may tumamang kung ano sa mata nito.

ROARRR!

Spear iyon ni leader.

Tinulungan agad ni Felice si Jairus at tumakbo sila patungong likuran ni leader. Tumingin ito sa akin suot na naman ang kinaiinisan kong kalmadong mukha.

"I challenge you, Zelle. Whoever kills that hound first, wins," kalmadong saad nito.

"And what's the benefits of the winner?"

"The winner...will be the leader."

Nag smirk ako at inilipat ang tingin sa hound na mukhang nagalit na at malapit ng umatake.

"Sounds great," 'yon lang ang sinabi ko at kinuha na ang panang nakasabit sa kanang balikat ko. Naglagay ako ng palaso dito at binitawan iyon, tumama ang palaso sa isa pang mata ng hound kaya nagwala ito.

Umikot ang hound at ginamit ang kaniyang buntot bilang pang atake. Hindi agad ako nakailag tulad ng mga kasama ko kaya nahambalos kami ng buntot nito at tumama ang aming mga likod sa wall.

Puro daing ang narinig ko mula sa mga kasama ko.

"Ouch…" pabulong kong daing sa sarili ko upang hindi nila marinig. Tumayo ako ng maayos at muling kumuha ng palaso, inasinta kong muli sa mata ng hound bago ito pinakawalan. Tumama ito sa mata ng higante at muli na namang nagwala. Nagtatalon ito kaya yumanig ang paligid, pati ang ceiling ay yumuyugyog dahil sa pagtalon-talon ng hound.

Walang magawa si leader dahil nga nakatusok pa rin ang kaniyang spear sa kabilang mata ng hound. Hindi niya ito makukuha unless lalapit siya dito at hihilahin paalis sa mata ng higante. Pero paniguradong bago niya pa magawang makalapit ng tuluyan dito ay nalapa na siya.

"So, I think the winner is obvious already?" naka smirk na baling ko sa lalaking ngayon ay napalitan ng pagka-inis ang kalmadong mukha.

Yes, more of those reactions please. I just love watching him lose his cool.

"Don't get so cocky, Zelle. Look at your arrows," wika niya. Nilingon ko ang mga palaso ko, nadismaya ako dahil walo na lang ito ngunit hindi ko pinahalata. Bagkus ay pinakitaan ko siya ng smirk na alam kong kinaiinisan niya.

"I'll surely kill that hound before I run out of arrows," sagot ko. Suminghal lang siya. Muli naming ibinalik ang atensyon sa hound na muli na namang pina ikot ang buntot, na agad naman naming naiwasan.

Kumuha ako ng dalawang palaso at sabay ko silang pinakawalan, tumama ulit ito sa mata niya. Target ko ang mga mata nito, dahil ito lang ang nakikita ko na weakness niya. Kapag ang katawan nito ang aking tinamaan ay masasayang lang ang palaso ko, dahil halata naman kung gaano kakapal ang balat at karne nito.

6 arrows left.

Nag-dash ako papunta kila Jairus at kinuha ang dalawang daggers niya na nakasabit sa may belt niya. Nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi naman niya ako pinigilan.

Patakbo akong lumapit sa nagwawalang hound, hawak ko ang isang dagger sa kanan at isa naman sa kabila, hawak ko ito sa paraang parang pang assassin.

Kahit na kinakabahan ay nilakasan ko ang aking loob. Agad kong sinaksak sa katawan ng hound ang dalawang dagger na hawak ko, at ginamit iyon hanggang sa makaakyat ako sa likuran ng hound. Mas nilaliman ko ang pagkakasaksak sa katawan nito at kumapit ng mabuti dahil nagsimula na naman siyang tumalon.

Nagkahulog hulog ang ilang debris ng ceiling, mabuti na lang ay naiwasan iyon ng mga kasama ko. Nang tumigil ang hound sa pagtalon ay patakbo niyang inatake si leader, gamit ang mahahaba niyang kuko ay ginamit niya ito upang atakihin ang leader namin.

