Download App
10% Lost (Tagalog) / Chapter 1: 1 Prologue
Lost (Tagalog) Lost (Tagalog) original

Lost (Tagalog)

Author: Gummy_Sunny

© WebNovel

Chapter 1: 1 Prologue

Prologue

"Ano bang mali sa akin, ha?! Ano bang wala ako na hinahanap-hanap mo sa iba?!" Sigaw ni Hera, ang dyosa ng lahat ng dyosa.

"Hera, tumigil ka na!!" Sigaw ni Zeus, ang dyos ng lahat ng dyos.

"Bakit, Zeus?! Saan ako nagkulang!!" Sigaw pa ng dyosa. Dahil sa pag-aaway nila ay hindi napansin ng dalawa na magkalapat na ang kanilang mga palad. Hanggang sa mapahinto nalang sila sa pag-aaway dahil kusang naghiwalay ang mga palad nila.

Ang mag-asawang dyosa at dyos ay nagkatinginan na para bang nalilito pa din sa nangyari. Parang huminto ang lahat at tangin tinititigan nalang ng dyosa ay ang kamay nyang may markang ibig sabihin ay nag-dadalang-tao na sya.

"H-hera.... Tayo na.... Magpahinga ka na." Saad ni Zeus at tinilungang makatayo ang asawa. Hanggang sa dumating sila sa kwarto nilang mag-asawa ay tahimik parin ang dalawa. Nang tuluyan ng makahiga ang mag-asawa ay doon na nagsalita ang dyosa.

"Kailangan na nating ipaalam ito sa mga dyos at dyosa. Kailangang malaman na nilang lahat na sa mahabang panahon ay magkakaroon na din ng sanggol ang dyos at dyosa nila." Saad ng dyosa habang nakapikit ang mga mata. Bigla syang mapamulat ng maramdaman nyang isiniksik ng asawa nya ang muhka sa leeg nya.

"Salamat." Saad ni Zeus. "Ito lang naman ang gusto ko. Ang magkaanak na tayo. Kaya lang naman ako nambababae dahil gusto lang kitang asarin." Saad pa nya. Umirap naman sa hangin ang dyosa.

"Tsk. Ang sakit naman ng pang-aasar mo." Saad ni Hera. Natahimik na sila pareho hanggang sa makatulog na silang dalawa.

Sa katunayan, ito ang unang tulog nila na nasa iisang kwarto sila. Kahit kasi isa lang ang kwarto nilang mag-asawa ay hindi parin sila nagtatabi.

Kumalat ang balita sa buong kaharian. Ang lahat ay natuwa dahil sa wakas ay magkakaanak na ang dalawang dyos nila. Hanggang sa lumipas ang mga buwan at tuluyan na ngang nanganak ang dyosa.

"Napakagandang bata." Komento ng dyosang si Hestia.

"Malamang. Anak sya ng mahal na dyosa." Saad ni Aphrodite.

"Sige na. Ibigay nyo na ang gusto nyong ibigay kay Inara." Saad ni Zeus na pinaunlakan ang mga dyos at dyosang nasa harap nila.

"Ibinibigay ko sayo ang pagmamahal para sa lahat. Gusto ko ding bigyan ka ng kakaibang gandang makakabihag sa kahit na kaninong lalaki." Saad ng dyosang si Aphrodite at saka itinatapat ang kamay sa batang si Inara at doon na nya binigyang ng mahika ang sanggol.

"Akin naman ay katalinuhan sa anong mang laban at katapangang walang makakatapat sa lahat." Saad naman ni Athena.

"Akin naman ay ang tagumpay mo sa lahat ng iyong ninanais." Saad ni Nike.

"Sa akin ay kapayapaan para sa iyong kaluluwa." Saad naman ni Psyche.

"Ako ay kasaganahan sa lahat ng oras." Saad ni Demeter.

"Sa akin ay hustisya sa lahat ng oras." Saad ni Dike.

"Malasakit sa kalikasan ang aking handog sa iyo mahal na prinsesa." Saad ni Persephone.

