Light's POV
Habang naglalakad ako sa madilim na bahagi nang isang lugar ay parang nakaramdam ako ng takot. Hindi ko mawari kung anong takot ang bumabagabag sa akin, sa sobrang dilim sa lugar na ito ay parang nilalamon ako nito. Ilang sandali lamang ay may narinig akong isang boses nang babae at ang mga salitang kanyang binibigkas ay paulit ulit niya itong sinasabi.
Sa papalapit na orasan
Digmaan ang siyang mangunguna sa sanlibutan
Ang digmaang milyong taon na ang nakakaraan
Ay magbabalik sa panahon ng kasalukuyan.
Dalawang kalansing ng digmaan ang siyang magaganap
Ang unang kalansing ay laban sa liwanag na dumidilim
Ang pangalawang kalansing ay laban sa hindi huwad ngunit tunay na dilim.
Itong dalawang kalansing ay siyang patikim pa lamang.
Sa pagpatak ng pulang dugo
Ang idaliang araw ay magdudugo
Pasasabay ang buwan na si selene
Sa pagbibigay babala sa mga nilikha
Ang mga pira pirasong mahika
Ay magsasanib at magbabalik
Sa tunay nitong anyo at pangangatawan
Ang paparating ay paparating pa lamang
Ang susi para sa katahimikan
Ay ang pagkitil ng walang pag aalinlangan
Yan lang ang mga salitang kanyang paulit ulit na binibigkas, sa sobrang pag aalala ko sa kanya ay nilapitan ko ito at hinawakan sa balikat bigla siyang gumalaw at hinila niya ako paputa sa kanya.
" Ikaw ikaw, ang mga pirasong nawala sa iyo noon ay malapit nang mag balik at makompleto" nakakapanindig balahibo nitong wika bigla ko namang inalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay, grabe siya hahhh ano bang pinagsasabi nito?? Anong mga nawawala sa akin? Kompleto naman ako hahhh???
"Anong pinagsasabi mo ate?? " Nag tataka kong tanong sa kanya habang siya naman ay paulit ulit niya sinasabi ang kaninang binibigkas niya.
"Malalaman mo din yan " walang emosyong wika niya sa akin hayyss ano ba itong ate na ito??
" Ikaw ikaw, dalawa ang nakatadhana sa iyo ang mabuhay o ang mamatay" nakaturo niyang wika sa akin, napaka creepy naman niya my god saan vang lugar ako napadpad ba't dito pa??. Ang OA naman neto alangan naman imortal ako para hindi mamatay hayys all of us will taste the pain of death noh.
Napuwing ako ng sandali at binukas ko muli ang aking mga mata bigla akong nangamba dahil nag iba ang paligid nito, napapaligiran ito ng mga iba't ibang klaseng mga halimaw kabilang dito ang mga gorgons ang mga babaeng may buhok ng ahas, mga cyclops at marami pang iba. Bumaling tingin nila sa akin at bigla nila akong hinabol kaya kumaripas ako ng takbo napasigaw nalang ako ng matagal habang tumatakbo and then the last that i saw is black.
Dim's POV
Habang ako'y tulog ay parang may mga sigaw akong narinig sa kabilang kwarto kaya dali dali akong napabalikwas, alam ko kung kanino nanggaling ang boses na iyon, kay light Yun. Pag labas ko tumambad din sa aking harapan si shiela na parang nag aalala din.
" Halika gisingan natin baka nanaginip yun" hingal na hingal na saad ni shiela at binuksan namin ang pintuan ng kwarto ni light. Tumambad sa aming harapan ang pawis na pawis na si light na parang sumali sa marathon o kung anuman man .
" Light gising nanaginip ka " panggigising ni shiela, bakas sa mukha ni shiela ang pag aalala pati na rin ako dahil iba kung managanip itong kaibigan namin last time nga nung papunta kami nang Antarctica, para makarating lang dito sa agartha ay may nangyari kay light alam naming nananaginip siya nung mga panahon na yun. Ilang sandali lamang ay bigla ito at napabalikwas ng pag gising at parang gulat na gulat.
Light's POV
Napabalikwas ako ng gising , buti nalang ginising ako ng dalawang bruha na ito hayys ang daming monsters, at ang alam ko lahat ng klase ng monster meron dito sa agartha dahil sa tulong ng book of knowledge na binili sa akin ni kuya Michael.
"Hoy gaga ka pinag alala mo kami tignan mo ang oras 3:10 palang ng gabi hayys nang didistorbo ka nang mga tulog" inis na saad ni shiela
" Hoy gaga ka wag kanang matulog buti nanaginip ako para magising kayo dahil this 4:00 ng madaling araw ay may mga physical activities tayo parang scout scout lang hahahah hindi ka talaga nakikinig sa inanunsiyo kagabi ng headmistress " pangbabaliktad ko at dahil sa inis ay ginulo niya ang buhok niya hayys confirmed nagretire na ata siya sa pagiging Amazona niya baka ngayon bruha na siya kung nakikita niyo lang ang face niya ngayon hahahh ang saklap.