Dahil mabilis ang galaw niya ay agad siyang nakaiwas at nagawa niyang makatalon at makakapit sa paa nito. Mabilisan siyang umakyat at patalon na inabot ang kaniyang spear na napagtagumpayan niya namang makuha.

"Be careful!" sigaw ni Felice sa amin. Hindi ko lang siya pinansin ngunit napangiti ako.

Nanatili lang silang nanonood ni Jairus dahil hindi naman nila alam ang dapat nilang gawin, at isa pa, mas lamang ang takot at kabang nararamdaman nila kaya hindi sila makagawa ng aksyon.

Itinuloy ko ang pag akyat hanggang sa marating ko ang ulo ng hound, at iyon ang tinarget. Pinagsasaksak ko ang ulo nito, specifically, sa pagitan ng dalawang mata nito. Hindi ko tinantanan ang pagsaksak sa parteng iyon, talsik ng dugo dito talsik doon. Now, I'm sure that I smell like shit. Sweat and blood are all over me.

"F*ck you!" paulit-ulit na sigaw ni leader habang sinasaksak niya ang katawan nito.

"Khael!" sigaw ni Felice sa pangalan niya ng bigla itong sipain ng hound at tumapis papunta sa mga kabaong na nagpatong-patong. Kahit bakas ang takot sa mukha nila Felice at Jairus ay linapitan agad nila si leader at tinulungang tumayo.

"D*mn!"

Umubo siya ng ilang beses na may kasamang dugo, pinunasan niya ito gamit ang likod ng kamay niya at muling bumalik sa pwesto niya kanina upang saksakin ng saksakin ang katawan nito. Hininto ko na ang pagnood sa ginagawa nila at ginamit na ang dalawang kamay upang saksakin ang ulo nito.

Bang! Bang! Bang! Bang!

Sunod sunod na putok ng baril ang narinig sa buong silid. Si Felice iyon, tumulong na rin siya sa pagpatay ng hound. Asintado siya at lahat ng tinatamaan ng bala niya ay ang mata ng hound na ito.

Si Jairus rin ay umakyat na rin sa katawan ng hound at ginamit ang dagger para makaakyat. Nang makaakyat sya sa likuran nito ay nag slide ulit siya pababa kaya malalaking sugat ang natamo ng hound.

ROARRR!

Sigaw ng gigantic hound na halatang nanghihina na. Pinagpatuloy lang namin ang ginagawa namin hanggang sa tuluyan namin itong napabagsak at may lumitaw na holographic screen. Nakasulat dito ang salitang…

THE.

Pag pinagsama ang first word na nakuha namin at ang second word na ito, makakabuo ng phrase na KILL THE. Isang word nalang at malalaman na namin kung ano ba ang main mission namin upang sure na makakapasa kami.

Sabay sabay na kaming lumabas ng crematorium at nalumpapay na sa sahig. Lahat kami ay pagod at gutom na sa mga oras na ito. Duguan rin kaming lahat maliban kay Felice, though hindi namin dugo, kundi dugo ng hound.

Sa kabila ng kagutuman at kapaguran, isa lang ang nais kong gawin ngayon.

I want to go back where Jaiho is lying right now.

"Since we all killed that hound, we—"

"No one's gonna be the leader," putol ko sa sinasabi ni Khael. Ramdam kong nagsilipat ang tingin nilang lahat sa akin at may bahid ng pagtataka ang lahat.

"That's not the deal!" angil ni Khael. Naupo ako at nilingon ko silang tatlo na nakahiga pa rin sa sahig.

"We all killed that hound. If we're going to follow the deal, all of us will be the leader. But isn't it better that there's no leader at all?" saad ko. "I mean, not having a leader means freedom. We're free to do what we want and what we need, we're free to make decisions. Not having a leader means...all of our opinions matter and can be heard by one another."

Halos malaglag ang bagang nila ng matapos akong mag explain. Pati ang kalmadong mukha ni Khael ay napalitan ng pagtataka at pagkagulat.

Nangunot ang noo ko. "What?"

