Download App
86.36% Parausan / Chapter 19: Chapter 19 Not Two But Three

Chapter 19: Chapter 19 Not Two But Three

"Hoy ano bang problema mo?" tanong ko

"Wala, bakit masama ba kung gusto kitang makita?" tanong niya

Oo aaminin ko, hindi na ko natutuwa at kinikilig sa mga sinasabi at ginagawa niya para sakin.. Hindi ko alam kung bakit pero, basta ang alam ko lang ay gusto ko ng itigil kung ano man ang meron samin...

"Eh dyan ka naman magaling eh, sa mambola pero hindi mo kayang panindigan yung mga sinasabi mo!!" sa isip ko

Hindi na ko sumagot sa kanya at binaba ko na lang ang cellphone ko at natulog na ako dahil sa sakit ng katawan ko...

"Narinig ko ngayon na daw sasabihin kung ano yung pagca-campingan ah?" sabi ni eli

"Ano sasama ka ba?!" tanong naman ni noah

"Yumi!! sama ka na ha? sasama daw kasi si kyle eh!! please!!" nagmamakaawang sabi ni eli

"Narinig mo? nagpapaniwala ka nanaman?!" sagot ko

"Pero sige, sasama na ko!!" sagot ko sabay ngiti

"HALAAA?? TRUE BA? THANKS TALAGA YUMI!!" sabi ni eli sabay yakap niya sakin

"Basta umayos!! ayoko ng gulo!!" sabi ko

"OPO BOSS!!" sabay na sabi ni eli at noah..

Habang naglalakad kami ay narinig namin ang bell kaya agad na kaming nagmadali para pumasok sa room, pero wala pa dun si Mrs. Castro...

"True ba na break na ulit si Rein at Pat??" sabi ng kaklase ko

"Ayy narinig mo din??"sagot naman ng isang babae..

"Ano daw nangyari??" singit naman ni Eli

"May third party daw kasi!! pero this time si Rein yung nahuli!!"..

"HUH?? seriously? How? and Why?" tanong naman ni eli

"Ewan ko nga din eh, pero kung ako yun hindi ko na babalikan si Rein, dahil for sure mag-gagantihan na lang kami" sagot naman ng isang babae..

"Pero hindi ikaw eh.." sagot ni eli

Lumakas yung tibok ng puso ko sa narinig ko, Alam na kaya nila? Pano nila nalaman? Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nararamdaman kong kaba, sumasakit yung ulo ko parang sasabog na...

"So ang nanalo ay ang???" pabitin na sabi ni Mrs. Castro, buti na lang ay dumating si Ma'am dahil kung hindi baka nahimatay na ko..

"Ano?Ano??"

"Ma'am sabihin mo na!!"

"Bilis!!"

"Oh wait!! masyado kayong excited!!" sabi niya at biglang tawa..

"Ma'am naman kasi eh!!" sabi nila

"Beach Camping!! Yeheyy!!" sabi ni Mrs. Castro

"Yess!! Thankyou g!!"

"Hala? gusto ko pa naman sa forest!!"

"Excited nako!! Basta sabay sabay tayo aalis ah!!"

"Excited na ko!!" sabi ni eli

"Me too!!" sagot ni noah

Habang ang buong classroom ay nagsasaya ako? ito nakatulala dahil hindi padin ako makamove-on sa sinabi ng kaklase ko..

"Yumi??" tawag sakin ni Ma'am

"Hoy yumi tawag ka ni ma'am!!" bulong sakin ni eli sabay tapik sakin..

"hmm? Pasensya na po ma'am" sagot ko

"May problema ba??" tanong niya

"Wala po ma'am puyat lang po.." sagot ko

"Anyway, paki announce na next week na yung camping at kailangan this week ay mabigay na yung ido-donate pati ikaw!! yung sagot mo hinihintay ko!" sabi ni ma'am at umalis bigla..

"Hoyy yumi!! napapadalas yung pagiging tulala mo!! ok ka lang ba??" tanong ni eli

"Haystt, ok lang puyat lang toh!! tara na nga wawa!!" sabi ko at umalis na kami..

Habang naglalakad kami ni noah ay nakasandal ako sa braso niya at hawak ang kamay niya dahil sa nakakaramdam ako ng pagkahilo, Nagulat ako ng..

"Ehem ehem!!" mahinang sabi

Nagtataka kami kung sino iyun kaya agad naman akong tumalikod para tignan nagulat ako ng makita ko si Rein kaya agad naman ako bumitaw kay Noah..

"Dikit na dikit ah!!" sabi ni rein sabay tawa

"Sige alis na ko baka nakakaistorbo na ko sainyo eh" sabi niya at tumawa ulit siya..

Nagtataka ako kung bakit hindi man lang tumingin sakin si Rein bagkus tumawa pa ito..

Maya maya lang ay nasa Room na kami nila Rein pero hindi ko nakita si Pat..

"Yes lovers?" sabi ng teacher samin ni noah

"Hmm? may announcement lang po.." sagot ko

"Hello!! may result na, at BEACH CAMPING ang mas madaming boto.." sabi ni noah

"And next week na yun kaya by this week kailangan na yung ido-donate para maasikaso na!" nanginginig kong dagdag..

"Thankyou po ma'am" sabi ni noah

"No problem lovers.." sagot naman ng teacher nila Rein

Makalipas ang ilang oras ay natapos na namin ni noah ang pagiikot at sakto ay uwian na yun..

"Yumi una na ako ah!!" sabi ni eli

"Ah ok lang!!" sagot ko

"Mi, ako din may problema kasi sa cafeteria, pasenya na hindi na kita maihahatid!! bawi ako bukas promise.." sabi niya at halik niya sakin sa noo

Hindi ko alam bakit pag kay Noah ok lang paghinalikan ako sa noo, pero pag sa iba galit na galit ako.. Siguro dahil sa nasanay na ako, Pero kung si Noah yung minahal ko at hindi si Rein masaya sana ako ngayon..

Naghihintay ako ng masasaktan pero dahil sa sobrang tagal dahil sa walang masakyan at naglakad na lang ako nagulat ako ng makita ko si rein na may kahalikan.. Pero hindi si Pat, ibang tao..

Natulala nanaman ako sa nakita ko at parang

huminto yung oras sa nakita ko..

Ang sakit!! ang sakit sakit!! Ang sakit na malaman ko na pinagsasabay kaming dalawa ni Pat.. Pero mas masakit yung nalaman ko na hindi lang pala kami dalawa kundi tatlo..

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko gusto ko siyang sugudin, gusto ko siyang murahin, gustong ko siyang tanungin kung BAKIT!! pero hindi ko magawa!! dahil alam kong wala akong karapatan..

Dahil hindi naman ako yung tunay dahil isa lang ako sa REBOUND ni rein at ang masakit ay choice ko iyon at pumayag ako..

"Ang tanga tanga mo talaga yumi!! hindi ka naman ganyang pinalaki ng magulang mo ah!! bakit ka pumayag!!" sa isip ko sa sobrang tanga ko kulang nalang saktan ko na yung sarili ko..

Hanggang sa makauwi ako sa bahay na parang lantang gulay, namatayan, yung tipong parang gumuho talaga yung mundo ko

"Yumi!! ano bang nangyayari sayo??" tanong ni mama

"Bakit ganyan yung itsura mo??" tanong niya ulit sakin..


CREATORS' THOUGHTS
kaishi kaishi

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login