" Ayyy oo nga pala isshh" inis na wika ni shiela, nga pala kagabi pagkatapos naming kumain sa dining hall binigay na sa amin ang mga schedule naming mga freshmen but before that pinapili muna kami kung anong mga subject's ang kukunin namin, may 12 subjects silang tinuturo, ang history kung saan tinuturo ang kasaysayan ng buong agartha, self defense tinituro dito kung paano lumaban gamit ang aming mga sandata, potions tinuturo dito kung paano gumawa ng potions at gumawa rin ng mga gamot na galing sa kalikasan, spell and casting tinuturo sa subject na ito kung paano gamitin ang mga spell na aming natututunan dahil pwede namin itong magamit as a support kapag sa levelling na, Guardian enhancement tinuturo dito kung paano pagandahin o gamitin ang aming mga guardian sa tama. Power enhancement tinuturo dito ang tamang paggamit ng aming mga abilities o kakayahan sa paglaban,healing dahil isa sa mga importanteng sakop ng isang magandang stratehiya ng pakikidigma na isama ang mga may kakayahang manggamot ay isinama ang subject na ito dahil isa ito sa mga importanteng subject subalit ito ay compulsory lamang sa madaling salita ay hindi ito pilit ang mga may gusto sumama ay pwedeng sumama ang mga hindi ay ok lang. Wizarding tinuturo dito ang tamang paggamit ng wand at paano rin mag cast ng spell using wand. Summoning dito tinuturo kung paano ang tamang pagtawag ng mga creatures na nakacontract sa iyo.Necromancy tinuturo dito kung paano bumuhay ng mga patay. Flying lesson or subject sa asignaturang ito tinuturo kung paano lumipad gamit ang broomstick o walis parang bruha lang ang peg hahahah. So yun na nga sabi nila yun can choose all of that yun ang sabi ng headmistress at sa mga gustong kumuha nun ay ay dapat kumuha ng general academic subject, ang asignaturang ito ay nandito na lahat ng subject. So as a leader of my own guild sabi ni rose kailangan ko daw yun kunin para malawak daw ang kaalaman ko patungkol sa pagpapatayo muli ng guild namin so yun i accept it kinuha ko yun so now rose and i are classmates gusto niya rin daw mag palit ng subjects pero nag bago ang isipan niya dahil kapag aalis siya sino ang gagabay sa akin kaya yun, she stay and also help me, binigay niya ang posisyon niya sa akin pero dapat tulungan niya ako.
Ang dalawang gaga naman sumama sa jeremy na yun ang kinuha lang nila ay 6 na subjects lang ayaw daw nilang mastress baka daw magkapimples ang mga gaga, ang mga subjects na kinuha nila ay history, self-defense, potions, spell and casting, guardian enhancement, at power enhancement yun lang hayyyss nakakinggit pero ok lang naman so ngayon nilagay ako sa section one ang mga student's dito ay konti lang talaga maybe i think ten or more at mga genius pa daw at mga snobber and loner yun ang sabi ni rose so kailangan kong masanay sa bagong environment. Ito ang schedule namin yung real schedule namin hahh kasi mamaya is a special day iba yung schedule namin mamaya dahil daw yun sa mga freshmen 30minutes lang ang klase mamaya.
Class schedule (real schedule)
M,F class
- History -8:00am -9:00am
-recess - 9:00am -10:00am
-Guardian enhancement -10:00am -11:00am
-potions -11:00am -12:00pm
-lunch break - 12:00pm - 1:00pm
-power enhancement -1:00pm -2:00pm
- Training- 2:00pm - 5:00pm- compulsory
T,W,TH class
-summoning - 8:00am - 9:00am
-recess - 9:00 am - 10:00am
-self defense - 10:00 am - 11:00am
-necromancy - 11:00 am - 12:00 pm
-Lunch break - 12:00 pm - 1:00 pm
-spell and casting - 1:00pm - 2:00 pm
-Wizarding - 2:00pm - 3:00pm
- training - 3:00pm - 5:00pm - compulsory
Saturday
-Healing- 8:00am - 9:00am
-flying lesson - 9:00am - 10:00am
Today's special day schedule ( mamaya)
-history - 8:00am - 8:30am
-summoning - 8:30am - 9:00am
-recess- 9:00am - 9:30am
-guardian enhancement - 9:30am -10:00am
- self defense -10:00am - 10:30am
-power enhancement -10:30am - 11:00am
-flying lesson - 11:00am - 11:30am
-necromancy - 11:30am - 12:00pm
-lunch break - 12:00 pm - 1:00pm
-potions - 1:00pm - 1:30pm
-spell and casting - 1:30 pm - 2:30pm
-wizarding - 2:30pm - 3:00 pm
Ang sa taas nayan yan ang totoong schedule namin ang sa hulihan naman ay special schedule namin, ngayon yan magaganap I'm so excited, pero mas excited ako sa magaganap na labanan namin ni prince xavier, ang hangin hangin niya kasi akala niya malakas talaga siya buti nalang nakipagcontract sign lahat ng mga diyos at diyosa pati narin, ang mga anghel, at fallen angel sakin. Sino pa kaya ang makikipag contract sa akin ba't feeling ko napaka special ko char hahah. Sa ilang sandali kong nakatunganga ay Hindi ko namalayan na wala na pala ang dalawang bruha hayysss mga buwisit dali dali akong tumayo para sa physical activities namin ngayon sa may lux imperium field, napakalaking field yun sobra para lamang yun sa physical activities tuwing madaling araw at sa iba pa. Kailangan naming sumama sa mga ganyang aktibidad if not may parusa sa aming mga students no one is exempted maliban na lang if may sakit ka or something happened to you.