"A-are you really the Zelle we know?" biglang tanong ni Felice.

"Are you sick Zelle?" tanong naman ni Jairus.

"What the h*ck is wrong with you?" kunot-noong tanong ko sa kanila. They're weird kaya madalas akong naiinis sa kanila.

"Look what we got...our Zelle here's losing her bitchy personality... where'd it go?" pang-aasar na tanong ni Khale. I rolled my eyes dahil ginamit niya sa akin ang sarili kong words ng inasar ko siya kanina.

"Anyways, I agree with Zelle," ani Felice.

"Same with me," segunda naman ni Jairus.

"(*Sigh*) seems like you won this time," pag surrender ni Khael.

Napangiti ako sa loob-loob dahil starting now, wala ng leader leader, ngayon kailangang lahat kami ay mag-isip, magplano, at maging responsable para sa buong grupo. The responsibility is not carried by one person anymore, starting today, the responsibility is carried by the 4 of us, 5 if we count Jaiho in.

"Na-coma kaya si Jai kaya hanggang ngayon ay 'di pa rin siya nagigising?" basag ni Jairus sa katahimikan habang naglalakad kami pabalik sa aming temporary base. Isa iyong cave na medyo may kalayuan  sa crematorium, maybe around 1 km ang layo mula rito.

Wala naman sigurong mangyayari sa kaniyang masama doon, 'no? Wala naman sigurong pupuntang mga examinee doon.

"Hindi naman sana, and malay mo, pagkarating natin do'n gising na siya, diba?" sagot naman ni Felice.

"But, the possibility that he's in coma is high," sabat naman ni Khael na kahit kailan talaga ay hindi marunong magbasa ng mood. It's like, si Felice at Jairus ang taga bigay ng pag-asa then si Khael naman ang magsasabi o gagawa ng paraan para mawala ang pag-asang iyon.

Negative as always, that's Khael.

"Pero meron pa ring possibility na gising na siya as of this moment, right Jai the second?"

"Uh-huh, let's be positive."

"But st—"

"Okay, enough Khael. He's not in coma, okay? Napaka negative mo right now, you now that?"

Tahimik lang akong naglalakad habang nakikinig sa walang katapusan nilang debate sa kung gising na daw ba si Jaiho or comatose siya. If I were to join the debate, syempre doon ako sa gising na siya team.

Vroom!

Sabay sabay kaming napalingon ng marinig namin ang tunog ng sasakyan mula sa aming likuran. Sinundan pa iyon ng mga putok ng baril at tawanan na maririnig, hindi kalayuan sa amin.

"Take cover!" wika ko at nagsitakbo kaming lahat papasok sa may kasukalang gubat. Lumingon ako sa aking likuran, at nakita ang isang sasakyan na huminto at nagsibabaan ang limang tao dala dala ang sari-sarili nilang armas, at pumasok rin sa gubat.

"Hide behind trees," utos ni Khael na sinunod naman namin. Nagtago ako sa likod ng isang puno at nilingon ang aking mga kasama na nakatago na rin.

Bigla kaming natahimik kaya rinig na rinig namin ang mga yabag ng kabilang grupo na papalapit. Pati ang mga bulungan nila na hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan.

"Got any plan?" Khael mouthed while looking at my side.

Sinubukan kong mag-isip ng plano, pero isa lang ang naiisip ko. 'Yon ay ang tambangan lang sila na dumaan sa kinaroroonan namin saka sila atakihin.

Tatango na sana ako ngunit nakarinig kami ng 'pstt' sound. Liningon namin ang taong pinanggalingan no'n, which is si Jairus.

"I got a plan," he mouthed. Tumayo siya at biglang tumakbo paharap na ikinagulat namin.

What the h*ck is he thinking?!

Tatayo sana ako upang habulin siya ngunit pinigilan ako ng mga tingin ni Khael na parang nagbabanta. Sinenyasan naman ako ni Felice na 'wag ko ng gawin ang balak kong gawin at magtiwala nalang kay Jairus.