"Sa akin ay galing sa pangangaso." Saad ni Artemis.

"Sa akin ay ang lakas ng loob at katalinuhan." Saad naman ni Peitho. Bigla namang humagikgik ang dyosa. Nakakamanghang kahit paghagikgik lang nito ay napakahinhin.

"Baka lumaki na ang ulo ng aking anak dahil sa sobrang talino." Natatawang saad ni Hera.

"Gusto ko ng ibigay ang pagiging inosente sa lahat pero may kyuryosidad din kasabay." Saad ni Hestia.

"Ako naman ay magandang panaginip." Saad naman ni asteria. Hanggang sa ang mga dyos naman ang nagbigay. Hanggang sa matapos sila at ang mag-asawa naman ang magbibigay ng kanilang handog.

"Akin ay gustong maging mapili ka sa mga lalaki upang hindi ka masaktan katulad ng iyong ina." Saad ni Zeus

"Sa akin ay lubos na pagmamahal at tiwalang walang makakahigit kanino man." Saad ni Hera. Pagkatapos ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga itinuturing nilang masasama o kalaban.

"Anong ginagawa nila rito." Bulong ng isang dyosa.

"Nakarating kayo." Saad ni Hera at dali-daling yumakap sa mga kaibigan nya.

"Inimbita mo kami, hindi ba?" Sarkastikong saad ni Isabella.

"Haha. Tama. Halina kayo, mabigay na kayo ng inyong handog." Saad ni Hera na may nag-iimbintang tingin. Nagkatinginan naman ang lajat pero walng gustong mag-protesta dahil sa mahal na dyosa na nanggaling ang imbitasyon.

"Gusto kong ibigay ay katapangan at katalinuhan." Saad ni Medusa. "Nais ko din syang bigyan ng proteksyo sa aking mga mata." Saad pa nya.

"Nais kong bigyan sya ng pagmamahal sa lahat." Saad ni Ursula. At ang ibang kasama nila ay ganon nalang din ang ibinigay.

"Haha. Lalaki na ang ulo ng anak ko. Binigyan nyo ng masyadong katalinuhan." Saad ni Hera habang humahagikgik.

"Mahal na dyosa, ngayon ay nagsilang din ang mahal na reyna ng panganay nila ng hari." Saad ng isang kawal. Nakatinginan naman si Zeus at Hera, pareho ang naiisip. Sabay silang umalis at tinungo ang kaharian sa ibaba ng kaharian nila. Ang lahat ay nagulat dahil sa bigla nilang pagdating.

"Magandang araw po, mahal na dyos at dyosa." Saad ng hari.

"Nasaan ang anak nyo ng reyna?" Tanong ni Hera. Nagdadalawang-isip man, itinuro parin ng hari ang kinaroroonan ng anak nya. Agad na napangiti ang dyosa ng makita nya ang sanggol.

"Sya ang nakatakda para sa anak natin, Zeus." Saad ni Hera habang hinahaplos ang muhka ng lalaking sanggol na nasa harap nila.

"Bibigyan kita ng katalinuhan upang hindi mo saktan ang aking anak. Bibigyan din kita ng lubos na pagmamahal para sa kanya." Saad ni Zeus.

"Ganoon din ang sa akin." Saad ni Hera at humarap sa reyna. "Magandang araw, mahal na reyna." Nakangiting bati ni Hera.

"Magandang araw din, mahal na dyosa." Nakangiting bati din ng reyna. "Ano't naparito kayo sa aming kaharian?" Tanong ng reyna.

"Narito kami dahil gusto naming makita ang itinakda para sa aming anak." Saad ni Zeus. Ngumiti naman sa kasiyaan ang reyna.

"Masaya ako para inyo, mahal na dyosa." Saad ng reyna.

"Masaya din ako para sa inyo." Saad ni Hera. "Mauuna na kami. Ingatan nyo ang sanggol." Saad ni Hera saka sabay silang umalis sa kaharian ng mga taga-baba.

- To Be Continued -

(Thu, April 22, 2021)


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login