Dali dali akong naligo muna yung hindi talaga ligo yung bang parang ilang tabo lang and alam niyo ba dito walang shower, wala ding ilaw we use lampara at yung isa pang lampara I don't know what the name of it basta lampara din siya na ginagamitan nang gas tapos sobrang liwanag nito. Napapaisip din ako paminsan ehh baka sa paglabas namin sa school naito magiging ignorante na kami ehhh yung buhay nga namin dito sa loob ng paaralan akala ko maganda yun pala Hindi medieval life talaga kopong kopong life hayyss nakakahaggard pero enjoy parin. Pag katapos kong naligo, sinuot ko ang binigay sa aming PE , binigyan kami ng school ng limang PE dahil daw everyday daw naming gagawin ito maliban na lang sa saturday at sunday.
" Hoy gaga bilisan mo na diyan ayaw naming maparusahan ng mga professor sigi ka, ibibilad pa naman sa araw ang parusa" bungad na wika ni shiela tapos narin silang dalawa nagdamit at ang cute nila hahaha pero mas cute ako hahah hindi ko narin ginamit ang eye glass ko parang napagtanto ko narin that this is the time to remove my mask kung baga hhahahha. Sa daming schedule ngayong week I don't know if makakahanap pa ba ako nang lovelife dito hahah char.
" Labas muna kayo may gagawin lang ako saglit" wika ko sa kanila at sinunod naman nila, maglalagay lang kasi ako ng potions sa pusod ko parang nararamdaman ko kasi na parang mawawalan na siya ng bisa. Kaya yun nilagyan ko ng isang patak , parang load lang extend lang hahaha.
Dali dali naman akong lumabas baka magalit na ang dalawang yun paglabas ko hayys madilim pa, nakita ko naman sila na nakatayo sa gilid at naghihintay sa akin.
" Hawakan niyo ako bilis magteteleport na tayo alam ko naman kung saan yung field " bungad na wika ko sa kanila at dali dali naman silang humawak sa akin at in a blink of an eye nandito na kami sa field OMG parang may people power revolution hahh ang dami namin dito para kaming mga langgam sa dami, yung iba naman nag jajogging, nagpupush up at marami pang iba wow nakakaexcite heheheh.
" All freshmen pumunta dito " pagtatawag ni headmistress wow pati siya naka PE din ang tanda na ni nanay selena grabe pero malakas parin hahahha.
" Halina na kayo bilis"pagtatawag ko sa dalawa at dali dali naman kaming tumakbo. Nahagilap naman ng aking mga mata ang royals, si prince xaiver naman shittt nakahubad yung pang itaas ang ganda ng katawan niya shitt pero sorry may ganyan din ako noh pero maganda naman sa kanya hahah.
" Hoy ikaw ha yung mata mo kung makatingin ka kay prince xaiver parang may something" pasingit na wika ni shiela hayyss bruhang ito kung makaganti ako tignan mo lang iiyak ka talaga.
" Hayyys ang daming tao dito ohhh wag kang assumera diyan" pangbabara ko at binelatan ko naman siya hahaha.
" So ngayon bago sumikat ang araw ay kailangan niyong magawa ang the following list: jogging, push up ,jumping rope and the rest next day na " pag aanunsiyo ni headmistress ahhh yun lang pala hayys i always doing that before hahaha .
" Before we do that you form a line first " pag aanunsiyo ulit ni headmistress. Ginawa naman namin yun sa gitna ako si dim sa unahan ko si shiela naman ay nasa likod ko.
" Jogging ang gagawin niyo 1 2 3 go " pagpapahanda sa amin ni headmistress, si headmistress ang humawak sa amin at sa pagjajogging ngayon siya ang nasa unahan grabe ang tanda Tanda na niya pero malakas parin. Nag jogging naman kami yung iba naman nakatingin sa amin lalo na yung mga royals na may special treatment ang unfair.
"So guys kantahin niyo ito hah" pag uutos ni headmistress ay wow army ang peg buti kung bts, kaya yun hinintay muna namin yung mga sasabihin niya.
" Sa paglabas ng haring araw kami lalakas ipapakita sa buong mundo na kami ay malalakas " pagkakanta ni headmistress , kinanta naman namin ito hayysss ang baduy nang kanta si shiela naman ay napatawa kaya nakijoin narin ako pero hindi naman malakas baka kasi mapagalitan kami.
Pagkatapos naming magjogging ang sinunod naman namin ay push up pero nag salita muna si headmistress.
" Sa mga boys mas mabuti if maghubad na kayo ng damit niyong pang itaas, alam niyo naman diba na masama sa kalusugan kapag matuyo ang pawis niyo bilis gawin niyo na " pag uutos ng headmistress hayyss ano ba ito nakakaawkward sigi na nga kaya yun nag hubad na ako ng pang itaas ko yung mga putanginang lalaki dito pati narin mga babae kung makatingin sa akin akala mo susunggaban ako.
Prince xaiver POV
Habang nag eexercise ako pati kami narin ng mga royals ay tumitingin lang ako sa baklang yun parang nakakairita yung presensya niya sa totoo lang. Ilang sandali lamang ay inutusan sila ni tanda na mag hubad kaya yun walang pag aalinlangan niyang hinubad ang damit niya shiiit yung utong niya pala pink ngayon ko lang napansin yung abs niya walang binagbago yung pawis niya shittt ang hot niya.