"Nando'n!" rinig naming sigaw ng isang lalaki, kasunod no'n ay mabibilis na yabag ang narinig namin. Mula sa aking kaliwa ay nagsidaanan ang tatlong lalaki at dalawang babae, hinabol nila si Jairus.

Bigla namang nadapa ang kasama namin at sumigaw. "Guys, wait for me!" sigaw niya habang nakatingin sa malayo na animo'y may kausap siya roon.

The f? We're here, why is he asking for us to wait him eh nauna na nga siyang tumakbo?

Kunot noong lumingon ako sa mga tatlong kasama ko. "What the h*ck is he doing?"

Tumayo na si Khael at tahimik na lumapit sa kabilang grupo na hawak-hawak si Jairus sa kwelyo. Mabilis pa sa kisap-mata ang ginawang pag-atake ni Khael.

Tumulong na rin kami ni Felice upang agad na matalo ang kabilang grupo. Dahil limitado na lang ang palasong meron ako ay hindi ko muna ginamit ang aking pana. Nakipag hand-on-hand combat ako sa isang babaeng miyembro ng kabilang grupo, actually it's not hand-on-hand. Gamit ng babae ang daggers na hawak niya samantang ako ay kamao ko lang ang panlaban ko.

Felice on the other hand, hindi niya na rin magamit ang kaniyang rifle sapagkat naubusan siya ng bala noong pinagtulong-tulungan naming patumbahin ang hound. So, ang ginawa niya ay, hawak niya ang rifle sa uluhan nito at iyon ang ginamit na panghampas sa mukha ng babaeng kalaban niya rin. Ang babaeng kalaban niya naman ay tulad kong bow user.

Si Khael naman ay dala-dalawa ang katunggali, isang swordsman at isang marksman, na sa tingin ko ay wala na ring bala sapagkat dagger nalang ang gamit niya. Mukhang nahihirapan si Khael na kalabanin ang dalawa, ngunit mukhang keri niya naman. I'll really tease him kapag natalo siya ng dalawang iyan.

Si Jairus naman ay isang lancer ang kaharap, mukhang lugi siya dahil mas mahaba ang range ng spear kesa sa gamit niyang daggers lang. But, I know and I have trust on him that he will win.

"Hey bitch!" saad ng babae at pina ikot-ikot pa ang dagger na hawak niya sa kaniyang hintuturo. Pinosisyon ko lang ang sarili ko at hinihintay siyang umatake.

They say, kung sino ang unang umatake ay siya ang nasa disadvantage, sapagkat sa mga milliseconds na paatake pa lang siya ay baka nakagawa na ng plano ang aatakihin niya. May it be for defense or counterattack, or can be both.

"You're calling yourself?" mapang-asar kong tanong dito, ngunit mukhang hindi naman siya tinablan ng pang-aasar ko.

"You may be good at teasing, but I doubt your fighting skills," naka smirk niyang saad. Napa- scoff ako dahil do'n.

"Overestimating yourself, eh? Why don't you just attack me and show me what you got?" taas-kilay kong tanong dito.

"Well then, catch!" ani niya at biglang ibinato sa akin ang dagger na pinapaikot niya lang kanina sa hintuturo niya. Nagulat ako dahil sa biglaan niyang atake at hindi agad nakailag, mabuti nalang ay hindi masyadong malalim ang sugat na ginawa nito sa kanang pisngi ko.

"Oops, medyo naduling ako do'n ah," natatawa niyang sabi, ngunit bakas sa tono ang pagkadismaya. Kumuha muli siya ng isa pang dagger na nakasabit sa may pants niya at pinaikot ikot ulit sa kaniyang hintuturo. Tumingin siya sa akin at umaktong ibabato ito sa akin kaya nagulat ako at ginamit ko ang aking dalawang braso bilang panangga.

Tumawa siya ng malakas dahil sa reaksyon ko, napahawak pa siya sa kaniyang tiyan na mukhang sumasakit dahil sa pagtawa.

"What a scaredy cat, I got here HAHAHAHAH," wika niya habang tumatawa.

