"dun ka na lang muna sa kwarto ni yumi" sabi ni mama habang pababa ng hagdan nagulat ako kasi bandang huli ako pa mawawalan ng higaan? "ma anong sa kwarto ko?saan ako matutulog?"galit kong tanong kay mama "ang dumi kasi ng isang kwarto hindi ko pa nalilinis"sagot ni mama "tita eh kung dito na lang po ako sa sofa matulog?" tanong ni rein "oo nga naman ma siya naman yung may gusto e" sagot ko "bisita ka namin tapos sa sofa ka matutulog?" sagot ni mama "ok lang po ako tita" sagot ni rein "sure ka ba?" tanong ni mama "opo naman tita" sagot ni mama "oh siya yumi matutulog na kami ng papa mo ikaw nang bahala dyan kay rein,oo nga pala maghugas ka ng plato ah" "ano ba yan ako na nga maghuhugas ako pa magaasikaso dyan kay rein nakakairita"bulong ko "tita ayaw po yata ni yumi eh" sagot ni rein "eto si rein paepal ka e noh?wala naman akong sinasabi eh"sagot ko "tigilan niyo na yang dalawa sige na maghugas ka na" sagot ni mama habang papaakyat ng hagdan "gusto mo ako na maghugas niyan?" tanong ni rein "wehh?gusto mo ba?" tanong ko "kung papayag ka?" sagot niya "oo sige ikaw na lang tutal naman ikaw yung dahilan ko kung bakit ako na hospital"bulong ko "oo sige ikaw na lang pagod din ako e"sabi kosa kanya..
Habang naghuhugas siya ng plato ako naman ay kinakuha yung mga gagamitin niya sa pagtulog "bat kasi dito ka pa matutulog eh diba hindi ka naman sanay sa matulog sa sofa?"tanong ko sa kanya "ano naman?tsaka inalok ako ng mama mo alangan namang tanggihan ko?baka pagtumanggi ako hindi na ko makapunta dito eh"sagot niya "ok nga yun eh para di ka na pwede pumunta dito"pangaasar ko sa kanya "susumbong kita kay tita ah" sagot niya "alam mo rein nakakainis ka umuwi ka na nga sainyo" sagot ko "kayong dalawa tumigil kayo dyan ah" sigaw ni mama habang siya ay nasa kwarto "tita si yumi po pinapauwi na ko"sagot ni rein "ma hindi ah"sagot ko "yumi tumigil ka dyan umakyat ka na nga dito" medyo galit na sabi ni mama "ma wait lang po"sagot ko habang papalapit sakin si rein dahil tapos na siya sa paghuhugas "lalo kang gumagwapo" nasa isip ko "alam mo rein nakakainis ka e no?sumbongero ka!!"sabi ko sa kanya "eh ikaw naman kasi eh"sagot niya "anyway ok ka lang ba dito matulog?" tanong ko "oo naman baket gusto mo ba tabi na lang tayo sa kwarto mo?" tanong niya "oo sana kaso magagalit si papa este alangang ayoko baka kung ano pa gawin mo sakin eh"sagot ko sa kanya "baliw ano naman gagawin ko sayo HAHAHAHAHA" tanong niya sakin "wala" sagot ko..
Tinititigan niya lang ako habang lalong lumalapit sakin hanggang sa hahalikan na niya sana ako kaso biglang "yumi nasan ka na?" sigaw ni mama,kaya't natigilan kami dalawa at tumakbo papaakyat sa kwarto ko "ma eto na po nasa kwarto na ko" sagot ko "sige na magpahinga na ikaw din rein matulog ka na ah" sabi ni mama "opo tita" sagot ni rein
Habang nakahiga ako sa kama ko iniisip ko kung bakit niya ginagawa yung mga bagay na hindi naman niya talaga ginagawa tulad ng paghuhugas ng pinggan alam kong hindi niya ginagawa yun kasi mayaman sila for sure may yaya sila tsaka campus crush siya tapos maghuhugas siya ng plato, isa pa ang pagtulog sa sofa alam kong hindi siya sanay matulog sa ganun kasi kung titigan mo mukha siyang maarte tsaka feeling ko anlaki laki ng kwarto nun tapos matutulog siya sa sofa,ayokong umasa na ginagawa niya yun para sakin kasi alam kong bandang huli ako lang ang masasaktan at hanggang sa nakatulog na pala ako kakaisip,
Makalipas ang ilang oras kong tulog nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw at bumaba ako para uminom ng tubig habang pababa ako ng hagdanan natataw ko na si Rein na mahimbing na natutulog pero hindi ko ito pinansin at diretsyong pumunta sa kusina para uminom ng tubig,habang umiinom ako ng tubig nakita ko si rein na giniginaw kaya't pagkatapos ko uminom ng tubig kinumutan ko siya habang nakatitig at napasabi ng "ang cute mo pala pagtulog,ay hindi ang gwapo" parang may kumokontrol ng bibig ko para sabihin yun at nung papaalis na ko nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay at hinila ako papalapit sa kanya sobrang lakas ng tibok ng puso ko nun parang tumigil yung mundo at lalayo pa akong nanghina nang bigla niya akong yakapin limang minuto din niya akong yakap at sa loob ng limang minuto walang kaming nasabing salita kahit isa at nung nararamdaman ko na para na siyang tulog kaya umalis na ko at bumalik sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pagtulog...
*tok tok tok tok*
"yumi gumising ka na kakain na tayo bilisan mo lumalamig ang pagkain" sabi ni mama "opo ma" sagot ko, hanggang sa bumaba na ako para magalmusal pero nung pagbaba ko si mama lang ang nandun at hindi ko nakita si rein "ma si rein po?" tanong ko kay mama "umuwi na siya anak may aasikasusin pa daw siya eh" sagot ni mama "ah ok po" " umupo kana at kumain" sabi ni mama "ma hindi ba niya sinabi kung ano aasikasuhin niya?" tanong ko ulit kay mama "nak may gusto ka ba kay rein?" tanong sakin ni mama "ha? ma? wala po ah bat naman ako magkakagusto sa kanya?" namumutla kong sagot kay mama "yung totoo anak?" tanong ulit ni mama sakin "ito si mama ang kulit wala nga po" medyo galit kong sagot sa kanya "obvious kasi anak,pero sige sabi mo wala kang gusto,antayin ko na lang na sabihin mo sakin" sagot ni mama at hindi na ko nakasagot at pagkatapos kong kumain naligo na ko para pumasok sa school papaalis na ko ng bigla akong inalok ni mama "hatid na kita yumi?" tanong niya sakin "baka may gagawin pa po kayo ma" sagot ko "wala na anak wala naman akong gagawin dito sa bahay e" sagot ni mama "sige po ma tara na po baka malate pa po ako e" sabi ko kay mama.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.