" Hoy ikaw hahhh kung makatingin ka sa kanya parang may something may gusto ka ba kay light sabihin mo na" pag sisingit ni avira hayyss kultusan ko kaya ito.
" Anong may gusto ka dyan ?? Never in my entire life " pangbabara ko totoo yun kasi ayaw ng parents ko ang bakla
" Let's see alam kong kakainin mo yang sinabi mo" ngising saad nito hayyss kung magkataon man yon baka parausan ko lang siya noh pero shittt parang ang hirap naman gawin yun sa kanya para siyang isang diyamanteng kailangan pakaingatan. Pagkatapos ng pag eexercise niya nahagilap naman ng aking mata na maraming nakaikot na lalake kay light shittt ba't parang naiinis ako Parang ayokong mapalapit siya sa iba parang gusto kong ako lang ang palaging nilalapitan niya shittt at ba't ba hindi niya pa sinusuot ang damit niya yan tuloy pinagpiyepiyestahan na siya ng mga lalaki diyan na alam ko namang katawan din ang habol sa baklang yun.
Shiela's POV
Sa wakas natapos na rin kami sa physical activities namin nakakarindi itong physical activities na ito shittt. Shittt yung light na yun pinag aagawan na ata ng mga matsong lalake shittt. Pupuntahan ko na sana siya ngunit sa hindi inaasahan na pagkakataon ang isa sa mga heartthrob ng campus ay pumunta sa kanya walang iba kundi si prince xaiver kiyaahh nakakakilig dinalhan pa talaga siya ng pangtakip ng katawan hayyss nakainggit kailan kaya ako makakalovelife itong si light parang inunahan pa ata ako. Yung mga royals naman at si dim ay nagulat din sa inasal ng Prinsepe ehh sino bang hindi magugulat, ehhh ang sabi sabi kasi yang si prince xaiver gagawa lang yan ng ganyan sa kanyang mahal, nagagawa lang niya yan kay princess eva medison na ngayon ay nasa higaan at nakaratay hindi pa daw nagigising. Shitt pagkatapos pa lang binigyan ng pangtakip si light may parang binulong pa iyon waittt ano kaya yun makitsismis nga.
Light's POV
Ang mga lalaki dito ba' t ang dami nila shittt pinapalibutan nila ako mga manyak tatayo na sana ako ng may biglang nag lagay ng malaking jacket sa likod ko waittt sino yon. Naramdaman ko namang bubulong ito sa tenga ko.
" Hmmm bango mo wag mong kakalimutan yung 1v1 battle na tin alam kong magiging alipin pa kita" sexy nitong sabi wait boses yun nang kapre shittt napaka hot nang boses niya. Nakita ko namang nagsialisan ang mga lalaki sa paligid ko yung mga tao naman pati narin mga professor ay nakatingin sa akin shittt. Nahagilap naman nang aking paningin na nakaupo siya sa gilid ko shittt kapreng ito hindi parin pala nakadamit ang tinapay niya nakabalandera parin shittt lord ilayo mo ako sa tukso.
" Yang tingin mo!! kung makatingin parang kakainin mo yung abs ko but if you want you're free to do it, just call me I'm all yours " pagwiwika ng kapre yakkss as if naman kakainin ko yan ewww.
" Umalis ka dito manyak ka " sigaw ko sa kanya siya naman nakangisi lang shittt ang manyak ng tingin kung makatingin sa utong ko parang kakainin niya no way, kaya yun tinakpan ko, at napabalik naman siya sa wisyo.
" Ba't mo tinakpan !!" Inis nitong saad yakks ang manyak kaya yun tumakbo ako patungo kay shiela hindi pa ako nagdamit kasi si shiela ang nagdala ng damit ko.
" Kiyaahh may something ba sa inyong dalawa ikaw hahhh bestfriend mo ako hindi ka nagsheshare diyan " pagtatampo ni shiela wow gagang ito hindi niya ba alam na yung utong ko ay nasa bingit ng kamatayan kanina.
" Gaga ka alam mo ba na manyak ang kapre na yun" pangbabara ko sa kanya.
" Hayaan mona atleast royal siya at campus crush pa" tugon ng bruhang si shiela.
" Gaga ka kung gusto ibalandera mo yang suso mo sa kanya wag ako " inis kong wika sa kanya siya naman hayys nako ang lakas ng tawa nakisabay narin ang isang bruhang si dim.
Fast forward.....
Agad na kaming pumasok sa kanya kanya naming room ang section ko nga pala is 1 sa GAS building o general academic building may 6 buildings dito ang GAS, freshmen, sophomores, junior, senior at royals. Sa lahat ng mga estudyante sa paaralang ito ang royals ang may special treatment sa lahat, mapa pagkain ,damit at may private professor din sila nohh kaya sila malakas but for me they are just langggam hahahha. Kung special ang mga royals may pagkapareho lang ang mga GAS, special na subject kasi ito bihira lang ang mga pumipili nang subject na ito, sabi nila kapag hindi ka matalino magiging boring ang buhay mo sa subject na ito dahil lahat dito ay loner, genius at higit sa lahat ay mga snobber, bihira lang ang salitang friends dito kaya nga gusto ni rose na umalis pero kailangan niya daw akong gabayan. Sinuot ko na ang white long sleeves na polo ko na may tatak ng logo sa bulsa nito, necktie, black slack, black shoes at ang itim na roba na may green sa duluhan nito na simbolo nang pagiging GAS namin ang sa frehmen naman ay white ,ang sa sophomores naman ay bronze, sa junior ay silver, senior naman ay aqua marines, at ang sa mga royals naman ay kulay gold. Wag kayong maguluhan hah mag kaiba ang freshmen sa GAS , ang freshmen, oo sasabihin ko nang freshmen ako pero sa labas lang dahil sa totoo, freshmen ako but when i chose GAS ,kapag nasa klase kana you should be a GAS students kapag sa labas ka pwede mona ulit magamit ang freshman word but take note hahh sa GAS ay halo halo kami freshmen, sophomores, junior, senior, walang royals because they had special and private professor.