Napakuyom ang kamao ko, ramdam ko ang inis na gustong kumawala sa akin. Bw*sit 'tong babaeng 'to, porket may armas ka, lakas mong mang-asar.

Habang tumatawa siya ay pasimple kong kinuha ang aking pana na nakasabit sa aking balikat, kumuha rin ng palaso at tinamaan siya. Pinadaan ko ang aking palaso sa kaniyang pisngi upang masugat rin, tulad ng ginawa niya sa akin.

Tumigil siya sa pagtawa at inis na tumingin sa akin.

"Oops, medyo naduling rin ako do'n ah," pang-aasar ko dito sabay smirk at kibit-balikat.

"Ha! So, you wanna play huh? I'll give you a game then. I call it, Guess Where It Lands," saad niya at nagpakawala ng matipid na pagtawa. Kumuha pa siya ng dalawang dagger at isinama dito ang isang kanina niya pa hawak.

Sabay sabay niya itong ipinaikot, kasabay ng pag-ikot ng mga daggers sa kaniyang hintuturo ay umikot din sya at umastang nagba- ballet.

Hindi ko masundan ang galaw niya sapagkat ako mismo ang nahihilo sa ginagawa niyang pag-ikot. Habang tinitingnang mabuti ang susunod niyang gagawin ay bigla nalang may tumamang dagger sa kanang balikat ko. Hindi ko naiwasang mapadaing dahil do'n.

"Strike 1. HAHAHA you didn't guess it right," natatawa niyang saad habang patuloy pa rin sa pag-ikot. Bw*sit! Hindi ba siya nahihilo? Ako ang nahihilo para sa kaniya eh.

Kumuha ako ng palaso at akmang tatamaan ko na siya ng sunod namang tumama ang isang dagger sa braso ko kaya nabitawan ko ang aking pana. Inis akong nag-angat ng tingin sa kaniya, na sinuklian niya lang ng pagtawa at mas pinabilis pa ang pag-ikot.

"I'm the game master here, so don't you dare attack me at the middle of the game," babala niya. "Anyways, Strike 2. You didn't guess it right again. The last dagger will surely kill you, better guess it right this time!"

Habang umiikot siya ay pasimple kong tinanggal ang dagger na tumama sa kabilang braso ko. Mas mabilis pa sa kisap-mata ay ibinato ko iyon sa kaniya na nagpatigil sa pag-ikot niya at biglang natumba sa lupa. Tumama ang dagger sa kaniyang dibdib.

"Strike 3, you didn't guess it right," wika ko at naglakad palapit sa kaniya matapos kong pulutin ang aking pana. Napalitan ng kaba at takot ang kaninang punong-puno ng confidence na reaksyon niya.

"Don't come near me!" sigaw niya at ibinato sa akin ang dagger na hawak niya, ngunit naiwasan ko na iyon. Kukuha sana siyang muli ng dagger ngunit nakalapit na ako at mas nilaliman ko ang pagkakasaksak ng dagger sa kaniyang dibdib.

"Enough!" pasigaw niyang wika habang umiiyak. "K-kyle help!" sigaw niyang muli at lumingon sa mga kasama niya. Napatumba na rin ang apat niyang kasama, hindi lang pala 'napatumba' dahil hindi na sila humihinga.

"Nameet na nilang lahat si satanas, ikaw na lang ang hinihintay," ani ko. Hindi ko mapigilang 'wag magpakawala ng isang smirk. Maybe, nakasanayan ko na talagang mag-smirk kaya kahit 'di ko namamalayan ay kusa akong nags-smirk. "Why not join them now?"

"P-please no...d-dont kill me...h-hindi naman k-kita pinatay agad ...d-diba?" pagmamakaawa niya. Natawa ako dahil sa huli niyang sinabi.

Kapal ng babaeng 'to ah.

"Hmm, yeah you didn't kill me right away, but your face really annoys me."

"I-I'll not show m-my f-face to you ever again...j-just please, d-dont kill me."

"Nah, so boring. How about...rip off your own face, and maybe, I'll let you live if you do that," nakangiting suhestyon ko. Narinig ko ang biglang pagsusuka ni Felice sa may gilid. Nilingon ko siya at tuloy lang siya sa pagsuka, hinihimas-himas ni Jairus ang likod niya.

"Let's just leave her, she'll die anyway," saad ni Khael na nakatingin sa akin ng malamig suot ang kinaiinisan kong kalmado niyang reaksyon.

"Okay," wika ko at tumayo ngunit pasimple kong pinulot ang isang dagger na nadaanan ko. "Syke!" saad ko at liningon muli ang babae sabay bato ng dagger na tumama sa kaniyang ulo. "Oopsie, bullseye!"

Halos kalahating oras rin ang lumipas bago namin napatay silang lahat. Wala na kaming pakealam kung maging murderer kami, at mabahiran ng dugo ang aming mga kamay. In this test, it's either you kill or get killed.

"That was a good plan," wika ni Khael na nakatingin kay Jairus.

"I call it..uhmmm...an acting technique," saad ni Jairus.

"But, it's risky. Don't you dare do it again," saway naman sa kaniya ni Felice. "And you Zelle, ack! I don't know what to say."

"Yeah right."

Hinayaan ko nalang silang mag-chika chika pa, at iniwan nalang sila. Nagsimula na akong maglakad at mukhang hindi nila napansin ang pag-alis ko dahil rinig ko pa rin ang pagbabardagulan ng dalawa. Ilang dipa na ang nalakad ko bago ko pa sila marinig na parating.

"Zelle! Wait!"

"Just keep going, can you? Miss niya na si Jaiho eh."

"And I miss him too, so let's go."

"Yon—"

"Keep quiet!" saway sa kanila ni Khael kaya natahimik sila. Narinig ko nalang ang mga patakbong yabag nila na humabol sa akin sa paglalakad. "Didn't know that you actually miss him, where in fact, you always get pissed at the sight of him," pambabatikos ng walang hiyang lalaki na tumabi pa sa akin sa paglalakad.

Tiningnan ko siya ng masama at talaga namang gustong-gusto ko ng punitin 'yang kalmado niyang mukha.

"Shut up or else."

"Or else?"

"I'll skin you alive."

"As if you can."

Tinarayan ko nalang siya at mas binilisan ang paglalakad upang hindi ko siya makasabay. Nakakainis talaga siya! Panira ng araw! Parehas sila no'ng walang hiyang lalaki na hanggang kaninang pag-alis namin ay natutulog pa!

Siguraduhin niya lang na pagbalik namin ay gising na siya, kung hindi, siya nalang ang babalatan ko ng buhay.

Nang abot tanaw na namin ang cave na pinag-iwanan namin kay Jaiho, ay nagsitakbuhan na sila Jairus at Felice. Hindi halatang excited silang makita ang isa pa naming kagrupo. Napailing nalang ako at binilisan pa ang paglalakad dahil akmang sasabayan na naman sana ako ni Khael.

Hindi pa ako nakakarating ng tuluyan sa cave ng nagkukumahog na lumabas ang dalawa at panay tingin sa paligid. Bakas ng kaba at pag-aalala ang mukha nilang dalawa, na naging dahilan upang maski ako ay kabahan.

Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ko at gano'n rin siya sa akin, sabay naming sinalubong ang dalawa pa naming kasama.

"Why?" agad kong tanong.

"You look so nervous," ani Khael.

Nagkatinginan sina Jairus at Felice bago ibinalik ang atensyon sa amin.

"Jaiho… he's missing."

Zehiah's POV

Saling-pusa. 'Yan ang tingin ng mga kagrupo ko sa akin magmula pa noong nakarating kami sa designated area namin. Tuwing may mga kalaban na aatake sa amin ay wala silang ibang sinabi kundi ang…

"Magtago ka lang dito, okay? Babalikan ka namin."