Agad naman akong pumunta sa aasign room ko nakita ko naman si rose na simula ngayon ay makakasama kona palagi dahil magkakaklase na kami.
" Ohh light halika na pumasok na tayo hinihintay Lang kasi kita kaya ako andito sa labas" pagdadahilan ni rose agad naman niyang hinawakan ang aking kamay at kinaladkad papuntang room, grabe naman itong mga students dito babad lang sa books, favorite ko ring magbasa ng libro but not like this, umagang umaga babad na.
" Wag monang pansinin yan ganyan talaga sila " bungad na saad ni rose sa bagay totoo naman.
" Good morning class" pagbabati ng professor namin at tumingin sa akin.
" Ohhh we have a new freshmen here kindly introduce yourself" pag uutos ni professor agad namang akong tumayo at nag pakilala.
" My name is light celester and I'm 18 years old."Pagpapakilala ko sa kanila nakita ko naman na parang nagulat si professor.
" Ohhh so magkapatid ba kayo ng heneral ng biringan city na si michael celester, at yung professor sa zenzaria na si ethan celester" gulat na wika ni professor.
" Yes sir but were not biological siblings kinupkop lang po kami" tugon ko sa kanya.
" Ahhh i know that, ethan was my friend before and nice to meet you my name is matheo and you can call me professor matheo para formal I am your history professor" natatawa nitong saad medyo bata pa ang isang to hahh may mukha naman parang magkasing edad lang sila ni kuya ethan. Pag katapos kong mag pakilala ay agad akong umupo.
" So today our lesson is all about the creation of lux " pagpapanimula ni professor at napantig naman ang tenga ko sa sinabi niya so he will discuss about lux creation I'm so excited about that. Nakinig naman kaming lahat, walang ingay ang maririnig maliban lang sa huni ng hangin at ibon.
" Ang daming interested ngayon so let's start lux is the supreme creator of table of lux creaturae, tayong mga nilalang ay kanyang likha we are here inside the table of Lux creaturae, si lux ay hindi Lang isang creator isa rin siyang supreme angel, lux can command all angels even all entities like animals, creature na nilikha niya, ang hindi niya lang makokontrol ay ang mga tao at kagaya nating mga mahikero. But one day namatay silang dalawa dahil kay nox and his powers ay nagkawatak watak and that pieces of him became god no one ever know kung saan na silang dalawa ngayon there was a conspiracy theory that they reincarnated but that was proven xrong. So sa ngayon the over seer o ang kataas taasang bathala ay ang tagabantay sa dalawang mesa, the overseer is also sad to what happened. So let's tackle about his creation ,lux created the heaven and the earth, ang lahat ng mga nakikita na tin ngayon ay mga likha niya , ang ilan sa mga sikat na likha niya ay mga anghel but some of this angel ay fallen na or fallen angel they're the angel na nag alsa sa mga seraphim this seraphim are the highest kind of angel they're are the most powerful angel magkaparehas ang kapangyarihan nila sa mga bathala kung baga tabla, si lux lang ang nakakapagcommand sa mga anghel, wala ng iba pati narin sa mga bathala na mga kapangyarihan niya kung buhay lang siya ngayon and if possible that he reincarnated sa ibang katawan maybe that person is the most powerful ngayon baka si prince xaiver ay pangalawa lang. Lux also created constellation beings or guardian this type of guardian or beings ay bihira lang magkaroon ng master if one of you ay meron nito baka mapupunta kayo sa royals ,kung meron nga. This constellation beings are guarding every corner of table of lux creaturae, alam niyo ba ang mga ito ay makakapangyarihan talaga they are 4th kinds of creatures na malakas do you know why?? Ang madaling sagot lang naman diyan is that they can manipulate their kind example nalang nito si leo na leon pwede niyang utusan ang mga kalahi niyang leon kahit saang sulok ng mundo, kung si centaur naman kaya niya ring utusan lahat ng kanyang mga kauri na centaur din. Wala pang nagkakaroon ng ganitong guardian o creature if meron man siguro lalakas siya. Let's talks about sa gods and goddesses naman so karamihan sa kanila ay patay na pero kung gusto nilang lumabas sa divine realm na himlayan nila dapat magkaroon sila ng master, ang natitirang mga diyos nalang ay 11 nalang ang mga pangalan nila ay mahiqa the god of magic, siya ang pinuno ng mga buhay na diyos, spirus the god of life, celestia the goddess of star, luna the goddess of the moon, crystal the god of ice, voltron the god of lightning, pyro the god of fire, salis the god of water, lios the god of earth, halitos the god of air and the last but not the least the most evil and the enemy of the ten gods is magnos the god of dark magic, magnos is the traitor sa mga buhay na diyos at nakatira siya ngayon sa pluto. Binabantayan siya ngayon ng mga diyos dahil baka may binabalak siyang buksan muli ang lagusan ng table of Nox creaturae ang laman ng mesa na ito ay mga nakakapanindig balahibong mga nilalang na walang ibang ginawa kung hindi gumawa ng kahindik hindik na pagpapaslang sa mga nilikha ni lux noon nung unang digmaan , some of them are living here sila yung mga tiratirang mga nilalang na nakaligtas at nagpaparami dito i will not discuss that sa susunod na dahil the time of our class for today is just 30 minutes lang bye" pagkuwekuwento ni professor kami naman ay walang imik, grabe kulang pa pala ang mga librong nabasa ko dapat damihan ko pa ang pagbabasa. And wait nakipag contract silang lahat sa akin yung mga bathala at mga anghel, i need to ask serephiel alam kong siya ang leader ng lahat ng mga anghel and i know na alam niya lahat.
" Sir sir wait" pagtatawag ko i want to know something lang. Tumingin naman siya sa akin
" What if sir nakipagcontract sign sila sa isang tao lahat sila mga anghel, mga bathala at fallen angel narin??" Pagtatanong ko sa kanya ang mga kaklase ko naman ay nakatingin lang sa akin na parang yun din ang tatanungin.
" The answer if that's happened that person will going to rule and conquer the whole world, dahil makapangyarihan siya, but that's impossible tanging si Lux lang ang makakagawa nun no one else yan ang sabi ng mga mananaliksik " tugon ni professor at umalis na, ako naman nakatunganga parin so bakit nakipagcontract sa akin ang mga anghel wala naman akong nararamdaman that I'm lux hindi ko naman nacocontrol ang mga creature gaya nalang ng pinagsasabi ni professor, maybe this is the time that i need to study more about the existence of lux.
" Huy nakatunganga ka na ganon na ba kabig deal ang mga sinabi ni professor sayo" bungad na wika ni rose at nabalik naman ako sa wisyo.
" Ahhh wala wala lang" pagtatangi ko
" Good morning class " pagbabati ng professor namin babae siya
" Alam kong may new freshmen kayo dito but we don't have enough time for introduce effect pa kaya i will introduce nalang myself para madali alam ko namang makikilala ko rin siya so my name is fianna your summoning professor" pagpapakilala niya habang nakatingin sa akin. Alam kong ako ang pinariringgan niya.
"So our topic today is about summoning but before that i just want to know if sino ang interesado na magjoin nang signing contract mamaya sa field i know that some of you hindi pa totally alam ng buo ang kapangyarihan niyo, malay niyo summoner din kayo diba raise your hand" pagsasalita ng professor, oo nga nuh if nakipagcontract sign sa akin ang mga anghel at iba its means I'm a summoner but in secret hehehhheheh makijoin nalang ako malay niyo baka may makuha pa akong bagong mga creature diba hahahahah. So yun nag taas ako ng kamay si rose naman hindi na niya tinaas ang kamay niya dahil baka she totally knows her power malay natin.
" So 10 kayo ok pagkatapos ng konting discuss natin ngayon punta kayo sa field dahil makikipagcontract sign kayo sa mga creature niyo" pagwiwika ng professor namin
" So let's start ang summoning ay isa sa pinaka malakas na kapangyarihan sa lahat pero may nagsasabi na mahina daw ito dahil umaasa lang ang mga summoner sa kapangyarihan ng kanilang creatures but they are xrong kapag naabot na ng isang summoner ang huling level pwede niyang kunin ang kapangyarihan ng kanyang creature that's the advantage of being a summoner subalit ang last level nito ay mahirap gawin kaya karamihan ng mga summoner umaasa lang sa kanilang pagtawag, mag kaiba ang summoning creature sa guardian ang summoning creature ay nakikipagcontract sign kapa para makuha mo sila at gawing alagad at kapag tatawagin mo sila makakapagrelease ka ng malaking mana na pwede mong ikapanghina or the worse ikamatay mo unlike guardian sila yung mga nilikha na hindi kapa pinanganak ay nakatakda na sila sayo they don't need to sign a contract para lang maging alagad mo sila at kapag tawagin mo sila you don't need to release your mana dahil lalabas at lalabas sila kaagad without using your mana. Kung may angel hierarchy, fallen angel hierarchy , at dark demons hierarchy ay meron din sa summoning, ang tawag dito ay guardian and summoning creature hierarchy dahil ang Guardian at summoning ay parehong creature lang ang gamit, so we have common sila yung mga creature na madalas nating nakikita, uncommon sila yung minsanan lang makita, rare sila yung mahirap na makita, epic sila yung mga creature na by ages like dinosaur, ice age beast ganun, legendary sila yung mga nilikha na may malalakas na kapangyarihan, mythical creature sila yung mga mythical creature at bihira Lang silang makita and the last but not the least ay ang UNIDENTIFIED creature sila yung mahirap na mahirap at bihira lang magkamaster at karamihan sa kanila ay nakatira sa mga realm nila ang mga legendary heroes or warriors , celestial guardian or constellation beings or guardian, angels, fallen angels , dark demons at ang god and goddesses if you get this UNIDENTIFIED creature magkasing lakas na kayo ng prinsepe xavier o higit pa kayo sa kanya. We have two kinds of contract signing first sa panaginip at second using levitation and focus." mahaba mahabang wika ng professor namin so it's means malakas ako sa prinsepe hehehheheh lagot ka sa akin this Wednesday dahil magtutuos na kami sa 1v1 namin heheheheh at lulubayan na niya ako heheheheh.