Nakakapang-insulto sa side ko, you know why? Para bang napakahinang nilalang ang tingin niila sa akin. Mabait sila sa akin at parati nila akong kinakausap kahit puro ngiti lang ako, pero 'pag gagawin na namin ang mga missions namin ay hahanap sila ng pwede kong taguan at doon nila ako iiwan.

Buti pa si Jaiho, hindi saling-pusa ang tingin niya sa akin noon sa Lost City. Pinoprotektahan niya ako pero hindi niya ako iiwan lang sa isang tabi tapos mag isa niyang lalaban.

Ayaw ko 'yon, sa totoo lang. Alam kong mahina ako at mabagal, pero ayaw kong ituring ako na parang 'di parte ng grupo. I just..hate the feeling of being left out.

"Hi, ang lalim ng iniisip mo ah," muntik na akong mapabalikwas sa kinauupuan ko ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

Her name is Jhanah Iyala, the lancer of our group and also the leader, one of my tentmates and also, Jaiho's friend..or maybe bestfriend, I dunno. Mabait siya at lagi niyang tinatanong kung okay lang ba ako, hindi lang pala sa akin siya gano'n kundi sa aming lahat. She's kind-hearted and a very caring person. 'Yon nga lang, isa siya sa mga nagsasabi sa akin ng mga katagang ayaw na ayaw ko, like…

"Dito ka lang, kami na ang bahala sa misyon," and etchetera.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti lang.

"You know, ang daya mo," biglang sabi niya at nag pout. Umarteng nagtatampo. "Kapag si Jaiho ang kasama mo, nagsasalita ka, pero kapag ako, ngiti lang."

Tulad ng lagi kong ginagawa, ngumiti lang ulit ako sa kaniya.

Hindi lang naman siya ah, lahat naman ay puro ngiti lang ang sinasagot ko, well, maliban sa isang tao. Hindi ko alam kung bakit at paano, pero bigla nalang lumabas ang boses ko noong time na iniligtas niya ako sa blue cryopus. And, starting that time din ay meron 'tong something na nararamdaman ko pero 'di ko mapin-point kung ano.

'Yong kapag kasama ko siya, ang  saya ko. Tapos 'pag wala naman siya sa tabi ko, bigla ko siyang mami miss. Pag ngingiti siya sa akin, bigla akong mamumula. 'Yong mga ganong bagay. I can't explain it, but I think, I'm going crazy.

"Don't you consider me as a friend kaya 'di ka nagsasalita 'pag kausap mo 'ko?" tanong niya na agad ko namang sinagot ng pag-iling.

I consider her as a friend, it's just that, hinihintay ko lang na kusang lumabas ang boses ko 'pag kasama ko siya, tulad no'ng nangyari kay Jaiho na bigla nalang rin akong nakapagsalita.

I'm sorry Jhanah if you think I don't consider you as a friend, sadyang kusa kase atang lumalabas ang boses ko kapag mataas ang tiwala ko sa taong iyon. And in your case, hindi pa gano'n ako katiwala sayo. Sorry.

I want to say that, pero hindi ko magawa. Wala eh, sadyang gano'n lang talaga.

"Lead! May nakuha kaming tracker dito!" sigaw ng isa naming kagrupo na pawisan at lumapit kay Jhanah. Inabot niya dito ang isang pabilog na bagay, na sabi nga nila ay tracker. Kinuha ito ni Jhanah at pinagmasdan.

"Alam niyo ba kung paano ito gamitin?" tanong niya dito.

"Yes po. Kailangan mo lang i-input yung code number ng isang examinee then lalabas na sa tracker ang location niya."

"Wow, that's great! This will give us a great advantage."

Tracker...code…

Napangiti ako ng biglang may ideyang pumasok sa isip ko. Inilahad ko ang aking kamay at hinihintay na ibigay sa akin ni Jhanah ang tracker, nagtataka man siya ay ibinigay niya pa rin sa akin ito.

Nag-input ako do'n ng series of numbers at lumabas nga sa tracker ang location niya.

'Yong code na in-input ko ay…

Code 692


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C14
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login