"So ang mga nagtaas kanina, proceeds to the fields ang iba naman ay kung gusto niyo sumama na kayo para makita niyo na rin malapit naman mag recess " pag wiwika ng professor agad itong nag teleport.
" Hawakan mo ako rose magteteleport ako" wika ko sa kanya agad naman siyang sumunod at nag teleport na kami.
Iniluwa kami ng kapangyarihan namin sa field yung iba naman ay nandoon na. Si rose naman umupo lang sa may gilid I think manonood ata siya.
" so let's start first feel your surroundings and close your eyes" pag uutos ni professor agad naman namin itong sinunod.
" If you feel na parang gusto niyong magpalutang ay iangat niyo kaagad ang paa niyo at mag injan seat kayo at pagdampiin niyo ang dalawang kamay niyo at magpapakita sa inyo ang mga creature niyo, mamaya ilalabas niyo iyan" pagwiwika ni professor agad naman namin itong sinunod pero ba't parang wala akong maramdaman, ilang sandali lamang ay parang gusto kong lumipad ohhh so this is it agad kong itinaas ang paa Ko at nag injan seat habang nakalipad, dinampi ko ang dalawang kamay ko at nag focus.....
Bigla na lang ako napunta sa ibang lugar parang maliwanag ito hahh. Nakita ko naman na may mga nakaarmor na mga tao sa harapan ko at nakayuko.waittt ilan sila 1 2 3 wait they are totally ten woaahhh.
" Master kami ay makikipag constract sign sayo kami nga pala ay mga legendary warriors na namatay noong sinaunang digmaan, ako si agarthia , siya si elementa, zora,ria , helia, terabin, dosnia , cronia, muria , at lilia " pagpapakilala nila woahhh legendary warriors another UNIDENTIFIED CREATURES na naman yess i can use this to prince xaiver.
" Makikipag contract sign po kami sa inyo" wika ni agarthia ang ganda niya sobra, siya ba ang leader ng legendary warriors na ito. Bilang tugon sa kanyang pa anyaya ay tumango ako, itinaas nila ang kanilang kamay at idiniretso patungo sa aking ulo. May mga lengwahe silang hindi ko maintindihan kaya yun tingin tingin lang ako sa kanila hahahah.
" Ngayon kami ay official niyo nang pag mamay ari master." Nakangiting wika ni agarthia at ngumiti, yess ilan na sila yess ang dami nila they are millions na plus yung mga anghel at mga fallen ANGELS and also God and goddesses kiyahhhh powerful na ata ako but I'm so worry ano kaya ang kahahantungan nito kapag ipapalabas ko sila mamaya siguro may magbabago sa akin.
Agad naman akong napabalikwas ng pagkakalipad at nahulog, yung mga nakatingin sa akin lalo na ang ang prinsepeng xaiver na yun kung makatawa akala mo mananalo ka sa Wednesday let's see hahahahha.
" Tumayo ka iho ikaw naman kasi hindi mo hinintay ang signal ko nakipaglaban kaba??" Tanong nito
" Hindi po " sagot ko sa kanya ehh wala naman akong dalang gamit nohh para lumaban. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ng professor namin.
" hahh!! Paano mo nakuha ang creature mo kung hindi ka nakipaglaban tignan mo nga yang mga kasama mo hanggang ngayon nakalutang pa ibig sabihin niyan ay may nilalabanan pa sila para makuha nila ang creature nila" pagpapaliwanag nito.
" Imposible yan iho kung hindi ka nakipaglaban ibig sabihin niyan wala kang guardian " saad ng professor habng tinutulungan akong tumayo at nakatayo na ako.
" Hindi po talaga ako lumaban sa katunayan po niyan agad po silang nakipagcontract sign sa akin bale 10 sila" tugon ko sa kanya at nabigla naman ito.
" Ano 10 paano at sino??" Gulat na sigaw nito sa katunayan niyan hindi lang 10 , millions pa hahahahha.
"Ahmmm Sabi daw nila legendary warriors daw sila" tugon ko at lumaki ang mata nito.
" Ano legendary warriors?? Kailangan malaman ito ni headmistress" gulat na saad nito at tinawag ang isa naming kaklase na nanood at inutusan nito na tawagin si headmistress sabi ko na nga ba may magbabago ano pa kaya kung ilalabas ko ang iba.
" Alam mo ba na sila ang lahi ng iba't ibang mga kaharian lalo na ng agarthi kingdom at mga elemental kingdoms , sila ang mga legendary warriors na nagbuwis nang buhay nila para protektahan ang bawat kaharian noong unang digmaan isa sila sa mga malalakas na mga warriors noon" pagkwekwento ng professor sa akin ahhh so its means makapangyarihan sila heheheh patay ka sa akin ngayon xavier akala mo mahina ako no way.
"Ano't bakit niyo ako pinatawag??" Biglang saad ni headmistress grabe naman itong headmistress na ito bigla bigla nalang luluwa.
Dali dali namang pumunta ang professor at may ibinulong. Ilang sandali lamang ay napanganga at nagulat si headmistress sa bulong ng professor.
" Totoo ba yun light?" Gulat na tanong ng headmistress at tumango naman ako.
Headmistress Selena's POV
Nabigla naman ako sa binulong ni professor fianna
" Legendary warriors" wika ko sa aking isipan at sinabi pa niyang hindi daw sumailalim sa isang labanan si light.
" Totoo ba yun light?? "Gulat kong tanong sa kanya at tumango naman siya, may kakaiba sa batang ito sa tingin ko may itinatago itong lihim.
Na pwede naming magamit para manalo sa digmaan na nakasaad sa propesiya ng bato ng propesiya.
" Imposible ito dapat sumailalim ka muna sa isang labanan para manalo ka, light sino ka ba ?? " Biglang tanong ko sa kanya at siya naman ay parang kinakabahan, may itinatago talaga itong batang ito ehh kailangan na mabantayan ito aatasan ko na si bea at ang mga royals para imbestigahan ito. Napakaimposible nito 10 pa talaga no one ever did that ang maximum lang ng mga creature na kaya ng isang katawan ay 2 or tatlo.
" Si light po ako, isang ulilang anak na hindi nakilala ang mga tunay na magulang, na kinupkop ng isang mahikero na pinatay ng mga walang hiyang nilalang "pagpapatunay nito ohhh nakakaawa naman pala itong anak ko akala ko buo na ang pagpapakilala ko sa kanya , nakita ko naman ang lungkot sa kanyang mga mata, pinatay pala ang mga kumupkop sa kanya.
Light's POV
Yun na lang ang tanging naisabi ko sa katunayan niyan hindi ko pa nga alam kung sino ang mga magulang ko o kung meron ba dahil wala naman akong pusod, dahil base sa pag aaral ang isang bata ay hindi maaaring mabuhay sa sinapupunan kung walang pusod haysss. Hindi pa rin umalis si headmistress at umupo sa may bleacher baka manonood pa siya ng pagtatawag ko ng aming mga creature, yes so positive summoner na din ako hayys ngayon kolang talaga totally nalaman hayyss. Nakita ko namang tapos na silang lahat.
" So ngayon ilabas niyo sila tawagin niyo ang kanilang mga pangalan " pa uutos ni professor. Nahagilap naman ng aking mga mata na nanonood si prince xaiver gehehhe akala mo hahh.
"Legendary warriors, agarthia, elementa, zora, ria, helia, terabin, dosnia, cronia, muria at lilia labas" pagtatawag ko at bigla silang nagliwanag at nagpakita, nakita ko naman si prince xavier na nagulat at napanganga sa kanyang nakita blehhh hahahah. Nakita ko naman ang headmistress na napatayo at lumapit sa mga creature ko at yumuko pati narin ang professor namin ang iba naman ay nagulat at wala paring kaide ideya kung anong inilabas ko.
"Maligayang pag babalik mga legendary warriors milyong taon na po ang nakakalipas nung nasilayan niyo ang buong agartha at ngayon ay nakabalik na po kayo" nakayukong wika ni headmistress si prince xavier naman nakanganga lang kung may langaw lang sa field na ito baka kanina pa nilangaw yung bibig niya hahahah.
" Walang anuman ngunit na parito lamang kami para paglingkuran ang aming master " tugon ni agarthia
" Sige po kung ganun" marespetong wika ni headmistress wow ganito ba karespe respeto ang mga legendary warriors na ito.
"Master ano pong maipapalingkod namin sa inyo ?? Masama man yan o mabuti ay aming susundin" pagwiwika nito sa akin. Wow so mauutusan ko pala sila yess
" Ahhh wala lang pinalabas ko lang kayo dahil inutusan kami ng aming professor na ilabas kayo diba professor" wika ko at tinawag ko si professor, nakita ko namang nanginginig siya dahil sa nakikita niya ngayon ngehh.
Prince xaiver POV
Pinagtatawanan ko lang siya kanina pero ngayon hangang hanga na talaga ako sa kanya nagkakainteresado na talaga akong kilalanin pa siya special siya. Ang lalakas ng mga creatures niya pero ba't parang wala akong nararamdamang aura o presensyang malakas sa kanya diba nilabas niya yun dapat malakas din ang presensya niya. Siya lang ang tanging nilalang dito sa agartha na nakapagsummon nang sampu ang iba nga dalawa lang nalagutan na ng hinihinga dahil sa maraming mawawala sayo na mana pero siya parang wala lang sa kanya hindi ko nakikita sa kanya ang salitang pagod o nanghihina pagkatapos niyang tinawag ang mga legendary warriors nayan shittt makakapangyarihang nilalang yan pero mas malakas parin ako nohhh may guardian akong bathala si bathalang ares at ang anghel na seraphim na si metatron , at marami din akong creature surprised nalang hahahhahah. Wala pasiya sa kalingkingan ko hahahahah.
" Malapit ka na niyang maabot brohh" biglang wika ni james hayys ito namang unggoy na ito hayyss.
" No way wala pa siya sa kalingkingan ko ok lang sana kung bathala yan at anghel at may sampung kapangyarihan siya kagaya ko pero wala hahahahah so hindi pa Niya ako naabot hahahahah" wika ko at nag smirked.
" Wag kang panigurado xaiver alam kong may maibubuga pa siya" bungad na wika ni oliver wow wait akala ko ba kakampi ko itong dalawa ba't Parang mas kinakampihan nila yung bakla mahina na yun buwisit
Humanda ka sa Wednesday magpasalamat ka monday pa ngayon, alam ko namang matatalo ka hahahahhah at magiging alipin at parausan lang kita makikita mo hahahahha
Abangan.....